2

2596 Words
Ashley has her eyes set on Claire. She's really pissing her off. Rachel was right mas napapansin nga ni Max ang babaing 'yon. At some point iniisip niyang dahil kakaiba ito sa lahat. That made her hate Claire. He knew her name first bago siya natawag ni Max sa first name niya. Kahit na sa harap ni Lola Juliane. Kailangan na niyang gumawa ng paraan para mapansin siya ni Max. Its the only way she can marry him. It was the deal she had with the old woman. "Grandma, ayaw mo akong maging apo?" Paglalambing niya kay Lola Juliane. "Alam mo namang in love talaga ako kay Max." Bata pa lang ay lihim na siyang nagkagusto sa binatang Boss. She was sixteen when she first meet Max sa mansion nang mga De Silva sa Tagaytay. Sinama siya noon nang kanyang ina dahil ayaw itong samahan ng kanyang ama. Mula noon ay madalas siyang sumama sa ina kapag dadalaw ito sa matanda. Pero hindi na siya sinuwerting makadaupang palad ang binata. She even invited him to her debut pero hindi ito dumating. But she never gave up her hope na balang araw muling magtatagpo ang landas nila at makikita niya ang nakaka-inlove na ngiti nito sa kanya noon. "Of course, I know, dear. Pero hindi ako nanghihimasok sa love life ni Max. I want him to find the woman he'll fall in love with. Ganito na lang, why don't you work in the company. Kung lagi ka lang pupunta dito sa bahay para antayin si Max, baka mabigo ka. But if you work in the company, you might get the chance to make him fall for you. Then I promise I will make him marry you." That was two years ago, pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nagawang pansinin ni Max. She need to do something para mapansin siya nito. Walang ano-ano may ideyang pumasok sa isip niya. Saka napangiti. "I'll make him mine for sure." "You wanted to talk to me?" Formal na tanong ni Max ng pumasok siya sa marangyang opisina nito. In the pass two years, never pa siyang pumasok sa private office nito ng hindi kasama ni Mrs. Rivas. Kahit pa natuto ma siya sa function niya bilang assistant coordinator. Max never meet her alone in his office. "Yes, it's about the thief?" "Thief?--- What about her, you knew her?" halata ang eagerness sa mata nito. She might have taken something important to him. "No, not yet. But I will find her for you. I don't think na interesado si Claire na gawin ang pinapagawa mo." Confidence was written all over her face. "What?" Nagsalubong ang kilay nito. "Well, with her, ano namang aasahan mo? She's weird, ugly and she's nobody." She said with disgust. A smirk came out from the end of his lips. Nagsalubong ang kilay nito pero hindi niya 'yon pinansin. "And how sure are you that you can find her?" He leans his back on his chair. "I have my ways." Kumpiyansang turan nito. "But you need to give me anything I want in return." "Anything? That could be?" "Sasabihin ko kapag nagawa ko na ang usapan. I bring the thief to you." Iyon lang at iniwan na niya ito. Wala siyang pakialam kong makikita man niya ang hinahanap nito. Because that deal will definitley gave her reason para mapalapit kay Max. "MAGRELAX ka nga lang Claire." Saway ni Aya sa kanya. Naroon ito sa apartment. They used to live together, pero nang magdecide itong makipaglive in sa boyfriend nito. Naiwan siya sa apartment nila. "Bakit ko ba kasi sinunod ang sinabi mo?" "I told you to enjoy, hindi ko sinabing---teka, ano ba talagang nangyari ng gabing 'yon. Bigla na lang kayong nawala sa party." Hindi niya mapigilang pamulahan ng mukha sa tanong na 'yon ni Aya. "Hindi ako naniniwala na may kinuha ka sa kanya. You're not the type of person." But of course wala siyang kinukuhang kahit ano and Aya will believe her, they been friends since high school at higit kanino man ito ang nakakakilala sa pagkatao niya. She's the only person she can trust. Pero hindi niya kayang sabihin dito ang lahat ng nangyari. "Nagdecide na ako ,magreresign ako. That's the only way. Para hindi ko ipahiya nang husto ang sarili ko." Lihim na dugtong niya. "Subukan mo lang, hindi na kita kakausapin kahit kailan." pagalit na singhal nito. "Alam natin pareho kung paano mo pinagsumikapang makapasok sa DSI. Because you wanted to work there dahil sa magandang suweldo at benefits. Para makaipon ka para mabawi ang dating---. Kusa nitong pinigil ang sasabihin. Alam nitong ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yon. "Tigilan mo ako sa kalukuhan mo Claire Marie Cortez!" "Pero paano kong sisantehin niya ako, kapag nalaman niyang ako 'yong babaing kasama niya noong party." Yes, it was her. She's the woman his Boss was looking for. Siya ang babaing kasama nito sa kama nito ng isang gabi. The thought made her blush. "What's wrong with that, siya ang lumapit sa'yo, kasalanan mo bang naakit siya sa kagandahang itinatago mo." Anito saka nakakalukong ngumiti. Tinitigan niya ito ng masama. Dahil lang sa kalukohan nito kailangan niyang magdesisyon. It seems like yesterday.. "Happy birthday to me" Masayang saad ni Aya. It was her twenty fourth birthday. Actually kahapon pa dapat 'yon. Pero dahil nagcelebrate ito kasama ang pamilya nang boyfriend nitong si Denver. Kaya late ang celebration nilang magkaibigan. "So sissy, i-gagrant mo ang wish ko diba?" anito saka pilyang ngumiti. "Oo na , basta 'kaya ng budget ko." pagsang-ayon niya. "Well, simple lang naman ang wish ko. At malalaman mo soon." Puno nang excitement ang mukha nito. "Oi baka kung ano yan ha?" "Watch and learn sissy." Itinaas pa nito ang baso. "Cheers!" And she was right may hindi nga magandang naiisip ang kaibigan niya. "No I can't be absent tomorrow, alam mo namang ako ang in-charge sa event." "Come on, Claire everything has been set. Saka ako na ang bahala sa excuse mo. At sinong may sabing a-absent ka?" Nagkikislapan ang mata nito sa kasiyahan. "And besides, para makabawi ka naman sa pagmamaldita ni Ashley sa'yo. Siya ang hindi mag-eenjoy sa party. Ikaw ang pinahirapan niya kahit dapat tulungan ka niya. Tapos gusto niya magtake credit. So ibibigay natin ang gusto niya. And for you I want you to enjoy the party tomorrow." Kinabukasan nga ay maaga pa lang ay binulabog na nito ang pahinga niya. It was only six a.m. "Bakit naman ang aga mo?" Naghihikab pang tanong niya. Nag-overtime siya para i-review ang mga details para sa Anniversary ball. She wanted to do her best para di mapahiya si Mrs. Rivas sa pagrecommend sa kanya. It was her first big project. And Ashely was supposed to assist her, pero parang wala naman itong naitulong sa kanya. Maliban sa punain ang mga ginagawa niya. "Kaya kumilos ka na agad. We have appointment. At dapat nasa hotel ka para i-monitor ang pag-organized ng function hall. Then I make your exit two hours before the event, para makapagbihis ka. Cause 'you'll not be attending as Claire the ugly." Idiniin pa nito ang huling sinabi. "Ang pangit ko ba talaga?" "You're not, you're just making yourself look like one." Alas nuebe ng nakarating sila sa isang sikat na salon sa Ayala. At mabilis ring lumipas ang oras para sa appointment nila. Mula facial detox, hair treatment, foot and hand spa with manicure and pedicure. Pass two na ang matapos sila. She went directly to the hotel para makapagsupevise ng pag-aayos ng function hall. She want everything to run smoothly. Seven pm magsisimula ang party. Kaya may oras pa siya. At hindi niya inaasahang kukuha ng room si Aya para sa kanila sa hotel. Kung saan naroon ang make-up artist nila. Para siyang robot na sumunod na lang sa gusto ng kaibigan. But when she was done, halos hindi niya makilala ang sarili. She was wearing red evening gown with long v-neckline on fishtail cut. It emphasize her well curve figure. Ibang iba ang hitsura niya. Nang walang makapal na salamin at naka ayos. Medyo hindi lang siya sanay sa contact lenses. "You're so pretty dear." anang nang baklang si Alice. "Napakadamot mong babae, kung ako ang may itinatagong ganyang katawan at mukha i-rarampa ko everyday sa madla." Eksaheradang saad nito. "I told you, you won't be the same Claire they knew. I'm sure hindi ka nila makikilala." Proud na saad ni Aya. "I want you to enjoy tonight." "At humarot ng boylet." Malanding dagdag ni Kendra. "Good Luck." "Pass nine pm ng magpasya silang magtungo sa function hall, pero pagbukas nila ng pinto nang kuwarto ay naroon si Denver." Halata ang pagkagulat sa mata nito ng makita siya. "What the---who's----" "Ako lang to, huwag kang eksaherada d'yan." Saway niya dito. "Ha?" Anang nitong di pa rin siya nakikilala. Naisip niyang ganun ba talaga ang pagkakaiba niya sa usual na sarili niyang nakikita ng tao. Si Aya na ang sumagot sa naguguluhang boyfriend nito. "You're joking Babe.--- I mean, Claire you look so--- different." "Different in what way." Kuryos na tanong niya. Maging siya man ay hindi halos makilala ang sarili. Ang ibang tao pa kaya. She been living like that for five years. "Your exquisitely beautiful." Di niya mapigilang matawa. "Grabe naman yang adjective mo." "So sinasabi mong pangit ako ganun." Nakangusong baling ni Aya dito. Parang noon lang natauhan si Denver. "Hindi sa ganun Babe, you're the prettiest to me." Kaagad naman nitong inakbayan ang girlfriend. "Nakakagulat lang talaga itong kaibigan mo." "Ang corny n'yong dalawa." Aniya saka nauna nang maglakad sa mga ito. Muntik pa siyang matisod dahil sa mataas na heels niya. Dahil late sila ng halos isang oras, kaya halos nakapasok na ang mga guest at employee. Pagpasok pa lang nila ay napalingon agad sa kanya nang ilang groupo ng kalalakihan na naroon. But what caught her attention was the man that was holding a champagne glass at nabitin sa ere ang aktong pag-inum nito. He was intently looking at her. Hindi naman nakapagtataka na talagang attractive ang lalaki. In fact halos lahat ata ng single na babae at pusong babae ay pinapantasya ito. And of course hindi siya exception doon. Pero sympre alam niyang walang patutunguhan na pantasyahin niya ang lalaking hindi tadhana para sa kanya. Medyo kinabahan siya ng nagsimulang maglakad ang mala-adonis na lalaki sa kanyang direksyon . Dahil hindi niya magawang ibaling sa iba ang tingin. As if her heart start pounding in his every stride. "Hi-- are you my grandmother guest." tanong nitong hindi inaalis ang titig sa kanyang mukha. Kaya 'di tuloy niya maiwasang mailang. "She's quite busy at the moment." Napatingin rin siya sa direksyong tiningnan nito. Naroon ang matandang babae na abala sa pakikipag-usap sa mga bisita nito. "Ah yes Sir, Ms. Marie right? Isa po siya sa mga guest ni Madam." Singit ni Aya. Para siyang wala sa sariling napatango na lang. Nagulat siya ng ilahad pa nito ang palad. "I'm Max De Silva." Bahagya pa siyang tinulak ni Aya. Kaya napilitan siyang tangapin ang palad nito. Parang ilang libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kamay niya nang maglapat ang palad nila. His hands was firm and strong. At bahagyang pinisil nito ang kamay niya. Dala ang pagkagulat ay mabilis niyang binawi 'yon mula dito. Pero paglingon niya at wala na sa tabi niya si Aya. Nagtungo na ito sa table kung nasaan ang boyfriend nito. "Puwede kitang samahan sa guest table." Nakangiting saad nito na bahagya pang lumapit sa kanya. From there she could smell his scent, he smell so refreshing. Parang ang sarap nitong yakapin. Idagdag pa ang amoy ng wine mula dito. Hindi pa man siya umiinum pero mukhang intoxicated na siya. "Wake up Claire, his your Boss for Pete sake."Saway ng utak niya. Sukat doon ay para siyang natauhan. She was there to enjoy the night, hindi para makipaglandian sa Boss niyang hindi nga siya tinatapunan ng tingin kung siya si Claire na office girl. Unintentionally she pout her lips. Na ikinangiti nito. It was very rare na makikitang nakangiti ang Boss nilang si Max. Madalas ay lagi itong seryoso, and the fact that he was smiling at her, parang may mainit na palad na humahaplos sa kanyang puso. "It seem that you don't like me hitting on you."Muntik pa niyang mabitawan ng wine na inabot nito sa kanya ng dumaan ang waiter. "Honestly, hindi po ako sanay na pinapansin. Please don't mind me." The smile turn into sweet laugh. Dahilan upang matigilan siya. Parang biglang nalaglag ata ang puso niya dahil masarap pakingan ang tawa nito. Those laugh made him looks even more attractive. "Nagbibiro ka ba? Sinong hindi papansin sa babaing kasing ganda mo. Just look around, your getting attention even if you don't want to. But one thing first, huwag mo naman akong pinupo, I'm not that old." "Ah, sige pasensya na." aniya saka lihim na napatingin sa paligid, he was right, maraming matang nakatingin sa kanila. Those eyes from some men, where admiring her, which made her felt good. Pero ang mga mata nang mga babaing may lihim na pagnanasa sa Boss nila, parang isinusumpa na ata siya. "Come with me." Nagitla pa siya nang hawakan nito ang kanyang kamay, saka siya hinila palayo sa mga mapanuring mata ng tao. Sa bar ng hotel sila nakarating. "It's more quiet here." Anang nitong saka siya ipinaghila nang upuan. No one has ever done that to her. There's always first time in everything. Ika nga ng iba. "Paano ang party?" Nailang na tanong niya dito. Nag-aalala siyang baka magkaroon ng problema, habang wala siya. At ito, hindi ba dapat nasa party ito ng sarili nitong kompanya. "Grandma was there, and besides, Claire was good at her job I have nothing to worry about." "Claire?" Ulit niya. Was he actually praising her? Parang biglang tumaba ang puso niya sa sinabi nito. Sympre alam nitong s'ya ang in-charge sa event. Pero hindi niya alam na gusto pala nito ang trabaho niya. Parang gusto tuloy niyang maiyak. "Yeah, she's one of the company's event coordinator. But I didn't brought you here para pag-usapan ang ibang tao." he said clearing his throat. "I'm more interested in you." Walang ligoy na turan nito. Ganito siguro ito makipagdate sa ibang babae. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na madaming nagkakagusto sa Boss niya, but she was sure his not dating anyone in public 'yon ang alam niya. "Wala naman sigurong susugod dahil dinala kita dito?" Biglang tanong nito. "Wala, pero nakakahiya naman na nandito ako." Noon lumapit ang waiter sa kanila. May dala na itong wine kahit 'di pa sila umorder. hindi na niya ipinagtaka 'yon. El Grande hotel was just one of DSI business. Maliban sa mga hotel, logistic and distribution local and international, may mga realty business rin ang DSI. Her Boss was every woman's dream. But she never dare dream of him, malayong malayo ang kinaroroonan nito kung para sa tulad niya. "You know what best at El Grande? Its their food and wine. " May pagmamalaking saad nito. "Cheers." Itinaas nito ang wine glass, she automatically accept the toast. Hindi naman siya sanay uminum pero masarap ang lasa ng wine sa lalamunan niya napakatamis n'yon. She found it funny, dahil hindi niya inaasahang, mag-eenjoy siya ng husto sa company ni Max. He was often mean to her, pero dahil pinuri siya nito. Parang naglaho ang lahat ng inis na naipun niya para dito. They were talking anything under the sun. Kaya hindi niya namalayang mapadami na pala ang nainum niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD