Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa opisina ko, matapos ang nangyari sa amin ni Erries. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi niya at ang halik na iyon na ibinigay niya sa akin. Nasapo ko na lang ang aking noo at napabuntong-hininga.
Kasalanan ko ito eh! Kung hindi ko siya inunahan kanina ay hindi siya gagawa ng ganoon sa akin, pero, iba ang kinikilos ng katawan ko. Para bang gusto ko ang nangyari, hays!
This is not right!
Napatingin ako sa may pinto nang marinig kong may kumatok, saka iyon bumukas at nakita ko si Cassy na napangiti agad nang makita ako.
"Hello babe, nalaman kong pumunta kayo ni Erries sa department niya. Ano? Okay ba saiyo ang mga nalaman mo doon?" sabi sa akin ni Cassy, na lumapit sa akin at humalik sa pisngi ko.
Hindi ko pinahalata na may kakaibang nangyari bukod pa doon sa nalaman niya. Ngumiti agad ako sa kanya at napatango-tango.
"Yes, it's fine with me. I didn't know that, she really have talent to design her own," nakangiting sabi ko sa kanya.
Napangiti naman si Cassy at nakita ang pagmamalaki sa mga mata nito.
"Yeah, she really is. Kaya nga naging magkaibigan kami eh, we have they same taste," aniya.
Saglit akong natigilan sa sinabi niyang iyon. 'They same taste'? Pati ba sa lalaki pareho sila? Tsk! Ano bang sinasabi ko!
"Oh, that's great!" tanging sabi ko lang.
"Yeah, that's why I invited her to hangout together this night, with you and our friends too," nakangiting sabi niya sa akin.
Natigilan na naman ako. Inimbita niya si Erries? Well, hindi na naman talaga iyon nakakagulat dahil magkaibigan naman sila at talagang iimbitahin niya ito. Subalit, sa part ko ay nakakailang iyon, lalo na sa nangyari sa amin kanina. Ewan ko lang kung ano ang magiging reaksyon ni Erries, kung magkasama kami nina Cassy.
"Oh, okay," tanging sabi ko na lang.
Tumango naman siya sa akin at nakikita ko ang tuwa sa kanyang mga mata. Hindi pa nag iisang buwan mula nang mag usap kami at magkasundo tungkol sa nais ng mga magulang namin. Naging maayos ang relasyon naming dalawa at tila mas lumalim pa iyon, nang may mangyari sa amin. I found out that I am not her first, but, it doesn't matter anymore. We really have a great relationship, but now, since I met Erries, I feel uncomfortable. Hindi ko alam kung anong mangyayari ngayon, na nandito siya.
"Ang lalim naman ata ng iniisip mo at baka mamaya ay bigla mo na naman akong sunggaban diyan," narinig kong sabi ni Cassy at natatawang hinampas ang braso ko.
"Haha, mukhang ikaw ang gustong may gawin sa akin diyan eh, di bale makukuha mo ang iyong gusto mamaya," nakangising sabi ko at bahagyang kinurot ang kanyang pisngi.
Hinampas lang niya ulit sa balikat at lumayo na sa akin.
"Ikaw talaga kung anong sinasabi mo, oh siya babalik na ako sa opisina ko. May kakausapin pa ako, sabay na lang tayo mamaya lumabas," nakangiting sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.
Kumaway siya sa akin habang naglalakad paalis. Nang tuluyan na siyang makalabas ay napatayo na lang ako sa upuan at nagsalin ng alak sa baso. Hindi ko parin talaga maintindihan ang sarili ko. Bakit nanlalambot ako pagdating sa babaeng iyon. Isa pa, ang mga sinabi niya kanina lalo na noong sinabi niyang nagkakilala kami nitong mga nakaraang buwan lang. Subalit, hindi ko matandaan kung saan kami nagkita at alam ko rin sa aking sarili na talagang nagkita na nga kami dati. Napapikit na lang ako at pilit na inaalis sa isip ko si Erries.
Nang magawa ko iyon ay muli akong umupo sa upuan at tiningnan ang mga papelis na nasa mesa upang mabaling na dito ang atensyon ko.
Nang saktong alas-kwatro na nang hapon ay inayos ko na ang aking gamit, saka ako naglakad palabas ng opisina. Sakto rin ang pagdating ng sekretarya ko at may inihabilin lang akong importanteng bagay sa kanya, bago ako umalis upang puntahan si Cassy.
Pumasok ako sa opisina niya at doon naabutan kong tumatawa siya kasama si Erries. Oo! Si Erries! Hays! Sabay silang napatingin sa akin at agad na ngumiti si Cassy nang makita ako.
"Oh, nandito na pala ang sundo ko, haha!" sabi ni Cassy.
Ngumiti lang ako at lumapit sa kanya. Agad naman siyang yumakap sa bewang ko nang makalapit ako sa kanya.
"Hmm, I think, I have to go," narinig kong sabi ni Erries, kaya napalingon naman ako sa kanya. Saglit na nagtama ang paningin naming dalawa, bago niya ibinaling kay Cassy ang kanyang tingin.
"Okay, basta mamaya huh? Magkita na lang tayo doon," paalala pa ni Cassy sa kanya.
"Oh sure, bye, see you later," tugon nito at naglakad na paalis.
Naiwan naman kami ni Cassy.
"Let's go?" anyaya ko sa kanya.
Tumango siya at kinuha ang kanyang bag. Magkahawak-kamay kaming naglakad palabas ng opisina. Inaasahan ko pang makikita si Erries, pero ang bilis niyang nawala. Hinayaan ko na lang upang hindi mapansin ni Cassy ang kilos ko.
Tahimik kaming sumakay ni Cassy sa elevator pababa at walang kahit sino sa amin na nagsasalita. Kami lang rin dalawa ang nasa elevator at tila nakakabingi ang paligid. Tila ba, nagtalo kami at ngayon walang kahit isa sa amin ang nagsasalita.
"It seems like, you have a lot on your mind right now," mayamaya ay narinig kong sabi ni Cassy.
Napatingin naman ako sa kanya.
"Oh...well, it's my first time to handle this company and I really have a lot of thoughts in me. But, I know, I will be good to handle this just like my parents," nakangiting sabi ko sa kanya.
Napangiti siya sa akin at yumakap sa braso ko.
"Don't worry, I'm here to help you," tanging sabi niya sa akin.
Napatango ako at hinalikan ang kanyang noo. Yeah, I am really lucky to have this lady. But, I don't know why I feel like... there's still something that I want to have too, someone that I need right now.
Napapikit na lang ako. Pagkabukas ng elevator ay sabay na kaming naglakad ni Cassy patungo sa labas ng kompanya. Nakaabang na roon ang sasakyan ko na inihabilin ko kanina sa security. Binigay agad sa akin ang susi at binuksan ko si Cassy ng pinto, bago ako naglakad papunta sa kabila. Binuksan ko ang driver's seat at akmang papasok ng makita ko si Erries na naglalakad palabas ng kompanya. Nakangiti siya habang nagpapaalam sa kanya ang ilang emplyedo namin, most of them, ay mga lalaki pa. Napakatamis ng ngiti niya na para bang nang aakit sa mga lalaking nasa paligid niya.
Nang mapalingon siya sa gawi namin ay agad akong pumasok sa loob ng kotse upang hindi niya ako mapansing nakatingin sa kanya.
"Are you okay?" mayamaya ay tanong ni Cassy.
"H-Huh? Ah yes, I'm fine," sabi ko at pinaandar na ang kotse paalis.
Habang nagmamaneho ako pauwi ay napansin kong abala siya sa hawak niyang phone at paminsan-minsan ay ngumingiti. Kaya naman pinuna ko siya kung anong ginagawa niya.
"Ang saya mo ata diyan," sabi ko sa kanya.
"Huh? Haha, ito kasing si Erries ka chat ko, sumasakit na raw ang panga niya sa kakangiti kapag lumalabas siya sa kompanya. Marami kasing bumabati at pumapansin sa kanya, higit sa mga iyon ay mga lalaki pa nating empleyado," natatawang sabi niya.
Natigilan naman ako.
"Hmm, mukhang may ibang ugali rin ang kaibigan mong iyan, huh?" tugon ko.
"Naku! Si Erries? Subrang taray at suplada niyan noong highschool kami, pero crush ng campus parin. Hindi iyan ngumingiti noon, noong nagcollege naman kami, hindi rin. Nakakagulat nga ngayon dahil ngumingiti siya, iyon nga lang nagr-rant naman pagkatapos. Ewan ko ba sa kanya, pwedi naman siya hindi ngumiti. Pakiramdam ko tuloy pati iyon ay pinoproblema ng bruhang iyon, tsk!" napapailing niyang sabi.
Hindi agad ako nakapagsalita. Lalo na noong sinabi niyang hindi ito ngumingiti noon pa. Talagang may pagkakatulad sila ng Erries na nakilala ko noon, may kutob na ako pero kailangan ko pa rin makasiguro. Kailangan ko siyang makausap kung may pagkakataon man.
Nagpatuloy sa pagkwento si Cassy tungkol sa ugaling mayroon si Erries at nakikita kong marami siyang alam sa babaeng iyon.
Nang makarating kami sa bahay nila ay hindi na niya ako pinababa at sinabing magkita na lang kami sa bar. Kaya hinayaan ko na lang siya, saka ako umalis.
Pagdating ko naman sa bahay ay napaupo na lang ako sa couch at bahagyang napapikit ang aking mata.
"Oh? How's your first day, bro?"
Napadilat ang mga mata ko at nakita ko si kuya na pababa ng hagdan.
"Well, it's fine.." tugon ko.
"Hmm, pero basi sa nakikita ko ay parang hindi, may nangyari ba?"
Lumapit siya at umupo sa karapatan kong couch. Hindi agad ako nakapagsalita at iniwas lang ang tingin sa kanya. Mayamaya ay naisip ko bigla kung may alam si Kuya tungkol sa pagt-trabaho ni Erries sa kompanya.
"I have a question," sabi ko at bumaling sa kanya.
"Hmm? What is it?" tugon niya sa akin.
"Uhm, apat na buwan na, simula nang nag leave ka sa kompanya dahil sa kasal niyo ni Chandri. So, I think you know about the person who's incharge in our clothing department, right?" sabi ko.
Nakita ko kung paano napakuno't ang kanyang noo dahil sa sinabi ko at bahagyang nagtatakang tumingin sa akin.
"Hmm, yeah of course, I know her. Ngunit, sa pagkakaalam ko ay magr-resign na siya at may bagong papalit sa kanyang manager ng department na iyon. Kaya lang, bago siya pinalitan ay nakapag-leave na ako, kaya hindi ko naabutan ang bagong clothing manager natin. Bakit? May problema ba?" tugon niya sa akin at bahagyang naging seryoso ang kanyang mukha sa kanyang huling sinabi.
Napaiwas na lang ako nang tingin. Ibig sabihin ay hindi niya nakikita si Erries. Tsk!
"Sino ba ang bagong manager na iyan at mukhang nawawala ka na naman sa sarili," narinig kong sabi niya.
Napabuntong-hininga ako at naging seryoso ang tingin ko sa kanya.
"She's one of Cassy's friend and her name is... Fionaerries Walter," tugon ko sa kanyang sinabi.
Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon sa kanyang mukha, na tila hindi niya inaasahan ang pangalan na sinabi ko. Mayamaya ay napakuno't siya.
"Fionaerries? Oh, it's really her?" aniya at natatawang napailing. Kaya ako naman ang napakuno't noo'ng nakatingin sa kanya.
"You know her?" tanong ko pa.
"Yeah, of course. We already talk to her before. We ask her to be one of our designer, but then, she refused us. I can't believe that she is our new clothing manager. That's great!" natutuwa niyang sabi.
Napaiwas ako nang tingin. So, sa ganoong paraan niya nakilala si Erries? I thought, he knows that she and the person I know are the same.
"Hey bro, what's wrong? Mukhang hindi iyon ang inaasahan mong sagot sa akin ah? Bakit, ano bang mayroon kay Fiona?" mayamaya ay tanong niya.
Fiona? Kung ganoon, Fiona ang tawag nila kay Erries. Hindi ko alam pero bigla akong nanghinayang sa hindi ko maintindihang dahilan.
"Actually, when we met, I feel that... I know her. The way she looked at me, the we when our eyes met, there's something inside of it that I can't understand. It seems like, we both know each other. Lalo na at ang tawag sa kanya ni Cassy ay Erries," sabi ko at bumaling sa kanya.
Nakita ko naman kung paano nawala ang ngiti sa labi niya, matapos ko iyon sabihin. Muli akong umiwas nang tingin.
"Ewan ko kung bakit ganoon ang nararamdaman ko sa kanya, kahit iyon pa lang ang unang pagkikita namin. She's really familiar too me and I can't take away my eyes on her, when she didn't even lay her ayes on me. I don't know what it is," napapailing kong sabi at nasapo ang aking mukha.
Mayamaya ay narinig kong napabuntong-hininga siya. Kaya nag angat ako nang tingin sa kanya.
"Bro, I know what you feel, especially, when you heard her name and met her. But, how about Cassy? I know she's special too you. Kailangan mo pa bang pagbalingan nang pansin ang kakaibang nararamdaman mo sa babaeng nakilala na si Erries? Think about it, you are now in a good relationship. Huwag mo nang hayaang mawasak iyon, nang dahil lang diyan sa nararamdaman mo at isa pa, kalimutan mo na si Erries," seryoso niyang sabi sa akin.
Hindi ako nakapagsalita. Oo, alam kong may punto siya sa kanyang mga sinabi at talagang iyon ang nararapat kong gawin. Subalit, taliwas iyon sa kung anong nararamdaman ng puso ko ngayon. I still want to know, if she's the person I've been longing for.
Erries....