"MAGSIUWI na kayo! Nakakaabala na kayong masyado," saad ni Enzo. Prente pa rin kasing nakaupo sa mesa ang mga kaibigan niya. Nagsialisan na ang ibang guest. Tanging ang mga kaibigan na lang niya ang naroon. "Wow! Kung makapagpauwi ka, wagas, ah! Ang layo pa ng pinanggalingan namin para lang makadalo sa kasal mo tapos ganyan lang ang dialogue mo sa amin. Magdahan-dahan ka naman sa pananalita," nakasimangot na litanya ni Josh. Naningkit ang mga mata ni Enzo. "Nakakain na kayo at nabusog na rin. Ano pang hinhintay ninyo?" "Wala bang painom? Gusto namin ng libre, tulad ng dati," sabad ni Chris. Napakamot ng kanyang ulo si Enzo. "Kulang pa ba ang kinain ninyo at gusto pa ninyong uminom?" "Siyempre naman! Mas masaya lalo na kung libre," nakangising singit ni Jak. Bilib na talaga siya sa m

