THIRD PERSON'S POV Matapos nilang mag almusal ng umagang iyon ay naghanda na rin sila upang pumunta sa bundok, kung saan sila mag c-camping. Ngunit, hindi na sumabay sina Cassy at Raymond, maging si Alexander sa pag akyat nila sa bundok. Sumakay na lang sila ng chopper, kasama ng ilang tauhan nilang upang ihanda kung ano man ang gagamitin nila. Nais mang sumabay ni Cassy ay nakaramdam pa rin ito ng hilo at masakit ang ulo, ngunit, dahilan na rin iyon upang makasama nito si Raymond. Alam na rin nina Erries, na nais lang nitong makasama si Raymond,pwera na lang sa walang alam sa relasyon ng dalawa, lalo na ang asawa nito na si Chandrie. Kaya naman, nang makasakay at makaalis na ang chopper kung saan lulan ang mga ito ay lumakad na rin sila paakyat ng bundok. "You're still like hiking, h

