bc

PUQUEÑA (Hipon Girls Collaboration) SSPG

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
billionaire
love-triangle
one-night stand
family
HE
escape while being pregnant
fated
second chance
arrogant
stepfather
heir/heiress
drama
sweet
bxg
campus
city
office/work place
cheating
cruel
love at the first sight
assistant
seductive
like
intro-logo
Blurb

Si Puque pangalan pa lang, mapapaisip ka na. Isang babaeng hindi pasok sa standard ng ganda… pero kapag katawan na ang usapan, siguradong mapapalingon kahit sinong lalaki.

Makulit, palabiro, at may pagka-malandi pero sa likod ng lahat, siya ang babaeng laging talo sa pag-ibig.Sanay na si Puque sa titig ng mga lalaking puno ng pagnanasa… pero walang nagtatagal.

Hanggang sa dumating si Jun-Jun isang lalaking hindi lang basta tumitingin, kundi parang gustong angkinin ang bawat galaw niya.Sa bawat lapit, bawat sulyap, at bawat aksidenteng dikit ng katawan, unti-unting nag-iinit ang mundo ni Puque.

Hindi na lang ito simpleng kilig kundi isang tukso na unti-unting bumabalot sa kanyang pagkatao.Sa unang pagkakataon, may lalaking hindi lang siya gustong tikman… kundi gustong manatili.

Pero sa larong puno ng init, tukso, at panganib handa ba si Puqueña na sumugal? O muli na naman siyang matatalo… sa laban ng puso at laman?

chap-preview
Free preview
Puque
CHAPTER 1 THIRD PERSON POV Sa isang maliit ngunit napakaingay na lugar na tinatawag na Masarap Ipasok Brgy. Chulaak, Sitio Labasan, nakatira si Puqueña Haplosera 28 years old, mas kilala sa pangalang Puque. Kung may award lang sa pagiging “hindi pinapansin ang sariling kapangitan pero laban kung laban,” siguradong siya ang consistent winner taon-taon. Hindi man siya biniyayaan ng mukha na pang-miss universe, binawi naman iyon ng katawan na parang pinagpraktisan ng sculptor na sobrang inspired. Kaya tuloy, kahit na simpleng naglalako lang siya ng tilapia, napapalingon pa rin ang mga tao hindi dahil sa isda… kundi dahil sa kanya. “Tilapiaaaa! Presko pa! Mas presko pa sa lovelife mong iniwan ka!” sigaw niya habang naglalakad sa talipapa, sabay taas ng batya na puno ng isda tawanan agad ang mga tambay. “Hoy Puque! Presko ba talaga ‘yan o ikaw lang ang presko?” sigaw ng isang lasing na tambay. “Pareho! Pero ako, hindi nabubulok kahit iwan mo!” banat niya agad, sabay tawa. Ganito ang buhay ni Puque masayahin, palaban, at walang pakialam sa bashers. Kahit na minsan tinatawag siyang “Puque na may katawan,” dedma lang siya. Ang mahalaga, kumikita siya. Isang umaga, habang abala siya sa pag-aayos ng paninda, dumating ang kanyang ama galing dagat basang-basa, amoy alat, pero may dalang biyaya. “Puque! Oh, anak! Jackpot tayo ngayon!” sigaw nito habang ibinababa ang lambat. Lumapit si Puque, sabay tingin… at biglang napanganga. “Ay wow! Pa! Ang dami nito ah! May tilapia pa! Sa dagat?! Pa, multo ba ‘to?” natatawa niyang sabi. “Hindi ko rin alam, baka nalunod na freshwater fish,” sagot ng ama niya habang nagkakamot ng ulo. “Bahala na! Benta na ‘to! Hindi naman magrereklamo ang bibili!” mabilis niyang sagot, sabay kuha ng paninda. Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Nilako agad niya ang mga isda. “Tilapiaaaa! Fresh from dagat! Imported galing kabilang kanto ng dagat!” sigaw niya. Habang abala siya, biglang may narinig siyang pamilyar na sigaw. “OI MADIIIIII!!!” Napapikit si Puque. “Wala na… dumating na ang mga pesteng to…” At tama nga siya parang bagyong walang babala, dumating ang tropa niya. Una si Virgo Gapangera, 27 years old kilala sa pagiging maloko at walang preno ang bibig. Kasunod si Kany Solsolera ang baklang bakla na parang naka-microphone kahit walang mic. Sumunod si Pie Kyugo ang certified aswat ng grupo, laging gutom, kahit kakakain lang. At panghuli si Marya Tanggo ang reyna ng demands, parang may sariling mundo. “Oy Puque! Ang puque mo ba ay open for business today?” malanding sabi ni Kany sabay arte. “Ay Kany, kung bibili ka lang, wag kang magdrama. Hindi ito teleserye!” sagot ni Puque lumapit si Virgo, sabay kurot sa braso ni Puque. “Hoy, besh! Ang lakas ng benta mo ah! Pati ako napabili kahit wala akong pera!” “Eh di umalis ka!” sagot ni Puque, sabay tulak. Samantala, si Pie, diretsong dumukot ng isda. “Uy, free taste!” sabi nito. “HOY! Hindi yan fishball!” sigaw ni Puque sabay hablot. At si Marya naman, naka-cross arms. “Puque, ang liit ng tilapia mo. Gusto ko yung malaki. Yung kayang magpasaya.” Tumigil ang lahat napatingin si Puque sa kanya. “Marya… isda ‘to. Hindi jowa.” Biglang sumigaw si Kany. “AY MADI! ANG PUQUE NI PUQUE WINARAK! PINASOK SA GUBAT NA MATINIK!” Napahawak sa ulo si Puque. “Pwede ba, Kany?! Ang aga-aga, nagwawala ka!” Pero hindi pa tapos si Kany. Lumapit ito sa mga dumadaan na customers. “Mga mars! Bumili na kayo! Ang tilapia ni Puque fresh, juicy, at kayang magpabago ng buhay niyo! Isang kagat, mapapa-‘Ay! Gusto ko pa!’ kayo!” Napatawa ang mga tao sumingit si Virgo. “Hindi lang ‘yan! Kapag bumili kayo ngayon, may libreng tsismis galing sa kabilang barangay!” “AT MAY FREE DEMO PA!” sigaw ni Kany sabay pose na parang nagbebenta ng produkto sa TV napatingin ang mga tao. “Demo?!” sabay-sabay nilang tanong kumuha si Kany ng tilapia, sabay hawak. “Ganito po siya kalambot…” sabay pindot. “AT GANITO KATIBAY!” sabay taas tawanan ang lahat. Samantala, si Pie, kumakain na ng inihaw na isda. “Uy, masarap ah! Legit! Approved ng tiyan ko!” sabi niya. “Hoy! Hindi ka taste tester!” sigaw ni Puque sumingit si Marya. “Mga ate, bili na kayo! Ang isda na ‘to kahit walang lovelife, mapapasaya kayo!” “Eh ikaw ba, masaya?” tanong ng customer. “Hindi. Pero at least may isda ako!” sagot niya mas lalong lumakas ang tawanan. Habang tumatagal, dumadami ang customers. “Magkano ‘to?” tanong ng isang nanay. “Special price po! Pang-masa pero pang-sosyal ang quality!” sagot ni Puque. “Discount po kapag bumili kayo ng tatlo plus libreng papuri galing kay Kany!” dagdag ni Virgo. “Ay oo! Maganda ka po today, kahit hindi!” banat agad ni Kany. “Hoy!” sabay hampas ni Puque sa sobrang kulit ng grupo, hindi nila namalayan unti-unting nauubos ang paninda. “Puque… ilan na lang ‘to?” tanong ni Virgo napatingin si Puque sa batya tatlo na lang. “Teka… ANO?!” Biglang sumigaw si Kany. “LAST THREE! HULI NA ‘TO MGA MADI! PAG NAUBOS, BALIK KAYO BUKAS MAY BAGONG TSISMIS SI PUQUE AY GAGANDA NA BUKAS!” Agad-agad, may tatlong customer na kumuha. “Sold!” Tahimik Tumingin si Puque sa batya. Wala na unti-unting napangiti siya. “Naubos… naubos natin…” Sumigaw si Virgo. “PARTY!!!” “Libre mo kami!” dagdag ni Pie. “OO NGA! Dahil sa amin ‘to!” sabay taas ng kamay ni Kany umirap si Puque, pero natawa rin. “Sige na nga… pero fish lang ha!” “AY MADI! GUSTO KO KARNE!” sigaw ni Kany. “UMALIS KA NGA!” sigaw ni Puque sabay habol. Nagkakagulo silang lima sa gitna ng talipapa tawanan, sigawan, at asaran. At sa araw na iyon, hindi lang isda ang naibenta ni Puque. Kundi pati saya… at kulitan na kahit sinong makarinig, siguradong mapapangiti o mapapahawak sa tiyan sa kakatawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.3K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.0K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.1K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook