Kilig
Nagising ako sa mga maliliit na boses na narinig ko. Pag dilat ng mata ko ay hinanap ko agad kung saan nanggaling 'yung mga boses. Pag bangon ko pa lang ay bumungad na sa akin ang tatlo kong pinsan na nasa paanan ko. Naka higa sa kama si Matrix. Yung dalawa naman ay parehas na nakatayo at nakasandal sa pader ang katawan habang masinsinang naguusap.
I cursed under my breath. Tinadyakan ko si Matrix kaya tumalsik siya sa higaan ko at bumagsak sa sahig. He's cursing a lot while standing up. Nakatingin lang 'yung dalawa sakanya at walang pakealam sa ginawa ko.
"Masakit 'yun, Tori ah!"
Tumawa ako. "Alam ko. Kaya ko nga ginawa eh. Buti nga!" Pang aasar ko,
Hinagis ko sa mukha niya 'yung unan sa tabi ko. I got him again! Nung pinulot niya 'yung unan na ibinato ko sakanya ay kinuha ko pa 'yung unan sa gilid ko para itakip sa mukha ko. I won't give him the satisfaction of winning. Malakas na umalog ang kama nung tumalon siya papunta sa'kin.
Sunod sunod ang natanggap kong panghahampas galing sakanya. Dumapa ako at tinakip sa ulo 'yung unan. Pinupuntirya niya talaga 'yung likod ko para kapag humarap ako ay maihampas niya 'yung unan sa mukha ko.
"Stop it! I surrender!!" Nakatakip pa rin sa ulo ko 'yung unan habang tumakbo ako papunta kila kuya Maxell at Maximus. Binitawan ko agad 'yung unan na hawak ko nang makapagtago ako sa likod nila. Nakahawak ako sa sweatshirts nila, hinahatak 'yun pantakip.
"Oh! Ayaw ko na ah! Tama na." Nakangiting sabi ko. Nang umambang tatakbo si Matrix papalapit sa amin ay pinagsabihan na agad siya ni kuya Maxell.
"Stop this childish act, you two! Act your age!" Mataas at may diin ang tono ni kuya Maxell kaya natigilan kaming dalawa. Hinawi niya ang kanyang braso sa pagkakahawak ko. Tumuwid ako ng pagkakatayo. Si Matrix naman ay bumaba ng maayos sa kama at itinapon ang unan sa likod, nakabusangot ang mukha. Napakamot ulo na lang si kuya Maximus at humingang malalim bago magsalita.
"Chill, kuya. They act like a child because they are a CHILD." Pabirong ipinulupot ni kuya Maximus and braso niya sa leeg ni kuya Maxell. Marahas na tinaggal 'yun ni kuya Maxell at nag martsa na paalis sa kwarto. Nang makalabas si kuya Maxell, humarap si kuya Maximus sa akin.
"Kill joy talaga kahit kailan." pabulong bulong lang si Matrix sa gilid at iritado dahil hindi naka ganti sa akin.
"Ganon talaga 'signs of aging'." Si kuya Maximus, sabay kindat sa akin. "Mag shower ka na muna at mag ayos bago bumaba. You look like a mess, Ri, and you're still wearing your goddamn uniform. Tsk tsk!" Dagdag pa niya. Napatingin ako sa sa suot ko, hindi nga ako nakapag bihis kagabi.
Hinatak na ni kuya Maximus palabas si Matrix. Naka ilang angal pa si Matrix sa ginawang pag hatak sakanya sa kuwelyo. Pag ka lock ko nung pinto ay dumiretso ako sa closet. Mga iilang pares ng white shirts at pajamas ang nandito. Pagkakuha ko ng pamalit ay nagtungo na akong shower. Iiwan ko na lang muna dito 'yung uniform ko at sapatos. Marami pa naman akong pair ng uniforms sa bahay.
Pag katapos kong mag bihis at mag patuyo ng buhok ay lumabas na ako ng kwarto bitbit ang school bag ko. Kinuha ko sa loob ang phone para tignan kung anong oras na. 11:00 PM na. I still have lots of time para makapag ayos sa 'alone time' with Lexus.
Napangiti ako. Binasa ko rin ang iilang text mula kay Dad at Lexus at parehas ko silang nireplyan.
Dad:
Good morning, Sev. What time will you come home? Late na ako makakauwi mamaya. Please, don't be mad at me. Babawi ako sa'yo after I win this case. I love you.
Me:
Good afternoon, dad! After kong mag lunch uuwi na rin po ako. It's okay, dad. I understand naman po. Ingat po kayo jan and don't skip your meals. I love you too po.
Me:
Dad? Magkikita po kami ni Lexus. Promise po uuwi po ako agad! I love you po ulit.
Lexus:
Good morning, Ri. See you later! :)
Me:
See you later.
Ngiting aso lang akong pababa ng hagdan at nakatingin sa screen. Just by simply reading his name makes my heart skip a beat. Ang lala na ata nito. Tumakbo ang isip ko sa mga posibleng mangyari sa pagkikita namin mamaya. I'm sure Lexus has a plan and I'm so excited to be with him. Ibinalik ko ang phone sa bag. Nanatili muna akong natayo sa harap ng hagdanan at humingang malalim. I shook my head and cleared my throat.
"Birdy!" Hiyaw ni Kuya Maximus galing sa likuran ko. Sabay kaming napabagsak sa sahig nung dinambahan niya ako sa likod. Nakapulupot sa leeg ko ang mga braso niya. Mabuti na lang at hindi masakit ang pagkabagsak ko dahil sinadya ni kuya Maximus na siya ang maunang bumagsak at ako naman ay nasa balikat niya.
Humahagalpak ng tawa si kuya Maximus habang nakahiga kami sa sahig. Malakas ko siyang binalyahan sa tiyan kaya napatigil ito at napa inda. Tumayo at tinadjakan ko siya sa may pwetan sa pagkairita. Ang lakas lakas talaga ng trip! Sumigaw ba naman nang pagkalakas lakas tapos biglang magpapabuhat? Kung hindi ba naman talaga siraulo. Dapat siya ang sabihan ni kuya Maxell ng 'act your age!' Dammit!
"Bwiset! Epal! Pangit!" Sigaw ko, he's still laughing like an idiot.
Tumigil lang ako nung dumating si tita na galing sa garden. Nakaapak pa rin ang isa kong paa sa tiyan ni kuya Maximus. Pinanliitan lang kame ng mata ni tita. Walang salitang lumabas sa bibig niya. After no'n ay umalis din siya patungong kitchen.
"Epal ka, Maximus! I hate you! Tse!" Dumila ako at tumakbo na papuntang kitchen. Napangisi ako sa sinabi ko. That's the secret word to push his buttons out. Tumawa ako sa isipan ko. An evil laugh to be exact.
"WHAT THE HELL?!?" Sigaw nito.
Pag dating ko sa kusina ay nakaupo na sila tita and tito sa dining table.
"Good afternoon, tita, tito." Sabay beso ko sa kanila. Pagkaupo ko ay tumayo naman si tito para sagutin ang kakatawag lang na caller.
Nang makalayo si Tito ay bahagyang humarap si Tita Alice sa akin. Nakangiti na naman siya na parang may binabalak. Kinuha ko ang baso sa harapan at ininom ang tubig. Nagiwas akong tingin kay tita dahil alam ko na ang sasabihin niya. Sa gilid ng mata ko ay nakitang kong luminga luminga muna si tita bago inusog ang upuan papalapit sa'kin.
"Bagay talaga kayo ni Maximus." Bulong niya. Tumindig ang balahibo ko. Here we go again.
"Tita!" Angil ko,
"What? Ganon din ang tingin ng tito mo. I'm sure you'll make a cute couple. Diba? Just like in movies." Pursigido talaga si tita na ipagkanlulo ako kay Kuya Maximus para talaga maging anak niya na ako.
"Stop it, tita..." Napa linga rin ako sa buong paligid at binaling ang tingin kay tito na mukhang hindi pa tapos sa pakikipag usap. Ibinalik ko ang tingin kay tita. "Don't force it. He's just my kuya. That's it." Pagtutuloy ko.
"We'll never know. He loves you so—"
Natigilan si tita alice sa pagsasalita nung dumating ang tatlo.
"What are you two whispering about?" Tanong ni kuya Maxell. Umayos kaming upo ni Tita at bumalik sa pagiging pormal.
"Chismis." Si Matrix.
Katulad nung ayos namin kagabi ay katabi ko ulit si kuya Maximus. Sumilay ang malisyosang ngiti ni tita alice at mukhang nabuhayan na naman ng pagasa sa manok niya. Nakaismid lang si kuya Maximus. Kaya naman malakas ang loob ni tita na pilitin niyang maging kami ni kuya Maximus dahil hindi naman talaga ito totoong Rizaldo.
Based sa story ni tita Alice, nagsimba raw sila sa quiapo church ni tito noon. Paasakay na sila sa sasakyan nung may marinig silang sanggol sa umiiyak. Hinanap nila kung saan naggaling 'yung iyak at laking gulat nila nung nakita nila 'yung sanggol sa damuhan. Nakabalot sa puting tela at punong puno ng mga langgam. Puro sugat ang bata dahil sa mga kagat ng langgam at sinugod agad nila 'yun sa hospital na malapit.
Pinaimbestigahan ni tito kung sino ang nag iwan sa batang walang kalaban laban sa ganong klaseng lugar para mapagbayaran ang kasalanan pero bigo sila. Nung dadalhin na nila sa ampunan at iaabot na sa mga madre ay biglang nagbago ang isip ni tita Alice at nakiusap kay tito na sila na lang ang tumayong magulang. Pumayag si tito at simula noon ay siya na si Maximus Chance Rizaldo.
Alam ng buong family na ampon lang si kuya Maximus pero never naming pinaramdam na ganon siya. Pero dahil obsessed si tita na magkaroon ng anak na babae, pinipilit niyang pag partner-in kami ni kuya Maximus kaso imposible talaga eh. Pinsan, kuya, kaibigan, kaaway lang ang tingin ko sakanya at hanggang doon lang 'yun. At ganoon din naman siya sa akin.
"Chance? Do you have a girlfriend already? Kung wala, pwedeng si Tori na lang." Halos mabilaukan kaming lahat sa sinabi ni tita. Tuloy lang sa pagkain si Tita na parang walang mali sa sinabi niya.
Napainom ako ng tubig habang tinatapik ang dibdib ko.
"Mom?!" Tumaas ang boses ni kuya Maxell at masamang tinignan si Tita.
"Ano na namang mga naiisip mo, Al?" Bored na tanong ni tito, sanay na sa ugali ni tita kaya hindi na siya nagugulat pa.
Napainom din ng tubig si Matrix at nag sign of the cross. Natawa ako sa ginawa niya. Gulat naman akong tinignan ni kuya Maximus at nataranta sa pagsasalita.
"D-do.. do.. Shi— You're enjoying this aren't you?" bintang niya.
I rolled my eyes. "No! I like someone else 'no. May date nga kami mamaya eh!" Di ko na naitago ang pagtataray ko kahit nasa harap ako ni tito.
"Who?" Si kuya Maxell na sumubo pa ng chicken curry.
Sasagutin ko na sana pero naunahan na ako ni Matrix. "Lexus."
Mag re-react din sana si tita pero pinigilan ito ni tito. "Let's just eat our lunch. Okay?"
Tumango kaming lahat at tumahimik na.
"Tori, alam ba ni kuya 'yan? Mag iingat ka sa date mo na 'yan. Hindi mo pa 'yan lubos na kilala kaya wag kang pumayag na dalhin ka sa kung saan saan. Doon lang dapat kayo sa maraming tao."
Tumango tango rin 'yung tatlo habang nakikinig sa mga sinasabi ni tito.
"Opo, tito. Nasabi ko na kay daddy. Mag iingat po ako." Pagtuldok ko sa usapan.
Ala una na ako nakarating sa bahay. Ayaw pa akong paalisin ni tita lalo na't nalaman niya na may date ako. Nabaliw na talaga 'tong si tita. Si kuya Maximus na ang naghatid sa akin pauwi. Puro asaran lang naman as usual nangyari sa buong byahe. Banayad ang isip ko dahil hindi naman siya naapektohan sa kalokohan kanina ni tita. Palagi naman sinasabi ni tita 'yon kaya wala na rin 'yun sakanya.
"Binabalaan kita ha. Bawal kang main-love sa akin? Kadiri." Seryoso lang ang mukha niya. Parang gusto kong ihampas sakanya 'yung bag na hawak hawak ko dahil sa inis. Tingin ba talaga niya mangyayari 'yon? Kahit siguro siya na lang ang huling lalaki sa mundo ay hindi ako papatol sa kanya. Pinsan man o hindi.
Litaw sa mukha ko ang pandidiri at inis ko sakanya.
"Can I say something that will make you mad?" Malumanay at kalmadong tanong ko. Nagsalubong ang kilay niya at inisip kung anong tumatakbo sa isip ko.
"Okay... go on." Tugon nito.
"f**k. You." Mabagal at may diin kong sinabi 'yon. Nag igting ang panga niya. Feeling ka kasi!
"This is reality, Maximus Chance. I would never fall in love with my own cousin."
Mabilis akong bumaba sa kotse niya.
"YOU'RE NOT ALLOWED TO CUR— f**k. JUST TAKE CARE OF YOURSELF LATER, YOU CARELESS GIRL!" Nakapasok na ako sa gate nung sumigaw siya. Padabog kong ibinagsak ang pinto at dumiretso na sa loob ng bahay.
"Ma'am, okay lang po kayo?"
"Yes. Good afternoon din, yaya." Dinaanan ko na lang si yaya at dumiretso na sa kuwarto. Humiga agad ako sa kama at ipinit ang mata kahit saglit lang.
Huminga akong malalim at kinlaro ang isipan. Normal na pagtatalo lang naman namin 'yun. Nagulat lang talaga ako na sa tagal na kaming tinutukso ni tita ay ngayon lang sinabi ni Kuya Maximus 'yon tapos sobrang confident pa.
Naisip ba talaga niyang magugustuhan ko siya 'no? Baka siguro kung hindi kami sabay lumaki. Gaya ng paboritong linya ni tita, 'We'll never know.'
Napabangon ako bigla sa pagkakahiga ko nang maalala ko na 3 PM kame magkikita ni Lexus. 2:30 na at sigurado akong papunta na 'yon! Ang sabi ko pipikit lang bakit nakatulog ako? Careless nga talaga ako gaya ng sabi ni kuya Maximus. Hinayaan ko ang sarili kong makatulog kahit na may lakad. Naiinis ako sa sarili ko.
Nagmadali ako mag shower, mag bihis at mag lagay ng kaonting make up. Saktong 3 PM ay tumawag si Lexus sa akin at sinabing nasa tapat na siya ng bahay namin.
"Talaga? Si.. sige.. baba na ako.." Hingal kong sagot.
"Are.. you sure? You okay? Ma—"
"Wala, wala...sige na." pinutol ko na ang linya.
Bago ako lumabas sa kwarto ay tinignan ko ang itsura ko sa whole body mirror ko and sprayed some high end perfume all over me. I'm wearing mustard color sun dress na above the knee and a white converse. Not bad kahit na wala na akong time mag isip at mamili ng susuotin. Napabilib ako sa sarili ko sa sobrang bilis ko at napagkasya ko ang lahat ng 'yun sa maikling oras.
Habang palabas ako ng bahay ay andaming tumakbo sa isip ko. Kung sana ay inayos ko na 'yung susuotin ko nung nakauwi ako. Kung sana ay hindi na ako pumikit pa, ayan tuloy trinaydor ako mismo ng sarili ko. Damn! I immediately calmed down when I saw his face. Gaya ng sabi ni Albert Einstein na, "Time is an illusion."
Tumigil ang mundo nang makita ko si Lexus. 'Yung huminto at nawala 'yung mga background noise at 'yung kaming dalawa lang. Kaya niyang buhayin ang buong pagkatao at senses ko gamit lang ang mga ngiti niya. Ngayon ko lang na experience 'yung ganito. Nakikita ko lang sa mga teleserye. Yung may slow motion effect at butterflies in my stomach. This feeling is new and exciting in any way possible.
Nakatayo lang siya habang nakasandal sa kotse at nakapamulsa. He smiled brightly, like the sun. Wearing a denim jacket and a white shirt underneath and black pants. Same pa kaming naka white shoes! He looks so damn fine at ang gwapo niya lalo. Ilang babae naman kaya ang hahanga sakanya mamaya sa pupuntahan namin. Bumuntong hininga na lang ako sa naisip ko.
Wait... saan nga ba kami pupunta?
"Hello, beautiful!" Nakangiting bati nito at binuksan ang passenger seat. Nakangisi lang ako habang papasok sa kotse.
"Baliw." Bulong ko nung pumasok siya sa driver's seat.
"Sayo." Nagulat ako sa sinabi niya. I shook my head.
"Gasgas na ba?" Tumawa ito.
Nakatitig lang siya sa akin at hindi pa rin nawawala ang masaya niyang ngiti. s**t! Nakakaakit 'yung mga tingin niya. Nagiwas akong tingin. Isinuot ko ang seatbelt at kinalma ang sarili. I bit lower lip. Hindi ako makatingin sakanya kasi alam kong namumula ang mga pisngi ko dahil sa sinabi niya, sa kilig at sa pag pipigil ng kilig!
Damn this man! Damn him! Nakakabaliw. Nakakatorete. How am I supposed to conceal this 'kilig' inside my heart?
"Corny ba? I just missed you so much. It's making me crazy, Tori. You're making me... crazy."
I am doomed.