Wild
"You think differently when you're alone, Tori. Wala ka na bang magawa?" Si Paulo, kalmado lang pero may laman ang mga sinasabi.
Napairap ako sa hangin at bumulong bulong. Binilisan ko na maglakad kasi nakakainis siya.
"Whatever. Palpak naman kasi lahat ng charging station na pinuntahan na'tin. Kainis!" Reklamo ko. Binilisan din niya ang paglalakad para magsabay kami.
"Crazy." Aniya nang makalapit sa akin at nakangisi akong inunahan. Naputol ang paglalakad ko at pinandilatan siya ng mata. Tsk!
Why do I sense that he purposely brought me to useless charging stations? Sa loob ng tatlong oras kong pagrereklamo na kailangan ko nang ma-text si Lexus, nahuhuli ko siyang nakangisi. Trip ata akong inisin! Sinamaan ko lang din siya ng tingin bilang ganti pero mas natutuwa pa atang ganon ang reaction ko.
I borrowed his phone pero wala raw siyang load. Nag volunteer akong loadan siya pero sira daw ang sim niya. The nerve of that guy! At hindi naman daw sila friends sa sss ni Lexus kaya siguradong hindi iyon mapapansin. Tsk! Exuces, excuses.
Hindi na niya talaga ako hinintay pang makasabay sa lakad niya at dumiretso na talaga sa room ko. That's right, sa classroom ko. My original plan was to visit the bars tita Lianne warned me about pero hindi na natuloy dahil nga sa sumulpot siya at hindi na ako nilubayan.
We were supposed to wait for the gang pero nainip siya at dinala ako sa 'useless charging station' na tinuro niya. Naaksaya lang ang oras ko sa pag rereklamo sakanya. At ngayon, mas nauna pa siyang pumunta sa room ko kahit na ang pakay niya ay ihatid ako.
If Ara was here, ipagtatanggol niya ako palagi sa kambal niya.
Halos maging takbo na ang paglakad ko sa paghabol kay Paulo. Nang makarating malapit sa room ay nakilala ko na agad 'yung kausap ni Paulo sa may pintuan kahit na nakatalikod pa ito.
Tila mahika na biglang naglaho lahat ng bigat ng nararamdaman ko mula pa kagabi at ngayon nang makita ko si Lexus. Nakatitig lang ang mga mata ko sakanya habang dahan dahang naglalakad papunta sa kanilang dalawa. Pumirmi na nang tuluyan 'yung mga ngiti sa labi ko.
The usual Lexus effect. Paulo craned his neck to see me clearly.
"Don't look!" I mouthed, agad naman niyang ibinalik ang tingin kay Lexus na nakikipagusap sakanya.
Maingat akong naglakad papunta sa likod ni Lexus para gulatin siya. I covered my mouth. Pakiramdam ko magtatagumpay ako sa pag gulat sakanya dahil seryoso na silang naguusap ni Paulo. I have no idea kung ano man 'yon.
Eto na, eto na! Handa na parehas 'yung dalawa kong kamay na ipanggugulat sana kay Lexus pero bago ko pa man magawa 'yon at mas nagulat pa ako sa biglaan niyang pag harap sa akin. Literal na napatalon ako sa ginawa niyang 'yon.
"Silly girl! What are you planning to do?" Nakangisi si Lexus at matamang nakatitig sa akin. Ipinagpantay niya ang mukha naming dalawa.
Pakiramdam ko ay para akong isang bata na nahuli ng teacher na nangongopya sa klase. Magkatitigan lang kami. Pigil-hininga akong ngumiti sakanya. Pinitik ko ang noo niya para kusa niyang ilayo ang mukha niya sa akin, natawa naman siya sa ginawa ko.
Tsaka lang ako nakahingang malalim at kinapa ang dibdib kung ayos pa ba ako. Si Paulo ay nakitawa na rin at nag paalam sa aming dalawa na aalis na, tinapik ang braso ko at tumango lang ako.
Wala sa sariling naglakad ako at nilampasan si Lexus para pumasok sa klase. I slowly shook my head and pinched my face. Marahan akong hinatak ni Lexus sa palapulsuhan at muling inilabas sa room.
Napabalik ako sa ulirat sa pag hatak niya. Bumaling ang tingin ko sa iilang kaklase na nakangiti sa aming dalawa at mukhang kinikilig. That's good.
Kinikilig din ako!
"B-bakit?" Nauutal na sabi ko. Isinandal niya ako sa pader at nakaharang ang malapad niyang balikat sa harap ko. Nag angat ako ng tingin. I guess, he's mad at me? For not replying and not updating him. I suck at being his girlfriend.
Napayuko ako sa naisip kong 'yon. Maybe, I really am not suitable for him? Dammit!
"I miss you so bad." Nanlaki ang mata ko sa nang maramdaman ang halik niya sa noo ko. Mabilis akong nag angat ng tingin sa kanya at nanatili lang ang gulat sa mukha ko.
His smile comforts me. Nag init ang pisngi ko kaya iniwas ko agad ang mukha ko sakanya. I heard his silent laugh.
Napailing ako ng ilang beses bago ko siya tinignan muli. Humalukipkip ako at pinagtaasan siyang kilay. Mas lalo lang lumapad ang ngiti niya sa ginawa ko.
"I miss you too!" I exclaimed.
Napalingon naman bigla sa paligid namin si Lexus. Napalakas kasi ang pagkakasabi ko nun kaya may mga estudyanteng dumaan ang nakarinig. Natawa kami parehas. Gustong gusto ko siyang yakapin ngayon pero hindi naman pupwede dahil nasa school kami.
"Can we talk?" He asked.
"Su— Later na lang!" Pasagot na sana ako nang biglang dumaan 'yung professor ko.
Nag palipat lipat pa ang tingin ko sa prof at kay Lexus na nakatingin din sa prof ko na pumasok na sa loob ng room. Sa pagkakataranta ko, inabot ko ang kwelyo ni Lexus at bahagyang inilapit sa akin at mabilis na hinalikan siya sa pisngi.
Parehas kaming nagulat sa ginawa ko. Mas lalo lang lumala ang pagkataranta ko. Nag init ang pisngi ko at halos umakyat na ang buong dugo sa ulo ko sa sobrang pula na ng mukha ko.
"S-see you later.." Nahihiyang sambit ko at patakbong pumasok sa loob ng klase.
Para akong lumilipad sa alapaap sa mga tumatakbo sa isip ko. Umupo ako sa pinaka dulo para hindi ako mapansin ng professor na hindi nakikinig sakanya. Mag se-self study na lang ako sa bahay.
Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang hiya sa biglaang paghalik sakanya. As his girlfriend, I have the right to kiss him off guard. Diba? I need to get my s**t together.
Inialis ko na rin sa isipan ko si Maximus. Kamusta na kaya siy— No! Maayos naman na siguro siya. I hope.
"Rizaldo? May ballpen ka ba riyan?" Tanong ng katabi kong lalaki.
"Ahhh.." Kinalkal ko ang loob ng bag ko pero wala akong nakitang extra na ballpen. Kinapkap ko ang palda ko pero wala rin. Napatawa naman ako bigla sa sarili ko. Paano naman magkakaballpen sa palda ko, wala namang bulsa 'to?
Sinenyasan ko siya pabalik na wala akong ballpen. Tumango lang siya at tinanong ang isa pa niyang katabi.
"Rizaldo?" Muling tanong ng katabi ko. Tumagal pa ang tingin ko sa white board bago ibaling sa katabi ang tingin.
"Yes?" Tanong ko at nginitian siya.
Bumaba ang tingin ko sa kamay niya na may hawak ng phone at inaabot sa akin. Tumaas ang isa kong kilay nang mapansing nakalagay sa keypad iyon. Cheap trick, pero hindi ko napansin agad.
"Can I get your number?" Preskong tanong niya. Nag kibit lang ako ng balikat at inilingan siya.
Nanlumo ang mukha niya at agad binawi ang phone. Mabuti naman at hindi siya katulad ng ibang lalaki na mapilit.
Natapos ang tatlong klase ko sa iisang room lang din na 'to. Naiilang na ngiti lang ang ginawad nung katabi kong lalaki nang magtama ang mata namin dalawa. Hindi na ako ngumiti pa pabalik dahil mabilis siyang nakaalis sa room.
Pagkaligpit ko ng gamit, naglakad na rin ako papalabas ng room.
Nagulat ako nang may tumiling babae sa labas ng room. Dumami ang nakaharang sa may pintuan kaya hindi agad nakalabas. Lalo lang tuloy akong na-curious sa kung anong nangyayari ba labas.
"Excuse me! Padaan! Excuse m—" Isiniksik ko ang sarili sa mga kaklase kong ayaw magsipadaan. Napahinto ako sa pagsiksik nang makita kung sino ba 'yung babaeng tumili sa labas ng room.
Pati ba naman sa college uso ang bullying? Basang basa 'yung uniform nung maliit na babae at nag kulay itim na 'yong uniform niya. Nakataas ang kilay kong ineksamin 'yung mestizang babae na matangkad sa harap. Obviously, ayun ang may gawa. Mukhang higher year na siya kumpara sa amin. Mostly, sa mga higher year, especially mga graduating, ang iba sa kanila ay feeling entitled.
Napakamot ulo na lang ako at nag martsa na paalis doon. Naaawa ako roon sa babaeng binuhusan ng kung ano. Pero mas naaawa ako sa mestizang babae na 'yun, mukhang mayaman pero walang class.
"Go, Ceb! Buhusan mo pa!"
"Mahirap na nga kinakawawa pa."
Iilang mga bulong at sigawan pa ang narinig ko bago ako makalayo roon. Nilingon ko ang paligid para hanapin si Lexus. Saan ko naman siya hahanapin? Hopeless case na 'yung phone ko at hindi ko pa nasabi sakanya na lowbatt nga pala ako.
Naiisip kong bumalik na lang ulit sa room. Baka pumunta roon si Lexus at doon nag abang.
"Ang lalim naman ata niyang iniisip mo?" Si Lexus.
Mabilis akong humarap sakanya at kinurot siya sa tagiliran. Kununutan ko siya ng noo. Kanina pa siguro niya ako tinitignan habang nakatayo ako rito.
"Love!" Gulat na wika ko.
"Let's go?" Aya niya at pinagsalikop ang kamay naming dalawa. Hindi naman siguro masamang mag holding hands sa sa school?
Hindi mapigil ang pag ngiti ko ngayong kasama ko na siya.
"Sa bahay ka na mag dinner." Deklara ko.
Binuksan niya ang pinto ng kotse at inalalayan akong makapasok.
"Sure!" Nakatuon ang atensyon niya sa daan at nakatitig lang ako sa mukha niya.
Nahihiya pa ako noong tignan siya kaya panakaw lang ang ginagawa ko. Bulgar naman ngayon ang mga tingin ko sakanya kaya bahagya siyang natatawa habang nagmamaneho.
I really appreciate his beauty. Halos kabisado ko na ang parte ng mukha niya. Nakatatak na 'yun sa isip ko.
"You're making me crazy, Tori. Stop it," Natatawang aniya.
I giggled. Umayos akong upo at tinitigan ang kulay kahel na langit. Ang bilis talaga ng oras kapag kasama mo 'yung taong mahal mo.
"Lexus? Tingin mo tayo talaga hanggang dulo?" Tanong ko nang hindi siya tinitignan. That was a random question indeed. I can't stop myself thinking about endings and beginnings whenever I witness sunsets.
Sunsets are so beautiful. It makes me think of how will you start a new beginning if you don't want to end some things? Will I have the courage to start new? Or will I stay in the end and accept things?
"Of course! I think, kahit saang dulo naman ako mapunta. There's always you." Tugon niya. Napangiti na lang ako. Alam ko naman. Kahit maligaw pa ako, iisang daan pa rin naman ang patutunguhan ko. At 'yun ay kay Lexus lang.
"I love you, Rizaldo." Banayad at parang musika yon sa pagdinig ko.
Ibinaling ko ang tingin sakanya at matamis siyang nginitian. "I love you too, Bustamante."
Abala sa pagluluto ng dinner 'yung mga kasambay nang madatnan namin sa kitchen. Plano sana namin ni Lexus na paglutuan si dad ng dinner pero naunahan na kami.
Umakyat muna ako sa kwarto para makapag palit at mai-charge ang phone ko. Nagtagal din muna ako sa kwarto para makapag tanggal ng make-up.
Para akong baliw na nakangisi at nakatingin lang sa kawalan. Kanina lang ay balisa ako. Tinaggal ko ang phone ko sa saksak at bumaba na.
Nasa kalagitnaan pa lang ako sa hagdanan pababa ay nabaling na ang tingin ko kay Lexus na kausap 'yung driver kong si Elias sa labas ng bahay. Nakasandal sa sasakyan si Lexus at nakapamulsa naman si Elias na nasa gilid niya.
Naglakad ako papalapit sa kanila at tinaasan sila ng kilay. "Gud ibning, ma'am Tori." Matigas na bati ni Elias na nagpangisi sa akin.
"Good evening, Elias." Tugon ko at tumango. Umalis din naman agad siya at sumenyas kay Lexus na tinanguan lang din siya.
"Tumigil pala siya ng pag-aaral,"
"Ahhh. Talaga ba?" Walang buhay kong tanong. Napatigil sa paghakbang si Lexus at tumingin lang sa akin na parang may nakakatawa sa sinabi ko.
"Oh?" Dipensa ko at inirapan siya. Tinalikuran ko na siya at naglakad na papasok.
"You should be more aware of the people around you." He suggested. Pabagsak akong naupo sa salas at ganoon din siya.
"Pansin ko kasi na konti lang ang mga taong nakikilala at kininilala mo." Dagdag pa niya.
Nakatingin lang ako at hinihintay ang kasunod na sasabihin niya. He sighed and caressed my face with his thumb.
"Naiisp ko lang na hindi ka masyadong interisado sa ibang tao maliban sa family mo. You'll meet a lot of nice people if you give them a chance to know you."
"You're the nicest person I know. I don't want to know them. They all bore me." Kampanteng wika ko.
Matamis na ngiti lang ang isinukli niya. Lumapit ako sakanya at niyakap siyang mahigpit. Nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya.
Mariing akong pumikit at palihim na sininghot ang dibdib niya. He smells so damn good!
Humiwalay ako sa pagkakayakap at seryoso siyang tinignan. Umayos akong upo at isinandal ang likod sa malambot na upuan.
"Dito ka na matulog." I demanded.
I pouted my lips and leaned my head on his shoulder. "Let's talk until the sun rises."
He chuckled.
"I can never resist you, love." Bulong niya.
I hugged him again. I wouldn't trade Lexus for anything in this world. Never!
Natapos na kaming kumain pero wala pa rin si dad. I texted him but he didn't even replied. Nakaramdam ako ng kaonting kirot. I miss dad's presence.
Mabigat na buntong hininga na lang ang nagawa ko. Tinawag ko na lang si dad para ipagpaalam si Lexus. Nabuhayan naman ako ulit nang sagutin ni dad ang tawag.
"Dad! Where are you?" Tanong ko. Lumipat muna ako sa garden para malaya kaming makapag usap ni dad at walang makarinig.
"Sa office, Sev. Sorry hindi agad kita nasabihan. Hindi muna ako makakauwi sa bahay. Sa lolo mo muna ako tutuloy, may tatapusin lang ako." He sounds so tired. Nabahala ako.
"Oh.. Dad? Ahm.. Lexus is here.. Is it okay if—Dito siya mag stay? Tonight?" Habang tumatagal ang pagsagot ni dad, lalo lang akong kinakabahan.
"Sure. You know my rules, Sev. I trust you." Tugon niya. Abot tenga ang ngiti ko sa sagot ni dad. I would never dare to break your trust, dad! Bulong ko sa sarili ko bago pinatay ang tawag.
Masaya akong bumalik kay Lexus sa nasa Library na ng bahay namin. Pag bukas ko ng pinto ay tumakbo ako at tumalon papunta sakanya. Agad naman niya akong nasalo kaya tuloy tuloy lang ang pagtawa ko.
"Pumayag na si dad!" Masayang balita ko kay Lexus. Niyakap ko lang siyang hagipit at hinalikan sa pisngi.
Para naman siyang na estatwa sa ginawa ko. Nagulat ako nang bigla niya akong ibinaba at minasdan ang pag igting ng panga niya. What did I do? Kumunot ang noo ako sa ginawa niya.
Nagiwas siyang tingin at kumuha ng isang libro sa bookshelf sa gilid ko. Naglakad siya papalayo sa akin at binasa ang unanag pahina ng librong hawak niya. Something's off about him kaya nilapitan ko siya at hinaklit 'yung hawak niya.
Binalik ko 'yun sa dating lalagyan at nilingon siya. His face is red. Napailing ako. I get it! If I'm not mistaken, kinikilig siya!
Lexus is vocal about his feelings about me. Madalas akong kiligin at pamulahan ng pisngi. This is the first time na nakita ko siyang kiligin.
Fuck, he's so sinfully handsome!
And.. cute!
"Kinikilig ka?" Biro ko. Pataas baba ang kilay ko para mas lalong effective ang pangiinis ko sakanya.
Mas lalo lang namula ang pisngi niya at nagiwas ng tingin. Lalo kong inilapit ang sarili ko para makita nang malapitan ang mukha niya.
"Bakit ka kinikilig?"
He looked straight into my eyes with his deep hazel brown eyes. My heart ached a bit for beating too fast irregularly.
"Damn it, Tori! I want to kiss and make love to you tonight" He said huskily.
Napatanga ako sa kinatatayuan ko sa sinabi niya. Wala akong masabi o kung dapat pa ba akong magsalita. I was shocked. Nanginig ang tuhod ko.
Make love? To me? Tonight? Parang sirang plakang paulit ulit na naririnig ko iyon sa isipan ko. Pinamulahan ako ng pisngi kaya tumalikod ako at nanghihinang naglakad papunta sa swivel chair.
Lakas loob kong tinignan si Lexus na naglalakad papalapit sa akin. "Did I shock you? I'm sorry, love. I-I can't.. help it."
"D-don't say sorry.." I cleared my throat. "Boyfriend kita at girlfriend mo ako.. W-we can do it. If— you want." Kabadong sabi ko. Hindi mapakali ang mata ko na kung saan saan tumitingin maiwas ko lang kay Lexus.
"I won't do it, love. Not now. We need to get married first. I respect you and your body, Tori. That's why I'm saying sorry. Pinagkakatiwalaan ako ng dad mo kaya hindi ko basta sisirain 'yon. I don't want you to think na ayun lang ang gusto ko. I'm sorry."
Kumalma na 'yung panginginig ng tuhod ko. My heart danced with its own heartbeat. Lexus is such a great man.
I must did something spectacular in my past life that's why God has given me this magnificent blessing. And that's Lexus.
"Oh, Lexus.. I love you so much." I stood up and give him a sweet and soft kisses on the lips.
He kissed me back with much more passion. The electricity inside my body is starting to ignite again.
I am so happy and content right now. As long as I have him, I could never ask for more.
Napakapit ako sa dibdib niya nang lalong tumindi ang mga halik niya. Masuyo at nakakapaso. He cupped my face and we both gasped for air.
"This is torture for me... Tori." Bulong niya.
I sealed him with a kiss. His tongue played with my mouth. I heard his groan and braced me tightly. Pakiramdam ko nalulunod ako sa sayang nararamdaman ko. I was... burning. Kissing him make my heart race. My mind went blank and makes me go wild.
I guess, I am becoming wild. Wild for his love, mostly, for his kisses.
"I can't believe that my love is such a tease," He murmured as he kissed my nose, my eyelids and forehead.
I smiled.