THIRD PERSON POV Napalingon si Cassy sa phone niya ng tumungo ito. Alam niya kung anong tunog iyon, mula sa kanyang email. Hindi na sana niya ito papansinin, ngunit nakita niya ang pangalan ni Erries. Napakuno't noo siya at kinuha ang phone niya upang tingnan ito. Kasalukuyan siyang nasa kompanya, at inaasikaso ang mga papelis sa kanyang mesa. Naiinis na rin siya sa mga iyon dahil demand letter ang lahat ng nasa mesa niya. Letter upang pababain siya bilang President ng kompanya. Nakita niyang mayroon ding demand letter si Lance, pero hindi pa nito nakikita. Akmang e-open niya sana ang phone, nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang secretary niya, na tela balisa. "Ma'am, marami pong nagpupumilit na mga media na nais kumausap sa inyo. Isa pa, may mga tao rin na nag r-rally sa ibaba, k

