CHAPTER 4

2119 Words
Wala na sa aking isipan ang alamin kung saan lupalop ako nakahiga kanina. Panginoon ikaw na po ang bahala. Hindi ko naman kaya lunukin ang lahat ng sakit, sometimes we need to know when to stop. Nagmamadali ko naman sinuot ang sapatos ko at agad pumanhik palabas ng silid ni Mr Ingrid. Napansin kong wala narin si Mr. Ingrid sa kanyang opisina. Inilibot ko muna ang aking mata sa kabuuan ng kanyang office. Bahagya ko naman naalala ang mga masasakit na salita nito at saka ko nalaman na nakahawak na pala ako sa aking labi. Yung mga halik niya ang dahilan kung bakit ko minsan nakalimutan ang mga sakit na aking diniramdam. Just one kissed can ease the pain. Pinulot at kinuha ko nalang ang ballpen na nasa lamesa nito at ginawa ang aking intensyon. Alam ko, nagpapahiwatig na sumuko nga ako, pero pagod lang naman ako, wala akong sinabi na susuko ako. Hinihingal na ako dahil sa pagtatakbo. Lumilingi muna ako upang mahanap kung saan ang daan papunta sa silid ni baby Ameerah. "Rinne!" boses iyon ni Lola Maring na galing sa may dulo ng hallway. Agad akong tumungo sa gawi niya. Halatang kanina pa nag-aalala si Lola Maring kaya niyakap ko siya kaagad. Yung sakit na nararamdaman ko, pakiramdam ko mas dumoble ang bigat nito. Dagdag pa ang pagkawalan ko ng trabaho at ang kasalukuyang kalagayan pa ni baby Ameerah. Bumitaw na si Lola sa pagyakap sa akin. "Iha san kaba nagpunta? hindi ko talaga maiwasan ang hindi mag-alala sayo" pag-aalala naman ni Lola. "Wag moko alalahanin La, may inaasikaso lang talaga ako" kusa nalang dumaloy ang luha ko sa aking pisnge dahil hindi ko na magawang napigilan ang kanilang pagbuhos. Hindi ko na kaya. Gusto ko na talagang sumigaw! Saan ako mag-aapply ng trabaho ngayon? Saan ko naman kukunin ang pambayad para sa 5 million sa loob ng isang taon lamang? Paano na ang patuloy na medication ni Baby Ameerah? Panginoon bigyan mo po ako ng lakas ng loob!!! "Hindi tayo pababayaan ng panginoon Rinne, lagi mong tatandaan yan" halos paos na saad sa akin ni Lola habang hinahaplos-haplos niya ang likod ko. Tumango tango nalang ako. May mga nurse ang dumaan sa tabi namin na mukhang nagmamadaling pumasok sa loob ng silid kung nasan si baby Ameerah. Mabilis akong lumingon sa kanilang gawi. Nagkataong bumukas ang pinto at namilog naman ang aking mga mata dahil sa nakita. Kung ano-ano nalang ang ginagawa ng mga doctor kay Ameerah upang buhayin siya at napaka seryoso talaga nila sa kanilang ginagawa upang maisalba lang si Ameerah. Napaluhod ako at napahagulhol nalang dahil sa mapait na nangyayari ngayon kay baby Ameerah. Panginoon wag po muna ngayon! Kailangan kong makabawi sa kanya. 30 minutes had passed... Maya't maya ay nabaling sa bumukas na pinto ang attention namin ni Lola. Niluwa nito ang isang Doctor na naka mask. Lumapit kaagad ako sa gawi niya. "Doc? kamusta na po siya? masama pa po ba ang kalagayan niya?" sunod-sunod na tanong ko naman kay Doc. Inalis nito ang kanyang mask bago nagsalita. Humugot muna siya ng malalim na hininga. "Ms. Sandievo your youngest sister's condition is now stable kaya pwede na kayo magpahinga. We will going to transfer her to the new upgraded ICU at floor #15" saka ito nag-vowed bago kami iniwan ni Lola. She's now stable. Pakiramdam ko nabawasan ng isang layer ang bigat ng langit at lupa sa balikat ko. Thanks God! God, Thank you so much. Okey lang na mawala sa'kin ang trabaho ko. Basta wag lang ang nag-iisang gintong kasiyahan ko at si baby Ameerah 'yon. Three months later... "Mamashie, doon po tayo" hyper na pag-anyaya sa akin ni Ameerah. Hinila niya ako malapit sa may Ice cream kahit hindi pa ako nakapag salita if gusto ko oh hindi. Nagmamasyal kasi kami ngayon dito sa may park upang maigala lang saglit si bulilit. "Gusto ko po ng Ice cream. please Mamashie?" batid ko ang kanyang pagpupumilit sa akin na nauwi sa pag-puppy eyes. Actually medyo bawal pa sa kanya ang mga cold at matatamis na pagkain. Pero pagbigyan ko nalang muna, minsan lang naman niya ito gagawin. "Okay bili tayo ng ice cream pero promise me na dapat kaunti lang kakainin mo hah?" naka-ngiti kong sambit sa kanya. Kaagad ko naman siya dinala sa may ice cream na banda. "Opo!" sagot niya sa likod ko. Nakangiti kami pareho ni Ameerah papunta doon pero ang ngiti ko ay biglang naglaho. Why so sudden? Is this a coincidence? Napahinto ako ng biglaan dahilan kaya tumama sa may hita ko ang noo ni Ameerah. "Aray naman Mamashie!" reklamo niya pero hindi ko iyon pinapansin. Nakatuon lang talaga sa kanya ang mga mata ko. Bakit ako kinakabahan Pakiramdam ko halos lumalamig na naman ang buong katawan ko. Lumunok ako habang tinatanaw siya malapit sa may sorbetes na kasalukuyang bumibili din ng Ice cream. "What flavor do you like Tobi?" naka ngiti niyang tanong sa batang lalaki. "I want Ube!" Aniya naman ng batang lalaki. Nahagip ng mata niya ang presensiya ko kaya mabilis akong tumalikod mula sa kanya. Nagmumukha na kaming nagtatago ni Ameerah saka mabilis ko siyang hinila palayo doon sa park. Hindi niya ako pwede makita. Alam niyo na? "Mamashie, hindi pa po tayo bumili ng Ice cream ko" reklamo ni Ameerah. Pumara kaagad ako ng trycicle saka mabilis na pinasakay si Ameerah habang nakabusangot ang mukha. "Baby, pasensiya na bibili nalang tayo sa mall hah? Medyo nainitan kasi doon si Mamashie sa park" pagpapaliwanag ko sa kanya. Ngumiti naman siya pero pilit nga lang. Ayun nga bumili muna ako ng ice cream niya sa mall bago umuwi. Pauwi na kami ngayon at ang lalim ng iniisip ko. Kumurap ako dahil naaninag ko na mula sa malayo ang aming bahay. "Hinay lang Ameerah baka madapa ka" suway ko sa isang batang makulit na tumatakbo papasok sa loob ng bahay. "Manong ito na po ang bayad ko" sabay abot ng pera kay manong trycle driver at nagmadaling sinundan si Ameerah. Hindi pa ako nakaabot sa may gate ng bahay ay nadatnan ko na ang bulilit na naka subsob sa semento. Sabi ko na nga e. "Whhaahha Mamashie" usik niya habang umiiyak. Lumuhod kaagad ako saka siya itinayo. Inilibot nito ang kanyang kamay sa aking leeg. "I told you to slow down diba? ang kulit mo kasi baby e" saka ko pinunasan ang mga luha niya. "Stop crying na okey? wala ka naman sugat baby sssssh" "Jusko! bakit umiyak si Ameerah Iha?" Sambit naman ni Lola Maring mula sa loob ng bahay habang tinakip ang kanyang bibig. Tumahan na sa pag-iyak si Ameerah kaya napagdesisyonan kong kargahin nalang siya papasok sa loob ng bahay. "Masyado kasing makulit La kaya eto, nakipag yakapan sa lapag" tugon ko kay Lola saka pumanhik sa loob ng nirenta naming bahay. "Haay jusmiyo! kawawang bata" sabi nalang ni Lola. "La, patutulugin ko muna 'tong si bulilit mukha na kasi siyang napagod sakaka-libot kanina sa park" malumanay kong paalam kay Lola bago tinahak ang hagdanan papunta sa aming kwarto ni Meerah. "Iha, hindi pa kamo naghapunan dalawa ni bulilit baka magutoman kayo niyan saka nagluto ako iha kaya kain muna kayo" malumanay na saad uli ni Lola saka kumuha ng plato. Naramdaman ko naman ang paghikab ni baby Ameerah. "Mamashie, I want to sleep na" usik nito. "Yes, baby..." "Sige La, mamaya bababa nalang ulit ako. Antok na kasi itong si bulilit" tumango lang si Lola sa akin at umakyat na ako pataas. Double story ang bahay na nirenta ko kaya medyo may kalakihan. 3 months has been passed. Laking pasasalamat ko sa panginoon dahil hindi naging mahirap ang pagpagaling kay Ameerah. Naging normal na bata na siya ngayon dahil wala na itong iniinda na sakit. Yun nga lang, mas naging makulit at hyper na siyang bata ngayon. Kung ano ano nalang ang ginagawa at pinag-sasabi. Grade 1 na siya at masayang nakikipag-halubilo sa mga kapwa niyang bata. Kagagaling lang namin sa park. Nangako kasi ako sa kanya na kapag may Top siya sa klase ay lalabas kami at sinunod naman niya. Matalinong bata si Ameerah kaya siya ang naging Top 1 ng kanilang klase. Nag-resigned narin ako sa kompaniya ni Mr. Heiden Ingrid. Tatlong buwan na ang lumipas at hindi pa ako nagpakita at nakapunta sa opisina ko. Hindi ako nagkamali sa nakita ko kanina. Siya iyon at kasama niya ang kanyang pamangkin na anak ng kanyang Ate na si Mrs. Felicia Ingrid Solano at asawa niya si Heart surgeon na si Mr. Clark Solano ang doctor ni Ameerah. Mas naging makisig ang katawan ni Mr. Ingrid kanina and that's the first time that I saw him smiling again after three months. Pansamantalang nag-tratrabaho muna ako bilang Waitress sa isang Bar at Restaurant pero paano ko naman mababayaran ang 5 million laban sa sampung libo (10,000) na sahod kada buwan? Mas lalo akong nalulungkot kapag nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya. Tila bang nagagalak akong makita siya kahit saglit pero impossibleng mangyari ang gusto ko. Pumasok ako sa loob ng kwarto saka Inihiga si Ameerah at napangiti ako sa kanya. "Mamashie, I love you po thank you for today. Goodnight mwaah" sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. Pinasadahan niya ng halik ang leeg ko. pakiramdam ko nawala lahat ng pagod at paghihirap ko kapag niyayakap ako ng bulilit na 'to e. "Ssshh I love you too baby" bumitaw ito sa pagyakap sa akin saka humiga at dahan -dahan pinikit ang mga mata. Tinabig ko ito sa kanyang tuhod. "Hep-hep! ano ang sabi ni Mamashie kapag bago matulog?" aniya ko dahilan kaya bigla itong umupo. "Mamashie told me mag-pray muna bago matulog" masaya niyang sambit at muling ipinikit ang mata at nanalangin. Napangiti ako sa ginawa niya dahil naging aktibo itong bata. "Papa Jesus, thank you so much for giving me my Mamashie and Lola Maring and for gamot gamot my puso" gusto kong tumawa habang pinanood siya. "Bless us everyday Papa Jesus at sana po maganda panaginip namin ni Lola, ako at ni Mamashie. Goodnight po Papa Jesus" sambit niya habang nakapikit ang mata at naka-ngiti. "Sleep na baby. May klase kapa bukas okey?" hinalikan ko ito sa noo. "Goodnight Princess Ameerah" "Goodnight too Mamashie I love you po" sabi niya bago mahimbing na natulog. "Mabuti naman magaling na si Ameerah iha pero naku naku ang kulit niya talagang bata" masayang sambit ni Lola habang naghuhugas ng pinggan. "Oo nga La minsan parang ayaw ko ng umalis sa bahay dahil nasisiyahan talaga ako sa kakulitan ni Ameerah" tugon ko at ipinagpatuloy ang pag-subo ng aking pagkain. "Iha, minsan napapasubo talaga ako kay Ameerah. Sumasakit ang balakang ko kahahabol at kababantay sa kanya sa eskwela" saad ni Lola habang pinunasan ang basa niyang kamay at nag-aakto na masakit ang balakang nito. Nakaramdam na naman ako ng pagkadismayado sa sarili at awa kay Lola. Kailangan ko ng makapag hanap ng babysitter ni Ameerah pero saan ako kukuha ng pambayad? Mapait akong ngumiti kay Lola. "La, kunting tiis nalang hah? Mahahanapan ko rin si Ameerah ng babysitter kapag nakaipon na ako. Baka po kasi kayo ang magkakasakit sakaka bantay sa kanya" lumapit sa akin si Lola at umupo sa harap ko. "Haay naku Rinne wag mo na 'yan isipin. Okey lang ako iha. Sa halip nga mas nasisiyahan akong makasama ang apo ko" nginitian ako ni Lola saka niya dahan dahan hinawak ang kamay ko. Tumango-tango naman ako at tinugon ang kamay ni Lola. "Ma-maraming salamat La" mahinang saad ko na halos mangiyak-ngiyak. I'm so grateful for having such a generous and genuine grand mother. "Wag mo nang isipin 'yan iha. Magkasama lang tayong tatlo ay ikakasaya ko na iyon dahil 'yon lang ang importante sa akin" tumango ako at mas hinigpit ang pagkahawak ko sa kanyang kamay. "Oh, siya nga pala Rinne Iha ayaw ko talagang tanungin ka tungkol dito pero bilang kasama mo at karamay mo sa lahat ng paghihirap" sumeryoso ang mukha ni Lola. "Kailan mo ba kamo sasabihin sa kanya ang lahat?" hindi ako makapag-sagot dahil sa tanong ni Lolambagamat yumuko ako naibaba ko ang aking titig. Maski siya ay nakatitig lang sa gawi ko. "Iha, hindi mo maaring maitatago nalang habang buhay ang katotohanan" mapait na ngumiti sa akin si Lola. Nag-iwas nalang ako ng tingin at saglit tinugon ang ngiti ni Lola. "Alam ko ho La, may mga katotohan din na kailangan itago para sa ikabubuti ng Lahat" tumayo si Lola at lumapit sa akin saka niya ako niyakap ng mahigpit. "Okay lang yan iha. pag-isipan mong mabuti yung sinabi ko" huling salita ni Lola bago siya nagpaalam na pumanhik sa kanyang silid. Naiwan akong nakatulala mag-isa sa hapag-kainan. Hindi ko namalayan ang pagkakataon na humihikbi na pala ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD