ERRIES POV Unti-unti kong minulat ang aking mga mata, nang maramdaman ko ang init mula sa sikat ng araw. Hindi ko maalala kong hindi ko ba naisara ang kurtina kagabi, dahil lasing na ata ako kagabi. Nanatili muna akong nakahiga at inalalala ang nangyari kagabi. Hays, paano nga ba ako napunta dito sa kwarto, sino ang naghatid sa akin? Baka naman hinatid ako dito ng mga staff ni Lucas? Tsk! Bakit ba kasi nagpakalasing kagabi. Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang tumayo. Hinanap ko ang phone, para makita kung anong Oras na at nakita kong 9am na pala. Ilang saglit pa ay may naramdaman akong kakaiba sa sikmura ko, kaya napatakbo ako sa banyo, deretso sa lababo at doon napasuka ako bigla. Tila ba nais lumabas lahat ng alak at mga kinain ko kagabi. Napamumug ako at hingal na hingal. "Here.

