Chapter 05

1759 Words
"Sira ulo ka ah! Bakit mo binuksan ang pinto manyak ka talaga!" Galit na sigaw ni Julyen habang pinipilit niyang ibinabalot ang tuwalya sa kanyang katawan. Napangiwi si Julyen dahil sa sakit na naramdaman niya. "I-I’m sorry. Ang tagal mo kasi sa banyo akala ko kung ano na ang nangyari sayo," Maang na sagot ni Riko. "Tsk! Kunwari pa alam ko naman wala kang pakialam sa akin. Alis na kaya ko na!" Asik niya dito. At sinubukan ulit ang tumayo. "Ouchh! Ang sakit ng balakang ko sh*t!" Impit na sigaw ni Julyen na pinipilit ang sariling makatayo. Kaya napahawak siya sa gilid ng bath tub. "Tulungan na kita Julyen." Alok ni Riko. "Wag na, kaya ko na sarili ko.” Pigil niya dito. Pero imbis na umalis ay lumapit pa ito sa kanya. At mabilis siyang binuhat nito. “Ano ba! Ibaba mo nga ako!” "Wag kang malikot Julyen kung hindi bibitiwan talaga kita." Seryosong sagot ni Riko sa kanya. Sa takot natotohanin ni Riko ang sinabi niya ay hindi na siya pumalag sa pag buhat sa kanya. Ibinaba siya nito sa kama. “Bakit kasi hindi ka nag-iingat? Alam mo naman madulas ang banyo diba?” Kunot noon a wika ni Riko. “Malay ko bang may natapon na oil dun ano? Parang gusto mong sabihin na sinadya kong madulas ano?” Inis na wika ni Julyen sa kanya. Napabuntong hininga na lamang si Julyen at hinawakan niya ng kanyang paa dahil sa naramdaman niyang kirot.  “Masakit ba?” “Anong gagawin mo?” Yumuko si Riko para tignan ang namumulang paa ni Julyen. "Paano pag namaga ang paa mo? Paano kung nabalian ka ng buto ano nalang sasabihin ng parents natin?" Sermon niya kay julyen habang minamasahe ang paa. Balak pa sanang tumutol ni Julyen ngunit nakaramdam siya ng ginhawa sa paghagod ni Riko sa kanyang paa. Kaya hinayaan na lamang niya ito. "Wag kang magalala legs mo lang ang nakita ko at konting cleavage baka akalain mong nakita ko na ang lahat kaya wala kang dapat ikailang sa akin.” Nakayukong sabi ni Riko sa kanya. Pero duda si Julyen kung yon lang ba talaga ang nakita nito. Gusto niyang batukan ang sarili dahil sa pagiging clumpsy niya. "Masakit pa ba?" Malambing na tanong ni Riko. Nagangat ito ng tingin sa kanya. At pareho silang napatitig sa isa’t-isa. Ngunit biglang bawi ng tingin si julyen dahil sa pagsakit ng balakang niya. "Kanina, pero ngayon hindi na masyado. Balakang ko na lang." Sagot niya. “Pag tumindi ang sakit sabihin mo sakin para mapa x-ray at therapy natin bukas." PAgkatapos niyang masahiin si Julyen ay tumayo na siya. "May mood swings ka ba?" Nakataas ang kilay na tanong ni Julyen. "Bakit mo naman nasabi?" "Iba-iba kasi pinapakita mo sakin, kaya di ko mahuli ang ugali mo. Minsan sobrang nakakainis ka presko or di kaya mayabang magsalita. Tapos ngayon pinapakita mong nag-aalala ka." Paliwanag ni Julyen. Napabuntong hininga naman si Riko sa kanya. Bago sumagot sa kanya. “Hindi ko alam na naiintimidate ka na pala  sa akin. Hindi lahat ng lalaking mabait sa’yo ay pwedeng may gusto sa’yo. Kaya don’t misunderstand me Julyen. Kahit naman sa papel lang ang kasal nating dalawa kailangan pa rin natin tignan ang isa’t-isa lalo na pag kasama natin ang mga parents natin.” “Salamat kung ganoon. Atleast panatag ako kahit paano.” Maiksing sagot ni Julyen. “Don’t tell me nagkakagusto ka na sakin?” Tinaasan niya ng kilay si Riko. “Ako magkakagusto sa’yo?” Dinuro niya ang sarili. “Bakit hindi? Lahat ng katangian na kinababaliwan ng babae nasa akin na? Pero paalala lang hindi kita kayang saluhin.” “Ano! Ang kapal mo talaga Riko!” Inis na pinagbabato niya ito ng unan. “Baka ikaw pa ang magkagusto sa akin!” "Haha! You wish! Tutulog na ako bahala ka na diyan maaga pa tayo bukas remember may surprise daw satin sila dad kaya matulog ka na at please lang. Ayokong may katabing malikot matulog." Wika ni Riko. Sabay pulot sa mga unan pagkatapos ay humiga na rin ito sa gilid ng kama. Iika-ika si Julyen na nagpunta sa closet para magbihis ng damit pantulog. Maya-maya ay humiga na rin siya sa kabilang gilid ng kama. At magkatalikuran silang humiga. Ang hindi alam ni Julyen ay gising pa si Riko. "Damn it! Hindi ko maiwasan na walang maramdaman at maapektuhan sa kanya.” Bulong ng isip ni Riko. Pilit siyang pumikit para iwasan ang kanyang nararamdaman. Hangang sa tuluyan na siyang nakatulog. Kinabukasan naunang magising si Riko. Napalingon siya sa gawi ni Julyen at napansin niya yung white t-shirt niya ang suot ni julyen at naka cycling lang ito. Tinignan niya nang matagal si Julyen. At bahagya siyang napangiti dahil para itong anghel kung matulog pero may nakatagong kamalditahan. "Julyen? Gumising ka na baka malate tayo sa breakfast kasama sila Mama" Mahinang sabi ni Riko. "A-Ayoko pang bumangon ikaw nalang pumunta doon." Angal ni Julyen. Sabay takip nang unan sa ulo niya. "Sus! Kala mo naman pagod na pagod natulog lang naman tayo kagabi. Saka bakit damit ko yang suot mo nananadya ka ba?" Nakataas ang kilay na tanong ni Riko. Napabalikwas siya ng bangon. “Oh my! I'm sorry Riko wala kasi akong damit pantulog hindi ko kayang suotin yung pinadala ni Mama kaya naghanap ako sa bag mo." Nahihiyang paliwanag ni Julyen. Habang pilit na tinatakpan ang sarili ng kumot. "Bakit sexy lace lingerie ba ang pinadala sayo?" "Panu mo nalaman?" "Expect mo na yan. Dahil nasa honeymoon stage tayo. Kaya tumayo ka na kailangan na nating bumaba." Utos ni Riko. At kaagad na rin itong tumayo para pumunta sa banyo makalipas ang ilang minuto ay sabay na silang bumaba sa elevator para pumunta sa restaurant ng hotel. Nakita nila ang kanilang mga magulang na sabay nagkukuwentuhan Habang nag-aalmusal. "Mama, Papa goodmorning po!" Bati nilang pareho sa kanilang mga magulang. "Umupo kayo," Utos ng papa ni julyen. Magkatabing umupo si Riko at Julyen. "Anak di niyo na problema kung saan makakahanap ng bahay na titirhan ninyo binili na namin kayo ng bahay sa San Lorenzo Village Makati at kumpleto na rin yun sa gamit ang mga Mama niyo ang nag-asikaso non bago kayo ikasal." Wika ng Papa ni Julyen. Kumunot ang noo ni Julyen sa narinig. “Doon na kami titira? Kaming dalawa lang?" Gulat na tanong ni Julyen. "Oo anak, Para matuto kayong maging independent ni Riko. "Pero pap—.” "Salamat po sa inyo" Putol ni Riko sa sasabihin ni Julyen siniko din niya ito at ngumiti. "Walang anuman, regalo talaga namin yun sa inyo para maging maayus ang inyong pagsasama." Dagdag ng papa ni Riko. "At para sa future mga apo natin pare!" Sabat naman ng papa ni Julyen. Nagtatawan naman ang mga may edad. Nagkatinginan lang si Julyen at Riko. "Pwede na kayong umuwi doon mamaya anak ipapahatid ko na lang ang mga mahahalaga mong gamit para naman hindi makaabala sa honeymoon niyo ni Riko ang pag-iimpake." Nasamid naman si Julyen at naubo sa sinabi ng kanyang Ina. Dahil naalala na naman niya ang lingerie na nilagay sa bag niya. Pagkatapos ng kanilang umagahan ay bumalik na sila sa kwarto para magcheck out. "Bakit mo ko pinigilan kanina?" Agad na tanong ni Julyen. Kumunot naman ang noo ni Riko. At hinarap siya. "Sira ka ba?" Malaking advantage na sa atin magkaroon ng sariling bahay para walang makapansin na hindi tayo totoong mag-asawa saka pwede pa natin gawin ang mga gusto natin ayaw mo noon?" Paliwanag ni Riko. Naisip ni Julyen na may point siya, kahit paano malaya sila ni Riko gawin ang gusto nila. "Diretcho na tau sa bahay na binili nila papa ipapadala nalang nila ang mga gamit natin kasi start na ang work ko sa opisina bukas." Paalala nito sa kanya. Napanganga si Julyen sa laki ng bago nilang bahay hindi niya akalain na ganito kagandang bahay ang binili ng kanilang mga magulang para sa kanilang dalawa. May dalawang palapag ito. At may malaking parking lot na kasya ang apat na sasakyan may mataas na gate at Mayroon ding malaking swimming pool. “Ang ganda naman dito!" Tuwang-tuwa na pinagmasdan ni Julyen ang labas ng bahay. Bago siya pumasok sa loob. Iniwan niya si Riko dahil nagpark pa ito ng kotse. Lalo siyang namangha ng makapasok siya sa loob. Simple but elegant black and white may touch din ng gray. Napakalinis din nito at mabango. Sakto lang din ang lamig ng aircon sa loob. Malawak ang sala pati na rin ang kusina. Pwede nang manirahan ang may anim na myembro ng pamilya o higit pa. Umakyat siya sa ikalawang palapag at doon siya sinalubong ni Aling Celia. Binati nito si Julyen at nagpakilala dito. Pumasok siya sa kwarto napangiti din siya ng makita ang kabuuhan ng kwarto may sariling banyo at glass sa loob ng shower room may malaking bathtub din may malaking hiwalay na closet at napakalaki din ng kama nila. Bukod dun may glass window din at tanaw ang magandang tanawin ng bundok mula sa balkonahe. Pagkatapos i-park ni Riko ang kotse ay pumasok na rin siya. Kunot noo siyang nagpalinga-linga dahil hindi niya makita si Julyen. Pagakyat niya ng hagdanan ay nasalubong niya itong nagmamadaling bumaba. "Where are you going?" Seryosong tanong niya dito. Pinigilan din niya ang braso nito. Sinamaan siya nito ng tingin. "Why? Tapos na ang palabas pwede na tayong mag kanya-kanya right?" "Are you out of your mind? Kahapon lang tayo kinasal? Nasa atin pa ang atensyon ng mga magulang natin. Nakalimutan mo na bang may kasama tayong katulong dito at sila mama ang naghired sa kanila?" Pigil na sermon niya dito. Mabilis na hinila ni Julyen ang braso niya kay Riko. "So anong gusto mong mangyari? Na umalis ang boyfriend ko nang hindi ko man lang nakikita?" Kaagad niyang tinalikuran ito. "Julyen! Bumalik ka dito!" Tawag ni Riko. Pero di na ito lumingon pa sa kanya. Tuloy-tuloy itong naglakad pababa. Hindi niya alam kung susundan niya ito dahil baka lalo lang silang mag-away dalawa. Pagkalabas ni Julyen ng gate ay sakto naman dumaan ang isang taxi mabilis niyang pinara ito at sumakay papunta sa condo ni Louie. Dahil biglang nagbago ang squedule ng flight nito papuntang France. Sa taxi palang ay di na maiwasan ni Julyen ang pangingilid ng kanyang mga luha. Gustuhin man niyang pigilan ito. Hindi niya magawa dahil alam niyang pangarap talaga ni Louie ang makapag perform sa France. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD