Kuya
"Sorry talaga, Ri! Nagka-diarrhea kase ako that day. Sorry talaga! Babawi ako sa'yo promise!" Mahigpit ang yakap ni Cia sa akin. Kanina pa siya humihinging sorry sa hindi niya pagpunta sa party ko. Marahan kong tinulak si Cia para bumitaw sa pagkakayakap sa'kin.
Paiyak na talaga 'yung mukha niya.
"Baliw! Okay nga lang 'diba? I understand your situation naman. If that happens to me, hindi rin ako makaksipot sa birthday mo, if ever." Sumilay ang ngiti sa labi niya, nakahingang maluwag.
Uwian na, marami nang students sa hallway at lobby. "Anong meron? Bakit pala tayo pinapapuntang lahat sa grandstand?" Huminto ako sa paglalakad. Andami nang estudyante ang nakaharang sa palagpas ng hallway.
"Tss! Haven't you heard? May pa prayer vigil para sa schoolmate natin 'no." Aburidong aniya at nagkamot ng pisngi.
Gumilid muna kame ni Cia para padaanin ang mga student na papasok.
"Prayer vigil? Para kanino? Tsaka ba't di ko alam 'yan? Kailan ba sinabi?" Takang tanong ko habang naka halukipkip. Andami naman atang tao. Kalian ba sila mauubos?
"Kanina sa class. Busy ka kase sa pag d-daydream kaya hindi mo narinig. Tsaka 'di ko kilala kung sino..." Biglang umirap sa hangin si Cia kaya natawa ako at siniko siya.
"Di kilala? Bakit parang galit ka? Boyfriend mo 'no?" Pangaasar ko, taas baba ang kilay.
"Hindi ah! Kilala ko pero pinagsisihan ko na nakilala ko. Basta! Wag na nga nating pagusapan naiinis ako." Mariing depensa niya. Parang bulkang nag aalburoto si Cia ngayon. First time ko lang sya nakitang mainis. Ano ba naman kase ginawa sakanya no'n? Ex?
Hindi na namin hinintay pa na maubos ang nagdadaanang tao. Hatak hatak ni Cia ang shoulder bag ko at nakipagsiksikan. Grabe naman kase sa dami ng taong pupunta sa grandstand eh! Sikat ba na tao 'tong ipagdadasal nila kaya ganito karami? At bakit dito sa school? Puwede naman sa chapel na lang, e.
"Oh diba? Kung andun pa tayo malamang aabutin tayo ng siyam siyam. Kaloka!" Parehas kameng hingal ni Cia sa pakikipagsiksikang ginawa namin. Sawakas at nakarating na kame sa quad.
Umupo ako sa stone chair doon sa gilid. Si Cia naman ay nanatili lang na nakatayo habang umiinom ng tubig sa pink tumbler na bitbit niya.
"Teka nga pala! Kayo na ba nung Lexus na 'yon?" Tanong niya.
"Hindi pa 'no."
"Kilig ka naman? Like niyo pala isa't isa dapat kayo na!" Pangungulit pa niya.
"Baliw!"
"Riri! Cia!" Hinihingal na tawag ni Harem sa amin.
"Bro!" Bati ni Cia at nakipag apir pa no'ng makalapit si Harem. Kumunot ang noo ko sa ginawa nila. Kailan pa naging close ang dalawang 'to?
"Hoy hoy tori! Baka binibigyan mo kameng malisya ha?" Dipensa ni Cia nang mapatingin sa mukha ko.
Umiling-iling si Harem at napangisi sa sinabi ni Cia. Feeling ko talaga may something sa kanilang dalawa. Well, wala namang masama. Maganda at mabait si Cia. Mejo boyish lang pero masayang kasama.
"Hatid na kita, Ri. Simula ngayon, kame na nila Mat ang mag hahatid sundo sa'yo."
"Bakit? Sinesante niyo na talaga si manong?" Si Cia.
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Harem at sa tanong ni Cia. Bumagal nang konti ang pag proseso ng mga sinabi nila sa utak ko.
"Bakit?" Naguguluhan talaga ko. Bakit nga ba?
"Uhm, wala lang. Bawal ba?"
"Wala lang is not a valid reason, Rem. Ano nga?" I demanded.
"It is. Sa akin at sa lahat." Sagot niya, kumindat at ginulo ang buhok ko bago tumayo. Lumipat ito sa harap ko habang nakapamulsa. Abala si Cia sa pag inom ng tubig niya na tahimik na nakikinig sa usapan naming dalawa. Mula kanina ay iisa lang ang reaction ko. Nakakunot ang noo at naghihintay na masagot ni Harem ng tama ang tanong ko.
"Sa lahat? Pati kay dad? What about my driver? Paano kung may pupuntahan kayong tatlo? Isasama niyo ako?"
"Ayos lang naman kay tito. Stop asking silly questions, Tori. Just let us do what we want. Come on! Let's go, Cia."
Then, what about what I want?
Bago pa man ako makabuo ng bagong tanong na ibabato sakanya ay hinatak na niya ako papuntang parking lot. Nakasunod lang si Cia na hanggang ngayon ay hindi pa rin ubos ang laman ng tumbler.
The heck? Saan ba ako mas bothered? Sa set up nila harem o sa inumin ni Cia na parang bulsa ni doraemon na puno ng tubig kaya hindi maubos ubos? Seriously?!
"Saan tayo?" Tanong ni Cia na nasa back seat. Nilingon ko siya para tignan kung nainom pa rin ba.
"What? Did I say something wrong?" Finally! Naubos na rin niya ang tubig! Ngumisi lang ako.
"Wala! Don't mind me na lang, C."
"Eh saan nga tayo?" Si Cia, bakas ang pagkairita sa boses niya.
"Dinner." Si Harem
"Dinner? Yeheyy! Sakto gutom na ako!"
Ilang minuto lang at nakarating na kame sa favorite hangout place nila Harem. Chimney's Pill Cafe. Palagi rin ako rito before, tinamad na lang ako pumunta kase mas marami ang boys na nandito compare sa girls, I don't know why.
"First time ko rito! Gandaa!" todo picture pa si Cia sa labas ng café, nagtitinginan ang ibang costumer na nasa loob dahil sa ginawa niya.
"Later na lang 'yan, C. Kain na tayo." Hinatak ko na ang uniform ni Cia kase ayaw pa atang magpaawat.
Wala pa ring pinagbago 'yung interior design ng café. I heard nag renovate raw sila pero same pa rin naman. Same aesthetic appeal, picture ready. Kahit saan ka mag picture ay pang i********:. Wala namang masyadong tao rito since sobrang pricey ng mga foods and beverages. Combination ng industrial and modern 'tong place and open roof in center and covered with glass kaya sobrang ganda ng sky view.
Nakapwesto sa may dulo ng café sila Matrix and Kuya Xenon with their flings. Wala pa man kameng naoorder ay nawalan na agad ako ng gana. Hindi ko kayang makipag plastikan na naman sa mga babae nila for tonight. Urgh! Inuwi na lang sana ako ni Harem.
Kasama ni Harem si Cia na pumunta sa counter para umorder. Kanina pa ata sila Matrix dito, paubos na 'yung foods eh... Magkaharap na long rustic couch ang pwesto nila na may glass table sa gitna. Sa kaliwa, si Matrix at 'yung kasama niya. Sa kanan naman ay sila kuya Xenon.
"Hi!" Bati nung dalawang babaeng kasama nila. Sinuklian ko lang sila ng ngiti.
"This is Lea" Pakilala ni kuya Xenon sa katabi nya. "And this is Micah." Dagdag pa nito. Nakipag kamay ako sa kanilang dalawa at umupo sa tabi ni kuya Xenon.
"Akala ko mamaya pa kayo pupunta kaya umorder na kame." Si Matrix.
"How's the prayer vigil?" Si Lea.
"Hindi kame pumunta eh. Natraffic lang kame kaya matagal." Sagot ko.
"Sayang hindi ako nakapunta. Classmate ko pa naman 'yun." Malungkot ang pagkakasabi ni Micah non at pinulupot ang kamay sa braso ni Matrix. Grabe naman 'to! Daig pa pusit kung makadikit kay Mat.
"Sino ba 'yun?"
Ang OA ng pagkagulat ni Micah. Nakatakip ang dalawa niyang kamay sa bibig niya at gulat na gulat. Ang OA! Akala mo nasa TV commercial. Kainis!
"Hmm, Landon Grant. I think? I'm not sure about his name eh. But I'm sure he's my classmate."
"Really? He's your classmate pero hindi mo sure ang pangalan? What's his surname then?" Paghahamon ni Lea. Hindi ko alam kung ano ang issue nilang dalawa sa isa't isa. Tinginan pa lang nila parang pinapatay na nila ang isa't isa. Ano ba 'tong mga kasama ng pinsan ko.
"Do I need to know him? Weird 'yun tsaka ugly eh."
Pinagmamasdan ko lang si Micah na iritang-irita kay Lea habang nagsasalita ito. Nakakawalang gana talaga kapag ganito ang kasama mo. Dapat kase kami kami na lang. Walang pakealam ang dalawa kong pinsan sa kasama nila. Hindi nila masyadong pinapansin at kinakausap 'yung dalawa kaya siguro halos magtalo na sila kasi mga walang magawa. Hay nako!
"Sorry for the wait. Tagal ba namin? Ang dami kasing arte ni Harem eh!" Nabuhay ulit ang sigla ko nung dumating si Cia. Finally! Tumabi sa'kin si Cia. Si Harem ay kay Matrix.
"I know you!" Tinuro ni Micah si Cia habang nakangisi. Inabot ko ang frappe sa may table at agad na ininom.
"A-ako?" Ginilid ko ang ulo ko para sulyapan si Cia na kabadong nakatitig kay Micah.
"Yes! You're the famous w***e in school!" She exclaimed and averted her gaze to my cousins. "I can't believe that you let your cousin be friends with that cheap girl. No freaking way!" Ang sarcastic at the same time nangiinsulto si Micah. Halos maibugha ko 'yung iniinom ko dahil sa sinabi niya. Mabigat masyado ang paratang na ganon para sabihan kay Cia.
This girl is totally crazy! Si Lea na kanina ay inis kay Micah ay sumasangayon na sakanya. Nakikita ko sa gilid ng mata kong hinawakan ni Matrix si Micah sa magkabilang balikat para patigilin at isandal sa upuan. Masama naman ang mga tingin ni Harem kay Cia ngayon.
WHAT? Hindi ko alam kung ano ang reaction ni kuya Xenon sa mga pinagsasabi ni Micah.
"w***e? Acacia Maldia? Ikaw 'yun? Sa cheap mong 'yan may pumapatol talaga sa'yo?" Dagdag pa ni Lea, humagikgik.
Hinawakan ko ng mahigpit si Cia na nakayuko na ngayon.
"Stop it, Micah!" Ma-awtoridad ang boses ni kuya Xenon pero hindi nagpatinag si Micah.
"Why are you stopping her? Dapat palayuin niyo 'yang slut na 'yan sa pinsan niyo. She's a bad influence." May panunuya sa boses niya. Narinig ko ang pigil na paghikbi ni Cia. Nag init ang dugo ko. Hindi ko na kinakaya mga sinasabi nila sa kaibigan ko. How dare them!
"Lea's right! Baka nga pineperahan niya lang si Tori eh."
"SHUT UP!" Sinigawan ni Matrix si Micah para matigil na. She smirked like a devil.
Tumayo ako at ibinuhos ang frappe na hawak hawak ko. Gulat na gulat ang mukha niya at ganon din ang mga pinsan ko. Mabilis na tumayo si Micah at pinunasan ang suot niya.
"Are you crazy!! You ruined my uniform!" Namumula ang mukha niya sa sobrang inis sa akin. Nasa dulo at konti lang naman ang tao sa café kaya kahit papaano ay wala kameng naiistorbong iba.
Sumiksik naman si Lea kay kuya Xenon sa takot na baka siya ang sunod kong buhusan. Tumayo si kuya Xenon at Matrix para ilayo ako. Narinig ko pa ang ilang pagaalo ni Matrix kay Cia na humihikbi na.
"Ruined? Gusto mo ba talagang sirain ko 'yang uniform mo? Sige!" Lalapit sana ako kay Micah para sabunutan at tuluyang sirain ang uniform niya para matauhan! Mess with my friend and I'll ruin you!! Napigilan agad ako ni kuya Xenon sa gagawin ko.
Si Lea naman ay lumapit kay Micah para pakalmahin. "Look at your cousin, Mat! Yan ang napapala niya sa pagsama sa p****k na Cia na 'yan! Pasalamat ka Cia at may tagapagtanggol ka na. You gold digger slut! Akala mo ka level ka na namin just because you have rich friend! Ambisyosa!"
Kumaripas ng takbo si Cia paalis ng cafe. Kinuha ko 'yung backpack niya at sinuot ang shoulder bag ko, hinabol siya palabas. May mga ilang malulutong na mura pa akong narinig mula sa mga pinsan ko pero hindi ko na pinsansin pa 'yon.
Those girls will pay for making my friend cry! Humanda sila sa'kin! Nadaanan ko 'yung mga nakatinging tao and staffs sa loob ng cafe. Malamang ay narinig nila 'yung pagsigaw ni Micah at panlalait niya kay Cia kanina. Damn that b***h!
"Cia! Cia! Wait! Magusap muna tayo! Please?" Naabutan ko si Cia na nagpapara na ng taxi.
"What? Wala naman na dapat tayong pagusapan. Now you know my dirty secret. Ginawa ko lahat para matakasan ko 'yung nakaraan ko pero sarili ko lang pala ang niloloko ko! Kahit kailan hindi ko matatakasan 'yun! Nakatatak na sa pagkatao ko na basura ako dahil binibenta ko 'yung katawan ko para kumita ng pera at makapag-aral sa magandang school. Tama sila siya eh. Ambisyosa talaga ako." Puro tulo na ng luha ang uniform ni Cia at namumula na ang mata niya.
Nadudurog ang puso ko sa mga sinasabi ni Cia. Hindi ko alam na sa kabila ng masasaya niyang ngiti ay 'yung paghihirap niya para makapag aral. Hindi man kame parehas ng pinagdaanan sa buhay, naiintindihan ko 'yung nararamdaman niya. Naiintindihan ko kung gaano kasakit na magpanggap na okay ka pero ang totoo ay durog na durog ka na sa loob. Naiintindihan ko kung gaano kahirap na ipapaniwala sa sarili mo na walang mali sa'yo, pero katotohanan na mismo ang sasampal sa'yo.
We feel different kinds of pain but we all bleed the same.
"You're not a trash, Cia! Kung ganon ang tingin nila sa'yo at kung ganon ang tingin mo sa sarili mo, Ibahin mo ako. You're a treasure to me. You're my treasure, Cia because you're my bestfriend! It's all in the past now. You are more stronger and braver than what you think. Please, wag mong hayaan na pati ikaw mawalan ng tiwala sa sarili mo." Hawak hawak ko ang dalawang kamay ni Cia at pilit na ipinapaintindi sakanya kung gaano siya kahalaga sa'kin.
Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Mahigpit ko siyang niyakap.
"T-thank you, Tori... Salamat sobra sobra sobra." Kumalas ako ng pagkakayakap sakanya at pinunasan ang mga luha niya.
"Wag ka nang umiyak ha? Papangit ka."
"Psh. Drama mo rin eh!"
Nagtawanan kaming dalawa. May tumigil na pamilyar na sasakyan sa harap namin kaya napaatras kame ni Cia.
"Lexus?" I whispered in confusion.
Nang makumpirma kong si Lexus nga ang sakay, pinasadahan ko ng palad ang buhok ko para maayos ng konti. Pinunasan ko ang pisngi ko para makasiguradong walang luha. Pagkababa ni Lexus ng sasakyan ay mabilis niya kaming dinaluhan.
"Ikaw ba si Lexus?" Tanong ni Cia. Nang mapatingin ako kay Cia ay parang walang bakas ng kahit ano sa mukha niya. Parang hindi humagulgol kanina eh.
"Yes. You're Cia? Pauwi na ba kayo?" Mabilis na naglahad ng kamay si Lexus at pinakilala ang sarili. Tignan mo nga naman oh. Kanina todo emote kami pero ngayon parang walang nagyari. Tinaggap ni Cia ang kamay ni Lexus at nakipag batian.
Nagpresinta si Lexus na ihatid si Cia sa bahay nila. Malayo naman ang bahay niya at mas mabilis siyang makakauwi kung ihahatid namin. Konting traffic lang naman ang naabutan namin. Mukha naman safe sa lugar nila Cia at maliwanag din ang bawat daan. May ilaw sa lahat ng poste at wala masyadong tambay.
"Salamat talaga, Ri ah! Salamat, Lexus! Ingat kayo ha? Ingatan mo 'yang bestfriend ko! Bye!" Nag flying kiss pa si Cia bago pumasok sa bahay nila.
Hindi ko iniexpect 'yung mga nalaman ko sakanya. Akala ko normal na estudyante lang siya. Hindi mo talaga malalaman na may mabigat pala siyang dala-dala dahil sa masayahing aura. Pero hindi magbabago 'yung katotohanan na kaibigan ko siya kahit na ano pa man siya o maging sino pa.
"Ayos ka lang?" Palingon lingon si Lexus sa'kin at sa daanan. Tahimik lang ako pagkahatid namin kay Cia. Andami pa ring tumatakbo sa isip ko. Iniisip ko kung ano nang nangyare sa dalawang bitchesa na 'yon, kung anong ginawa ng mga pinsan ko at kung anong gagawin ko sa kanila. Hindi ko sila hahayaan makatakas sa kasalanan nila.
"Yes." Tipid kong sagot.
"You're not." Itinigil ni Lexus ang pagd-drive at iginilid ang sasakyan.
"Anong meron? Bakit?" Tanong ko.
"May problema ka, Ri. I can feel it. Now tell me what is it? Baka makatulong ako."
Huminga akong malalim at humarap sakanya. "Naiinis lang ako sa mga pinsan ko. Sa mga flings nila! They let them insult my bestfriend. I hate them!"
"Ayaw lang siguro nilang gatungan pa 'yung sitwasyon."
"Sa pananahimik nila, lalo lang nilang ginagatungan. Bakit kasi hindi na lang sila tumigil sa pagkuha ng mga babaeng katulad nila! They should learn how to pacify girls who talk trash a lot!" Hindi ko na talaga mapigilan ang frustrations ko. Naiinis ako! Naalala ko na naman na wala silang ginawa.
Hinayaan na lang sana nila na sabunutan ko 'yung Micah na 'yon para matuwa man lang ako sa kanila.
"Hey. I'm not your enemy here. Wala kang kaaway. Hindi ang pinsan mo, hindi sila. Wag kang magtanim ng galit sa puso mo. Be the bigger person. Mas maging thankful ka dapat kasi ikaw 'yung mas nakakaintindi. Wag mong ibaba ang sarili mo sa level nila. Okay?" Nakasandal pa 'yung siko ni Lexus sa may upuan ko. Sobrang lapit na naman niya sa'kin. I didn't see that coming.
Especially, from him. He really is a sensible person. Hindi talaga ako nag kamali ng taong nagustuhan. Napangiti naman ako sa naisip. Yes, I really like and love this guy. Thank God for letting me know this kind man.
"Okay, kuya." Pangiinis ko. Lalo pa akong napangiti dahil sa pag igting ng panga niya.
"Don't call me kuya, or I'll kiss you, dammit!"