Belong
Nang dumating na yung order namin ay tuloy pa rin kami sa pag kukwentuhan. Tungkol sa childhood ko halos lahat ng naikwento ko. Hangang hanga siya sa ugali ng mga pinsan ko. Andami ko kasing sinabi sakanya na secret namin ng pinsan ko.
Tungkol sa mga pranks na ginawa namin. Na nag panggap kami na kidnap ako. Umabot na sa puntong nag hire ng mga secret agents, SWAT teams sila lolo and daddy para mahanap ako. I've been missing for only 8 hours at pinagtago lang ako nila kuya Maximus sa walk-in closet ni tita Lianne sa bahay nila. Tinawagan na nila tito 'yung mga generals na kakilala nila para mahanap ako.
First time kong mapalo sa pwet nung nalaman nila na nagloloko lang kami ng mga pinsan ko. Hirap akong makaupo dahil sa latay ko sa pwet. Ang kwento ng mga pinsan ko ay halos patayin na raw sila nila tito sa sobrang kahihiyang dinulot nila.
After that incident, mas lumala pa rin ang pranks namin. Tumigil lang naman kame sa pranks nung nag eleven ako. Nagsawa na rin akong mapalo sa pwet kaya ako na mismo ang umayaw.
"You have a one big crazy family! The kidnap thing was insane. Baka maitakwil pa ako ni Papa kapag ginawa ko 'yun."
"Sinabi mo pa! Namimiss ko na ngang gawin 'yung mga ganoong pranks."
"Nakakatuwa ang mama mo kanina. She's cool and pretty." Wala sa sariling sabi ko. Naalala ko lang bigla kung gaano kaganda si tita Abbie.
"Noong una, mahirap tanggapin. Pero you can never hate her. Mortal sin na lang ang magalit sa isang taong sobrang bait at matulungin. Bukod sa pangalawang asawa siya ni dad. Nanay din siya ng kapatid ko. We have a lot in common at anak ang turing niya sa'kin kaya mama na ang tawag ko sakanya."
"Matured ka na talaga mag-isip."
Tinapos na lang muna namin 'yung three course meal. Very romantic ang vibe dahil sa may mga nagpapatugtog ng violin at cello sa gilid namin. Lalong sumasarap ang pagkain dahil sa magandang music na naririnig.
After kumain, lumapit kaming dalawa sa piano malapit sa island bar. I saw how his eyes sparkled like star light when he touched the piano.
"Marunong ka?" I asked. "A little bit. Mom taught me how to play piano since, she's a music teacher in America."
"Can you play it for me?" Nag puppy eyes pa ako nung tumingin siya sa akin.
Pinutol niya ang distansya sa aming dalawa. Nakatingala lang ako sakanya at magkalapit ang katawan namin. Wala akong ideya sa kung anong nasa isip niya pero may kung anong kuryente ang dumaloy sa buong katawan.
"Then, you'll sing for me."
Mabilis itong umupo sa piano chair sa may gilid ko at nakasunod lang ang mata ko habang ginawa niya iyon.
"I...I can't sing... pangit boses ko." Giit ko.
"Come on, Tori." Tinapik niya ang piano chair pag aya na maupo ako. I was really nervous at this time. Hindi naman talaga pangit ang boses ko pero... hindi lang talaga ako mahilig kumanta at... si Mommy ang naalala ko tuwing nakanta ako.
Isang magaling na singer si mommy. Dun nga sila nagkakilala ni daddy. Sa isang gig nung college pa sila.
"W-what song? Baka... hindi ko alam." Sabi ko. Hindi na talaga magpapaawat si Lexus dahil nag simula na siyang patugtugin ang piano.
I know this song... Theme song 'to nila mommy and daddy. Tuwing hating gabi, magigising ako sa kantang 'to at nakikita silang dalawa sa kitchen na mag kayakap at sumasayaw.
Sa daming kanta... bakit ito pa? Gusto kong maiyak dahil naalala ko si mommy pero napawi rin 'yun agad nung magtama ang mata namin ni Lexus. I can see my reflections clearly. Pakiramdam ko, ako lang 'yung nakikita niya.
Na ako 'yung mundo niya.
Wise men say only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Sa sandaling kinanta niya 'yun. Parang magic na biglang naglaho 'yung kirot sa puso ko dahil sa alaala ni mommy at napalitan ng saya na dulot ni Lexus. Sumabay na rin ako sa pagkanta niya.
Oh, shall I stay, would it be a sin
Oh, if I can't help falling in love with you?
Sumusulyap paminsan minsan si Lexus sa akin. I really love his eyes. Deep and expressive. Looking into his eyes is my idea of luxury. Not everyone can see me the way he sees me.
Like a river flows, surely to the sea
Darling, so it goes, some things are meant to be
Take my hand, take my whole life too
Oh, for I can't help falling in love with you
Parang nanadya ang tadhana sa akin. Theme song 'to nila daddy pero 'yung lyrics at meaning nung kanta, akmang akma sa nararamdam ko para kay Lexus.
Simula umpisa hanggang dulo, ang bilis kong nahulog kay Lexus and wala rin naman akong balak pigilan ang sarili kong mahalin siya. Habang tumatagal, lalong tumitindi 'yung nararamdaman ko para sakanya. Ilang beses na ba niyang binura 'yung masasakit na alaala at pinalitan ng kaligayahan?
Nakakatakot pero hinding hindi ko ipagkakaila na masayang masaya talaga ako tuwing kasama ko siya. Tumingin lang ako sa mata niya, pakiramdam ko safe ako. Tuwing ngumingiti siya, kumakalma 'yung nagwawala kung puso pero minsan lalo pang nagwawala dahil sa kilig at saya.
He's my first friend and somehow, magically, I feel connected to him. Siguro dahil may mga bagay kami na pagkakaparehas. He made me realized a lot of things in life. I'm really glad that I met him. Glad and grateful. Pinunasan ni Lexus ang mga luha sa pisngi ko na hindi ko namalayan na meron pala.
"You're crying again." Mainit na yakap ang naramdaman ko at isinandal niya ako sa sobrang matipunong mga dibdib.
Huminga akong malalim. "Masaya lang ako."
"Me, too. Sobra sobra." He said in a soft and gentle voice.
Tinampal ko ang dibdib niya na ikinatawa niya. "W-what?"
Hindi ko siya sinagot pa at nanatili lang ganon ang posisyon namin. Pinakikinggan ko ang t***k ng puso niya. Nakakakalma. Bumitiw siya sa pagkakayakap at umayos ako ng pagkakaupo.
"Ikaw lang 'yung nakita kong lalong gumaganda kapag umiiyak."
"So.. are you going to make me cry para gumanda lang ako?" Sarkastikong tanong ko.
"No. Never. I would never make my girl cry."
"My girl?"
"My girl. You're my girl. My woman. The woman that I love. The person whom I want to spend the rest of whole lifetime with. My Tori Seven and damn! I'm truly grateful that it's you."
"Isn't too early for you to say that?" Natatawa pa ako pero deep inside? I'm screaming happily.
"This sounds cheesy and cliché but I already pictured my life with you. I saw it in your own eyes that you are the one for me. I saw my future with you. My weary and lifeless life suddenly became vivid because of you. A while ago, I said I'd make you fall deeply in love with me. Pero parang ako ata ang nahulog sa sarili kong patibong."
Everything went blurry pagkatapos ni Lexus sabihin iyon. Nahilo ako sa sobrang pagkalutang sa ulap.
Hinawak niya ang magkabilaan kong pisngi. Dumaloy ang kuryente sa buong katawan ko na nagsimula sa pisngi ko hanggang sa pinaka dulong bahagi ng katawan ko. I was electrified by his touch. Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
My mind went blank for a while. All I know that my first kiss will happen now. My Lexus George will kiss me. 'Yung kaninang naisip ko ay mangyayari na nga. I slowly closed my eyes. Dumampi ang malalambot niyang labi sa akin. It was sweet, electrifying and flawless. This moment carved its place inside my heart and mind.
Pagkaalis niya ng labi ay ramdam ko marahas niyang pag hinga. Katulad ko, namumula rin ang pisngi niya. Hinawakan niya ang baba ko at marahang itinaas para magtama ang mata naming dalawa.
"You officially owned my heart, Tori. And I willingly offer every parts of it because I belong only to you. I love you so much, my Tori Seven."