"YOU'RE LATE!" Walang kangiti ngiting saad ni Max nang pumasok siya sa opisina nito. Sa kabila nang kaseryusohan nito hindi pa rin niya maiwasang lihim na pagmasdan ito. Sadyang biyaya sa mga kababaihan ang tulad nito. Hindi naman niya maitatago sa sariling minsan ay hinagad niyang mapansin nang tulad nito. Pero hanggang sa pangarap lang ang bagay na 'yon. Because in truth, sa kabila nang magandang katangian pisikal nito. He was cold and snob well dahil siya si Claire na hindi maganda at isang empleyado nito.
Napatingin siya sa kanyang relo. Isang minuto lang naman siyang na late nakasimangot na ito. Hindi na siya magtataka kung maaga itong magkakawringles. Mula kung saan ay bigla na lang pumasok sa isip niya ang hitsura nito bilang isang matandang Boss.
Pero napailing siya, dahil guwapo pa rin ito sa imagination niya."Pumangit ka naman kahit minsan lang."
"May nakakatawa ba, Claire?"
"Ha, naku wala ho Sir. Bakit ho ba ninyo ako pinatawag?"Inosenting tanong niya dito. Sympre may idea siya. Pinapahanap siya nito ang magandang version niya. Nagulat siya nang lumupag sa harap niya ang itinapon nitong kulay itim na credit card. Naguguluhang dinampot niya 'yon. Saka sinalubong ang mga mata nito. Lihim siyang napalunok.
"Buy some suitable office attire for yourself. Naiirita ako kapag nakikita kita sa mga outfit mong yan." Pinasadahan siya nito nang tingin. He hated him for that.
"Sir, una comfortable ako sa sout ko. Ikalawa, hindi man kasing dami nang pera mo, pero may pera din naman akong pambili nang damit ko. Kaya hindi mo ako kailangang---- no thank you. Huwag mo na lang akong tinginan kung naiirita ka." Inirapan niya ito. Kasalan naman nito dahil wala naman designated uniform ang opisina nila. "Kung wala kang magawa sa pera mo donate mo na lang sa charity." Aniya saka tumayo. Hindi ba ito busy ngayon kaya siya na naman ang napansin nito.
"Kaasar talaga ang lalaking 'to."
"Teka 'yong pinapagawa ko sa'yo." Naudlot ang pagtalikod niya dito. She bit her lips. Pero nagulat siyang nasa harap na niya ito. Kitang kita niya ang pagsalubong nang kilay nito habang nakatitig sa kanya.
"Ah--- wala pa, busy pa ko sa---"
"So tama pala ang dinig ko wala kang planong gawin ang pinagagawa ko sa'yo."
"Eh bakit naman kasi ako ang maghahanap." Hindi niya maitago ang frustration. Ano hahanapin niya ang sarili tapos haharap niya dito. Sir ito po ang other self ko kapag maganda ako!
" Dahil kasalanan mo 'yon." Napaatras siya nang bigla itong humakbang palapit sa kanya. Isang maling kilos lang niya siguradong madidikit ang katawan niya dito. Kaya biglang kumabog ang puso niya.
"Baka di lang niya kayo type---kaya"
"Sa akin mo talaga sinasabi 'yan." He smirk
"Hindi sa ganun, ang ibig ko lang sabihin---"
"Find her, I need to get back something from her."
"Wala naman akong kikukuha sa'yo." Gusto sana niyang idagdag. Pero mukhang seryoso na ito masyado. "Sige ho." Aniya.
"Wait, 'yong card."
"Ayaw ko."
"Claire "
"No!" Mabilis na iniwan niya ito.
" 'Bat ba ako nag-aaksya nang panahon sa'yo." Dinig niyang turan nito bago tuluyang sumara ang pinto
"MAGRERESIGN KA?" Nagtatakang tanong ni Mrs. Rivas nang iabot niya ang resignation letter dito. "Dahil ba sa nangyari sa event. Wala kang dapat ipag-alala doon, the party went perfectly smooth. Hindi mo kasalanan kong di maayos ang CCTV, it's not part of your job. Sino ba kasi ang babaing hinahanap ni Sir Max? Bakit 'di na lang kasi siya maghire ng detective, kung gusto niya talagang mahanap ang babaing 'yon. Ako nang kakausap kay sir---"
"Salamat na lang ho pero personal po ang dahilan ko." Pagsisinungaling niya. Bagsak ang balikat na inabot nito ang papel. Nahihiya man siya dito ay wala naman siyang choice. Mukhang parehas lang ang mangyayari. Sundin man niya ito o hindi pareho lang ang kahihinatnan nang lahat.
"Well kung decided ka na? Wala naman akong magagawa. But you know the SOP." Anang nito.
"Yes, po." Pag-sang-ayon niya dito. Hindi kasi siya maaring mag-resign ng wala siyang kapalit. At dapat rin niyang i-turn over ng maayos ang trabaho, bago tuluyang umalis. Naniniwala naman siyang mabilis makakahanap ng kapalit niya ang kompanya. Iyon lang at nagpaalam na siya dito.
"Tinuloy mo talaga."Pabulong na sita ni Aya sa kanya. Na sinagot lang niya ng tango.
"Lukaret ka talaga. Puwede mo namang deadmahin na lang ang utos na 'yon ni Sir Max. Di ka naman detective eh." Giit pa nito.
"Bakit naman kasi ako pa. Saka bakit ba niya binibigay 'yong card kanina?"Napapaisip na tanong niya.
"Ano card," Ikinuwento niya dito ang nangyari sa opisina nito. " You mean si Sir Max binibigyan ka niya ang credit card?"Hindi makapaniwalang saad nito. "Binubully ka lang niya."Kibit balikat na turan nito.
"Sa tingin mo kaya may alam siya?"
"Malabo, kaya huwag munang ituloy ang plano no. Imposible naman na makilala ka niya no."
"Kahit na, mas okay nang magresign ako kaysa masesante pa ako kapag nalaman niya ang totoo no. Hay--- bakit ba kasi ako napapayag sa kalukuhan mo.." Natampal pa niya ang sariling noo. Parang gusto tuloy niyang maiyak. Ang DSI kasi ang una niyang trabaho mula ang makagraduate siya. Kaya nanghihinayang rin naman siya. Bukod doon masaya siya sa trabaho niya.
"May iba pang dahilan diba?" Anang ni Aya na matamang nakatitig sa kanya. She wanted to lie to her, pero alam niyang hindi ito naniniwala. Kaya napatango na lang siya. Na halos ika-iyak niya. Biglang sumeryoso ang mukha nito
"Nasiraan na ata ako ng bait."
"Parang kasalanan ko tuloy ang nangyari. hindi dapat kita pinilit na gawin ang gusto ko." Guilt was written all over her cute face.
"Hoy ano ka ba! Responsibilidad ko ang sarili ko kaya, wala lang kasalanan." Pero parang walang narinig si Aya at umalis na lang sa harap niya.
"Anong problema noon?" Si Ashley na bigla na lang sumulpot.
"Ah, wala nagdadrama lang 'yon."
"Well this isn't good time for drama." Taas kilay na saad nito. "Kailangan daw ng organizer para sa wedding reception, ikaw na ang pumunta sa El Grande hotel. I'm not in the mood. " Anang nito sabay talikod.
"Ano bang nangyari, Grandma," hindi niya mapigilang mag-alala sa matanda. Ang Lola Juliane niya ang nag-alaga at gumabay sa kanya mula noong mamatay ang kanyang ama. Kaya hindi maisip na wala ito sa tabi niya. "Pinag-aalala mo naman ako eh."
"Ano ka ba, ayos lang naman ako apo." Hinawakan nito ang mukha niya. Halos paliparin niya kanina ang kanyang kotse sa pagmamadali nang tawagan siya ng private nurse nito. Isinugod umano ang abuela niya sa hospital. "Bakit naman kailangan mo pang tawagan si Max, Belen?"
"Lola ako ang nagsabi kay Manag Belen at Lucy na tawagan ako sa ano mang problema dito. Kaya huwag mo na silang pagalitan."
"Teka, sigurado bang puwede na siyang umuwi?"Baling niya kay Lucy ang private nurse nito. Noon naman pumasok ang doctor. Ayon dito allergic reaksyon ang ang dahilan nang nangyari. Parang nakahinga naman siya nang maluwag. Hindi niya makakayang isipin na bumalik na naman ang sakit nito. He was so devastated then, when he learned about her heart condition. Halos hindi niya ito maiwan noon.
"Oh kita mo na, naabala ka pa sa isang maliit na bagay."
"Maliit na bagay bang bigla ka na lang magcollapse."Sermon niya dito. Pero tinawanan lang siya nito.
"Malakas pa ako kaya huwag mo akong masayadong alalahanin, apo. "Pagpapalubag loob nito. "At siguradong mas lalakas pa ko kapag nakita kitang may pamilya na. It my only wish for you, apo."
"Ito naman po tayo." Kunwa'y reklamo niya dito.
"Teka kumusta na nga pala 'yong tinanong mo sa akin dati." Pag-iiba nito nang usapan. Inalam kasi niya dito dati kung kilala nito ang babaing hinahanap niya. Pero sympre hindi niya sinabi ritong may nangyari sa kanila nang kanyang Ms. Mysterious. Baka lalo lang itong atakihin kapag nalalam nito. Konserbatibo kasi ang Lola Juliane niya.
"Huwag n'yo munang isipin 'yon."
"Ano bang hindi ko iisipin. This is the first time you seems interested to a woman. Kaya dapat intersado rin ako. " Yes his interested with the woman he meets. And somehow he felt responsbible. She was a virgin, he was sure of it. Beside he forget to use protection. Kaya nag-aalala rin siya. Pero ang higit na inaalala niya ay kung bakit hindi niya makalimutan ang babaing 'yon. Her smile keeps lingering on his thought.
"You fall for her!" Tudyo nang munting tinig na 'yon. Pero kaagad rin niyang iwinaksi sa utak niya ang bagay na 'yon. He was just physically attracted to her. Walang ibang dahilan. His not the type of guy who fall for a woman that easy. Kahit gaano pa ito kaganda.
And besides gusto lang naman niyang makasiguro na wala siyang ibinigay na problema sa babae.
"Baka hindi ka niya type."Mula kung saan biglang sumulpot ang nang-aasar na imahe ni Claire sa utak niya. "She must be out of her mind."
"Hello Ms. Claire." Ang masayang bati ni Billy nang lumapit ito sa kanya. He was the most accommodating among everyone else. Nakailang event na rin kasi na kasama siya sa El Grande kaya kahit paano kilala na niya ang ibang staff na laging kasama sa service.
"Ms. Claire si Ashley 'di pupunta." Nalungkot na tanong ni Rodel.
"Hindi eh, may tinatapos siya." Pagdadahilan na lang niya. Mukhang type ni Rodel ang malditang si Ashley. Bigla ay parang nakadama siya nang awa para dito. Kaya tinapik niya ang balikat nito.
"Magsimula na tayo." Aniya saka napatingin sa relos niya.
Mas gusto niyang VIP ang client dahil mas madami siyang oras para mapaganda ang venue. Alas tres ang reception pero maaga silang magsismula, medyo maselan umano ang client kaya dapat umayon sa gusto nito ang presentation nila. They always have to make sure to please their client.
Nagtungo muna siya sa kitchen upang masigurong tama ang lahat nang i-hahanda, kilala na siya nang kitchen manager at staff, kaya madaling makipag-usap sa mga ito. She was checking here list on her way to the event hall nang 'di sinasadyang may nabanga siya. Sapol ang noo niya sa matigas na dibdib ng lalaking kasalubong niya. Inayos pa niya ang salamin ng magsalita ang kaharap.
"Watch were you're going Ms." That familiar voice feels like music to her ears. Pero ganun na lang ang panlalaki ng mata niya nang makilala ang may-ari ng boses na 'yon. Bigla yatang umurong ang dila niya, lalo na ang manoot sa ilong niya ang mabangong amoy ng katawan ni Max.
"Ahm----, good morning Sir, " aniya saka humakbang palayo dito. Bigla kasing nagsirko ang puso niya nang magtama mata nila. "Pasensya na, ho." Nagpaalam na siya dito ng bigla itong nagsalita.
"Nagkasakit ka daw pala kaya 'di ka nag-attend ng party?" Seryosong tanong nito.
"Ah,--- opo Sir."
"I see, I apologized for what I said last time, Claire."
"Ho---" nagulat talaga siya doon. Bakit parang bigla ata itong bumait.
"I was too focus on something, that I forgot to ask your reason." Hindi niya napigilang mapangiti dahil sa sinabi nito. Parang nagulat naman ito, pero saglit lang dahil bahagya pa itong umiling. "Forget what I said about looking for that woman. Hindi mo trabaho 'yon."
"Salamat naman po kung ganun. Teka---Sir kuryos lang ako, talaga bang may kinuha sa inyo 'yong taong pinapahanap mo."She was really dying to know. Wala siyang naalala na bagay na bitbit niya ng umalis siya sa unit nito maliban sa sout gamit niya. Dahil kung mayroon man isasauli talaga niya ng palihim.
"Di mo na kailagan malaman 'yon." Seryosong sagot nito na ikinadismaya niya. "Teka, wala ka ba talagang planong tangapin ang aluko ko."Naguguluhang napatingin siya dito.
"About your---- undesirable outfit." Hindi niya napigilang pagtaasan ito nang kilay.
"Kung lalaitin mo lang ako Sir, maiwan na kita." Aktong tatalikuran niya ito nang bigla nitong hawakan ang braso niya. Parang may libo-libong kuryenting nanulay sa katawan niya dahil doon.
Halos mag-isang linya ang kilay nito ng humarap siya dito. Mukhang nabigla rin ito sa ginawa. Saka parang napapasong binitawan ang kamay niya.
"I'm not doing this to insult you--- I just want to see you more presentable."
"Bakit kinukewsyon ba ang mga kliyente natin ang sout kong damit?"
"Hindi--"isang malalim na buntong hininga ang pinawalan nito.
"Sabi ko naman Sir, huwag mo na lang akong tinginan kung naiirita ka sa hitsura ko."She said sacastically with a smile. "Kaya aalis na ako sa harap mo para di ka na mainis sa akin."
"Your such a pain, why do I keep wasting my time talking to you." Iyon lang at tinalikuran na siya nito. Hindi naman niya maiwasang tanawin ang papalayong likod nito. Sa totoo lang hindi rin naman niya maintidihan ang trato nito sa kanya. One time his nice, the next thing ang sungit naman nito.
Why does he keeps on bothering her. Kahit noong bago pa lang siya sa DSI madalas talaga siya nitong punain. But lately, naasar na siya dito. Naiiling na naglakad na lang siya pabalik ng function Hall.