We love each other and you were deeply in love with me. That’s what your father believes.
And even if we say NO, they will always have ways to make us agree. I am not only doing this for myself.
Hindi lang ikaw ang nahihirapan. Have you ever felt hiding in the dark just to find real happiness? I can’t even tell the world I love her. Kasi, I have to think of the people around me. I have thousands of employees na sa kumpanya lang umaasa. Because honestly, hindi kasing ganda ng estado nang kumpanya ninyo ang business namin ngayon. And I must admit, I am asking you a big favor. Your dad and my father will never change their minds. This is the only way we could say NO in a different way.
We will have a true wedding that will only be valid for six months.
Montemayor’s Unite (Her Dad’s Hotel & Resort) and our company was set to merge in three months.
We need to be couples before the merging. We don’t have any choice. I know you value your late Mother’s properties. Without this marriage, there is no way we can have what we deserve to have.
Paulit-ulit niyang naririnig ang sinabi ng lalake kani-kanina lang. Maybe he is right. This is the only way she could prove to her Dad that he can’t hold her forever and decide for her future.
Binuksan ni Paul ang radio ng kanyang kotse upang mabasag ang namumutawing katahimikan.
I don’t care if you think I’m crazy,
It doesn’t matter if it turns out bad,
I’ve got no fear of losing you,
You can’t lose what you never had……. (Westlife band music)
(Silence…….)
Ito ang musikang nagmumula sa radio. May kung anung kirot siyang naramdaman sa kanyang dibdib.
Ito ang masakit na katotohanan na kailangan niyang tanggapin. Na ang lahat ng nangyari ay isang matamis na panaginip lamang na patuloy niyang ninanamnam ngayon ang pait. She's upset, ramdam niyang lahat ng bagay sa paligid niya ay puro kasinungalingan.
Pinilit niyang magkunwaring tulog sa biyahe. Hindi niya alam kung anu ba ang dapat niyang gawing pasya.
Inayos niya ang sarili ng malapit na siya nitong maihatid sa kanila.
“I will decide after this week. I will take a leave for tomorrow. Think of any reason in case my father ask you why. I am not in a mood to think.”
Bumaba ito ng kotse at tuloy-tuloy nang pumasok sa gate.
Pinilit nitong maging masaya bago pumasok nang kanilang bahay.
Isang buong araw siyang hindi lumabas mula sa kanyang kuwarto. Ayaw din nitong magpaistorbo kahit kanino. Her dad and family relatives doesn't worry about it. Maaaring iniisip ng mga ito na kailangan niyang mapag-isa to think about that huge decision she just made.
"You were my biggest dream. All my life, I never had any chance to say what I mean. Napakaliit ng tingin sakin ng papa mo! I always need to walk blind folded by you and your family. Hindi paba yun sapat Cynthia?" It's the crying voice of her father that has awaken her.
"Alfonso, I'm sorry. I need to see him, even just to see him. Kahit minsan lang Alfonso. Please." It's her mother crying too. They are fighting again.
"Kung aalis ka, wala ka ng babalikan!" Sigaw ng kanyang ama.
Nakarinig siya ng pagharurut ng sasakyan sa labas. Sumilip siya ng bintana at nakita niya ang sasakyan ng kanyang mama paalis.
She needs to wake-up early to go to church with her mother. Someone is knocking on the door. It's a police. She found herself in the hospital together with her father. Her father begun to cry again. It's her Mom, Tumakbo ito papasok sa emergency room. Gusto niyang makita ito ngunit pinigil siya ng mga nurse habang ang kanyang ama naman ay patuloy parin ang pag-iyak.
It was a car accident...
Her mom died that night.
"Dad! mom needs help! come on! I need to see her! she'll be fine right?" Hinihila nito ang kanyang ama, she's only 10 years old but she do understand what's happening.
"Andrea, stop.. your mom is gone.." Niyakap siya ng kanyang ama.
"No! No! Your lying! No! she's not!........"
Pinagpapawisan si Andrea habang paulit-ulit niya itong sinisigaw. Nagising siyang umiiyak at takot na takot. Isa nanamang panaginip mula sa anino ng kanyang kahapon.
She was just 10 years old, what she remember were just shadows. But all the pain, loneliness and agony of the past were just so clear that she can't go away from it.
I'm not gonna let one marriage fail again. At maslalong hindi ko hahayaang madagdagan nanaman ang bilang ng mga batang umiiyak sa gabi dahil walang matatawag na totoong pamilya.
Ramdam ni Andrea sa kanyang pisngi ang masarap na tama ng sikat ng araw mula sa bintana ng kanyang kuwarto. Langhap narin niya ang samyo ng mga bulaklak na nagmumula sa hardin mula sa labas. Bukas ba ang bintana? Bagay na nakapagpamulat ng kanyang mata. Isang anyo ng lalake ang lumitaw sa kanyang paningin. Si Paul!
Sa sobrang gulat nito ay napabangon siya mula sa pagkakahiga.
"Sinong nagbigay sayo ng permisyo para pumasok sa kwartoko?"
Hindi ito nagsalita umupo siya sa gilid ng kanyang kama. Andrea got conscious about her morning look. s**t! Bulalas ng kanyang isip. Nakasuot lang ito ng shorts, kamisetang manipis at walang suot na panloob. Napatakip ang kanyang kamay sa kanyang harapan.
Kanina paba niya ako pinagmamasdan? No!
Nakangisi ang lalake, may kung anung nakakairitang ngiti mula sa kanyang labi habang nakatitig sa kanya.
"What? lumabas ka nga muna!" Sigaw nito.
"Ano ba kasing tinatakpan mo? wala naman e."
Nakakairita ka Paul! get out!
"Bastos!" Sigaw niya sa lalake.
"There is nothing to worry about okay? Hindi kita type gets mo? Mag-toothbrush kanga muna."
Tumayo ito at dumungaw sa bintana.
"Walang mangyayari kung lagi ka lang nagkukulong dito sa kuwarto mo. Paano sila maniniwalang we are in love? lalabas na ako. Dress-up, lalabas tayo."
Sino ka para utusan ako sa sarili kong pamamahay? Ngunit hindi niya ito masabi. Ang dahilan? Hindi rin niya alam.
Aba! akalamo kung sino! grrrrr. hindi ka guwapo! But he is and it's what her heart whispers.
Isang sleeveless top na puti, jeans na maong at rubber shoes ang knyang get-up. She looks stunning even without formalities na laging pinupuna ni Paul. But she doesn't mind anymore. Magpapaganda? Mag-aayos? bakit pa?
Hindi maipinta ang saya sa mukha ng kanyang ama na ilang araw narin niyang hindi nakakausap. Ayaw pa niyang gumawa ng kahit na anong pasya. Halatang masayang-masaya ito para sa kanya. Parasakin? o para sa kumpanya. Ang pilit niyang ipinagdidiinang pinaghirapan niya na nagmula sa pamilya Guirero, ang apilyedo ng kanyang mahal na ina.
Kanina pa sila magkasama sa loob ng kotse ngunit pareho silang walang imik. Well, they are not used of going out together. Hininto nito ang kanyang sasakyan sa tabi ng isang shop. Wedding shop? Bumaba si paul at pinagbuksan siya ng pintuan ng kotse, hindi makagalaw si Andrea. Pinilit niya ang sarili para maging kalmado.
"You may want to see an event planner, I know your not good at styles or fashions when it comes to dress." Biro nito na ang tinutukoy ay ang kanyang get-up.
Hindi na niya ito pinansin. Bumaba ito at humakbang palayo.
"where are you going?" Sumunod ito.
"Gusto mo na akong pumili ng damit? meet an event planner? Hindi mo manlang sinasabi sakin bago mo ako dalhin sa kung saan."
"Andrea, You asked for a week. I waited." He lowered his voice. He's pleasing her this time.
"Paano kung hindi pa ako handa" Halata ang takot nitong nararamdan.
"That's crazy, alam mo ang ibig sabihin ng deadline when it comes to busness-"
"Business! puro kayo business!" Hindi na niya napigilang magtaas ng boses.
"Hindi ba? Hindi ba't yun lang naman talaga ang rason why we need to get marry? Andrea please, if you want to do this in your own terms, okay. It's fine. As long as you got yours and I got mine."
"You mean pera? kayamanan? pareho lang kayo ng daddy ko." Isang nangiinsultong ngiti ang lumabas mula sa kanyang mga labi.
"Sabagay tama ka.. Ok!! para matapos na to. Kasi alam mo kahit kaylan, hindi naman talaga ako naniwala sa tinatawag na marriage. Kasi sa mundo nating mga mayayaman, isang biro lang ang kasal. Ano? masaya kana?"
She went inside the shop.
Hindi maitatago ang sakit sa dibdib ni Andrea. Dahil ayaw man niyang aminin, masakit isipin na ang pinangarap niyang proposal ay isang panaginip lamang. Umasa siya na pagkatapos ng gabing iyon, magbabago ang takot niyang walang puwang ang kagaya niya sa mundo ng saya at pag-asa na maaring makabuo rin siya ng matatawag niyang pamilya balang araw. Pero matapos niyang malaman ang totoo, mas kumapit siya sa paniniwalang wala siyang ibang puwedeng pagkatiwalaan kundi ang sarili niya.
1. We will marry and live at the same house but with different rooms.
2. No string attached.
3. Personal matters should be kept secret and is only between the two of us.
4. The wife will stay at home and is not allowed to go to work.
5. Properties will be divided as per contract(prenuptial agreement.)
And lastly,
6. No limits, no curfew, no boundaries in terms of personal things.
Agreed and signed, Andrea Montemayor and Paul George Trinidad.
"No! hindi ako papasok sa trabaho? Ano nga-nga lang ako sa magiging bahay natin?" Hindi siya makapaniwala sa nabasa. It's insane!
"This is only within six months. Hindi ba 'yun naman talaga ang gusto mo? Dapat nga nagpi-fiesta ka."
Well, may point ka. Hindi naman yun yung nakakabwiset e, angsweet pa nga. He doesn't want me to work. Pero, no string attached? Unfair naman.
Shit! Nagising siya bigla at naalalang mali ang kanyang iniisip. Walang love, walang totoo dito.
Kinuha niya ang ang ballpen at lumagda sa papel.
It's done! The prenuptial agreement that was arrange by Paul's Lawyer na galing pa sa US at ang kanilang kasunduan sa loob ng anim na buwan. Ang kulang nalang? Wedding...
*****Thanks for reading :) * *follow me for more updates*