Naging abala sila at nagpatuloy sa pag aayos ng kanilang mga gamit, maging ang gagamitin nila mamayang gabi. Tumutulong rin ang mga babae sa pag aayos, hanggang sa matapos sila. Naglabas naman ng inumin sina Alex at nagsimulang tumugtog ng guitara si Truce, saka kumanta. Nakisali na rin ang iba at umupo sa nakalatag na carpet sa lupa. Nagkaroon naman ng pagkakataon na magtabi sina Erries at Lance. Katabi rin ni Erries sa kabila si Chandrie, na masayang sumasabay sa kanta na kinakanta ni Truce. Hindi naman nakaligtas kay Erries ang mga tingin ni Charmien sa kanya, kaya ngumingiti lang siya dito. "Malapit na rin pala ang final fashion show di ba? Naghahanda ka na ba, Erries?" mayamaya ay tanong ni Chandrie, matapos kumanta ni Truce. Napatingin naman sa kanya ang atensyon ng mga ito. Napa

