Chapter 4 - Mother's Choice

1728 Words
PAGKATAPOS magbigay ng statement sina Enzo at Elaine, inihatid din niya pabalik ng hotel ang dalaga. “Iyong lalaking nabaril ko ba ang dahilan kung bakit ka narito sa Pilipinas?” hindi maiwasang itanong ni Enzo habang nasa biyahe silang dalawa. “Yeah, and one more,” sagot ni Elaine. “Ano pa iyong isang dahilan mo?” Ngayong safe na ito sa ex-boyfriend nito, iniisip ni Enzo na baka hindi na niya kailangang bantayan pa si Elaine. “Huwag mo nang alamin dahil personal na iyon. Thank you nga pala sa pagliligtas kay Bettina. Kung hindi ka dumating, baka napahamak na siya.” Napangiti si Enzo. “Hindi mo kailangang magpasalamat dahil ililigtas ko talaga ang kaibigan mo. Nakiusap sa amin ang may-ari ng hotel na tulungan ang asawa ng kaibigan namin. Nagkataon lang na ako ang naunang dumating at nahuli lang ng ilang minuto ang iba pa naming kaibigan,” paliwanag niya. “Pero thank you pa rin kasi dumating ka kaagad. Hindi lang naman ang kaibigan ko nailigtas mo, kasama rin ako.” “Okay, you’re welcome. So, anong plano mo ngayon? Kailan mo balak bumalik ng US?” Napasimangot si Elaine. “Kararating ko lang kahapon, pinauuwi mo na ako. Okay ka rin, ano? Hindi ko naman kasi sinabi na bantayan mo ako. Balikan mo na lang iyong ginagawa mo, okay lang naman ako.” Marahas na umiling si Enzo. “Nangako ako sa daddy mo na hindi ko hahayaang may mangyari sa iyo na masama. Hayaan mo naman akong panindigan ko ang binitiwang salita sa daddy mo. I’ll keep you safe while you are here in the Philippines.” “Bahala ka. Basta huwag kang parang asong susunod-sunod sa akin, ha? I hate bodyguards. Please spare me.” Bahagyang natawa si Enzo sa sinabi ni Elaine. Kung titingnan niya itong mabuti, mukhang kailangan talaga nito ng tagapagbantay. Pero matigas din ang ulo ng babaeng ito, ipagpipilitan ang gusto na para bang kayang-kaya nitong ipagtanggol ang sarili. Hindi naman ito maliit na babae. Katunayan matangkad na nga ito sa pangkaraniwang Pinay. Pero may nakikita siya sa mukha nito na nagsasabing dapat itong bantayan at alagaan. Napakainosente kasi ng mukha nito na para bang walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa paligid nito. Mukha rin itong babasaging kristal na dapat iniingatan. He was no knight in shining armour but he was a sucker for damsel in distress. Kaya nga siya nagkagusto kay Regine dahil napakaamo rin ng mukha nito. Animo’y hindi makapatay ng langaw. Kaya noong una silang magkita, nakuha nito agad ang atensyon niya dahil pinagtanggol niya ito mula sa nambabastos na lalaki. Sayang nga lang dahil ang inakala niyang babaeng makakasama sa kanyang buong buhay ay ipinagpalit lang siya sa pangarap nito. Naka-get over na siya sa babaeng iyon. Pero ngayong nandito si Elaine, ipinapaalala ng presensiya nito ang kanyang ex-girlfriend na pinsan mismo ng dalaga. Kung hindi lang talaga malaki ang utang na loob niya sa ama ni Elaine, hindi niya gustong makasama ang dalaga. Maalala lang niya kasi ang ex niyang nang-iwan sa kanya. Nabura na ang pagmamahal niya rito pero nasasaktan pa rin siya kapag naaalala ang ginawa nitong pang-iwan sa kanya. “Nakikinig ka ba, Enzo?” untag ni Elaine. “Yeah, sure. It’s loud and clear that you don’t want to be guarded at all times. I’ll keep that in mind. Puwede pa rin naman kasi kitang bantayan kahit hindi ako nagpapakita sa iyo.” Pinaikot ni Elaine ang mga mata nito. “Siguraduhin mo lang kasi ayoko talaga ng may umaaligid sa akin. Naso-suffocate ako. Hindi naman kasi ako royalty o dignitary para bantayan ng security. Si daddy lang talaga ang mapilit.” “Ikaw lang ang anak niya kaya natural na maging overprotective siya lalo na at babae ka,” katuwiran ni Enzo. “Whatever!” Hindi na umimik si Enzo. Pagkahatid niya kay Elaine ay umalis din naman siya agad. Dumating na rin kasi ang dalawang security na hiningi niya kay Xyrus. Nadatnan na nila ito sa hotel. Nagbilin lang siya rito bago siya umalis. Kinabukasan tumawag ang ama ni Elaine sa kanya. “Thank you for keeping my daughter safe. I owe you this one. What will I give you in return?” Napakamot ng kanyang batok si Enzo. “It’s okay, sir. You don’t have to return the favor. May nakuha na rin akong magbabantay kay Elaine kaya hindi ko na kailangang bantayan siya mismo. Baka puwede na rin akong umuwi sa bahay namin.” “Yes, of course! You may go home now if you think my daughter is in good hands with the security you gave her.” “Nasisiguro ko po na hindi pababayaan ng mga taong iyon ang anak ninyo. Pinili sila mismo ng kaibigan kong pulis,” pagmamalaki ni Enzo. “That’s good, Inferno. By the way, what do you want me to do for you? Please let me know.” Nakukulitan na si Enzo kay Colonel Montoya. Hindi naman siya nagpapabayad pero mapilit talaga ang matandang ito. “I don’t need anything, sir. Your gratitude is enough.” “Are you sure that you don’t need anything?” Napaisip tuloy si Enzo sa tanong ng matanda. “Actually, my parents especially my mother is pressuring me to get married because they want a grandchild. Pero wala na si Regine. Kaya pumasok na sa isip ko na maghanap na lang ng magdo-donate ng egg cell sa akin.” Biglang tumawa ang matanda sa kabilang linya. Napahilot tuloy siya ng kanyang noo. Napahiya yata siya sa kanyang sinabi, ah. “Sir, huwag na lang ninyong isipin ang sinabi ko. Huwag na rin ninyong alalahanin iyong ginawa ko para kay Elaine. Hindi po ako nagpapabayad, sir. Iyong dalawang security ngayon ng anak ninyo ang kailangan ninyong bayaran,” paglilinaw niya. “Sure, ako na ang magbayad sa mga nagbabantay kay Elaine. If you really want your parents to have grandchild, then why don’t you just marry my daughter? I think you two will make a good pair. Who knows? You might have good looking children because you both have good genes.” Muntik nang malaglag ni Enzo ang hawak niyang cellphone sa sinabi ni Colonel Montoya. Ino-offer talaga nito ang sarili anak sa kanya? Iniiwasan nga niyang ma-involve sa sinumang may koneksyon kay Regine tapos irereto pa sa kanya ang pinsan nito. Binibiro na naman ba siya ng tadhana. Elaine is the last woman he would want to marry or have a relationship with. Wala naman siyang maipintas kay Elaine. Ang totoo nga niyan sexually attracted siya rito lalo na noong una niyang makita ito sa airport. Pero ayaw niya itong patulan dahil ang layo ng age gap nila. Mas bata ito sa kanya ng sampung taon. Magmumukha siyang kuya lang nito. Ang gusto niya sa babae ay iyong malapit lang sa edad niya tulad ni Regine na twenty-eight na kaya limang taon lang ang tanda niya rito. “So, what can you say, Inferno?” “Sir, I’m going to decline your offer. Though Elaine is pretty, but she is not my type.” Sinabi na lang niya iyon para tigilan na siya ni Colonel Montoya. May allergy siya sa mga babaeng malayo ang edad sa kanya. Mukhang eighteen nga lang si Elaine sa paningin niya at hindi twenty-three. “That’s too bad. Gusto pa naman kitang maging manugang. Pero sayang, hindi mo pala gusto ang anak ko. Kung gano’n, mahal mo pa rin si Regine. Sorry pero hindi ko siya maibibigay sa iyo kung siya ang gusto mo. Hindi ko rin kasi alam kung nasaan ang batang iyon.” “Sir, okay na ako kahit wala si Regine. Huwag na lang ninyong isipin iyong ginawa ko para sa anak ninyo.” “Okay. But if ever you change your mind, then just give me a call. I will make it sue that Elaine will be a good wife to you.” Napahilamos ng kanyang mukha si Enzo. Makulit talaga ang matandang ito. Katulad din pala ito ng mama niya. Akala niya ay tapos na sila sa usapang iyon ni Colonel Montoya. Ngunit mas malaking problema pala ang dinatnan niya sa bahay nilang nang makauwi siya. “Bakit tinanggihan mo iyong anak ni Colonel Montoya? Kung maganda si Regine, ibig sabihin, maganda rin ang pinsan niya. Ano ang inaayawan mo sa anak ng dati mong kasama sa SEAL?” usisa ng mama niya pag-uwi ni Enzo sa kanilang bahay. Hindi alam ni Enzo kung paano nalaman ng mama niya ang usapan nila ni Colonel Montoya. Pero malamang may kinalaman dito ang matandang iyon. Akala niya nakalusot na siya pero mukhang hindi pa yata. “Ma, kung desperado ka na talagang magkaapo, hihingan ko ng egg cell si Elaine tapos maghahanap tayo ng magbubuntis ng anak namin. Pero, please lang, ayaw kong magpakasal sa kanya. Ang bata niya para sa akin.” Pinandilatan siya ng kanyang ina. “Ano? Bata pa ba iyong twenty-three? Mas bata naman iyong eighteen, ah! Sino ang gusto mong mapangasawa? Si Regine? Iniwan ka na nga ng babaeng iyon, gusto mo pa rin siya? My goodness! Gumising ka naman, Renzo Nick! Huwag mong gawing tanga ang sarili mo dahil lang sa babaeng iyon!” Napatiim-bagang si Enzo. Ayaw niyang makipag-away sa kanyang ina. Pero hindi niya gusto ang lumalabas sa bibig nito. “Will you please stop calling me that name, ‘Ma? Matagal nang namatay ang kapatid ko kaya huwag na natin siyang isama sa usapang ito. Huwag kayong mag-aala dahil wala akong balak na balikan si Regine. Pero huwag n’yo rin akong pilitin na pakasalan si Elaine.” Pagkasabi niya iyon, tinalikuran na niya ang kanyang ina. Ngunit nakailang hakbang pa lang siya nang muli itong magsalita. “Akala ko ba, pumayag ka nang ako ang pumili ng mapapangasawa mo? Bakit bigla mo namang binawi ngayon? Anong problema mo?” Napahinto si Enzo sa paghakbang. Hinarap niyang muli ang ina. “Pinagbigyan naman kitang pumili ng babaeng magugustuhan mong ireto sa akin pero ikaw din naman ang nagpaalis sa kanila.” “Elaine is different. I want her to be my daughter in law. Kung talagang ayaw mo na kay Regine, pakasalan mo si Elaine para maniwala ako na nakalimutan mo na ang babaeng iyon.” Nalaglag yata ang panga ni Enzo sa sinabi ng mama niya. Hell and damnation! Anong gagawin niya ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD