KABANATA 10

2857 Words
La Piazza Dinala ako ni Lexus sa Home for the elderly.  Higit isang oras din ang byahe at kasama na roon ang nadatnan naming traffic papunta. Hindi ako umiimik. Hinintay ko lang din na si Lexus na mismo ang nagsabi kung bakit dito niya ako dinala. Kahit na gusto kong itanong ay ipinagpaliban ko na lang. Ayaw ko namang ma-misinterpret niya ang tanong ko. Pero wala naman din talaga kaso sa akin. Ang totoo ay first time kong makapunta sa ganito. "Let's go? Nasa loob si mama. Patapos na rin siguro 'yung program." Wala sa loob kong sumabay sa paglalakad niya. Mama? Nasa loob?  "A-andito ang mama mo?" Kunot noong tanong ko. Sabay kaming napatigil sa paglalakad.  "Yes. Hindi ko pala nasabi sa'yo kanina. She's my stepmom and she really likes you." Nanuyo ang lalamunan ko. Napatango na lamnag ako at naglakad ulit.  Inikot ko ang paningin sa buong lugar. Malawak at mapuno ang lugar kaya presko at malinis ang ihip ng hangin. May isang maliit na simbahan sa gitna. Sa kaliwa naman nito ay may isa ring maliit na kapilya kung saan taimtim na nagdadasal ang mga matatanda. Sa bandang kanan naman ay ang malaking bahay kung saan sila tumutuloy. Makaluma ang style ng bahay na katulad sa Intramuros. "Don't be nervous, Tori. Mabait si mama. Excited na siyang makita ka." Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi niya.  That damn smile! Nakailang buntong hininga ako para mawala ang kaba. I'm also excited to meet his mom. Naco-conscious lang ako sa sarili ko. Bumalik na naman ang inis ko sa sarili. Kung alam ko lang din na makikilala ko ang mama niya, sana nakapag skin care man lang ako kagabi. Actually, nag blush on at lip stain lang ako. Hindi ko pa na check 'yung itsura ko bago bumaba sa kotse. Feeling ko ang disaster ng itsura ko. Tsk! Pag pasok namin sa malapad na kulay lupang pintuan ay bumungad sa amin ang iilang matatandang nagsasayawan ng chacha. Pumapalakpak naman ang iilang matatanda na nasa wheelchair. Napangiti ako. Ang cute nilang tignan habang sumasayaw. Malaki ang ngiti nila, parang walang mga iniindang problema at sakit sa katawan. Nakatayo kaming dalawa ni Lexus sa may pintuan. Napapalakpak na rin ako. "Nakakatuwa silang tignan 'no?" Napatingin ako kay Lexus habang tuloy pa rin ang pag palakpak ko. Diretso lang ang tingin niya sa mga matanda sa harapan at napalakpak din ang kamay niya.  Na a-amaze na naman ako sa mukha niya na parang sculpture. Jaw line pa lang pamatay na. Mala work of art! "There you are! Akala ko hindi na kayo makakarating." Naputol ang muntik ko na sanang pag d-daydream dahil sa babaeng humaplos ng balikat ko.  "Na traffic lang kame, Ma." Nilapitan niya ito at bumeso. Hindi ko pa rin magawang humarap sa kanya. Nahihiya ako. Nilalamon ng kaba ang buong katawan ko.  "And Ma, this is Tori." Iminuwestra niya ang kamay sa akin. Isang malalim na hugot ng hininga at dahan dahan kong ibinugha 'yon. Kaya ko mo 'yan, Tori! Paalala ko sa sarili ko bago humarap sa kanila. "H-hello p-po.." Nauutal na sabi ko. Napayuko ako sa hiya. Hiyang hiya ako. Parang gusto kong magpakain sa lupa!  "Oh wow. You're so beautiful, hija. Akala ko exaggerated lang 'yung mga kwento ni Lexus about you pero totoo nga." "When did I lied to you, Ma?" Proud na proud ang dating niya sa pagkakasabi no'n. "T-thank you po." Halos bulong na lang ang boses ko. Nag angat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Lalong namula ang pisngi ko sa mga tingin nila sa akin.  "Look, she's blushing!" Sabay mahina itong tumawa. "By the way, Tita Abbie na lang itawag mo sa akin ha?" Aniya sabay kindat.  "Sige, maiwan ko muna kayo. Lexus, sunod na lang kayo ni Tori ha?" Tumango lang si Lexus.  Pinilit kong lumunok dahil nanunuyot na ang lalamunan ko. Hindi ko maalis ang titig kay Tita Abbie. She looks so young and beautiful. Smooth and fair skin, and has curvalicous body. Sumunod na kame ni Lexus sa may kitchen area ng bahay. Abala ang mama niya sa mga pagkain ihahanda sa mga matatanda para sa meryenda nila. Abala rin ang mga iilang staffs na nandoon. Tumulong na lang kami ni Lexus mag distribute ng mga pagkain sakanila. Nakaupo na sila sa kani kanilang upuan, pagod at masaya. May isang mahabang mesa ang inilagay sa gitna. Isa-isa naming inilapag ang pagkain doon. May isang madre na nag bibigay announcement sa unahan para ipaalam kung ano ang program na gagawin nila para bukas. "Palagi ba nandito si Tita Abbie?" Tanong ko kay Lexus nung matapos kami sa pag di-distribute. Gumilid na muna kami kung sakaling may kailanganin ang mga lola't lolo ay kami na ang gagawa.  "Madalas lang. May iba pa kasing charity foundations na sinusuportahan si Mama. Lahat 'yun pinupuntahan niya. Malapit lang talaga ang loob ni Mama rito kaya napapadalas na."  "Madalas ka rin ba rito?"  "Pang lima ko pa lang ngayon. 'Yung kapatid ko 'yung lagi rito kaso nasa America na eh."  "Dun na nag aral?"  "Yes. At tsaka, naalala mo 'yung kinwento ko tungkol sa kanya? Mas advance ang medical equipments doon kaya makakabuti na doon na lang muna siya." May kaonting lungkot sa boses niya.  Itinigil ko na lang ang pagtatanong tungkol sa kapatid niya. Naalala ko tuloy 'yung gabi na sinabi niya sa akin na naiinggit siya sa kapatid niya. Hindi ko rin naman siya masisisi. Gusto lang naman niya ng love and affection mula sa daddy niya. Lalo na ngayon na pumanaw na ang totoong mama niya. Dumako ang tingin ko sa isang matanda na matigas ang pag-ubo na parang nabilaukan ata. "Ako na." Sabi ko kay Lexus. Nag panic ako nang kaonti nung papalapit ako sakanya. Kinuha ko ang tubig sa lamesa at dahan dahan kong pinainom iyon.   Sa gilid ng mata ko, nakita kong mabilis siyang kumilos at pumunta kay Tita Abbie. Hinaplos haplos ko ang likod ng matanda para tiyaking maayos na siya. Nagsilapitan ang ibang staffs para alalayan ang ibang matatanda na hirap sa pagkain. "Ayos lang po kayo, lola?" Mahinanong tanong ko. Umupo ako sa may bakanteng upuan sa tabi niya. Tingin ko nasa edad seventy na siya.  "Oo, hija. Maraming salamat ha? Kung hindi ka dumating baka iyon pa ang ikamatay ko. Nakakahiya naman kung mangyari 'yon." Seryoso lang ang mukha niya.  "Bakit naman po nakakahiya?" Ngumiti ako. Tinignan niya lang ako na parang ibang language 'yung sinabi ko kaya hindi niya maintindihan. Nag salubong pa ang kilay niya. "Aba'y syempre ganon talaga, hija. Ang mga kasabayan kong matatanda, ang kinamatay nila ay katandaan. Nakakahiya naman kung ang dahil ng pagkamatay ko ay dahil lang sa nabilaukan ako." Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Lito pa rin habang nakatingin sa akin. Ngumisi lang ako. "Teka... kilala kita ah." Naniningkit ang mga mata niya na parang matagal na talaga niya ako kilala. "A-ako po? Imposible po 'yan, lola. Ngayon lang po kasi ako nakapunta rito." Paliwanag ko. "Tama! Ikaw nga!" Hiyaw na ang pagkakasabi niya nito.  "Ikaw 'yung kasintahan ng paborito kong apo. Kapatid siya ng lalaking kasama mo kanina. Hindi ko na lang tanda 'yung pangalan. Pinakita kasi niya sa akin ang picture mo sa selpon. Ang ganda ganda mo pala sa personal!" Lumapad ang ngiti ni lola, manghang nakatingin sa akin.  Napatingin tuloy ang ibang staffs sa aming dalawa at ganoon na rin ang ibang mga matatanda. Natigil na lang si Lola nung dumating si Tita Abbie at hinimas ang likuram nito para pakalmahin. Napalakpak kasi ang matanda at napapatalon. Mukha naman talaga siyang masaya pero hindi ko ma-gets kung ano ang tinutukoy niya. Nakangiti lang si tita sa akin at huminging pasensya. Inaya ako ni Lexus na lumabas muna kami. Kinabahan ako. Sumunod na lang ako kay Lexus. Andito kami sa may swing sa likod ng simbahan. "Okay ka lang, Tori? Namumutla ka." Alalang tanong niya.  "Oo naman. Akala ko kasi may masamang mangyayari kay lola. Kinabahan ako bigla. Hindi ko lang maintindihan 'yung sinabi ni lola." "About what?" "Girlfriend daw ako ng kapatid mo? Hmm. I don't know. Baka mali lang ang dinig ko."  Nag salubong din ang kilay niya sa sinabi ko. I know right? Baka kamukha ko lang 'yung girlfriend nung kapatid ni Lexus. My face is pretty common kaya hindi naman nakakagulat 'yon. Sinumpong siguro nang pagkalito si lola o biglang nag jumble 'yung memories niya.  "Let's go to our second destination?" Umalis sa pagkakaupo si Lexus at tumayo sa harapan ko.  "Where?" Nakatingala lang ako sa mala work of art niyang mukha. "Ssshh. It's a secret.." He whispered it to my ears softly. Tumaas ang balahibo ko at nag init ang pisngi. Naalala ko tuloy 'yung payo ni Tito na wag ako pumayag na dalhin ako sa kung saan saan at dapat dun lang kami sa maraming tao.  Malayang tumakbo ang isip ko sa kung ano anong possibilities na pwedeng mangyari mamaya. Will he do something... lewd? Oh my god! Ano ba naman kasi 'tong mga naiisip ko! He wouldn't do something like that naman. Pero okay lang kung... kiss.  Nang makapag paalam kami kay tita Abbie ay umalis na rin kame. Kabado pero excited na ako sa sinasabi niyang second destination namin. Pinahulaan pa sa akin ni Lexus kung saan ba kami pupunta pero ni isa walang tumama sa hula ko. Nag drive thru muna kami sa Jollibee. Nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Umorder siya ng 50 pieces ng Spaghetti and Burger, and coke float. "Grabe naman ata 'yung gutom mo ngayon araw, Lex. Ikaw ata 'yung hindi okay sa ating dalawa." Pabiro kong sinabi.  Ngumisi lang ito. "You'll know it later, Ri." Maingat niyang inilagay ang mga pagkain sa backseat. Tinulungan ko na lang siya na mag lagay para siguradong hindi matapon.  After ilang minuto ay nakarating kame sa central park ng city. No questions asked. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang makababa. Based sa understanding ko, ipapamigay namin 'tong pagkain sa mga street children na naglalaro roon sa play ground. Pinagmamasdan ko lang siya habang binibitbit ang pagkain. My heart ached a little sa mga ginagawa niya. To be honest, I was expecting na pumunta kami sa mga magagandang lugar tulad ng tagaytay. Since maraming interesting places doon, plus, maganda ang view. Pero sa ginagawa at pinapakita niya? He's showing me his real self and his world. This is him. He's not that typical mayaman na ginagawa ang lahat para mag pa-impress sa girlfriends nila or flings or whatever you call it.  He's enjoying helping others. Yung ngiti niya yung nagpapatunay na puno nang kagalakan ang puso niya. Ang gusto niya lang ay makita ako. I don't know... or siguro date na 'to. But this is fun. I had fun seeing him happy. Seeing these children happy. Gaya ng mga gasgas na salitang naririnig ko, 'share your blessings'  Ang mga batang lansangan ay sobrang appreciative sa lahat ng bagay. Pagkain man o sa materyal. Ayun ang nakakalimutan ng mga batang lumaki na marami ang pribilehiyo sa buhay, like me. Our family can even buy the whole Jollibee corporation kaya balewala lang sa akin o sa amin 'yan ng mga pinsan ko. But these kids are enjoying the little things and sharing the simple joys in life. Pinunasan ko ang ilang luhang pumatak sa mata ko. I'm such a dramatic person. Nagulat ako sa biglaang paglapit ni Lexus sa akin. Biglaang sulpot pa nga eh. "What happened, Tori? Is there a problem? Did someone... f**k! I-I'm so sorry, Tori. I'm really sorry. I should've asked you f--" Tumingkayad ako at mahigpit na niyakap. Hindi ko dapat 'to ginawa kaso hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin siyang mahigpit. Ramdam ko ang pagtaas baba ng dibdib niya. Nagpakawala siya ng marahas na hangin. "Fuck." Aniya pero pabulong lang.  Bago pa man lumapat ang mga kamay niya sa likod ko ay inalis ko na ang pagkakayakap ko. Gusto kong matawa sa itsura niya. Halos hindi maipinta. Parang naiinis na natutuwa. Gumagwapo lalo kapag ganito ang itsura.  "Thank you." I chuckled. Tumaas ang kilay niya. He looks so confused. Kanina lang nag papanic na siya dahil nakita niyang umiyak ako. Tapos ngayon, parang hinuhulaan niya kung ano ang nasa isip ko.  "Thank you for letting me inside your world."  His confused face completely changed. His warm and bright smile is showing again. Parang may maliliit na karayom ang tumutusok sa puso ko ngayon. It's more than kilig. Kilig ay yung parang sasabog ka na pero iba 'yung nararamdaman ko. Every parts of my body became warm everytime he smiles. My heart aches at hindi ko alam bakit?  Pwede palang mangyari 'yun no? Your heart skips a beat pero takot ka. Parang anytime pwedeng bawiin sa akin 'yung happiness ko. Marahan niyang idinampi ang kamay niya sa pisngi ko. Ramdam ko ang init no'n. Bakit ba kasi naiiyak ako?  "I should be the one thanking you, Ri. Thank you for letting me share my world with you. You're a part of mine, and I'm hoping I can be a part of yours, too."  "AYIIIEEEEEEE!" Tukso nung mga bata na hindi ko namalayang nakapaligid na pala sa amin sa may kotse. Hinawi ko ang takas kong buhok at inilagay sa likod ng tenga ko. Pakiramdam ko pati tenga ko ay namumula na rin. Nagtawanan lang ang mga bata.  "Kinikilig si ate ganda oh!" Naka turo pa ang daliri nung batang lalaki sa akin. Nagsilapitan yung mga bata sa akin. Masasama naman ang tingin nung mga babae. May crush ata kay Lexus. I can't blame them though.  "Kuya Lexus? gelpren mo?" Tanong ng batang babae kay Lexus sabay hatak sa pants niya.  Yumuko si Lexus para maging mag ka-level sila nung bata at matamis ang ngiting ibinigay. "YES."  Nanlaki ang mata ko sa gulat. YES? Hindi naman nag ma-matter yung sinabi niya sa bata since bata 'yun at hindi ko dapat seryosohin kasi alam ko naman na hindi. Tinampal ko ang balikat ni Lexus. Mahina itong natawa, sinamaan ko kang siya ng tingin. Tinignan ko ulit 'yung bata. Lukot ang mukha at paiyak na. Loko rin 'to si Lexus! He just broke a young girl's heart. Kinurot ko sa tagiliran si Lexus at may impit na pag inda akong narinig. Unirapan ko na lang siya. Nilapitan ko 'yung batang babae na tuluyan na talagang umayak. "Baby girl? 'Wag ka nang umaiyak ha? Palabiro lang talaga 'tong si Lexus eh." Mabilis kong tinignan si Lexus at muling inirapan. Naki simpatya rin ang ibang bata roon at pinatahan 'yung bata. "Eh di naman po sinungaling si kuya, ate eh. Hindi niyo po ba gusto si kuya??"  "Oo nga ate. Pogi naman po si kuya. Bagay kayo." "Ayiiiieee. Kinikilig na naman si ate." "AYIIIEEEE" Tumayo ako at lumapit kay Lexus na nakasandal na sa kotse at naka-crossed arms. Nakangisi lang siyang nakatingin sa akin.  Naningkit ang mata ko. "Tinuruan mo ano?" Akusa ko, "No. Sila na rin nag sabi na hindi ako sinungaling. Tandaan mo, hindi marunong mag sinungaling ang bata." Katwiran niya. "Halika na nga. Saan ba 'yung next destination natin?"  "As you wish, my Tori Seven." Maagap niyang binuksan ang pintuan at inalalayan ako. Bago pa man niya maisara ang pinto ay hinawak ko muna 'to. Umiwas ang tingin niya na parang may malalim na iniisip. Nag kibitbalikat muna ito bago ibinalik ang tingin sa akin. Ngiting aso lang ako habang nakamasid sakanya habang umiikot pabalik sa driver's seat. Kilig na kilig naman talaga ako. Kainis! I bit my lower lip para itago ang kilig ko bago siya makapasok sa kotse.  Kinaway namin 'yung mga bata at sinuklian din nila ito. Hindi pa rin natinag ang kilig ko habang sinusuot ang seat belt.  "Uhm, saan tayo next?" tanong ko nung kumalma na ang puso ko. "To our final destination." Sagot niya sabay sulyap sa akin, mabilis din ibinalik ang tingin sa kalsada.  I laughed. "Make sure na safe 'yan ha? Baka ibang final destination ang madatnan ko roon." Natawa rin siya.  "After our final destination, I'll make you fall deeply in love with, my Tori." He said without any hesitations. Humahalakhak ako sa isipan ko. "Tsk. Matagal na nga akong in love sa'yo eh." Bulong ko sa sarili. "Hmm, ano 'yun Tori? May sin--" "Wala!" I cut him off.  Pati ako nabigla sa pagtaas ng boses ko. Mas karera atang nagaganap sa puso ko sa sobrang bilis ng t***k. Gusto ko tuloy iumpog ang ulo ko sa bintana. Mabuti na lang hindi niya narinig! Almost 7 PM na rin kame nakarating sa restaurant. Kaya pala parang pamilyar 'yung restaurant, isa 'to sa mga restaurant nila kuya Xenon. La Piazza. One of the best and finest italian restaurant sa buong Metro Manila. Or baka Philippines pa nga. Mula sa pintuan, disenyo at ilaw lahat ay magpaparamdam sa'yo na parang wala ka sa Pinas kundi sa Italy. Akala ko walang fancy dinner date na magaganap pero eto kami ngayon. Nasa pinaka mahal na restaurant. Pagpasok pa lang namin ay binati na agad kami nung waiter at itinuro saamin kung saan ang upuan namin.  Nagtaka lang ako kung bakit walang ni isang tao ang nandito. At alam na alam ko na kung bakit. Inalalayan niya muna ako maka upo. "Ayan na naman tayo sa killer eyes mo, Ri." Natatawa pa siya. "Binayaran mo 'yung buong restaurant ngayon gabi para tayo lang ang tao." Hindi tanong 'yun, kundi confirmation. Ngumiti lang siya bilang tugon.  Alam ko kung gaano kamahal dito. Hindi maipagkakaila na first class talaga 'tong restaurant. I just think this is a little bit too much? I know he's filthy rich gaya nung sinasabi nila kuya tungkol sa business ng pamilya niya. From a very simple guy to a wealthy show off guy. Kahit naman anong gawin niya, he's still Lexus. The person whom I'm in love with.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD