Chapter 4

2229 Words
I crossed my arms "What are you doing here?" "Can we talk?" "We're done remember?" I said clearly. "You cant broke up with me just like that, your being unreasonable." he sigh "Why?" "Just leave, Ken" Loraine said Umiling ito "I love you, but how can you end this relationship just like that? 3years na tayo pero ganun ganun mo lang tapusin?" Humarap ako kila Bella "Sigi na iwan niyo na muna kame." Di na sila umangal at umakyat na sila papunta sa kwarto ko. Hinarap ko ito "I dont like you anymore, is that enough reason para umalis kana?" "But how? Why?" Kita ko sa mga mata niya na nasasaktan ito. "Im sorry, Ken. Hindi lang talaga tayo para sa isat-isa." Nagulat ako ng lumapit ito sa akin at pwersa niya hawakan ang magkabila kong kamay "No! Hindi tayo maghihiwalay!" "Let go of me!" sinusubukan kong agawin ang mga kamay ko dito kaso malakas ito. Bakit ko ba sinabi na iwan muna nila kame dito, kinabahan ako sa maari nitong gawin. "LET GO OF HER!" Sabay kame napatingin ni Kenneth sa nagsalita, rinig ko din ang pagbukas ng pinto sa itaas. Narinig din siguro nila yun "And who are you?" tanong ni Kenneth dito. "Im David. Bitawan mo siya hanggang maayos pa kitang kinakausap." Bigla humarap si Kenneth sa akin. Oh no! Alam niya pala ang tungkol kay Dj "Siya ba ang dahilan kung bakit mo ako hiniwalayan?" Umiling ako "Liar!" sigaw nito. "Gago bitawan mo si Gianna!" sigaw ni Bella nasa hakdan na pala sila. Mabilis nakalapit si Dj sa pwesto namin at pwersa niya sinipa si Kenneth kaya napatumba ito, sisipain na sana niya ito ulit ng pigilan ko siya. "Enough! Yaya call the guard at wag na wag niyo na muli ito papasukin sa pamamahay na ito." utos ko. Pumasok na mga guard at pwersa nilang hilain si Kenneth palabas ng mansion "AKIN KALANG GIANNA!" Kinalibutan ako sa sinabi nito "Gosh! Ang creepy nun uh" Bella. "Are you alright?" Dj asked Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, namula ako sa ginawa niya buti nakabihis na sila Loraine. "Go up and dress up. Pinapasundo ka ni Tita sa akin" Kaya nataranta akong umalis sa harap nito at sumunod sila Bella sa akin, panay sila salita sa nangyari kanina sa akin, nakikinig nalang ako habang nagbibihis. Pinahatid kona lang sa driver ko sila Loraine dahil pinapapunta kame sa isang restaurant na pag mamay-ari namin. Di kona muli kinausap si Dj naalala ko na naman yung ginawa niya sa kin sinundo sinundo niya ako last time para maging third party lang nila haaaaaaayst. Pagpark niya bumaba na agad ako ng walang sabi di kona siya inantay pa, pumasok na ako sa loob. Binati ako ng mga crew dun at lumapit sakin ang supervisor at tinuro kung saan sila Mommy. Nasa VIP room ito kaya pumunta na ako dun, pagpasok ko hinanap agad nila sa kin si Dj, sinabi ko nakasunod lang saakin. Umupo ako sa tabi ni Mommy, napansin ni mommy yung namumula kong kamay " Anong nangyari sa kamay mo?" nag aalalang tanong ni mommy. Magsisinungaling pa sana ako kaso naunahan na ako ni Dj "His Ex did that to her" lahat sila napatingin kay Dj. I just rolled my eyes, inunahan niya pa ako,. "What?!" galit si daddy ng malaman niya yun "Tinanggap ko siya ng maayos tapos ganyan lang gawin niya sa anak ko!" "Dad, wala ito." "No! Kakasuhan ko siya" "Your over reacting, Gino" suway ni mommy dito "Ayokong maulit yan, wag kana makipagkita dun, you dont deserve him." "Naghiwalay na kame, wala na kayong dapat ipagalala" Dumating na yung pagkain kaya umupo na kame, nagtaka ako ng lagyan ako ng pagkain ni Dj sa plato. "Di mo na dapat sinabi yung totoo" bulong ko dito habang sinasalin niya ako ng pagkain sa plato. "I wont let anyone hurt you." seryoso niyang sabi. Napatingin ako sa kanya sa sinabi nito. Sa kalagitnaan ng hapagkainan namin bigla nagsalita si Tito Jerick "We have reason kung bakit namin kayo pinapunta dito dalawa." Nagkatinginan kame ni Dj parang nagtaka pa kame. "I wish you both understand kung bakit kailangan namin gawin ito." Tiningnan ko sila mommy nakangiti lang sila sa akin "Both side decided this." dagdag pa ni Tita Lucy na mommy ni Dj "We agree na mag arranged marriage kayong dalawa." Nagulat ako sa sinabi ni Tita pero mas nagulat ako sa biglang pagtayo ni Dj "NO!" kita ko sa mukha nito na di niya gusto ang narinig nito. "We need their help son. Kundi mawawala ang lahat, if your Tito Gino wont help our company." explain ni Tito Jerick kay Dj. "Nagdecide na kame wala kanang magagawa pa, David" sita ni Tita sa anak nito. Napatingin si Dj sa akin kita ko yung galit niya sa mga mata nito "Maiwan na namin kayo, gusto namin na mag-usap kayo." Tito Jerick. Tumayo na rin sila Mommy at iniwan kameng dalawa dito, parng nakaramdam ako ng takot nung kame nalang dalawa. "Are you happy?" parang na offend ako sa tanong niya. "Eto ba ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay ka sa Ex mo? Do you think I will do the same? No! Di ako makikipaghiwalay sa girlfriend ko" galit nitong sabi Napakunot-noo ako "Iniisip mo na may alam ako dito? Inosente rin ako Dj!" "Really? Bakit di ka nagsalita kanina?" "Im out of words dahil nagulat ako tulad mo nagulat ka din." "Because you choose not to talk dahil gusto mo rin ito." Sinampal ko siya ng malakas "Ako ba? O kayo? Sino ba ang kailangan ng tulong namin diba kayo? Pinapabor lang namin kayo tapos ikaw pa ang galit?" Nagulat ako sa sinabi ko dala nalang din ng galit kaya nasabi ko yun sa kanya "Wag mong ikasaya ang lahat ng ito, dahil sa araw ng itali mo yung sarili mo sa akin sisiguraduhin kong pagsisihan mo ang lahat ng ito." pagkasabi niya nun iniwan niya akong mag isa dito. Napaupo nalang ako dahil mabilis na pangyayari parang di parin nagsink sa utak ko ang lahat ng narinig ko. Buong araw ako nagkulong sa kwarto, dahilan narin na ayaw kong may kumausap sa akin. Gusto ko mapag isa, di parin maprocess sa utak ko na ikakasal ako sa first love ko. Tumunog phone ko kaya kinuha ko ito at tiningnan ko sino ito. Loraine's Calling I sighed. I press cancel button, kaso nagring ulit ito. Sinagot kona lang dahil alam kong di nila ako titigilan. "Speak" Yan agad bungat sa akin ni Loraine. "I'm not in the mood." "Mag sasalita ka or si David nalang tanungin namin?" Singit ni Bella. Sabi kona magkasama ang dalawa ngayon. "Shut up, bella." Suway ni Lor sa kanya. "Totoo ba ang news na ikakasal kayo? Why? Bakit dapat paspasang kasal?" I sighed again. "The only thing I knew my dad trying to save their company." "Oh I forgot mayaman pala ang kaibigan  namin. Bakit kase ganyan kayo, pag dating sa business dapat talaga mga anak ang nagsasakripisyo." Loraine said and she's right. "So ano sabi ng fiance mo?" Tanong ni Bella. "His mad at me." "Bakit sayo siya nagalit? Gago ba siya! Aba baka gusto niyo matikim ng masarap kong sampal!" Galit na sabi ni Loraine. Loraine Nasa mall kame ngayon ni Bella dahil gusto ko magpalamig dahil sa nalaman ko na sinisisi ni Dave si Gianna sa biglaang kasalan nila. "Chill. Parang ikaw yung ikakasal uh." "Nakakainis lang sila pa itong may kailangan sa pamilya nila Gigi tapos sisihin niya lang si Gigi! Bullshit siya!" Napatingin ako kay Bella nagtaka ako nang tumahimik ito sa tabi ko. Nakatingin ito sa malayo kaya napatingin din ako dito kaso bigla akong hinila ni Bella. "Dito tayo." Bigla kame lumiko. Pinigilan ko siya. "Ano ba!" Inis kong sabi dito kaya wala itong ginawa kundi bitawan ako. "s**t!" Bella. Mas uminit ang ulo ko ng makita ko si David dito pala nakatingin si Bella "So ayaw mo na makita ko tong gago na to." Sabi ko, hindi ko maalis alis ang tingin ko sa gago na to na kasama ang girlfriend nito. Naglakad ako para magkrus ang landas namin, Bella failed to stop me. Nung malamit na kame sa isat-isa di kona pinigilan sarili ko na sampalin si David kesa pigilin ko ang galit na dala-dala ko. "b***h!" Galit na sabi ng girlfriend nito. "Why did you do that!?" "That guy deserve it." Napatingin sa akin si David. Parang nakilala naman niya kame, ako yung tipong di umeeskandalo at seryoso sa grupo namin pero kase pagtungkol na sa kaibigan ko di ko basta-basta hinayaan na apihin nila ito. "Babe, do you know them? Are they your sidechick?" Parang galit pa nitong tanong kay David. "Hell no!" Ako na ang sumagot. "At ikaw na gago ka! Dapat magulang mo yung sinisisi mo sa kasalan na magaganap hindi kay Gianna mo ilabas yang galit mo-" "What?" Parang gulat na sabi ng girlfriend nito. "What wedding is she talking about? Gianna? Isn't she your childhood friend?" Gulat nitong tanong. Shoot. Hindi niya pala nasabi sa girlfriend nito. My bad, but I'm not sorry though. Tumawa si Bella sa tabi ko "Di ka inform? Na yang boyfriend mo ikakasal na. Poor you." Kita ko ang pagkainis ni David "I'll explain it to you later, babe." At tumingin ito sa amin "Bakit di niya ba rin ginusto ang lahat ng to?" "She doesn't have a choice. Katulad mo rin wala ka rin choice sa kasal na to." I said. "Ofcourse she have. Dahil isang sabi niya lang na ayaw niya tatanggapin ito ng magulang niya pero dahil nga na may gusto siya sa akin kaya di man lang siya nagreject sa plano ng magulang namin." Sinampal ko siyang muli this time lahat ng lakas ko ay binigay kona "Fvck you! Sana di na lang kayo tinulungan ni Tito mas mabuting matuloy ng masara yang company niyo tingnan natin sino yung maging kawawa para sisihin mo si Gianna." Pagkasabi ko nun iniwan na naman sila. Gianna Gift Ikinasal na ako kay David James Villafuerte, obvious talaga na fix marriage lang dahil napakadali ng lahat. Alam kong ako parin sinisisi ni Dj sa mga nangyari sa buhay niya, pero bakit iba yung pakiramdam ko nung kinasal kame parang sumaya konti yung puso ko? Possible bang gusto ko parin siya? Pero nung mga bata pa kame nun nung nagustuhan ko siya parang naniwala tuloy ako sa kasabihan na First love never dies. Napailing nalang ako sa iniisip ko, nung huminto na sa napakalaking bahay ang kotse sinasakay namin, nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay napakalaki naman nito para sa aming dalawa. Pagbaba namin sa kotse di man lang ako inalayan ni David kay manong driver ko nalang inutos ibaba lahat ng gamit namin. Sinalubong kame ng magiging katulong namin nung pumasok na kame ng mansion. "Magandang gabi po madam. Ako nga po pala si Josie" pagpapakilala ng isang matandang babae sa sarili niya "Ako yung head nila, ito naman sila Betty, Yna at Lara ang katuwang ko sa paglinis ng bahay at pagsilbi sa inyong mag asawa" Tumango lang ako at nginitian ko lang sila, tinulungan naman nila agad si manong driver sa mga gamit namin. Huminto si Dj nung marating namin ang hakdan "I want to have my own room without you" hindi na ako naguklat sa sinabi niya. Pero napahiya ako,  sa harap ng katulong namin mismo niya sinabi ang katagang yun. Kaya inutusan ko yung katulong namin na ayusin ang kwarto ni Dj dahil ako nalang ang gagamit sa kwarto para sana sa aming dalawa. Pagpasok ko sa kwarto napansin ko may isang pinto bubuksan kona sana ito pero pumasok si manang sa kwarto ko.  Nakita niya na hawak ko ang doorknob ng pinto dito sa loob ng kwarto ko. "Connected door yan, hija para kabilang kwarto at si Davidang gumagamit sa kabilang kwarto. Kaya nung malaman ko ang tungkol dun binitawan kona yung doorknob, pinasok na nila yung mga gamit ko. Nagpasalamat ako sa kanila nung tapos na sila at iniwan na nila ako mag isa sa kwarto. napabuntong hininga ako I admit it I still love him pero parang malabo na mahulog ito sa akin ngayon pang may girlfriend ito. ° Nagising ako sa alarm na sinet ko 7am yung oras na sinet ko pero di ako sanay dahil sanay akong gumising yung tatanghali na pero iba na kase ngayon may asawa na ako. Pagkatapos ko mag ayos bumaba na ako at dumiretso ako sa kusina naabutan kong nagpiprepare na sila para sa lulutuin nilang breakfast. "Goodmorning po" bati nung tatlo na parang same age ko lang nung makita nila ako. Nginitian ko lang sila "Manang di po nagkakape si Dj sa umaga mas prepare niya yung juice." Sabi ko nang makita ko siyang magtitimpla na sana ng kape, may mga natanong na din kase ako sa mommy ni Dj sa hilig at sa ayaw nito. Kinuha ko sa bulsa yung phone ng maramdam kong nagvibrate ito. From:Bella                How does the newlyweds feel? Omygooosh did you have s*x?! Napailing ako sa text ni Bella kahit kelan talaga yung isip nito di talaga tumitigil sa dirty talk. "Good morning! Isn't my boyfriend awake yet?" Napalingon agad ako dito ng marinig ko ang boses nito "What are you doing here?" Gulat kong tanong. Pinagtitinginan kame ng katulong namin dahil sa sinabi nito. ° ° °
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD