Chapter 04

1757 Words
THIRD PERSON POV Kinabukasan ay maaga silang naghanda para sa gaganaping kasal sa simbahan. Pagkatapos ay dederecho sa Okada Hotel Manila para sa reception. "Anak, napakaganda mo tlaga!" Papuri ni Carmen sa kanyang anak na si Julyen habang inaayusan ito ng make-up artist. Nangingilid pa ang luha nito. "Mama tama na po yan, parang kayo naman ang ikakasal eh. Alam ko namang maganda ako dahil sa inyo ako nagmana." Nakangiting sagot ni Julyen. Pero sa loob-loob niya ay napakahirap magpangap na masaya sa harap ng kanilang mga magulang lalo pa at hindi naman totoo ang nararamdaman nila sa isa’t-isa ni Riko. "Maging mabait ka sa asawa mo Julyen, Respetohin mo siya kagaya nang pagrespeto ko sa iyong Ama. Pagkatiwalaan mo siya at mahalin anak. Kampante kami ng iyong Ama dahil sa kanya. Kaya maging matured ka na simula ngayon ha?" Pakiusap ni Carmen sa anak. "Yes Ma, thank you. Tatandaan ko po lahat nang itinuro niyo sa akin." Nakangiting wika ni Julyen. Alam ni Julyen kung gaano kalaki ang respeto ng kanyang ina sa kanyang ama kaya ganoon na lamang siya paalalahanan nito. Nagyakapan muna silang mag-ina. Bago tuluyang magpaalam si Carmen dahil may aasikasuhin pa siya sa labas. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Suot ang kanyang off shoulder lace mermaid wedding gown na bumagay sa kanyang sexy fit figure with curly half hair braided ang style ng kanyang buhok. Na bumagay sa kanyang nude makeup. Maya-maya ay tumunog ang kanyang cellphone at agad niya itong dinampot para sagutin. "Hello?" "Hello Julyen? Are you ready?" "Riko? What do you mean?" Tanong ni Julyen. "Galingan mo ang pagarte ha at pag napansin ng parents natin na hindi natin gusto ang isa’t-isa baka mas mahirapan tayong kumawala sa kasal na ‘to" Paalala ni Riko. Huminga muna si Julyen bago magsalita. "Alam ko Riko, Wag kang magalala." Inis na sagot ni Julyen. "Okay see you later, and don't forget to smile at me" Pangiinis pa ni Riko. "Oo na! Ang Kulit mo!" Sagot ni Julyen. Matagal na niyang pangarap ang maikasal sa simbahan pero hindi niya inaasahan na sa lalaking hindi naman niya mahal pa siya ikakasal. Napabuntong hininga na lamang si Julyen at pinilit na maging okay sa kabila ng nararamdaman niyang kaba. Maya-maya pa ay pumasok ulit ang kanyang mama. "Anak are you ready?" Mababakas sa itsura ng kanyang mama kung gaano ito kasaya. Kaya nakokonsensya siya dahil kinailangan nilang magsinungaling mapagbigyan lang ang mga ito. "Yes Ma" Nakangiting sagot ni Julyen. Pakatapos ay bumaba na sila sa at sumakay sa bridal car papuntang simbahan. Kasama ang kanyang ina. Nauna na kasi ang kanyang ama sa simbahan. Pagsapit nang ika-sampu ng umaga ay nagum-pisa na ang bridal march. Nasa labas na din ang bridal car lulan si Julyen. Nag-aantay naman si Riko sa altar ng Our lady of perpetual church. Nang makapasok na lahat ng mga abay ay unti-unti ng binuksan ang malaking pinto para sa bride agad na bumungad sa mga mata ni Riko. Si julyen na sa paningin niya ay nag slow motion ang lahat habang dahan- dahang sa paglalakad si Julyen sa aisle bitbit ang kulay pulang rosas na bouquet. Nakangiti ito kay Riko. Pagdating sa gitna ay sumabay na ang kanyang ama sa paglakad. Hindi maiwasan ni Riko ang mapangiti. Habang unti-unting itong lumapit sa kanya. Nang malapit na ito ay ibinigay ng ama ni Julyen ang kanyang kamay kay Riko at pinagsaklob ito. "Alagaan mo ang anak ko Riko" Mahinang bulong ni Enrico. Nangingilid pa ang luha nito na pagmasdan ang dalawa. "Opo" Maiksing sagot ni Riko. Inalalayan niya si Julyen sa harapan. Nanatili pa rin itong nakangiti. Matapos ang sermon ng pari. Ay nagpalitan sila ng wedding vows habang nakatingin sa isa’t-isa at nagsuotan ng sing-sing. "You may kiss your beautiful bride, Riko" Nakangiting wika ng Pari. Nagkatitigan muna silang dalawa. Dahil nakalimutan nilang kasama nga pala yun sa pagpayag nilang magpakasal. Dahan-dahang tinaas ni Riko ang veil ni Julyen at ngumiti siya dito. Mas nakita niya kung gaano ito kaganda. Kahit sa simple nitong make-up. "Are you ready? Just close your eyes," Mahinang bulong ni Riko sa kanya. Wala namang nagawa si Julyen kundi ang pumikit nang unti-unting ng lumapit si Riko at hinalikan siya nito sa labi. Tatlong segundo din ang tinagal ng halik ni Riko sa kanya. Napahawak nalang ng mahigpit si Julyen sa Bouquet niya. Dahil sa kabang nararamdaman nang maglapat ang mga labi nilang dalawa. Pagkatapos ay nagpalakpakan ang mga tao at isa-isang lumapit sa kanila upang batiin silang dalawa. Matapos magkuhanan ng litrato ay tumuloy na sila sa Okada Hotel para sa reception. Magkasama sila sa bridal car papuntang reception. Ngunit hindi nila magawang kausapin ang isa’t-isa. Pagkadating nila sa reception ay nagpangap na naman silang masaya. Nagkaroon sila nang maiksing program kung saan ay magsusubuan sila nang cake ni Julyen at Riko. Pagkatapos ay uminom din sila ng wine nan aka crossed arm pa. Pagkatapos nilang kumain ay nag last dance silang dalawa to close the program. "Hindi ka nauubusan ng ngiti ah." Bulong ni Riko kay Julyen habang nagsasayaw sila ng slow dance. Nakahawak si Riko sa bewang ni Julyen at nakakapit naman si Julyen sa leeg ni Riko. Hindi nila maiwasan magdikit ang mga katawan nilang dalawa. "Ito ang pinakamahirap na palabas na gagawin natin kaya dapat maperfect natin na walang makahalata. Saka sabi mo sa akin I’m not a good actress kaya binigay ko na ang best ko at wag kang umasa na totoo ang pinapakita kong ngiti sa’yo." Mahinang sagot ni Julyen habang nakangiti parin. Bahagya naming nainis si Riko sa sinabi nito. "Wag kang mag-alala pareho tayo ng nararamdaman. Pero paano mamaya? Sabi ni Dad dito daw tayo sa hotel magpapalipas ng gabi." Alam na ni Julyen yun dahil sinabi ng kanyang ina. "Oo alam ko, basta wag mong kakalimutan ang kasunduan natin no touching remember? Kapag may ginawa ka sa aking masama agad kong tatapusin ang plano natin." Naniningkit na paalala ni Julyen. "Wag kang mag-alala, wala akong pagnanasa sayo, ang gawin mo lang ngitian ako at kausapin ako ng normal at magpangap sa harapan nila." Sabi ni Riko. Pagkatapos ng reception ay dumiretso na sila sa room ng hotel. Pagpasok nila sa room ay agad na tinawagan ni Julyen si Louie. Ilang Segundo din ang initay niya ng sagutin ito ni Louie. "Hi Louie." "Julyen? Tapos na ba ang kasal niyo?" Malungkot na wika ni Louie. "Oo nandito na ako sa loob ng room. Wag kang mag-alala napag-usapan na namin to nasan ka?" "Nandito sa condo. Nag-iimpake ako ng mga gamit dahil nextweek pupunta na ako sa france." Nakaramdam ng lungkot si Julyen. Ikinasal na nga siya sa lalaking hindi niya mahal iiwan pa siya nito. At sa malayo pa pupunta. "Okay magkita tayo bago ka umalis pupunta ako diyan." Nagpaalam na siya ka Louie. Dahil alam niyang nasasaktan niya ito. Kahit hindi man nito sinasabi sa kanya ramdam niya ang lungkot sa boses nito. "Ano ba tong pinasok ko. Tama ba ang naging desisyon ko?” Bulong ni Julyen sa sarili. Napapikit siya at sinandal ang likod sa malambot na sofa. "Hindi ka ba magshoshower," Tanong sa kanya ni Riko. Nagulat siya ng makita niya ito nakatayo sa harapan niya at pinupunasan ang basing buhok. Habang ang suot-suotay kulay itim na bath robe. Ibinaling niya sa iba ang tingin bago sumagot. "Bakit mo tinatanong?" "Baka kasi sa sobrang iwas mo sakin matulog ka ng naka wedding gown at hindi ako magiging comfortable kung tatabi ka sa akin ng ganyan ang suot mo." Bumalik kay Riko ang tingin niya. "Riko wag kang mag-alala babae ako. I know how to handle temptation and situation like this unlike you dahil lalaki ka kahit siguro sobrang pangit ang kasama mo sa kwarto ay hindi mo mapipigilan ang sarili mo dahil lalaki ka. Pero dahil may usapan tayo at ikaw na rin may sabi na ayaw mong magkamali sa girlfriend mo kaw gumawa ng paraan para hindi ka mahulog sa akin." Inirapan niya si Riko. Dahan-dahan siyang tumayo at inilapag ang phone sa maliit na mesa. Lalakad na sana siya para iwasan ang mga tingin ni Riko nang biglang lumapit itong lumapit sa kanya. Kaya mabilis siyang umatras hangang maramdaman na lamang niyang "You want to try me? Baka ikaw ang magkagusto sa akin?" Hinawakan siya ni Riko sa braso at inilapit ang kanyang mukha tinignan siya nito sa labi. "You wish Riko! At subukan mo lang or else tatapusin na natin ang palabas na ito ngayon din!" Banta ni Julyen sa kanya at agad naman siyang binitawan ni Riko. "Your so funny Julyen, hahaha! Alam mo ba habang kinakasal tayo kanina si Mari lang ang nasa isip ko? At hindi ako gaya ng ibang lalaki na kahit sino ang makita nakahubad ay maaakit na agad ako. Ganun ba ang boyfriend mo sayo?“ Nakangising sabi ni Riko sa kanya. "Wala ka nang pakialam dun, si Louie ang pinaka gentle man na lalaki para sa akin. Unlike you mukhang lagi niyo ng ginagawa ng gf ang bagayna yun!" Sarcastic na wika ni Julyen. "What do you expect? Tatlong taon na kami ni Mari hindi naman pwedeng magtitigan lang kami. Hindi mo matitiis na ang pinakakamamahal mong babae makasama mo lang sa kama na walang mangyayari kalokohan yun Julyen." Natatawang umalis si Riko sa harapan niya upang magtungo sa closet. "Naku ayaw pang aminin na may pag ka pervert at maniac siya." Bulong ni Julyen sa sarili. Agad siyang naghubad ng wedding gown habang wala pa si Riko at nagsuot ng towel. Pagkatapos ay tumakbo na agad siya sa banyo para mag babad sa bath tub nilagyan niya ng rose scent oil ang tubig sa bath tub at mga petals. "Wow! Ambango! Ang sarap nang amoy very relaxing" Nakangiting wika ni julyen habang nilalaro ang mga petals. Narinig niyang may kausap si Riko sa labas. "Siguro kausap niya yung girlfriend niyang dyosa," Bulong ni Julyen sa sarili twenty minutes na din siyang nakababad sa bathtub nang magpasya siyang umahon na. Ngunit hindi niya napansin ang natapong oil sa sahig kaya agad siyang nadulas at napahawak sa bathtub. "Ouch!" Impit na ungol ni Julyen dahil sa sama ng bagsak niya. "Hey Julyen?! What happen?" "Wala Riko nadulas lang ako wag mong bu—." Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin nabuksan na nito ang pinto. Nakalimutan niya palang I-locked iyon dahil sa pagmamadali. Mabuti nalang at naabot niya ang puting tuwalya at naitakip niya ng bahagya sa kanyang katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD