Sabay na itinaas ng mga ito ang hawak nilang beer at sumigaw ng 'Cheers'!, saka sabay rin na umiinom ang mga ito.Matapos nilang sabay sabay na kumain kanina ay nagpasiya silang mag inuman sa harap ng bonfire na ginawa nila kanina. Nais nilang sulitin ang gabing iyon dahil kinabukasan ay babalik na sila sa kani-kanilang mga trabaho. Paikot silang nakaupo sa harap ng bonfire, habang nakikipagpalitan ng usapan. Nagkaroon ulit ng pagkakataong magtabi sina Erries at Lance, habang nasa kabila naman ni Lance si Cassy, na katabi rin ni Raymond. Tila ba sinasadya rin ng mga ito na magtabi sa pagkakaupo. Habang abala sila sa pagpapalitan ng usapan ay napansin pa ni Erries na may kung anong inilagay si Raymond sa isang beer at inabot iyon kay Cassy. Napakuno't noo siya sa ginawa ni Raymond at hin

