"ANONG nangyari kay Elaine?" nakakunot ang noong tanong ni Steph. "Ang init niya. Kanina ko pa siya ginigising pero hindi siya magising," natatarantang sagot ni Enzo. Nang makatulog kanina si Elaine. Iniwan niya sandali ito para balikan ang mga kaibigan niya. Wala pang kalahating oras, bumalik din siya ng kuwarto. Nang makita niya ang asawang tulog na tulog, natukso siyang halikan ito. Gano'n na lang ang gulat niya nang maramdaman niyang ang init ang labi nito. Agad niyang dinama ang noo ng asawa. Mainit ito at nakapapaso. Bakit nilalagnat na ang asawa niya? Tinangka niya itong gisingin. Ngunit ungol lang ang lumalabas sa bibig. Ni ayaw nitong magmulat. Kinakabahan na siya. Kaya lumabas siya agad ng kuwarto. Hinanap niya ang mga kaibigan ng asawa. Alam niyang doktor si Steph. Nilapit

