KABANATA 6

2558 Words
Birthday Lumipas ang ilang araw na hindi ko nakita o naka usap man lang si Lexus. Mistulang panaginip ang lahat sa akin. Should I be happy? Isang magandang musika sa pandinig ko ang sinabi niya. Wala akong naisagot. Ginawaran niya akong matamis na ngiti at halik sa noo. At hindi ko na matandaan ang iba pang nangyari. I like him and he likes me too. What's next? Dapat ba ay kaswal lang o level up na? My mind was clouded by this whole thing. I wanted to ask kuya Shaun about this. He's mature and more gentle person compare to the rest. Nahihiya lang ako. Masyado ba akong feeling? I'm not really sure kung dapat bang seryosohin. Bukas na ang pinaka hihintay ng lahat. March 13, my 18th birthday! I texted Lexus the venue of my intimate party ko. Sa Hotel Reussie, Matrix's dad also owns this hotel. Natatandaan ko pa ilang pakikipagtalong ginawa ni daddy mapapayag lang ang lolo ko and sila tita, na hindi ko gusto ang magarbong celebration.  Boring kung ihahalintulad ang 18th birthday ko sa mga typical celebration ng mga mayayaman. Mas pipiliin ko pa ring sila parati ang kasama ko mag celebrate kesa mag imbita ng mga taong hindi ko naman kaibigan at ayaw naman sa'kin. Nakakapagod makipag platikan 'no! At hindi ko rin gusto na maging malaking social gatherings ang birthday ko. "Are you sure about this, sweetie? Sobrang simple lang nito... Mas maganda kung magarbo. It's your 18th Birthday after all! You deserve more.." Si Tia Lianne. Malungkot ang mukha niyag nakatitig sa dress na susuotin ko bukas. "It's okay, tita. A simple dress for a simple party!" Masiglang tono ko. Umiling si tita at bumeso sa akin bago lumabas sa hotel room ko. Lahat kame ay nag book ng hotel rooms. Nakahinga akong maluwag pag labas ni tita. Dalawa lang naman ang kaibigan ko. Si Cia and... Lexus. Pupunta kaya siya? I'm sure nabasa naman niya ang text ko. Eh, kaso bakit walang reply? Parang ayaw ko na tuloy mag birthday.  Nagising ako sa ingay ng mga pinsan ko. Magulo pa ang buhok ko. Kumpleto ang walo kong pinsan na ngayon ay nasa harapan ko. Kumakanta at naghihiyawan bitbit ang cake at helium balloons.  "Happy 18th birthday, Princess!" Maligayang bati ni kuya Haru. Lumapit ito sa gilid ng kama ko, naupo. Hinipan ko ang candle na may numero 18 na nakatusok sa hawak niyang cake. It's my favorite strawberry flavor!  "Thanks, kuya!" I hugged him. Pag alis ko sa kama ay saka ko lang napansin ang rose petals na nakakalat sa buong carpeted  floor. Mas malaki pa sa typical suite ang room ko pero ako lang mag isa. Niyakap at binati nila ako isa-isa.  "We love you so much, Sev." Nauna na sila sa restaurant ng hotel para sabay sabay mag breakfast. Mabilis akong nag shower at nagpalit ng light blue raffled skirt and white puffed sleeve and a pair of white sneakers. Not my usual get up pero pwede na. After blow drying my hair, I put a little bit of makeup para maayos akong tignan. Dumiretso ako restaurant at agad ko naman silang nakita. My cousins stands out too much. What a sight! If you look closely, we all have the same features. Same noses, actually. Mas soft lang ang features ko, obviously because I'm a girl. Mala prince charming talaga mga mukha nila. Sweet, deadly and dangerous. That's who they are. Andami nang naloko ng mga maamong mukhang 'yon! Masasayang tawanan ang naabutan ko.  "You're finally here, birthday girl. Akala ko mauuna pang pumuti ang uwak bago ka matapos." Nanunuyang sambit ni kuya Maximus. The black sheep of the Rizaldo clan! My biggest bully of all! It's not like he hates me. Bullying me is his way of showing love and care. For the past 18 years, I learned to roll and blend with them. Family is family. Kahit na andaming niyang scandals involving drugs, he's still our cousin. A stupid, insensitive, indecisive, lovable, caring one! But drugs was years ago, bagong tao na siya. I mocked his sarcastic smile.  "Stop it, Maximus." Buong buo ang boses ni Kuya Zion nang sitahin si kuya Maximus. Siya ang pinaka matanda sa'ming lahat. Ang pinaka seryoso sa buhay at sa business world. "Let's eat!" Si Matrix na mukhang kanina pa talaga gutom. French breakfast ang nakahain sa table. Classic design ang loob ng restaurant. Maaliwalas dahil sa salamin na kita ang malawak na tanawin sa labas. "I heard may manliligaw ka na?" Si kuya Zion. Nabaling ang tingin ng mga pinsan ko kay kuya Zion. Pagtataka ang nakapinta sa mukha nila. "Lexus Bustamante? I know his father but not that man. He's a one heck of a business man. Tuso at maprinsipyo. Kaibigan naman siya ng daddy mo, Ri. Kaya siguro walang ginagawa si tito. Saan mo nakilala?" "Sa party ni Jude. Uh... friends nila Matrix." Nagaalangan pa akong sumagot. Nalipat ang atensyon kila Matrix. Tuloy tuloy lang sa pagkain sila Kuya Xenon at Matrix na parang wala silang alam sa sinasabi ko. Nag iwas lang ng tingin si Harem. "Wag lang siyang magkakamali sa'yo. You know us. Kahit sinong poncio pilato pa 'yan. If he hurts you now, I'll make sure he'll be a dead meat after." May pagbabanta sa boses ni kuya Shaun na kanina pa nakikinig sa usapan.  Kuya shaun isn't the showy type. Everyone thinks he's the weakest in the family but he's the most dangerous one. Literal na silent but deadly. Lahat ng mga salitang binibitawan niya ay may paninindigan. Kinabahan naman ako sa kanyang sinabi. Hindi uso ang biro dito. I cleared my throat. "H-hindi 'yun totoo. F-friends lang kame," "Your charm won't work for us, Riri. Friends my ass." Tumaas ang kaliwang labi ni kuya Shaun. Natapos ang nakakakabang tanungan nila. Pumunta kame sa helipad ng hotel. Mag iikot kame sa buong Manila with our family owned halicopter. Si kuya Maxell ang magiging piloto namin. Si Tito Amiel, daddy ni Matrix, kuya Maxell and Maximus, ang pumalit sa pwesto ni lolo bilang tagapagmana ng family business namin na Airlines. May sariling business rin ang family nila Harem & Haru. Restaurants and casino naman sa family ni kuya Xenon, Shaun & Zion. Walang hilig si dad sa business kaya lawyer siya ng buong pamilya.  Si kuya Maxell at Xenon, Harem, Matrix at ako lang ang sakay ng helicopter. Ala una na ng hapon ng mag simula kame sa pagiikot. I would love to this during nigh time, malamang ay mas maganda at nakakamangha ang tanawin dahil sa city lights. I'm really blessed to experience this luxuries in life. Hindi naman lahat ng tao ay pinanganak na may ginintuang kutsara sa bibig. Naalala ko noong nag outreach program ang klase namin sa Kawit, Cavite. Nag turo at nagpakain kame ng mga batang lansangan. Doon ko na realize na napaka layo pala talaga ng agwat ng mayaman sa mahirap. Nakakadurog ng puso makakita na sa kakarampot na tinapay na nalimos nila ay walong bata na ang naghahati. Alas syete na and alas otso ang simula ng party ko. Pinuntahan ako ng mga tita sa room at tinulungan akong mag ayos. Balak nila na mag hire ng make-up artist kaso napigilan din ni daddy. Ang mga ito talaga ayaw sumuko. Masaya ang puso ko sa nakikita kong pag care nila sa akin at pag turing na anak. Si mommy dapat ang andito eh. Kamusta na kaya sya?  "Sev, ba't bigla kang nalungkot? Ayaw mo na ba ng dress mo? I can call my—" Naputol ang pagsasalita ni Tita Lianne nang bahagya sikuhin ni Tita Alice.  Ngumiti ako. "You're more beautiful than usual, sweetie." Puri ni Tita Jen nang iniharap ako sa salamin. Pati ako natuwa sa itsura ko ngayon. Soft make-up at mas na emphasized ang features ng mukha ko. "I love it, tita! Thank you!" Sabay halik sa pisngi nya. Sinuot ko ang royal blue na Satin A-line spaghetti strap na hanggang tuhod at cream block heels. I really love this dress! Simple yet elegant. Naka-curl naman ang mahaba kong buhok and nilagay ko rin ang barette na regalo ni Tita Alice, gold and pearls ang disenyo. Lahat sila ay nasa restaurant na at ako na lang ang kulang. Pag pasok ko sa pintuan ay may mga confetting sumabog sa gilid ko. "Happy Birthday, Tori Seven!" Lahat sila ay nakatayo sa tapat ng kani kanilang mga upuan and greeted me a happy birthday. Gaya ng gusto ko, simple lang talaga ang decarations ng lugar. Hindi mukhang 18th birthday ang magaganap. Lumapit si dad sa akin at niyakap. Sa mainit na yakap na 'yun ay ramdam ko ang kagalakan niya.  "I love you so much, anak. Happy happy birthday" May konting kirot akong naramdaman sa bawat bati nya at hinalikan sa noo. "Thanks daddy! I love you too." Ginilid ko ang ulo ko para masilip ang lalaking nakatayo sa likod ni dad. It's Lexus! Wearing a maroon longsleeves na nakatupi iyon hanggang siko. Maroon na naman? Alam ba niya na gustong gusto ko ang kulay na maroon sakanya? Lalong tumingkad ang kutis at nadepina ang matitipunong katawan. 'Di ko mapigilang hindi mapatitig sa dibdib at mga braso niya. Ano kayang pakiramdam kapag kunulong niya ako roon? Kahit isang buong gabi ko pa siya yakapin ay ayos lang! Makasalanan na ata ako sa mga naiisp ko! Bahagyang gumilid si daddy para bigyang daan si Lexus papalapit sa akin. Ngayon ko na lang ulit siya nakita at nakausap after nung gabing sinabi na gusto niya ako. May kung anong pag tusok ang naramdaman ng puso ko nang magtama ang mata namin. Tingin pa lang niya ay sobra na ang epekto sa akin. Malulunod ako sa mga mata nya sa sobrang lalim.  Damn him! Iniabot nya ang boquet of white roses at walang alinlangang niyakap. Dapat ay mahiya ako sa ginawa nitong pagyakap. Nasa harapan kami nila lolo... pero bakit hindi? Hindi ko na tinignan ang reaction nilang lahat. Narinig ko pa sila tito na umubo ubo sa ginawang pagyakap ni Lexus. Kanina ko pa 'to gustong maramdaman! Gusto kong yakapin niya ulit ako at magkulong sa kanyang bisig. Mababaliw na ata ako! Marahan nyang inalis ang pagkakayakap sa'kin. "You look like an actual angel, Ri." Sabay matamis na ngumiti. At eto na naman ang puso ko! Please, kumalma ka naman! Parang may sibat at palaso ang tumatapon sa akin habang naglalakad dahil sa mga titig ng pinsan ko. Inilalayan ako ni Lexus sa pagupo at nagsimula na ang celebration. Inabot ko muna 'yung flowers sa waiter na mag se-serve ng pagkain namin. Si lolo at tito Alfredo ay walang ibang ginawa kundi ang tanungin si Lexus tungkol sa business ng pamilya nito. Pati ang mga pinsan ko ay nakisawsaw din. Ilang panunukso pa ang ginawa nila tita sa'ming dalawa ni Lexus. "Bagay na bagay kayo ni Tori, hijo. Gwapo at maganda. Sigurado akong magiging maganda ang lahi nyo," Ani Tita Alice. Namula ang pisngi ko. Kahit na biro lang 'yon ay hindi ko pa rin magawang tumawa. Ganoon din ang mga pinsan ko. "That's too early to say, ma. Isa pa, hindi naman siya nanliligaw kay Tori. Am I right, Tori?" Si kuya Shaun habang madiing hinihiwa ang steak sa plato niya na parang sobrang purol nito. God! Dapat wag na lang siya magsalita.  Pinilit kong sagutin ang tanong niya pero walang lumabas kahit isa dahil sa pagkatuyot. "Actually.." Si Lexus. Ang mata naming lahat ay napako sakanya. Pigil ang hininga ko sa pagsasalita niya. Pati ako nalilito na.. "I want to ask for permission to court Tori, Sir" Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Lexus sa daddy ko.  Ligaw? Pinagigitnaan ako ni dad at ni Lexus pero parang hindi ko masyadong maintindihan. Ewan! Paulit ulit ang mga salitang yun na tumakbo sa isip ko. Nakakabingin katahimikan ang namuo sa loob ng restaurant dahil sa sinabi nya. Hindi ko alam kung ano rin ang natakbo sa isip nila lolo, daddy, ang dami dami! Si Lexus ay seryoso lang na naghihintay sa sagot ng daddy. Ibinaba ni dad ang hawak niyang steak knife. He let out a heavy sigh. Samantalang ako ay parang malalagutan na ng hininga kakapigil dito. Dad's laugh reverberates in the whole room. Kinilabutan ako. What does his laugh means? "Don't ask me that, hijo. You can court my daughter all you want, yun ay kung gusto niya. Kahit naman siguro payagan kita kung ayaw naman ng anak ko ay wala naman akong magagawa." Tumatawa pa rin. Tsaka lang ako nakahingang maayos dahil sa sinabi ni dad. Kung gulat ang pinsan ko sa sinabi ni dad, mas gulat ako! Dad isn't a strict father. Gusto nya na maging malaya ako at gawin ang gusto kong gawin dahil minsan lang mabuhay ang tao. Same as mommy. Pero hindi ko pa rin iniexpect ang sinabi nya. That's a yes! Ibig sabihin pwede na akong ligawan ni Lexus? "Tama ang anak ko, Lexus. Walang kaso samin kung ligawan mo ang apo ko. Galing ka sa magandang pamilya kaya maganda rin ang pag papalaki sa'yo. Natutuwa naman ako at nagpaalam ka pa sa'min. Ibig sabihin ay maganda ang hangarin mo sa apo ko." Masayang komento ni lolo na sinang-ayunan nila tito at tita. "Make sure na hindi mo sasaktan ang pamangkin ko, hijo. Kapag gagawin mo 'yun ay parang hinukay mo na rin ang sarili mong libingan." Nakakasindak na tono ang bawat salita ni Tito Alfredo. Kanino pa nga ba magmamana ang sobrang scary na magkapatid na kuya Zion at Shaun. Hindi nagpasindak si Lexus sa mga banta nila tito at mga pinsan ko. Si dad ay tahimik lang na nanunuod sa kapatid nya. Hay nako! Natapos ang party at masayang masaya kaming lahat. Sa kabila ng mga usapan at aminan, napalitan ito ng masasayang kwento tungkol sa buhay ko. Kung paano ko raw sila napapasaya at kung gaano nila ako kamahal. Naiyak pa ako sa mga sinasabi nila. How can I not love this family? Wala na talaga akong mahihiling pa. Nauna nang umalis ang mga matatanda para magpahinga. Sa huling pagkakataon ay binati ulit nila ako at niyakap. Inanyayahan ako ni Lexus na mag usap muna kame sa labas ng hotel restaurant kung saan tanaw ang buong manila at mga nagniningning na city lights. Malamig ang simoy ng hangin na humahaplos sa balat ko. Suot suot ko ang coat ni Lexus at amoy na amoy ang mamahalin nitong pabango. "Again. Happy birthday, Ri." "T-thank you, Lexus. Thanks for coming here today." Sinuklian ko ng matamis na ngiti ang bawat tingin niya. Nakatayo lang kami sa may glass railings sa labas ng restaurant. "Noong sinabi kong gusto kita, I really mean it. Masyado ba akong mabilis?" Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maging reaction ko. Of course masaya ako. I like this man. I like him so bad. Yes, Lexus. Masyado kang mabilis. Ang bilis kong nagkagusto sa'yo ang I'm scared. I don't know exactly what love is nor how to love. What I know is that I'm in love with you.... Hindi ko masabi sakanya nang direkta pero gusto nang isigaw ng puso ko ang pangalan mo. "I like you too." Simpleng sabi ko. Isang makapigil hiningang sagot ko. It's okay to play safe for now, diba? Nanlaki ang mga mata ni Lexus at napuno nang saya. His smile shine brighter than any city lights in this old city! This is crazy! Dapat ba sinabi ko na lang agad sakanya na mahal ko sya? He slowly pulled me closer and embraced me. In his arms, I found comfort and peace. Ang sarap sarap sa pakiramdam. I kept on trying to put these feelings of mine into words but I failed miserably. This is what happiness feels likes. A heaven on earth. Damn you, Lexus George C. Bustamante! Damn you for making me this crazy in love with you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD