"Oh didn't David tell you that he gave me a pair of keys to this house?" Masaya pa siya na di ko alam ang tungkol dito.
"No. My husband is not yet awake baka pwede balikan mo nalang or itext mo nalang siya kung saan kayo magkita di yung dito ka pa pupunta sa ganitong oras." Inis kong sabi sa kanya.
"Don't forget he's just your husband on paper, Gianna. So I still have a right to David's life because I am his girlfriend who owns his heart that will never be yours."
I felt like I was dumbfounded by what she said and I embarrassed in front of the helpers.
"Pakitawag nga ng guard Lara, nawawala ata ang babaeng ito." Galit na sabi ni Manang Josie.
Sasagot pa sana si Ashley kaso biglang dumating si David. "What's going on here?" He asked. Parang kakatapos lang nito maligo, basa pa kase buhok nito.
Lumapit agad si Ashley dito at nagsusumbong "Gianna said I had no right to come here." Sabay tingin ni Ashley sa akin ng nakangisi.
"Don't mind them, let's go."
"Pero di kapa nagalmusal"
Lumingon saglit si David sa akin ilang segundo lang rin binawi na niya ito at nagsimula na silang maglakad paalis ng mansion.
"Iha wag na wag mong hayaan na inaapi ka ng babaeng yun. Kesyo papel o ano pa yan, basta kinasal kayo ikaw yung may karapatan."
Lumingon ako kay Manang I smiled at her bitterly "Hayaan mona manang, kinasal lang naman kame dahil sa business kaya di ko hawak o di namin hawak ang isat-isa."
Napailing si Manang "O siya, basta kung kailangan mo ng kausap andito ako, okay?"
Tumango ako dito at napangiti narin dahil nagkaroon ako ng kakampi sa mansion na to.
°
"Wala parin ba si David?" Tanong ko sa katulong namin.
Gabi na. Kaninang umaga pa siya nakaalis ng bahay, di pa ito bumalik or tumawag lang man.
Umiling sila bilang sagot "Sige na matulog na kayo may susi naman yun kaya na niya pagbuksan sarili niya." Pagkasabi ko nun pumasok na ako sa kwarto.
×
Nagising ako dahil sa braso nakapalibot sa bewang ko, pagbukas ko ng mga mata ko nagulat ako ng makita ko si David na katabi ko. Napatingin ako sa orasan 6am palang, anong oras kaya ito umuwi?
Sinubukan ko siyang gisingin "David mali yung kwartong napasukan mo"
"Hmmmmm" mas lalong niyang hinigpitan ang pagkayakap sa akin dahilan napahiga ako muli. Magkaharap kame ngayon kaso ako gising siya hinde. Pinagmasdan ko mabuti yung mukha niya.
Napakagwapo naman niya at ang bango pa. Naalala ko tuloy nung mga bata kame, nai-inlove ako sa kanya dahil sa mabuting ugali na meron ito pero di ko akalain na magbabago siya. Ngayon ko lang minasdan ang mukha nito ng ganito kalapit yung mga labi parang ang sarap halikan.
Oo hinalikan niya ako nung sa kasal pero saglit lang uh parang isang segundo lang nakakabitin nga eh.
Napalo ko yung ulo ko dahil sa mga iniisip ko. Manahimik ka nga Gigi may Ashley na si David impossible magugustuhan ka niya kahit maganda, sexy at matalino ka pa.
Nagpanggap agad akong tulog ng maramdaman kong gumalaw ito.
Naramdam ko nalang ang pagkaalis nito sa yakap at dahan dahan nawawala ang bigat sa higaan ko.
Gising na nga ito, ano kaya reaksyon niya ng makita niyang mali ang kwarto pinasukan niya.
★
Bumaba na ako nung nag 7am na.
Pagbaba ko naabutan ko si David sa sala nagbabasa ng magazines. Dederetso na sana ako sa kusina nang tawagan niya ako.
"Gianna". Kaya lumingon ako dito. "Don't you ever tell, Ashely that I sleep with you and it's a mistake. Next time you lock your door."
Nainis ako sa sinabi niya parang kasalanan ko na nakatulog ito sa kwarto ko. Di ko na lang ito pinansin at dumiretso na ako sa kusina.
Katulad kahapon naabutan ko silang nagpiprepare para sa almusal namin. "Iha gising kana pala. Gusto mo ipagtimpla kita ng kape?" tanong ni manang sa akin.
"Huwag na po manang, parang di po ako magaalmusal ngayon."
"Bakit hinde?" Napalingon ako sa likod dahil sa pagsingit ni Dj sa usapan namin. "Baka ano pa isipin ng daddy mo kung mangangayat ka." galit niyang sabi sa akin.
"Di lang-"
"No". Sabi niya, pinutulan niya agad yung sasabihin ko.
Haaaaays. Wala ako magawa kundi sundin yung utos niya.
★
Andito ako ngayon sa isang coffee shop, inaantay ko sila Bella. Tinext kase nila ako na magkita kame dito tutal wala naman akong gagawin sa bahay kaya napaaga ako ng dating.
"Wassup!" Hiyaw agad ni Bella.
Napailing kame ni Loraine, umupo na sila sa bakanteng upuan. "So how's life?" Loraine asked.
"Nakakatamad na magstay sa house ng walang ginagawa." I said in a tiring voice.
"Edi ikaw na ang humawak sa company niyo." Suggest ni Loraine.
"My dad won't allow it, gusto niya ihandle ko yun kapag ayaw na niyang ipatakbo ang kompanya."
"Di ba siya nagtitiwala sayo?" Bella.
I take a sip first bago sumagot "Di sa ganun. Hanggang gusto niya ipatakbo ang kompanya dapat ko ng gawin anong gusto kong gawin becoz the moment na gusto na niyang magresign wala akong magawa kundi ipatakbo ang kompanya namin."
"Bcause you are the only heir of Salazar, so don't be surprised." Loraine's has a point.
Kaya hanggang di pa ako yung magpapatakbo ng kompanya namin kailangan ko ng gawin ang mga gusto ko. Kaso ano ba yung mga gusto ko?
"Teka lang. Pag usapan muna natin yung buhay bilang isang Villafuerte." Nakangising sabi ni Bella.
"It's a forced marriage, Bella. What do you expect? There is no romance-romance or whatever is in your mind. Because me and David married without feeling for each other"
"Wala nga ba?" Napatingin ako kay Loraine sa sinabi niya. "Si David wala eh ikaw?" dagdag pa niya.
"Hindi naman kase importante ang sa akin." inis kong sabi
Bella suddenly laughed "Walang impossible sa dalawang taong nakatira sa iisang bahay. Malay mo bukas mahal ka niya."
Sinuway ni Loraine si Bella "Shut up, Bella." Tumingin si Loraine sa akin. "When he falls for you let him, but never start giving a motive because you are the woman let him be the one to show that he likes you."
Bella applauded while smiling "Iba talaga nagagawa ni Dexter nuh?"
Napakunot noo ako sa sinabi ni Bella "You and-"
Di ko natatapos ang sasabihin ng pangunahin ako ni Loraine. "Ang kulit eh kaya hinayaan kong ligawan niya ako."
Natawa ako ng makita ko yung itsura ni Loraine na napilitan lang.
Biglang nagring ang phone ko kaya madali kong dinukot ito sa bag ko. Nung makita ko pangalan ni David ang nasa screen sinagot ko agad ito.
"What?"
"Bakit di ka man lang nagpaalam na aalis ka ng bahay?"
Napatingin muli ako sa screen kung si David ba talaga ang tumatawag, nung makita ko na siya talaga binalik ko sa tenga ko ang cellphone ko.
"Do I need?"
"I'm your husband you probably need to let me know, what if your daddy looked for you? what should I answer?"
Napailing nalang ako "Fine."
"Umuwi kana, no buts!
Hindi pa ako nakasalita binabaan niya na ako.
"Si David?"
Tumango ako. "Ano sabi?" Tanong ni Bella.
"Magpaalam daw ako kung aalis ako ng bahay baka daw hanapin ako ni Daddy sa kanya at wala siyang maisagot."
"Reason" Sabay pa nila sinabi.
Kaya napailing nalang ako sa kanila dahil parang andami nilang alam eh.
♥
Walang trabaho si David ngayon kaya masaya ako dahil napansin kong hindi pa ito naliligo or nag ayos man lang para umalis ng bahay.
Nasa sala ako busy ako magbrowse para sa pwede kong pag aabalahin dahil nabobored na ako sa bahay.
Umupo rin si David sa sala ibang sofa nga lang, kumuha ito ng magazine para basahin. Masaya na ako na ganito kame, sana araw araw walang trabaho si David para dumito siya parati sa bahay.
"Hey Babe."
Sabay kame lumingon ni David sa bagong dating. "What are you doing here? Babe I told you to text me." Tumayo si David at lumapit dito.
"I missed you. Do I really need to text you when I want to visit you here?"
Umiling si David "Come." He made her sit on the sofa.
Tumingin si Ashley sa akin at tinaasan niya ako ng kilay. "Why are you looking? Do you need something?" mataray niyang tanong.
Nagiwas nalang ako ng tingin dahil baka sa away na naman to mapunta pag papatulan ko pa siya.
Ilang minuto rin ang nagdaan ng maisipan kong umakyat nalang sa kwarto kesa makita ko silang masaya.
NAUHAW ako bigla kaya bumaba ako, pagdaan ko sa sala tiningnan ko kung andun pa sila kaso wala na ang mga ito.
"Umalis na ang asawa mo kasama ang kabit nito." Biro ni Manang na may bahid na inis.
Kaya dumiretso nalang ako sa kusina "Pakuha ako ng maiinom, Betty." Utos ko.
"Wag mo siyang hayaan na inaapakan ka, baka masanay ito." Sumunod pala si manang sa akin.
Inabot ni Betty ang tubig sa akin "Thanks." Ininom ko muna ito. "Akala ko nga noon matapang na tao ako kaso hindi ko akalain na tatahimik ako ngayon. Ngayon pang alam kong may karapatan akong magalit."
Manang pat my shoulder "Iha lumaban ka sa paraang alam mong tama dahil hindi mo sila pwede hayaan na ganyanin ka."
I smiled bitterly. Karma ko ba to? Dahil ang dami kong lalaking sinaktan? Napailing ako.
Bakit parang naging duwag ako ngayon?
★
Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng bahay dahil 12mn na akong nakauwi, di ko kase namalayan na mag uumaga na pala.
"Bakit ngayon ka lang?"
"Ay butiki ka!" Sigaw ko dahil biglang pagsulpot ni David sa likod ko. "Bakit ka kase nang gugulat?!" inis kong tanong sa kanya.
"Bakit ngayon kalang?" Hindi man lang niya pinansin ang sinabi ko.
Naalala ko yung ginagawa nila sa akin ni Ashley. "Bakit may curfew ba ang bahay na to?" Naiinis kong tanong.
"Answer my question."
"No. You answer my question! Dahil pagkakaalam ko walang curfew ang bahay na ito para tanungin mo ako ng ganyan." s**t. Langya kaseng alak na ito kahit konti lang ininom ko bigla ako binigyan ng lakas na loob sagot-sagutin si Dj.
"I have already clarified to you that when you leave, let me know. And what time is it? Is this the time for a married woman to go home?"
I laughed suddenly because I heard the word married "Married woman?" Tumawa ako muli. "Kasal pala ako? Wait kanino? Sayo ba?" Sunod-sunod kong tanong. "Wow! Hindi ko kase alam akala ko nga katulong lang ako dito. Pasensya na" sarcastic kong sagot dito.
Lalapitan na sana ako ni David "Don't come near me." I suddenly said.
Napahinto din ito "Uminom kaba?" Sa tanong niya hindi ko napansin na lumapit na ito sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisnge.
Lumaki mga mata ko sa gulat nung inilapit niya ang mukha ko sa mukha niya. Nakalimutan ko tuloy huminga sa ginawa niya, inamoy niya ako. "Uminom ka nga." At binitiwan niya na ako.
Napahawak ako sa pisnge ko dahil bigla ito nag init, ang lapit ng mukha namin kanina na parang hahalikan niya ako yun pala aamuyin niya lang pala ako. Umasa tuloy ako.
Pinalo ko yung kamay nito ng makita ko na hahawakan niya muli mukha ko "Hep!" Nagulat din naman ito sa ginawa ko. Pagkasabi ko nun tumakbo na ako paitaas patungo sa kwarto ko.
"I just want to check kung may lagnat kaba! Dahil namumula mukha mo!" Rinig kong sigaw nito sa akin.
I sighed nang makapasok na ako sa kwarto ko. "Gagu yun, kala ko talaga hahalikan niya na ako."