bc

The Billionaire's Game of Love (My Billionaire Husband Series 5)

book_age18+
2.0K
FOLLOW
10.8K
READ
billionaire
second chance
manipulative
police
drama
bxg
soldier
city
lonely
virgin
like
intro-logo
Blurb

Nagkagusto na agad si Elaine kay Enzo noong una pa lang niyang makita ang binata. Ngunit sa kasamaang-palad ang pinsan niyang si Regine ang nagustuhan ni Enzo at niligawan. Naging nobya nito ang pinsan niya.

Sa sama ng loob niya, tumanggap din siya ng manliligaw. Nakahanap naman siya ng lalaking magmamahal sa kanya ngunit sadya yatang hindi maganda ang kapalaran nya sa pag-ibig. Isang linggo bago ang kasal nila ni Lyndon nahuli niyang nakikipagtalik ito sa dating nobya.

Nakipag-break siya rito at bigla na lang nagdesisyon na magbakasyon sa Pilipinas. Sinundan naman siya ng boyfriend at ginawa pang hostage ang kababata niyang si Bettina para lang balikan niya ito. Mabuti na lang dumating si Enzo at iniligtas sila nito.

Bilang pagtanaw ng utang na loob nagkipagkasundo ang mga magulang niya sa magulang ni Enzo na ipakasal silang dalawa.

Matutuwa na sana si Elaine dahil matutupad na rin ang pangarap niyang mapangasawa ang lalaking totoong minamahal niya. Ngunit nalaman niyang katawan lang niya at anak ang habol ni Enzo sa kanya.

May pag-asa pa kayang mahalin siya ni Enzo o hanggang pangarap na lang iyon? Paano ba niya mapupunan sa puso nito ang puwang na iniwan ng pinsan niyang si Regine?

chap-preview
Free preview
Prologue
“KUYA ENZO! Kuya Enzo!” “What the hell!” biglang sigaw ni Enzo nang marinig ang boses ng pinsan niyang si Aicee. Bigla siyang tumayo at nilapitan niya ito saka mahigpit na hinawakan sa braso. “Did I not tell you to stay in your room, young woman?” nanggagalaiting tanong niya. Napangiwi naman ang pinsan niya. “But kuya, I just want to show you something. Regine gave this to me!” halos pasigaw nitong sabi nang hinila niya ito. Nagsalubong ang kilay ni Enzo nang mapatingin sa kahon na inaabot nito. Binitiwan niya ito at kinuha ang kahon mula sa kamay nito. Nanlaki ang mga niya nang mabuksan ang kahon. Napasinghap pa siya. “Where did she go?” matalim ang mga matang tanong niya. “I…I don’t know. Regine said she can’t sleep. I think she went walking around,” tugon nito. Nagpapalatak siya at napapikit. Ngunit agad din naman siyang nagmulat. “Keep this and stay in your room. I’ll go and find her,” wika niya nang ibalik ang kahon kay Aicee. Binalingan ni Enzo ang mga kaibigan niya. “Andrei, Jerome, let’s look for Regine! My fiancée is missing!” sigaw niya at nagmamadaling tumakbo palayo. Nagsunuran naman ang ilan sa mga kaibigan niya. Pagbukas niya ng kanyang Rolls Royce Cullinan Black Badge, umupo siya agad sa driver seat. Kasunod naman niyang sumakay sina Andrei at Jerome. “Saan ang punta natin?” usisa ni Jerome nang tumatakbo na ang SUV ni Enzo. “Sa airport,” mabilis niyang tugon habang nakatutok ang tingin sa kalsada. “Bakit doon?” tanong naman ni Andrei. “I know Regine would go there,” tugon niya nang hindi nililingon ang kaibigan. Walang kamag-anak dito sa Pilipinas ang nobya niya. Kaya lang naman ito narito dahil sa kasal nila. Hindi nga makakarating sa kanilang kasal bukas ang sinumang miyembro ng pamilya nito dahil nasa ospital ang papa nito. Tanging ang nobya niya at ang malalayong kamag-anak nito na galing pa ng Manila ang makakadalo bukas. Pero mukhang magkakaproblema pa yata. Lakad-takbo ang ginawa nina Enzo nang makarating sila sa airport. Naabutan niya si Regine na nakaupo sa departure area. Agad niya itong nilapitan. “I’m sorry, Rubenson,” malungkot nitong saad nang makita siya nito. “Puwede nating pag-usapan ito,” mahinahong sabi niya nang tumabi sa kanyang nobya. Marahas na umiling si Regine. “I’m really sorry. But I can’t do it.” “Please don’t say that. Mahal na mahal kita, Regine.” Kinuha niya ang kamay ng nobya at dinala ito sa kanyang bibig. Ngunit agad din naman itong hinila ni Regine. “Listen to me, Rubenson. We are not really meant to be. Someone better will come along so just let me go now.” “No!” sigaw niya rito at akmang yayakapin ang nobya ngunit mabilis itong tumayo. Napatayo na rin siya. Muli na naman sana niya itong lalapitan para yakapin ngunit mabilis itong umatras. Pagkatapos nagmamadali itong tumakbo bago pa siya makakilos. Mabilis niya itong hinabol ngunit humarang ang mga airport security. Ayaw siyang paraanin ng mga ito. Magwawala sana siya ngunit pinigilan siya nina Andrei at Jerome. Si Jerome na ang nag-drive ng SUV niya nang bumalik sila ng Villa Mercedes. Alak agad ang inatupag niya pagdating nila sa bahay. Tipsy pa lang siya kanina dahil hindi naman siya gaanong umiinom. Hinahayaan lang niya ang mga kaibigan na maglasing dahil ayaw niyang may hungover sa oras ng kasal nila ni Regine. Pero ngayong wala na ito, gusto na lang niyang magpakalunod sa alak. Kung sakaling makatulog siya, ayaw na rin niyang magising. ALAS-KUWATRO na ng hapon nang magising si Enzo. Parang pinukpok ng martilyo ang ulo niya sa sobrang sakit. Pero bumangon pa rin siya at dumiretso ng banyo para maligo. Nang bumaba siya ng sala, sina Andrei, Raizer, at Xyrus na lang ang inabutan niya roon. Nakaalis na ang iba niyang mga kaibigan na dumalo sa stag party niya. Pero hindi na nagtagal ang mga kaibigan niya dahil hinintay lang siyang magising. Nagpaalam na rin ang mga ito pagkatapos siyang kumustahin. Nang makaalis ang mga kaibigan, lumabas din siya ng bahay. Wala siyang tiyak na pupuntahan ngunit dinala siya ng kanyang sasakyan sa memorial park. Natagpuan na lang niya ang sariling humahagulgol sa harap ng puntod ng kakambal niyang totoong nagmamay-ari ng pangalang Rubenson Fiel. May isang aksidenteng nangyari noon sa buhay niya bilang SEAL na kinailangan niyang magpalit ng mukha at pangalan para manatili siyang ligtas. Mabuti na lang at nadatnan pa niyang buhay ang kambal niya na na-involve sa car accident pagkatapos itong iwan ng bride nito sa mismong araw ng kanilang kasal. Nang mamatay ang kapatid niya kasama nitong inilibing ang pangalang Renzo Nick na siya niyang tunay na pangalan. Buhay siya pero ang pangalan ng kambal niya ang kanyang ginagamit. Ngunit nang oras na iyon parang gusto na rin niyang sumunod sa kakambal niya. “Parallel lines never meet. Parallel lives run to the same direction. Just like the lives we live, we have the same fate. Iniwan ka ng fiancée mo, ako rin iniwan ni Regine. Bakit gano’n ang kapalaran natin, bunso? Bakit ayaw manatili sa tabi natin ang mga babaeng minahal natin? Saan ba tayo nagkulang? Hindi ba tayo deserving sa pagmamahal nila? Tayo ba ang may problema o sadyang mapaghanap lang ang mga babaeng minahal natin? Tulungan mo naman ako, bunso. Hindi ko ito kaya. Mas nanaisin ko pang bumalik na lang sa SEAL at ma-hostage muli kaysa mabuhay na wala si Regine sa piling ko. Nahihirapan ako. Ayoko nang mabuhay. Pero kung mawawala din ako, paano na lang sina Mama at Papa? Ako na lang ang mayroon sila. Hindi ko na alam ang gagawin ko. “ Napasabunot si Enzo sa kanyang buhok habang umaagos ang luha sa mga mata niya. Hindi niya magaawang umiyak habang nakaharap sa mga kaibigan niya. Pero ngayong nasa puntod siya ng kambal niya, umaagos ang luha niya na parang gripo. Hindi na niya namalayan ang oras. Naramdaman na lang niyang bumagsak ang ulan. Naliligo na siya ng ulan. Ngunit balewala sa kanya ang lamig na dulot nito dahil mas malamig pa rin ang puso niyang nagluluksa sa pag-iwan sa kanya ng babaeng pinakamamahal niya. HINDI makatulog si Enzo ng gabing iyon. Pabiling-biling siya ng higaan. Nakapikit na ang kanyang mga mata ngunit naalala pa rin niya ang mukha ni Regine. Hindi niya mapigilan ang pag-agos ng kanyang mga luha. Kalalaki niyang tao pero iniiyakan lang niya ang isang babae. Sobrang sakit ng kanyang nararamdaman at hindi niya kayang pigilan ang sarili. Umiiyak siya hanggang hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya. Ngunit hindi niya inaasahan na dadalawin na naman siya ng isang panaginip. “Oooh!” impit na ungol ng babae habang umiindayog ito pataas at pababa sa naninigas niyang p*********i. Para namang musika sa pandinig ni Enzo ang ungol ng babae. Lalong nagagalit ang kanyang alaga sa ginagawa ng babae. Nanggigil na sinapo niya ang dalawang bilugan nitong bundok. Pinaikot niya ang kanyang daliri sa u***g ng babae samantalang ang isa niyang kamay ay nilalamas ang kabilang dibdib nito. Napaawang ang labi ng babae. Lumakas ang pag-ungol nito. Para namang sinilaban si Enzo sa narinig na ungol nito. Ibinaba niya ang kamay na lumalamas sa dibdib ng babae. Inilapit niya ang kanyang mukha sa dibdib nito saka ito dinilaan. “Oh, s**t! That’t feels good! I want more!” sigaw ng babae. Napangisi si Enzo. Agad niyang isinubo ang n****e ng babae saka ito sinipsip na parang sanggol. Sunod-sunod na napaungol ang babae. Napasabunot pa ang dalawang kamay nito sa ulo niya. Salit-salit niyang dinilaan at sinipsip ang magkabilang dibdib ng babae. Medyo nahihirapan siya sa ginagawa niya dahil hindi naman tumigil ito sa pagtaas at pagbaba sa alaga niya. Bumagal lang ang kilos nito. Pero nang maramdaman niyang malapit na siyang labasan, inilayo niya ang mukha sa dibdib nito. Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa baywang ng babae saka mabilis itong iginiya para itaas at ibaba sa p*********i niya. Hindi siya tumigil hanggang hindi sumabog ang katas niya sa loob ng p********e nito. Nanghihinang napahiga siya. Ngunit patuloy pa rin ang babae sa paggiling sa ibabaw niya. Huminto lang ito pagkaraan ng ilang minuto. Humiyaw pa ito bago bumagsak sa ibabaw niya. Pareho silang hinihingal. Ngunit nagawa pa rin niya itong kausapin. “Did you enjoy that, sweetie?” masuyong tanong niya rito. “Yes…I did.” Hinagkan niya ang ibabaw ng ulo nito bago siya tuluyang pumikit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook