"JELINE," napuno ng boses ng kanyang ina ang boung kabahayan. Kasunood noon ay ang pagbukas nang pinto sa kanyang kuwarto. "Bakit ka ba sumisigaw mommy?" Muli niyang ibinalik ang atensyon sa pag-aayos. She had a date. "At saan ka naman pupunta?" Anang nitong pinasadahan siya nang mapanuring tingin. Pinili niyang ignorahin ito. " Hindi ito panahon para magrelax ka anak, you need to talk to your dad." Panic was written on her face. "At bakit ko naman kakausapin si Daddy. Puro sermon lang ang matatangap ko sa kanya." Palatak niya. Madalas kasi siya nitong masermunan dahil rin naman sa ina niya. "Then sumunod ka na lang, dahil kung hindi. Wala kang perang makukuha sa kanya. " "What!" Pano mangyayari 'yon. Her mother must be out of her mind. "Makinig ka, nakita ko sa mga documents ng Dad

