KABANATA 19

3340 Words
Cruel Huminga akong malalim at inisip ang tamang salitang sasabihin. Do I really need to think about that? Come on, Tori. Kahit naman anong sabihin ko sakanya, masasaktan at masasaktan ko lang din naman siya. Kinuyom ko ang kamao ko, humugot akong lakas para titigan siyang muli sa mata. "I love him." Matapang kong sagot. Malakas na halakhak lang ang isinukli niya sa sinabi ko. A fake laugh. I can feel his anger and insecurity. Inalis niya 'yung fever pad sa noo at itinukod ang dalawang kamay para maupo.  "With Lexus, I am at ease. With you... my heart and mind is in chaos." Kaswal na dagdag ko, not minding his feeling. I know I am cruel... I need to. Tsaka lang siya nahinto sa pagtawa at nanlaki ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Nag hari ang katahimikan sa buong paligid. Napawi ang matigas at matapang niyang tingin na napalitan ng lungkot. "May pwesto pa ba ako sa puso mo? Kung wala, please, do something about it. All I want, is for you to love me back. Kahit kaonti lang. I won't complain. Wala kang maririnig sa akin. Just-" He said tenderly. Sinubukan niyang hawakan ang mga kamay ko pero inilagay ko agad 'yon sa likuran ko. Matamang nakatitig lang ako sa kanyang pagyuko at pigil na pagmumura. "W-wait.. Anong gusto mong iparating?" Naguguluhang tanong ko. Nag angat siya ng tingin at agad namang nagtama ang mata namin. Sinapo niya ang mukha ko at minasdang mabuti ang buong sulok na pawang kinakabisado ang bawat detalye nito. "Let me be your lover, your other lover." His face softened and smiled sweetly. "You want me to cheat on Lexus?!" I shouted hysterically. Marahas kong tinanggal ang dalawa niyang kamay sa mukha ko at sa isang iglap ay dumapo ang palad ko sa kanang pisngi niya na lumikha ng malakas na tunog. Ibinaling niyang muli ang tingin sa akin na parang walang nangyari. Nga lang, ako pa ata ang mas nasaktan sa ginawa ko. "Yes." Matabang niyang sagot, napailing na lamang ako. "You've gone mad! Wala ka na ba sa katinuan? Akala ko ba ayaw mo na sa akin?" Naluluhang sabi ko. "I broke your heart and you're trying to fix yourself. That you don't need me anymore! Saan nanggaling 'tong mga pinagsasabi mo!?"  Hindi mawala ang pagkagulantang ko sa sinabi niya. At seryoso siya! Nanatili lang ako sa kinauupuan at dismayadong nakatingin sakanya. "That's the biggest lie I ever told. I need you more than anything, Tori. Sinubukan ko naman," Mariing niyang ipinikit ang mata at inalala 'yung mga nagawa noon, "I tried and did everything to forget you. I thought I was over you pero hindi. How can I? Kahit na ipikit ko ang mata ko, mukha mo lang ang nakikita ko. I kissed and made love with a lot of girls pero ikaw pa rin ang nasa puso. I see and feel you everywhere." Pagsusumamo niya. "You're impossible." Patuloy lang ako sa pag iling. How many times do I need to hurt him para kalimutan na niya ako? "If only I can love you the way I love Lexus. If only I can rip my heart into two just to give you other half, gagawin ko without any hesitations... but why are you being this cruel?" I shrugged my shoulders. Nakaramdam akong panghihina ng katawan at pag agos ng mga luha ko. I thought this was going to be easy. If this was a dream, please wake me up. "You're hurting me... Maximus. You're hurting me so bad." I whispered. Bahagya siyang umusog papalapit sa akin at pinawi ang mga luha ko. Wala na akong lakas pa para mag salita at sigawan siya. SInasaktan ko siya pero mas doble pa 'yung sakit na nararamdaman ko. Ganito ba talaga ka komplikado mag mahal? Kapag nakakaramdamam ako ng sakit at lungkot, kusang pumapasok si Lexus sa isipan ko. Right, I need him right now. With just one hug, every bitter things fades away. My own self is becoming my worst enemy! I need Lexus's magical touch para makayanan ko pa ang mapanakit na gabing 'to. If I listen to my heart, it only speaks Lexus. But in my mind? Theres... Maximus. Wala na talaga kaming pagasa na bumalik pa sa dati. My mind has been clouded by these pain. "I'm so sorry for being this selfish. Pero hindi talaga kita kayang pakawalan. I can see that you're happy with him. Pinapanuod lang kita sa malayo. Kahit na masakit, iniisip ko na lang na ako 'yung kasama mo, na ako 'yung nagpapangiti sa'yo, na ako 'yung kayakap mo." "Y-you deserve someone na mamahalin ka without making you feel less at hindi ako 'yon. I can never accept you as my lover. I don't want to hurt Lexus. Hindi niya deserve ang ganon, Max. I'm sorry kung sinasaktan ulit kita ngayon. S-Sorry." Hinawi ko ang kamay niya sa mukha ko at matamlay na naglakad palabas.  I said my final words. I need to go home to breathe and to forget. Our conversation will always end up like this. Kailangang ko nang umalis hanggang naco-control ko pa 'yung emotions ko. My own emotions may betray me, my own words may betray me. I would no longer give him false hope. My eyes really can't lie. I used to think that my eyes are a blessing but from what is happening right now, it's turning to be a curse. "Wait, Tori! Don't leave me here. I need you." He pleaded. Bitbit ko ang bag ko sa kaliwang kamay at naka medyas lang na palabas ng condo. He stopped and hugged me from behind. Nagpumiglas ako kaya mas lalo niyang hinigpitan iyon. Tumindig ang balahibo ko nang maramdaman ang basa niyang pisnge sa leeg ko. Ang hirap na makita at marinig siyang ganito. I can kill him with one word. Parehas kaming marahas ang bawat pag hinga. Nang makawala ay malakas ko siyang itinulak at lakas loob na hinarap. Sinapo niya ang kanyang noo. He looks very sad and weak. Hindi ko na alam kung ano ba ang nararamdaman ko. Galit? Sakit? Lungkot? Dammit! Tila wala na rin siyang natirang lakas, bahagya siyang lumapit sa akin. Nalaglag ang panga ko nang lumuhod siya sa harap ko at muling niyakap nang mahigpit. Hindi matigil ang luha niya at isinisiksik ang mukha sa katawan ko. Nakaramdam din ako ng panghihina pero mas minabuti kong umayos ng tindig at panindigan ang sasabihin ko. Trying to hold back my tears. "I'm begging you, Tori. Please love me.. Please.." Pagsusumamo niya. I've decided. I'm going to end this cruel night. This is going to be the last night that I will pull that damn trigger again. "That's enough, Maximus. I'm tired of this." I said. Mas lalo niyang hinigpitang ang pagkakayakap sa akin. "Ako ang lalayo o ikaw ang lalayo? Mamili ka." Malamig na wika ko. Inalis niya ang yakap sa akin at tumatayo, madilim ang mukha kasabay ang pag-igting ng kanyang panga. "Kung hindi ka pipili, ako na lang ang aalis. Kilala mo ako, Max. I'm a Rizaldo too. Kapag sinabi ko, makakatiyak kang gagawin ko." Bumagsak ang balikat niya at unti unting dumausdos ang kamay sa pagkakahawak sa braso ko. "Kailangan bang umabot sa ganito?" kunot ang noo niya at pilit na iniintindi 'yung sinasabi ko. "Oo. I need you to stay out of my life, Maximus. That's what I want. Kaya kung hindi ka aalis, ako na lang!" Singhal ko. Mariing ito pumikit at tiningala ang kisame. Ilang sandaling nabalot ng katahimikan ang buong silid. Nangingibabaw lang ang mga marahas na hugot namin ng paghinga. "I understand, my angel. I'll leave and will never come back. If that's the only way I can make you happy. Sana mapatawad mo ako." He assured me. He'll leave? May kung anong parte sa puso ko ang nadurog sa sinabi niya. Eto naman ang gusto ko diba? Bakit umaarte kang nasasaktan kung ikaw naman ang may kagagawan? Nagkakagulo na ang isipan ko. Tuyot na ang mga luha sa pisngi niya. His face darkened as he turned his back on me. Nanginig ako sa mga tingin niyang 'yon. "Goodbye" Mapait na wika ko at tinahak ang daan palabas. Pagkasarado ko ng pinto ay agad akong nakarinig ng malakas na kalabog at mga nabasag na gamit. Panandalian kong isinandal ang sarili sa pader at pilit na pinigil ang paghikbi. Tinakpan ko ang bibig ko para walang kahit anong ingay ang lumabas.  Kapag umiyak ako, mas lalo lang kaming mahihirapang dalawa. Nang manumbalik ang lakas ng tuhod ko, huminga akong malalim at pinunasan ang mga luha. May kakaointing nginig pa rin ang tuhod ko kaya mabagal lang ang bawat hakbang ko. Sa nangyari kanina, wala na akong ideya kung anong oras na ba. Ipinagpapasalamat ko na lang at walang katao tao sa condo na 'to. Lumiko ako sa mahabang hallway papunta sa elevator nang biglang may sumulpot na babae sa harap ko. Nabitawan ko ang bag ko na agad niya naman itong pinulot at inabot sa akin. Hindi na ako nag abalang mag angat ng tingin. Ayaw ko naman na may makakita sa mukha kong kakagaling lang sa pagiyak. I hate it. Baka kaawaan lang niya ako. "S-sorry hindi kita napansin," Natatarantang aniya. Kinuha ko sa kamay niya ang bag ko at mabilis na naglakad papuntang elevator. Sumakto naman na bumukas agad ito. Alam kong rude ng ikinilos ko sa babae pero hindi ko naman na siya makikita pa kahit kailan dahil hindi na ako babalik pa rito. Humahagod ang bawat tingin ng iilang nakasabay ko sa elevator. Mula ulo hanggang paa ay sinusuri nila ako. Lalo ko lang inilugmok ang sarili ko sa sobrang pagkahiya. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa itsura ko? Naka loose t-shirt, malaking sweatpants at naka medjas lang. Malamang ay magulo rin ang buhok ko tignan. Alam ko naman kung ano ang tumatakbo sa mga utak nila. Mabilis akong tumakbo papunta sa lobby, palabas sa condo. Isinakbit ko ang bag sa likod ko at pinara 'yung unang taxi na dumaan. Tulala lang ako sa buong byahe. Nanlamig ang buong katawan ko nang dungawin ko kung sino ang tumatawag. Ayaw kong magalala sa akin si Lexus at problemahin pa 'yung problema ko. Mas mabuti nang hindi niya alam 'yung nangyayari sa amin ni Maximus. Tumikhim ako at kinalma ang magulong isipan bago sagutin ang tawag niya. "Hello.. love?" Bati ko. "Hi, love. How's your day? I miss you." Ramdam ko ang hapong boses niya na lalo lang nagpabigat sa nararamdaman ko. Marahil ay marami siyang ginawa sa office ni Tito Rafael. "I-I miss you too. Ahm, pauwi pa lang ako. Dumaan kasi ako sa condo ni Maximus para abutan siya ng gamot." "May problema ba? Bakit parang nanginginig ang boses mo?" He figured me out. "Malamig lang kasi sa taxi kaya ganon." "Taxi?! Bakit nasa taxi ka? Asan 'yung driver mo?" "Antagal kasi niyang dumating kaya nag taxi na lang ako." I heard his soft curses. "Can we talk about it later? Pagod lang ako." Pakiusap ko at pinatay ang tawag. Humalukipkip na lang ako at bumuntong hininga. Dinig ko ang mabigat na pag apak ni daddy ng black shoes niya sa tiles. Palakas iyon nang palakas, hudyat na papaalapit siya sa akin. "What the hell happened to you, Seven?!" Naghalo ang pagaalala at galit sa boses ni dad. Nakatingin lang ako sa sahig at nag patuloy sa paglalakad. "DON'T YOU DARE TURN YOUR BACK ON ME, TORI SEVEN!" Bulyaw ni dad na nagpadaloy ng takot sa dibdib ko. Humarap ako kay dad at tinignan ang mukha niya. Minasdan ko ang paggalaw ng muscle sa mukha at pagtagis ng panga. Pinagpawisan akong malamig sa mabagsik na tingin niya. Kailan ba 'yung huling beses na tinignan niya akong ganito? 10 years old lang ako noon. Sa kadahilanang sinaksak ko ng lapis 'yung kaklase ko. "I'm asking you, Tori. Anong nangyari sa'yo? You look like a mess! D-did Maximus do something to you?!" Banayad lang ang pagsasalita niya pero may diin ang bawat salita. "No dad! N-nag away lang kami," Nagiwas akong tingin. "Na naman? Hindi ka na bata para makipag away kay Maximus. Akala ko ba inalagaan mo? Bakit nauwi sa pagaaway? Ikaw na naman ba nagpasimuno?" Nagpanting ang tenga ko sa paratang ni dad. I don't need another argument. Naubos na ako kanina pa. I just want to sleep this pain away. Umiling lang ako bilang tugon. "Matutulog na ako, dad. Good night." Paalam ko sabay yakap.. Pinilit kong ngumiti para hindi na mangulit pa si dad. Mabibigat ang paghakbang ko kaya tumagal pa akong ilang minuto sa pagakyat. Nakatanim pa rin ang mga tingin ni dad hanggang sa makaakyat ako. Alam ko naman na nag aalala lang naman si dad pero hahaba lang ang usapan kapag sinagot ko pa siya. Wala nang natirang lakas sa katawan ko pagkatapos ng nangyari kanina. Hinagis ko ang bag ko sa gilid ng kama. Nakatitig ako sa kawalan kasabay ng pag gapang ko pahiga sa kama. I feel empty inside. The same emptiness that I felt the day mom left us. Wala akong maramdaman na kahit ano. Galit, saya, lungkot, inis o kahit anong emosyon ay wala. My memories from our exhausting fight went blurry. Ganyan nga, Tori. Kalimutan mo lahat ng mga nakaksakit sa'yo. Ipinikit ko ang mata ko at hinayaang lamunin ng kadiliman ang buong kapaligiran. Akala ko magiging ayos na ang lahat paggiising ko. Bumangon ako na alam ko sa sarili ko na malungkot ako. Totoo pala talaga ayun. Gigising ka na lang sa umaga at narealize mong 'ang lungkot ko pala.' Kinuha ko ang bag sa sahig sa gilid ng kama at dinukot ang phone sa pinaka ilalim. Napabalik ako sa ulirat nang makita ang missed calls at text ni Lexus. Nakailang kurap pa ako at mariing kinusot ang mata. 50 missed calls at ganoon din sa text. Isa isa ko iyong binasa habang mabilis na napabangon sa kama. "I'm worried sick, Tori. Ayos ka lang ba?" "I guess you're really tired today. I miss you so much. See you tomorrow." Mabilis kong tinipa ang phone at sined ang reply ko kay Lexus. "Sorry nakatulog agad ako kagabi. Good morning, love." Oh, great! Kaya hindi ko sinabi 'yung problema ko kasi ayaw kong mamroblema siya. At dahil sa ginawa ko, mas lalo lang siyang namroblema at nagalala. Good job, Tori! Binuksan ko ang shower at sinimulan ang mga seremonyas ko. Kinulot ko ang dulo ng buhok ko para magkaroon naman ng kaonting volume ang mahaba kong buhok at naglagay ng kaonting make-up. Hindi nga lang kasing simple tulad ng make-up ko nung shs ako, natuto na akong gumamit ng BB cream at blush on. Thanks to tita Lianne! Minor subject lang naman ang klase ngayong araw kaya maliit na Gucci shoulder bag ang dinala ko. Pinasadahan ko muna ng tingin ang sarili sa malaking samin. Hindi pa rin talaga ako sanay sa hapit na skirt ko na 'to. It compliments my body really well. The curves are all obvious kaya mas lalo ko lang hindi nagustuhan. Ramdam ko ang mga humahabol tingin ng ibang kalalakihang na halos mabali ang leeg sa paglingon sa akin. Naiilang ako.. Malalagkit na tingin na nagpapakilabot sa akin. Madalian akong bumaba para maabutan si dad. Masyado pa namang maaga para sa first class ko pero mabuti na rin na pumasok akong maaga to have more time with Lexus. I need my happy pill to ease the pain. "Hi dad!" Masayang bati ko. May lungkot pa rin na pilit gustong kumawala pero sinikap kong itago iyon. Palabas na ng pinto si dad na natigil lang dahil sa pagtawag ko. "Good morning, Beautiful. Mukhang maganda ang gising mo" Masiglang bati ni dad at niyakap ako, "Hindi muna ako makakasabay sa'yo sa breakfast. Kailangan ako ng tito Ralph mo." I nodded slowly and hugged him back. "Ahh, Ingat dad. A-ano tungkol pala sa amin ni Maxi- kuya Maximus... nagtalo lang kami about sa foods" Tumango lang si dad na pawang hindi kumbinsido sa dahilan ko. Damn! Hindi ko na siguro in-open up pa 'yon! I bit my lower lip and hide my shame. Marahas na tumikhim si dad bago muling nagsalita. "By the way, Seven. I fired your useless driver kaya iba na 'yung driver mo simula ngayon. Sabihin mo lang sa akin kapag nagkaproblema ka sakanya para mapalitan ko agad." "Oh. S-sure dad." Napatango na lang ako. Pagkahalik ni dad sa noo ko ay dumiretso na siya papasok sa kanina pang nag aabang na kotse sa labas. "By the way, nak. Galing pala rito kagabi si Lexus. Kaso umuwi rin agad nung sinabi kong tulog ka na," Wika ni dad bago maisara ang pintuan ng kotse. Napanganga na lang ako. s**t! Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa'yo, Tori! Nilibang ko muna ang sarili ko para hindi na dumagdag pa ang naiisip ko. So... after ng ilang years kong pagtitiis sa palaging late ko na driver, sa wakas at napalitan na rin siya. I didn't even know his name at all. Hindi man lang ako nag abalang kilalanin siya. Well, sapat naman na siguro na ilang beses ko siyang pinag takpan kay dad. Hinawi ko muna ang buhok ko at nilagay lahat sa kaliwang side at naglakad palabas para hanapin 'yung bagong driver na tinutukoy ni dad. Asan na ba 'yun? Luminga linga ako sa buong paligid pero wala namang ibang tao roon bukod sa hardinero namin na abala sa paggupit ng halaman. "Magandang umaga ma'am!" "OMG!" Napaigtad ako sa kinatatayuan sa sobrang gulat ko sa kung sinong walanghiya ang sumigaw sa likod ko. Bago ko pa lingunin kung sino 'yon ay mabilis siyang sumulpot sa harap ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Siya na ba 'yung bago kong driver? Hindi nalalayo ang taas niya sa mga pinsan ko, at tingin ko ay sa edad din. Minasdan ko siya mula ulo hanggang paa.  Dumakong muli ang tingin ko sa mukha niya. Napakalapad naman ng ngit ng isang 'to. Dream job niya bang maging driver kaya ang saya niyang tignan? "Ako po 'yung bago niyong driver ma'am, Tori." Magiliw niyang bati. "Oh... Mukha nga." Kaswal na sabi ko. "Ano palang pangalan mo?" "Elias, Ma'am." Hindi pa rin natinag ang ngiti.  "Elias... Ano?" Usisa ko at tinaasan siyang kilay. "Elias Hernandez po. At your service." Aniya sabay saludo sa akin. Napangiwi na lang ako. Jologs. Nagpahatid na ako kay Elias sa school para doon na lang kumain. Sa totoo lang, wala pa rin akong gana hanggang ngayon. Siguro nga, balisa pa rin ako sa mga nangyari kagabi. I badly needed Lexus right now. Tinignan ko ang phone ko para icheck kung nag reply siya. And f**k! Kaya pala kahit anong ulit kong ipukpok para magbukas ay lowbatt pala! WHAT A GOOD THING TO START YOUR DAY, TORI! Sa pagiging lutang ko, hindi ko napansin na nanghihina na pala ang cellphone ko. Since, ibang bag ang gamit ko. Hindi ko dala ang charger ng phone ko. Ipagdadasal ko na lang na may dalang power bank 'yung mga kaibigan ko. "Thanks, Elias. Mag te-text na lang ako sa'yo kung magpapasundo ako or not." Wika ko bago isinara ang pinto. Sa wakas ay nakaramdam na ako ng gutom kaya dumiretso na lang muna ako sa café sa labas ng school. Hindi pa rin mawala ang mga iilang tingin ng mga lalaking nadadaanan ko. Umirap na lang ako sa hangin at bumuntong hininga. Dapat siguro ay masanay na ako sa ganito? Pagkatapos kong um-order ay naupo na ako sa bakanteng upuan malapit sa glass window. Prente akong nakaupo roon at pinapanuod ang iilang estudyante. What else can I do? Wala pa 'yung order ko at lowbatt pa ang phone ko. Sa laki ng buong campus, saan ko naman hahanapin 'yung mga kaibigan ko? 3 hours pa bago magsimula ang klase ko. Tama ba 'tong desisyon ko na pumasok nang maaga o dapat nag stay na lang muna ako sa bahay. Napasabunot na lang ako sa sarili sa sobrang inis. "There you are!" Bahagya akong napatingin sa lalaking papalapit. Nagdalawang tingin pa ako para masigurado na tama nga ako. "What are you doing here, Paulo?" Takang tanong ko. Patayo na sana ako nang hawakan niya ako sa balikan at itinulak pabalik sa inuupuan ko. "What?!" Singhal ko. Mukhang masaya pa siya sa kalokohan niya. He's one of my friends here. Kakambal siya ng isa ko pang kaibigan na si Ara. Nagtaas siya ng dalawang kamay, sign ng pag surrender. Nag make face lang ako na lalo niyang ikinatawa. Baliw! "Ba't ka andito? Mamaya pa klase mo diba?" Nakapangalumbaba siya, bored akong tinignan.  I sighed. "Napaaga eh. May power bank ka ba riyan?" Nagkamot lang siya ng ulo at isinandal ang likod sa upuan. "Meron..." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya na parang may kasunod pa at sinadya niyang hindi talaga tapusin. "Good. Edi Pahiram ak-" "Kaso nasa bahay." Napatayo ako sa pagkulo ng dugo ko at marahas siyang sinakal sa leeg.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD