"ANUNG sinabi mo?"Nagsalubong ang kilay ni Max sa sinabing 'yon ni Ashley. "I'm giving you favor but that---" "Mali ka Max, wala akong sinabi na ibigay mo sa akin ang mg bagay na binibigay mo. Dahil hindi naman talaga 'yon ang gusto ko." Nasa mata nito ang determinasyon. Nagulat siya nang magtext ito na gusto siya nitong kausapin. At dahil on the way naman na siya ay pinasakay na niya ito nang makita niya ito kanina. "Gusto kita, kahit noon pa, wala akong ibang lalaking ginusto kundi ikaw. Kaya ginagawa ko ang lahat para mapansin mo ako. Kaya nga inis na inis ako nang sabihin sa akin ni Lola Juliane na nag-asawa ka na. Pero ang hindi ko mapaniwalaan ay bakit si Claire ang babaing 'yon." Bakas ang galit sa mata nito. "I don't have to explain myself to you, Ashley. Pinakikitunguhan kita n

