Call
Alas nuebe na ako nakauwi sa bahay. Pagpasok ko pa lang sa gate namin ay si dad na agad ang nadatnan ko. Mapanuri ang kanyang mga mata habang hawak hawak ang basong may laman na whiskey.
"Good evening, dad." Bumeso muna ako sakanya bago siya nilampasan.
"Bakit ngayon ka lang? Galing si Rem kanina rito hinahanap ka. What happened?" Napatigil ako sa paglalakad at nilingon si dad. I cleared my throat.
"I'm with Lexus kanina, dad. Uhm, hinatid namin si Cia sa kanila kaya natagalan ako. Sorry po."
"No need to say sorry, nak. Pero sa sunod update me para hindi na ako mag alala pati mga pinsan mo. Okay?" Pagkatango ko sa sinabi ni dad ay nag lakad na ako papunta sa kwarto.
Napagod ako sa araw na 'to. One step at a time, Tori. Inilapag ko ang bag sa study table at pagod na umubo sa bean couch malapit sa sliding door ng balcony. I let out a heavy sigh. I was in deep thought while looking at the sky full of stars. After all that happens kanina, luminaw ulit ang pagiisip ko at gumaan ang pakiramdam. Thanks to Lexus at sa mga sinabi niya kanina.
Wala naman akong mapapala kung magalit ako sa mga pinsan ko. I'm sure hindi naman niya ginusto 'yung nangyari kanina. At para sa mga bitchesang kasama nila? Ewan ko lang ha. Wag ko na lang sana silang makita sa campus o marinig na may sinasabi na naman silang masama kay Cia. Hindi ako nakakakain ng maayos kanina, uminom lang ako ng kakaonting frappe at naibuhos ko pa kay Micah.
Nakailang aya pa si Lexus sa'kin na kumain muna bago ako ihatid pero nagpumilit ako na kailangan ko nang umuwi. Wala rin naman akong gana at nalipasan na rin. Humugot ulit ako ng lakas para tumayo. Nag shower para mawala ang pagod na naramdaman ko kanina. I checked my phone and went to sleep.
"Puyat ka?" Wala sa sariling tanong ko kay Cia. Masama naman ang tingin ko sa bitbit niyang pink tumbler.
"Hindi ah. Maaga lang akong nagising kaya inaantok na agad ako." Napatingin sa akin si Cia na ngayon ay nakakunot ang noo.
"Gusto mo uminom? Sama ng tingin mo eh. Inaano ka?" Inabot niya sa'kin ang pink tumbler niya. I rolled my eyes at her.
"Kailan mo sasagutin si Lexus? Boto ako sakanya. Ang lakas ng tama sa'yo!"
Nagkibit akong balikat. "Ewan. Hindi ko pa naiisip 'yun eh."
"Eh? Doon din naman ang punta niyo. You love him na nga di'ba? Iniisip mo ba sila Harem?"
"Silly. We'll get there, C. Chill! As for my cousins, hindi sila kasali sa decision making ko 'no." Sumangayon lang si Cia sa mga sinabi ko.
Good thing at ayos na siya ngayon. Back to her old self pero mas happier. Abala ang mga estudyante dahil finals na. Malapit na rin ang exam week namin! Ibig sabihin, malapit na ang graduation! I can't wait! Pumasok sa isip ko na mag college sa UST para same kami ni Lexus. Naisip kong mag accountancy, business management or ab psychology. Hindi ko pa sigurado kung ano ba talaga ang gusto ko.
Hindi pumasok ang prof namin sa last subject kaya nag attendance na lang kame. Since ako ang secretary, kailangan kong maibigay yung attendance sheet sa prof o iwan sa table niya. Nagmadaling umuwi si Cia dahil nagkaroon ng emergency sa kanila kaya ako lang magisa ang nag tungo sa faculty.
Pagpasok ko sa faculty office ay nakita ko agad kung saan ang table ng prof namin. Binati ko ang iilang mga profs na nasa loob ng faculty at dumiretso sa table. Pagkatapos kong ilagay 'yon ay umalis na ako. Pabalik ako sa classroom ko ng may mga iilang estudyante ang mga nagkukumpulan sa harap ng bulletin board. Lumabas na siguro ang schedule ng exam kaya hindi sila magkanda ugaga.
I stayed there for a while. Para lang akong estatwa na nakatayo sa may likuran nila sa di kalayuan. Pinapanuod ko lang kung paano sila magtulakan. They look happy though.
"Pwede mo naman silang paalisin sa dinadaanan mo." Suhestyon ni Matrix na nakatayo sa kaliwa ko na nakapamulsa.
"Wala naman akong pakialam sa kung ano man 'yung tinitignan nila. I'm just here to observe." Nagsimula na akong maglakad papalayo kay Matrix para kunin ang iniwan kong bag sa classroom.
Hindi pa man ako nakakalayo sa kanya ay napatigil ako sa pagkapit niya sa uniform ko. I sighed.
"Oh?" Inis na tanong ko.
Iniabot niya sa akin ang bag ko. Hindi ko napansin na suot pala niya 'yun kanina pa. Tamad kong kinuha ang bag at sinuot sa balikat.
"Pinapapunta ka ni mommy sa bahay. Miss ka na eh. Ano?" kaswal na tanong niya.
Tinignan ko lang sa mata si Matrix pero iniiwas niya 'yun sa akin. Guilty! That's a good excuse, to be honest. I miss tita Alice kaya pumayag ako sa anyaya ni Matrix. Nauna siyang naglakad papunta sa kotse at tahimik akong nakasunod. Sinasadya kong bagalan ang paglakad ko.
Nakailang tigil si Matrix para antayin ako. Bakas sa mukha nya ang pagkairita at pagpigil sa sariling pagsabihan ako. Sinuri kong maiigi ang lahat ng sasakyan na naka park doon. Wala sila Harem at kuya Xenon dito. Totoo nga siguro na pinapapunta ako ni Tita Alice sa kanila. Pagkabukas ni Matrix sa pintuan ay agad din siyang umikot pabalik sa driver's seat.
"Thanks." Sabi ko pagkapasok sa kotse.
Binuksan niya ang makina at agad kaming nag tungo sa bahay nila. Sumalubong sa amin ang mga guards at binuksan ang malaking gate para makapasok kami. Triple ang laki ng bahay nila kumpara sa bahay namin kaya naman marami silang guards at maids.
Inupdate ko si dad na andito ako sa bahay nila tita Alice at baka dito na rin ako matulog. May sarili rin naman akong kuwarto sa bahay na 'to at ganon na rin sa ibang bahay ng mga Tito at tita ko. Katulad kanina ay ganoon ulit ang ginawa ni Mat. Binuksan ang pintuan ko at inalalayang pababa.
"Thanks." Sambit ko.
Bumati sa amin ang iilang mga guards nila roon. Tinanguan ko lang sila at pumasok na sa loob. It's good to be here again. Miss na miss ko na si Tita Alice na sobra sobra akong inii-spoiled. Maaliwalas at puting puti ang kulay ng buong bahay. Bumagay ang mga simpleng disenyo at puting muwebles nila sa buong structure ng bahay.
Tumingala ako sa mataas nilang ceiling para tignan ang pinaka gusto kong disenyo ng bahay nila, ang chandelier. Sa Rome pa nila 'to binili, pakiramdam ko nasa modern castle ako kapag tinitignan 'to. Naputol ang atensyon ko sa pag hanga sa chandelier nung tumunog ang phone ko. Agad ko yung kinuha sa bag.
Lexus:
Good evening, beautiful! I hope you had a great day today. I miss you :(
Kinilig ako sa sinabi niya. I bit my lower lip and send my reply.
Ako:
Good evening, handsome! I had a great day today. :)
"Tori! I missed you so much, sweetie. Come here!" Narinig ko ulit ang pagtunog ng phone ko pero inilagay ko muna iyon sa bag at nilapitan si Tita Alice para yakapin. Sabay na kami ni tita'ng nagtungo sa kitchen nila. Si tito Amiel ay abala sa pag luluto ng carbonara. Si Matrix naman ay nasa kwarto niya.
"Saan sila kuya Xell and Xim?" Tanong ko.
Pumwesto na si Tita sa may long table at sinenyasan akong lumapit. "Pauwi na rin sila. I told them that you'll stay here tonight! Sayang. Sana dito ka na lang forever." Malungkot ang tono niya at ganoon din ang mukha niya. I would love to stay here and be their princess.
Mawawalan nga lang ng kasama si dad kapag nangyari 'yon. Sumulyap ulit ako kay tita para pagmasdam ang mukha niya. She's already 45 but her skin looks young and smooth compare sa ibang kaidad niya. She hates cosmetics and going to dermatologist. She's using organic skin cares and eating healthy foods. That must be her secret. I wish to be as pretty and younger looking when I turned 45.
"Hindi papayag si kuya niyan. Wag mo na kulitin ang bata, Al." Kalmadong saway ni Tito Amiel kay tita Alice na nakapout. Ang cute talaga nilang dalawa tignan. May pagka childish kasi si Tita, si tito naman ay sobrang seryoso at halos hindi nangiti. Opposite attracts?
"Good evening, ma. Evening, dad." Dumating na sila kuya Maxell at Maximus. They kissed my cheeks at ganoon din ang ginawa nila kay tita. Pagkabati nila kay tito ay nagsiupo na rin sila. Katapat ko si Kuya Maxell. Tumabi naman sa'kin si Kuya Maximus. Nakaramdam ako ng pangangalabit mula kay Maximus kaya pinandilatan ko siya ng mata.
"Stop it!" Matigas na sabi ko pero pabulong lang. Nakangiti lang si Maxell habang nakatingin sa amin. Alam niya na iniinis na naman ako ng kapatid niya.
"You'll stay here tonight? Himala! Akala ko magkaaway kayo ni Mat." Bulong niya.
"Yes. I'll stay here kasi sabi ni tita. Mamaya ka na makichismis at kakain na tayo." Tinuldukan ko ang usapan namin.
Nag tawag si tito ng maids para ihain ang pagkain namin. Umupo na rin si tito. "Where's Mat? Kanina pa 'yun wala. Umalis na naman ba?" Inutusan ni Tito ang isang maid para tawagin ang sir niya.
Akala ko carbonara lang ang niluto ni tito Amiel pero marami pa pala. Nagsimula na kaming kumain kahit wala pa si Matrix. Pagbalik nung maid ay lumapit ito kay tito at may ibinulong. Tuloy tuloy lang ng pagkain sila Tita at yung dalawa.
Tinitignan kong maigi ang buka ng bibig nung maid. Hindi ko masyadong naitindihan kung ano 'yung buo niyang sinabi. Basta sigurado ako na hindi na sasabay sa pagkain si Matrix. Ano na naman bang problema nun? Tumaas baba ang dibdib ni tito. Kumalma lang ang pag hinga ni tito noon hawakan ni tita Alice ang kamay niya.
The power of love. It calms you down when you're mind is in chaos.
Ano ba kasing problema talaga ni Matrix? Sinadya kong bilisan ang pagkain para mapuntahan sa Matrix sa kwarto niya.
"Mat? Can I come in?" Kumatok ako ng limang beses pero wala pa rin siyang sagot. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nakitang nakahiga lang sa Matrix sa kama niya na naka headphones.
Pumasok ako sa kwarto niya at naupo agad sa may paanan ng kama. Hindi pa rin niya ako binigyang pansin kaya hinaklit ko 'yung headphones sa tenga niya. Masama ang mga tingin niya.
"Busog pa ako kaya hindi ako kumain. Okay?" Wala pa man din akong sinasabi ay may nasagot na siyang tanong na binubuo ko pa lang sa isip ko.
Pinausog ko si Matrix para makahiga akong ayos sa kama. Sinunod naman niya ang gusto ko. Pagkahiga ko sa malambot niyang kama ay binalik ko na 'yung headphone niya na hawak ko.
"If you're curious about what happened to Micah and Lea, well, uhm, wala na sila sa school."
Napabangon ako sa sinabi ni Matrix. Hindi naman nagbibiro si Matrix sa sinabi niya. Nagulat lang talaga ako na wala na sila sa school in a short period of time. Umayos akong pagkakaupo at pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Damn! I'll explain it to you. Stop killing me with those eyes! Kinausap ni Rem si dad at tito ralph about sa nangyari sa café kahapon. I don't know the exact details basta sinigurado niya na hindi na magsasalita ulit 'yung dalawa kay Cia. At para hindi ka na guluhin." Nakanganga lang ako sa buong explanations niya.
Andaming mas malala pa ang nangyari sa akin before pero never na umabot sa puntong matatanggal sa school 'yung bullies ko. Wait a minute... lahat ng bullies ko, hindi ko na nakikita sa school! So dati na nilang ginagawa 'to. Every time na sinasabi nila na hindi na nila ako guguluhin pa ay dahil wala na sila mismo sa school! What the f**k! Now I understand everyting!
"Why'd you do that? Kawawa naman sila? I hate what they did but do they need to leave the school? Finals na ah!?" I feel responsible for this. Nakakaawa naman sila. Wala nang tatanggap sa kanilang school lalo na't patapos na ang school year. Paano sila? Anong mararamdaman ng parents nila? This is too much for me to handle. Ang lala pala ng mga ginagawa nila sa bullies ko. At pumapayag talaga si Tito Ralph? Does dad has a knowledge about this?
I wonder, kaya ba hindi ako pinapayagang lumipat ni dad dahil tinatanggal din naman ni Tito Ralph and bullies ko? I have so much going on in my mind right now. Akala ko agrabyado ako pero kame pala ang mas nang aagrabya ng iba. We're using our powers to destroy people's future.
"Because they hurt you. That's what they got in return. If they mess with you, our whole family will mess with them." Malamig na pagkakasabi niya. Wala siyang pakialam sa kahit na sino! I, too was fooled by their charming looks. Kinilabutan ako sa sinabi niya.
Nasampal na naman ako ng katotohanan. Kaya pala takot ang mga taong kaibiganin ako dahil takot silang magkamaling masaktan ako. Everyone knows what my cousins are capable of. Ako lang yata ang hindi.
"Based sa mga sinabi niyo, have you... do you know what Cia's past work? RIght? Why'd you let her befriending me?"
"Cia is harmless. Her past work doesn't define her, diba? Nakita naman namin kung paano ka niya pasayahin kaya ayos lang. Wala naman kaming gagawin sakanya basta... wala rin siyang gagawin sa'yo. Simple."
Kahit papaano nakakapag process pa naman 'yung utak ko. Kanina lang parang gusto kong mag hysterical sa mga nalaman ko. Tumayo na ako sa kama ni Mat.
"Before you go, I want you to know that we're doing this for your own good... para walang makasakit sa'yo. You never fought back to your bullies because you're too soft for them. This mad world is cruel, Tori. Hanggat kaya, we'll do everything just to protect you.... pero sa nakita namin kahapon, 'yun yung unang beses na lumaban ka. At para 'yon sa kaibigan mo. Ibang iba ka talaga sa aming lahat. Marami na kaming nasaktan, naloko, sinira ang buhay pero ikaw? You're too busy being nice to people who doesn't even know or like you. Always keep in mind that you'll always be the treasure of this family."
I went speechless from what Matrix said. Lalo lang akong naguluhan. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin at mararamdaman. Is being kind means being weak? I was too sheltered to know what the world has to offer.
It's kind of funny when dad keeps on telling me that I need to explore and experience what the world has to offer pero hinahayaan niya 'yung mga pinsan kong ikulong nila. Kaya lang naman ako hindi lumalaban kasi ayaw kong sayangin ang oras ko sa kanila.
Micah and Lea are another case. What they did isn't about me. Nasagad nila 'yung pasensya ko. Kung ako lang? Baka tingin hindi ko maibigay sa kanila. Ang sweet ng mga pinsan ko kaya lang nakakasakal minsan. Pagkalabas ko sa room ni Matrix ay nakasalubong ko pa sila kuya Xell at Xim. Tinawag nila ako pero dirediretso lang ako sa paglalakad. Mangiinis lang naman 'yung dalawa.
Pagpasok ko sa kwarto ay tumalon na ako papuntang kama. Parehas lang ng kwarto ko sa bahay ang kwarto ko rito. Mas malaki nga lang ang kama ko sa bahay. Ganon siguro talaga kapag only girl sa pamilya. Only child lang si lolo at lumaking walang nanay. Ginusto niya na magkaroon ng anak na babae pero apat na lalaki ang binigay sakanya. Sa lahat ng anak ni lolo, si daddy lang ang may babaeng anak.
Pumikit akong mariin at hinilot ang sentido ko. Patulog na sana ako noong biglang nag ring ang phone ko.
"Hello?"
"It's Lexus. Hindi ka kasi nakapag reply kaya nag worry lang ako. Nakakaistorbo ba ako?"
"Hindi! May problema ba?
"Can I see you tomorrow??Kung okay la--"
"Sure! Oo naman! Tomorrow. 3 PM?"
"See you tomorrow then. Goodnight, Ri!"
Nagising ang diwa ko pagkapatay ng tawag. I missed him so bad! Kinalma ko ang puso ko at pinilit ang sariling makatulog.
Ang hirap hirap lalo na't siya na naman ang tumatakbo sa isip ko.