"ANO NAMAN ang gagawin natin dito?" Agad na ibinalik ni Elaine ang mga card kay Enzo. "Gamitin natin. Kapag magaling ka na, laruin natin," malapad ang ngiting wika niya. Hindi niya alam kung anong pumasok sa utak ng kaibigan niya at niregaluhan sila ng ganito. Pero mukhang makakatulong ito sa kanila ni Elaine. Ibinalik niya sa loob ng kahon ang mga card. Pagkatapos muli siyang tumingin sa asawa. "Ayoko nga! Kadiri naman iyan!" Tumaas ang isang sulok ng labi ni Enzo sa sinabi ni Elaine. "Bakit mo naman nasabing kadiri ito? Mag-asawa naman tayo. Puwede nating gawin ang lahat ng position na nandito. Siguradong mag-e-enjoy tayong pareho." "No! No! Ayaw ko!" Marahas ang pag-iling na ginawa ni Elaine. May kasama pang pagkumpas ng kamay nito. "Bakit naman ayaw mo? Dahil hindi mo pa nasu

