Chapter 6

2586 Words
Sinamahan ko si Manang mag grocery dahil sa bored ako sa bahay kaya naisapan kong samahan nalang si manang. May isang Item akong nakita pagkuha ko nito may nakasabay pa akong guy na kumuha sa item na yun kaya ang labas yung kamay ko nahawak niya. "Oh sorry." Sabi ng guy. Umiling ako "Sige na kunin mona, gusto ko lang naman tingnan yang item na yan." Sabi ko at tiningnan ko siya. Nagtaka ako ng maabutan ko siyang nakatingin lang sa akin. "Wait. I think I know you." Sabi ng guy. Napakunot noo ako."Eh?" "Gianna?!" Parang gulat pa itong sambitin ang pangalan ko. Pero mas nagulat ako ng yakapin niya ako kaya pwersa ko itong tinulak. "Gago ka ba!" galit kong sabi sa kanya. "Sorry my fault. Im Christon, dont you remember me?" pagpapakilala niya sa sarili niya. Napatingin ako sa mukha nito ng sambitin niya ang pangalan nito, ng makilala ko ito. Bigla akong napangiti at niyakap ko siya agad "Mygoooosh! Is that really you?" Gulat kong tanong ng kumalas na ako sa pagkayakap dito. Nakangiti itong tumango "Big change, right?" Parang nahihiya pa nitong sabi. Tumawa ako "Yap. Big change" pag aagree ko. Mataba kase noon si Christon kaya di ko siya agad nakilala pati mga bata pa kame noon nung umalis sila ni David. Oh David and Christon are cousin's. TAPOS na kame mag grocery ni manang kaya inimbita ko siya sa bahay namin. "Atlast! Alam kona kung saan ka nakatira, ang tagal kitang hinanap wala rin akong contact sayo." Sabi nito pagpasok namin ng mansion. Napatigil ito nung nakita niya ang malaking picture sa wall yun yung picture namin ni David na bagong kasal kame. Kita ko yung pagkakunot noo niya sa akin nung lumingon ito sa akin. "You and David?" Nakakunot noo ako "Hindi ba sinabi ni Dj sayo? Naikakasal kame?" Umiling ito. "Hindi ko nga alam na umuwi na pala siya dito at kinasal na sayo." parang hindi niya makapaniwalang sabi. "Im sorry. Akala ko kase sinabi niya dahil magpinsan naman kayo, hindi ba sinabi nila Tita?" Tumawa si Christon "Its okay, you dont need to be sorry. Busy din talaga ako baka inimail ako ni David hindi ko lang ata nabasa." Eh? Bakit kaya, pinsan niya naman si Christon at kababata din naman namin siya kung totoong hindi talaga nag email si David sa kanya. NAGTAWANAN kame ni Christon dahil pinaguusapan namin yung noon nung mga bata pa kame habang inaayos namin ang mesa para magdinner. "What are you doing here?" Sabay kame lumingon ni Christon at nakita namin si David "David, small world nakita ko siya sa grocery shop." "What? Naggrocery ka? Ano pa at may katulong kung ikaw lang naman ang mag gogrocery?" Inis nitong sabi. Bakit ba high blood ito? Nag away ba sila ni Ashley? Haaaays. "Sinamahan ko lang si manang dahil na bobored na ako dito." Tiningnan ng masama ni David si Christon "Gabi na, pwede ka ng umuwi." Napatingin ako kay Christon dahil sa sinabi ni David kahit ito nagulat. "Inimbita ko si Christon na magdinner dito." He clenched his jaw habang nakatingin kay Christon. Ilang segundo rin umupo na ito "Manang pakihain na ang mga pagkain." Umupo na rin kame ni Christon "So how's life? Hindi ko alam na kasal na pala kayo ni Gianna." tanong ni Christon out of nowhere. Napatingin ako kay David nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko sabay tingin sa mga mata ko "Masaya." Pagkasabi niya nun ngumiti siya sa akin. Sana. sagot ko sa isip ko nung sabihin yun ni David kay Christon. NAKAUWI na si Christon pagkatapos niya mag stay dito ng ilang minuto pagkatapos  ng dinner. Papasok na sana ako sa kwarto when David grab my hand "Next time kung iimbita ka, pwede ipaalam mo muna sa akin dahil hindi lang naman ikaw yung nakatira dito." Binawi ko ang mga kamay ko sa kanya. "Bakit nagpaalam ka ba sa akin kapag pumupunta si Ashley dito? Atleast ako inimbita ko pinsan mo eh ikaw kabit mo yung pinapapunta mo dito may narinig kaba sa akin?" inis kong ibalik sa kanya yung kinagagalit niya sa akin. "Before mo ako pagsabihin pwede sarili mo muna yung tingnan mo bago ako kase marami kang pagkakamali kesa sa akin." pagkatapos kong sabihin yun pabagsak kong sinira ang pinto ng kwarto ko. Napaupo agad ako sa sahig dahil parang naubusan ako ng lakas, napailing ako. Kung hindi na lang sana nagsalita edi sana hindi ko yun nasabi sa kanya. ° Nagising ako ng maaga, sanay naman din ako ganito na yung routine ko simula nung araw na ikinasal kame ni David. Pagbaba ko dumiretso agad ako sa kusina para tulungan mga katulong namin para magprepare. Pagdating ko sa kusina nagulat akong makita si Mommy nagpeprepare ng almusal namin napaatras agad ako buti hindi niya ako nakita. Kaya taranta akong bumalik sa taas at nagtungo agad ako sa kwarto ni David. Tulog pa ito nung makapasok ako sa kwarto niya kaya lumapit ako sa kanya at pilit ko siyang gisingin. "Wake up!" Mahina kong sabi. "What?!" Inis niyang tanong. "My mom is here." Dahil sa sinabi ko napabangon agad siya. "Where?" Hindi kona sinagot yung tanong niya hinawakan ko kamay niya at hinila ko siya kaya wala siyang magawa kundi sumunod sa akin. Pagpasok namin sa kwarto ko doon ko napagtanto kung ano lang ang suot niya. Kaya tumalikod agad ako sa kanya, like duh nakaboxer short lang siya at feeling ko pati yun nagising. "My mom is downstairs preparing for our meal." Sabi ko sa kanya. "Sweetie.." Nagtinginan kame nung marinig namin yung boses ni mommy nakalimutan namin ilock ang pinto. Nagulat ako nung hilain ako ni David pahiga sa kama ko niyakap niya ako then he pretend to be sleep. Kaya ginaya kona lang din siya kaso parang gusto ko siyang itulak ng maramdaman ko yung ibaba niya sa balat ko tumatama. I heard the doors open. "Wake up, lovebirds." Then I pretend na parang kagigising ko lang. "Mom!" Nagpanggap ako na gulat sa pagpasok niya. "You should knock." She just smiled at me playfully. "Whats wrong, baby?" Sabi naman ni David na nagpanggap na kakagising lang rin, mas hinigpit niya yung pagyakap niya. "My mom is here." Bulong ko sa kanya. Napatingin siya kay mommy, bumangon ito t binati niya si mommy. "Goodmorning Tita Yvett." Habang nakakumot siya Napasimangot si mommy. "Just call me mommy, afterall you and my gigi is already married." Nakangiting sabi ni mommy. "Antayin ko kayo sa baba, don't make me wait." Pagkaalis ni mommy bumangon agad si David at nagtungo na ito sa kwarto niya, dito na siya dumaan sa connected door namin. Napailing ako. Bumangon na rin ako at lumabas na ng kwarto ko huminto ako nung nasa harap na ako ng pintuan niya inantay ko siyang lumabas para sabay na kaming bumaba. Ilang minuto pa bago lumabas si David sa kwarto niyagulat pa siya ng makita ako sa labas pero hindi naman siya nagtanong kaya bumaba na kame. Malapit na kame sa dining hall inakbayan na niya ako. "They're here." Masayang sabi ni mommy. Umupo na kame ni David ng magkatabi. "So hows the company?" Tanong ni mommy kay David. "Its doing great now. Thanks to you guys." "Good. How about you honey? Did you already think about what you want to do?" "About that mom, I want to go to france and-." "No. She'll stay here." Kaya gulat akong napatingin kay David dahil sa pagsabat niya. "What?" "You heard me right, baby. You don't need to work, you should just stay here and relax." "Oh David. I really like you I see my husband to you. And you should listen to David, Gianna." "But mom-" "No buts. Wives should stay at home to prepare food wait for their husband. That's our work." "But not for me mom." Nginitian lang ako ni Mommy kaya napailing ako dahil parang kinampihan ni mommy si David. "Goodmorning!" Lumaki mga mata ko at lumingon dito si David naman nabitawan niya yung spoon na hawak niya. Napatigil din si Ashley ng makita niya si mommy kaya tumayo ako at inakbayan ko si Ashley. "Who is she?" Tanong ni mommy. Kaya napalunok ako sa tanong ni mommy. "And who-" bago pa man matapos ang tanong ni Ashley binulong kona agad siya. "She's my mom, bitch." Bulong ko sa kanya. Napakagat labi ito sa sinabi ko. "She's my friend." Pagsisinungaling ko. Napaubo si manang sa sinabi ko. Shit bakit kase kailangan ko magsinungaling? Ito na yung chance ko para magsumbong! Pero paano kung ito din magiging dahilan para ipahiwalay kame ni mommy? Umiling ako. No! Mahal ko parin si David at hindi ko kaya makipaghiwalay sa kanya kahit na harap-harapan niya ako ginagago. "Sitdown." Sabi ni mommy sa kanya. "Samahan mona kame kumain." "Hindi na mom. Dahil may kinuha lang siya sa akin aalis na din naman siya. Diba Ashley?" I said. Sabay tingin sa kanya pilit niyang tumango. "Aaaah. Okay." At kumain na muli si mommy. Hinila kona si Ashley palabas ng bahay. "b***h!" Inis niyang sabi. "Alam mona saan mo dapat ilugar ang sarili mo? Kahit na kinasal lang kame dahil lang sa business hindi mo parin mababago na kabit ka sa mga mata ng ibang tao." Paglilinaw ko sa kanya. "But David Love's me not you." Tumawa ako. "Maybe yes. But whatever you say you're just his other woman in other people's eye!" Sabi ko at iniwan kona siya dun sa labas. TAPOS na kame kumain at nagpaalam na si mommy sa akin. " Gusto ko pa sana magtagal pero your dad is already looking for me." "Its okay mom. Free naman po kayo pumunta dito kahit anong araw." Nakangiting sabi ni David kay mommy. "If that so then maybe kame ng mommy mo ang dadalaw sa susunod dito." Pagkasabi niya nun sumakay na ito ng kotse at umalis na. Nakahinga na ako ng maluwag nung makita kong wala na si mommy. Papasok na sana ako sa bahay ng bigla ako tinanong ni David. "Bakit hindi mo sinabi ang totoo?" Humarap ako dito. "Ang tungkol sa atin?" Umiling ito. "Me and Ashley." "I did that for myself hindi para sa inyo. Ayokong ipahiya ang sarili ko sa harap ng mommy ko." Pagkatapos kong sagutin ang tanong niya tinalikuran kona siya at pumasok na ako ng bahay. ° Tinext ako nila Loraine na pupunta sila ngayon sa bahay ko para mag overnight dahil wala naman silang work ngayon at bukas kaya naisipan nilang mag overnight dito. Sakto din dahil tinext din ako ni Christon na dadalawin niya daw ako. Bumaba ako para puntahan si manang para sabihin kay manang na linisin yung guestroom. Pagkarating ko sa kusina I saw David kinakausap niya ang mga katulong. Napatingin ako sa wrist watch ko, its already 9am bakit andito parin siya? Nung maramdaman nila yung presensya ko napalingon sila sa akin. "Bakit andito ka parin?" Tanong ko. Napakunot noo si David. "Why? Bawala ba na andito ako sa bahay?" Umiling ako. "Hindi naman." Tiningnan ko si manang. "Manang pakiayos ng guestroom." At tinalikuran kona sila, pinigilan ako ni David by holding my hands. "Why?" Tinanggal ko yung pagkahawak niya. "You don't need to know." Kita ko yung pagkainis niya. Iniwan ko siya at dumiretso na ako sa living room para mag antay sa bisita ko. Napansin kong umupo rin ito sa sofa na nasa harap ko. Nakatingin ito sa akin na parang may gagawin akong masama. Hinayaan ko siya magisip ng kung ano, walang pakealaman diba? So be it. "Hi." Napatingin ako sa main door papasok si Ashley habang nakangiti. Nilapitan niya agad si David at hinalikan niya ito sa labi pagkatapos nun umupo ito sa tabi niya. "What are you doing here?" Takang tanong ni David ng makita nito ang kasintahan niya. "Baby don't ask like that you hurt my feelings." Lumingon siya sa akin. "What are you looking at?" "Nothing. As if Im watching a drama." Sarcastic kong sabi nag iwas nalang ako ng tingin. "WHAT IS THE MEANING OF THIS!" Napatayo ako sa gulat, nakita ko na nakatayo na pala sila Loraine, Bella at Christon sa harap namin. Shit! Nakalimutan ko na pupunta pala sila dito ito kasing Ashley na to panira ng araw eh. "Ashley?" Gulat na tanong ni Christon nung makilala niya kung sino ang katabi ni David. Tumayo na rin sila David at hinarap sila Loraine. "Christon your here." lumapit ito kay Christon at niyakap niya ito. Gulat parin si Christon. "Akala ko wala na kayo ni David?" Tumabi sa akin sila Loraine. "Ano ito?" Inis na bulong ni Lor sa akin. "Who told you that? Kahit kailan hindi kame naghiwalay ni David." Sagot ni Ashley tumabi na muli ito kay David at pinulupot niya pa yung kamay niya sa braso nito. "Because David is already married." Napatingin si Ashley sa akin. "Then? Kung kasal na siya? Eh it's just a marriage contract." "Kahit na. Kasal parin sila sa mata ng dyos at sa mata ng tao." Galit na sabi ni Loraine dito. "Shut up! She already agreed with this." Sabay tingin ni Ashley sa akin. Kaya napatingin silang tatlo sa akin parang ako yung napahotseat. "I didn't agreed to any of this." Pagclaclarify ko. "YOU LIAR!" "Tumahimik ka at baka masuntok kita." Galit na sabi ni Bella dito. Kaya mas lalong hinigpitan niya ang kabit sa braso ni David. "David, why are you doing this?" Tanong ni Christon. Napatingin ako kay David saktong nakatingin din ito sa akin. "Marriage Contract." Sagot niya ng nakatingin sa akin. "Respetuhin niyo naman ang kaibigan namin! Sa pamamahay niyo mismo dinadala mo ang kabit mo!" "Im not his other woman!" Inis na sigaw ni Ashley. Lumapit si Loraine dito. "Whatever you say, Kabit kalang!". "David! Do something!" Ashley. "Enough. Umuwi kana." Gulat na napatingin ito kay David hanggang ngayon sa akin parin nakatingin. "What?! Your unbelievable!" "You heard what he say. Leave!" Saad ni Bella. ° Naiwan kame dito sa sala at sila Christon at David naman nag usap dun sa garden namin. "Kailan pa?" Napatingin ako kay Loraine. "Nung bagong lipat namin dito." Napailing sila Bella. "So matagal na? At hinayaan mo lang na ganyanin ka ng babaeng yun! Gigi, you have the rights to complain, you have the right to accuse them!" Umiling ako. Tumawa si Bella. "How can she do that. Obviously she's inlove with David." "You don't deserve that guy anyway. Why did you agree to marry him, anyway?" "To help them." "Its your choice, Gigi. Pwede kang humindi sa magulang mo. They will listen to you." Napatahimik ako sa sinabi niya. "Oh I forgot you love him." "Gaga. Karma na siguro yan sayo sa mga lalaking pinaasa mo at pinaglaruan mga damdamin nila." Sabi naman ni Bella. "Hindi ko pinaglaruan ang dadamin nila-" "Sinasagot-sagot mo sila then pag tumagal na kayo ng isang taon hihiwalayan mo din because of what? Dahil wala ka ng nararamdaman?" Napailing si Loraine. "Did you ever tell this to your parents?" Umiling ako. "Im still hoping na magiging maayos ang lahat ng ito." "Your hoping na mamahalin ka niya rin, yan ang sabihin mo." "Fine! Im still expecting na mahuhulog siya sa akin." "Okay lets make a deal." Sabi ni Loraine kaya nakinig ako dito. "If ever he hurt you or she hurt you physically just leave. And if you don't then ako na mismo ang magsusumbong sa magulang mo, deal?" Napilitan akong tumango sa deal niya kahit ayaw ko sana pero kung hindi ako aagree malamang ngayon palang tatawagan niya si mommy at magsumbong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD