Episode 5

2194 Words
Saglit kaming natahimik dalawa, habang nakatalikod ako sa kanya. Gusto ko talagang batukan aking sarili dahil sa ginawa kong iyon. Masyado akong nagmamadali at tila nawala sa sarili ko ang dapat kong gawin, nang makita siya. "S-Sir," tawag niya sa akin. Itinaas ko lang ang aking kamay saka bumaling sa kanya. Agad naman siyang nag iwas nang tingin sa akin. Damn it! Baka kung anong isipin niya sa ginawa kong iyon at magsumbong bigla kay Cassy. Hays! Pinakalma ko ang aking sarili, saka nagsalita sa kanya. "Look, I didn't mean to do that. I'm really sorry. You just remind me of someone, sana hindi mo ito sabihin kay Cassy," sabi ko sa kanya. Doon lang siya tumingin sa akin at nagtama ang aming mga mata. May napansin ako sa kakaibang tingin niyang sa akin, na tila ba balewala sa kanya ang ginawa ko at para bang sinasabi no'n na gusto rin niya. Lance! Muli akong napapikit sa naisip kong iyon. Paano naman niya magugustuhan iyon, eh halata namang nagulat siya at naiilang na tumingin sa akin. Your thinking too much, Lance! "I-I understand, sir, don't worry about it. Hindi ko sasabihin kay Cassy ang nangyari," sagot niya sa akin. Nakita ko kung paano niya pasadahan nang tingin ang sarili ko, at para bang napangisi pa siya matapos niya akong tingnan. Wait, am I hallucinating? Nakangisi nga ba siya? Tsk! Ano ba itong nakikita ko, bakit kung ano-ano na lang ang nakikita ko pagdating sa babaeng ito! Ganoong wala namang dahilan para ganoon ang makita ko sa kanya. "Good to hear, well, I think you already knows why you are here, right? Gusto ko munang ipaliwanag mo sa akin ang lahat tungkol sa department mo, bago natin ito puntahan upang makita ko," sabi ko sa kanya. Napatango naman siya sa sinabi ko at naglakad siya palapit sa akin. Dumaan siya sa gilid ko at muli kong naamoy ang kanyang pabango. Doon ko napansin na pamilyar sa akin, maging ang gamit niyang perfume. Napatingin ako sa kanya at pinagmasdan siya. Pakiramdam ko ay nagkita na kami, hindi sa inaakala ko siyang siya si Erries na kilala ko. Kundi, iyon bang parang nagkasalubong na kami sa kung saang lugar? Napakilos ako bigla, nang bumaling siya sa akin. Tumalikod ako at naglakad papunta doon sa aking upuan, upang marinig ang pagpapaliwanag niya tungkol sa kanyang department. May binuklat siyang folder at pinakita niya sa akin, saka nagsimulang magpaliwanag tungkol dito. At dahil clothing company ang isa sa pinahawak sa akin nina Dad ay iyon rin ang kanyang pinapaliwanag sa akin. Habang pinaliwanag niya ang mga ito ay nakatingin lang ako sa kanya at napapatango sa kanyang mga sinasabi. Napatitig ako bigla sa mapupulang labi niya na panay buka, dahil nga nagpapaliwanag siya. Nakita ko rin ang pantay at mapuputing ngipin niya. Mula sa kanyang labi ay tumaas ang tingin ko. Napansin kong light lang ang make up niya at para bang natural na balat niya ang pagkaputi nito. Medyo pinkish naman ang pisngi niya, agaw-pansin rin ang matangos niyang ilong. Napatingin naman ako sa kanyang mga mata, sakto lang ito at napagmasdan kong medyo bughaw ang kanyang mata na isa sa nakakaakit tingnan sa kanya. Bumaba naman ang tingin ko at napunta sa bandang leeg niya, na para bang ang sarap halikan dahil tamang kulay nito at tila nang aakit na mahalikan. I think, I would love to kiss that part. 'Siraulo! Umayos ka, Lance!' Napapailing na lang ako sa naiisip ko. Ngunit talagang hindi ko mapigilang mag isip at tingnan ang mala-dyosang nasa harapan ko. Lalo na at isa sa nakakaagaw-pansin sa kanya ay ang kanyang harapan. Hindi ko alam kung totoo o hindi ito. Ngunit, nakikita ko sa bandang dibdib nito ang nakausli niyang cleavage, na ngayon ko lang napansin. Mapuputi ang nasa gitna nito at tila ang sarap daanan ng aking labi, maging ang dalawang pantay na bilog nito ay masarap hawakan. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko, habang nakatingin doon. Para bang, nasa isip ko na, na dapat makita at mahawakan ko ito. Subalit, wala akong karapatang gawin iyon, dahil siguradong magagalit siya sa akin. "Masyado ka bang na d-distract sa aking suot, Mr. Acosta?" Tila natauhan ako nang magsalita siya at agad akong napatingin sa kanya, na nakakunot-noo na nakatingin sa akin. Inayos ko ang aking pagkakaupo at bahagyang tumikhim. "Well, absolutely, yes. You know, I'm still a man. Madali lang para sa isang lalaking katulad ko na ma-distract lalo na at may magandang babae ang nasa harapan ko. But still, I respect some woman. I'm sorry," sabi ko at humingi ng paumanhin sa kanya. Napatango-tango siya sa sinabi ko at napansin ko ulit na pinagmasdan niya ako saglit. "Cassy was lucky to have a man like you. But of course, you need to know your place. Madali rin maaakit ang isang babae, kapag ganyan ka tumingin.. na para bang hinuhubaran mo na ang isang babae. Kung hindi ko lang kaibigan si Cassy ay baka patulan kita sa kung anong iniisip mo ngayon. But, since she's my friend. I'm warning you, not me," seryoso niyang sabi sa akin. Hindi ako nakapagsalita at nakita ko na lamang na niligpit niya ang papelis na dala niya. Akala ko ay aalis na siya, ngunit nagulat na lang ako ng bigla siya umupo sa may mesa ko at lumapit sa akin. "Kapag pinagpatuloy mo iyan ay baka nga patulan kita, kahit na magkasala ako sa kaibigan ko. Kaya kung ayaw mong magkagulo tayo, huwag mo akong tingnan ng ganoon. Naiintindihan mo ba, Mr. Acosta?" halos pabulong niyang sabi sa akin at nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako sa leeg. "Binabalik ko lang ang ninakaw mo sa akin," sabi niya at umalis sa pagkakaupo sa mesa, saka inayos ang kanyang sarili. Hindi pa rin ako nakapagsalita dahil sa sinabi niyang iyon. Masyado akong nabigla dahil hindi ko aakalain na sasabihin at gagawin niya iyon sa akin. "Magiging mabait ako dito, dahil isa lang akong empleyado mo. Ngunit, kapag nasa labas na tayo, ay talagang magugustuhan mo na ang gagawin ko," nang aakit niyang sabi at bahagyang kumindat sa akin. Naglakad siya papunta sa pinto, ngunit wala pa rin akong masabi dahil talagang nabibigla ako. Para bang nabaliktad bigla ang sitwasyon at ako ang nabihag, imbes na siya. "By the way, can you just come with me at my department? Mas mabuting doon ko ipaliwanag para, okay lang ba?" sabi niya nang huminto malapit sa pinto. Hinintay niya ang tugon ko, kaya tumango na lang ako sa kanya at inayos ang sarili ko bago sumunod. Kaya sabay kaming naglakad patungo sa department niya at pareho lang kaming tahimik. Grabe! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala, na sinabi niya iyon sa akin kanina. Tila ba napahiya ako sa naging kilos niyang iyon. Ako ang unang gumawa nang kilos sa kanya, ngunit mas matindi pa pala ang gagawin niya sa akin. Tsk! I think, there's something mysterious about her. Really, it is! Nang marating namin ang kanyang department ay doon na siya nagsalita. Tinawag niya ang lahat ng kanyang staff at pinakilala ako. Agad nila akong binati at nakikita ko pa kung paano sila humahanga sa akin. Subalit, tila balewala lang ang mga ito dahil sa babaeng kasama ko lang ang aking atensyon. Nagsimula siyang magpaliwanag, kung anong ginagawa ng kanyang mga staff. Nakita ko ang ilan na nagtatahi ng mga damit, gamit ang machine. May nag aayos sa isang gown, na nilalagyan ng mga kung ano-ano. Pinakita rin niya sa akin ang bagong koleksyon ng mga undergarments at mga dress, maging mga pants. Sinabi niya rin na na-aprovan na iyon ng magulang ko, na pwedi nang ilabas sa market. Maging sa ilang mall na pag aari ng pamilya ko. Nagbibigay rin ako ng mga tanong at komento tungkol sa mga damit at mahusay naman siyang nagpaliwanag sa akin. No wonder, kung bakit agad itong na-aprovan ng parents ko. Mahusay siyang mag sales talk at talagang pinapaliwanag niya kung para saan ang mga ito. Mayamaya ay pumasok kami sa isang silid at nakita kong tila iyon ang kanyang opisina. Nilapag niya roon ang kanyang dala. Pinaupo niya ako sa sofa at nakita kong kumuha siya ng kape sa coffee maker na nasa gilid. Muli siyang naglakad palapit sa akin at nilapag sa maliit na mesa ang kape na inaalok niya sa akin. Bago siya umupo ay sinabi niyang may ipapakita siya sa akin na bagong design na nais niya makita ko muna. Kaya hinayaan ko siya sa kanyang gagawin. Kinuha niya ang kanyang laptop at may pinipindot doon. Mayamaya ay muli siyang bumalik at nilapag sa harapan ko ang laptop, saka siya umupo katabi ko. Bahagya pa akong napalunok ng maamoy muli ang kanyang bango. Nakakaadik talaga ang bango niya. "Hindi ako ang dapat mong tingnan at amoyin. Look at this," mayamaya ay narinig kong sabi niya. Kaya inalis ko ang tingin sa kanya at tumingin sa laptop na pinapakita niya sa akin. Nakita ko ang ilang desensyo ng mga damit, na hindi pamilyar sa akin. Actually, pamilyar naman talaga. Ang kaibahan nga lang ay ang mga desenyo nito, lalo na ang mga undergarments na pinapakita niya sa akin. Matapos kong makita iyon ay isinara na niya ang laptop, saka muling tumayo at binalik iyon sa mesa niya. Mayamaya ay bumalik rin siya, dala ang kanyang kape at umupo sa aking harapan. "So, what do think of my designs? Actually, iyon ang susunod kong ipapakita sa board kapag nailabas na ang mga stock natin sa market. Siguro sa susunod na buwan ay ipapakita ko iyon. Syempre, kailangan rin nating makita kong mabili ba sa market ang mga design na ginawa ko at ng ibang kasamahan kong designer dito. Kailangan rin naman nating kumita di ba? So, what do you think of it?" paliwanag niya sa akin, saka siya uminom ng kape habang nakatingin sa akin. "Yes, of course. Kailangan muna nating alamin kung mabinta ito, para naman humanga sa atin ang mga investors ng kompanya. Sa atin sila kumukuha ng mga supply, kaya dapat ang mabinta rin ang mga ito sa market upang maiganyo silang kumuha sa atin at maging ang iba. Tungkol naman sa mga designs na pinakita mo sa akin. It's nice and I can see that you are a professional designer. May I ask, where did you learn about this and where did you study before?" tanong ko sa kanya. Napangiti naman siya sa sinabi ko at bahagyang napatango. "Well, natuto ako noong nasa highschool ako. Isa ako sa mga magaling magtahi at gumawa ng mga desenyo, maging sa pagd-drawing ng damit. Kaya naman, no'ng college ako doon ko na kinuha ang course na Designer at doon ko rin nakilala si Cassy. Pareho kaming competitive pagdating sa pagd-desenyo ng damit, at lagi kaming naglalaban noon sa school. Ngunit hindi nabawasan ang pagiging magkaibigan namin. But, when we are at 2nd year, I decided to go abroad. May nangyari kasi noon kaya nagpasiya akong sa ibang bansa magpatuloy. Doon na rin nagpatuloy ang pangarap ko at ayon nga, I become a professional designer," mahabang paliwanag niya sa akin habang nakangiti. Napatitig ako sa kanya, grabe ibang klase talaga siya. Kung siya nga si Erries na kilala ko noon ay talagang mas lalo akong hahanga. "Well, that was great. Mabuti na rin at dito ka napunta sa amin. Talagang kailangan namin ng isang mahusay na designer na katulad mo," nakangiting sabi ko sa kanya. "Yeah, thank you. So, I think we're done? Pupunta na lang ako sa office mo, tawagin mo lang ako kapag may kailangan kang malaman," mayamaya ay sabi niya sa akin. Bahagya akong napakurap dahil pakiramdam ko ay pinapaalis na niya ako. Kaya ngumiti lang ako sa kanya at tumango. "Yeah, that's right. I have something to do in my office too. See you around, Ms. Walter," sabi ko sa kanya. Hindi ko na naubos pa ang kape, kasi nga kailangan ko nang umalis. Tumango naman siya sa akin, saka tumayo. Naglakad na ako patungo sa pinto, nang muli akong mapahinto dahil pinigilan niya ako. Napatingin ako sa kanya at napansin kong may kinuha siya sa kanyang bag, saka naglakad palapit sa akin. "I want to give you something," sabi niya sa akin at may inaabot. Napatingin ako doon at bahagyang natigilan. Nakita ko ang isang pamilyar na wallet, na inaabot niya sa akin. "I think, you remember that. It's yours right? You drop that, when we parted that night," sabi niya sa akin. Napakunot noo akong napatingin sa kanya. Bigla siyang naglakad palapit sa akin at kaunti na lang magtatama na ang aming mukha at katawan. "2 months ago at the bar, we bumped into each other and we introduce ourselves. You invite me at your table, but I came late. Lumapit ako at doon ko napansin na lasing ka na. Iniwan ka na ng kasama mo, dahil sinabi mong hihintayin mo ako. Sad to say, you just forgot me," nakangising sabi niya sa akin. Mayamaya ay mas lalo akong hindi nakapagsalita, nang bigla niya akong halikan sa labi. Isang halik, na tila bumuhay sa kakaibang nararamdaman ko, simula nang makita ko siya kanina. This feeling is really familiar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD