Bumaba ako sa sasakyan, matapos kong mai-park iyon sa parking. Inayos ko ang aking suot saka naglakad upang pumasok sa bar na sinasabi ni Cassy. Saglit pa akong napahinto, nang tila may isang alaala biglang pumasok sa isip ko. Kaya napakunot noo ako, lalo na nang mapatitig ako sa gilid ng pader na tila may nakikita akong dalawang taong may ginagawa, ngunit, agad lang rin na naglaho ang imaheng iyon.
Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ang daming pumapasok ngayon sa isip ko.
"Oh, it's you.."
Natigilan ako nang bigla may nagsalita sa likod ko at nang lumingon ako ay mas lalo akong natigilan nang makitang si Erries ito.
Hindi ako nakatugon sa kanya dahil naagaw agad ang atensyon ko sa suot niyang kulay blue na dress. Masyadong revealing ang harapan ng damit nito, na tila ipinagmamalaki ang kanyang hinaharap. Hanggang heta lang ang mangas nito, na mas lalong nagpatingkad ng mapuputing heta nito, na tila ang sarap haplusin.
"Ehem, masyado bang nakaka-distract ang suot kong damit? Gusto mo bang makita nang malapitan, sir?" sabi niya sa akin at lumapit bigla, na naging dahilan upang mapaatras ako palayo. Narinig ko namang natawa siya.
"Silly, I thought you want some fun," nakangisi niyang sabi.
"What are you saying?"
"What I'm saying is, we are having fun that night in your car," sabi niya.
Muli siyang lumapit sa akin at akmang iiwas ako, nang hawakan niya ang damit ko upang hindi ako makalayo.
"Do you want to know what happened between us that night?" mapang akit niyang sabi sa akin.
"W-What?" naguguluhan kong tugon.
Hindi ako makakuha nang salita dahil sa subrang lapit niya sa akin. Naamoy ko ang nakakaakit niyang pabango at.... pamilyar sa akin ang pabangong iyon na tila naamoy ko na.
"501, if you want to know, then we can talk to it in a private room. See you," sabi niya at bago ako binitawan ay humalik pa siya sa pisngi ko, saka siya umalis upang pumasok sa loob.
Naiwan akong natulala sa kanyang naging kilos at mga sinabi. Hindi ko alam kong anong gagawin ko, tila ba nahuhulog ako sa hindi ko alam kung saan. Sinundan ko siya nang tingin at nakita ko siyang tuluyan nang nakapasok sa loob.
What's with her? Ano nga bang nangyari sa amin, sa gabing sinasabi niya? Kailangan ko nga ba siyang kausapin sa sinasabi niyang private room? Oh god! Ano bang ginagawa ng babaeng iyon sa akin!
Napabuntong-hininga ako at inayos saglit ang aking damit, saka ako naglakad papasok sa loob. Tumango lang sa akin ang bouncer ng bar, nang makita ako. Pagkapasok ko sa loob ay narinig ko agad ang maingay na musika sa paligid. Hinanap ko sa itaas kung saan nakapwesto sina Cassy. Tinawagan niya kasi kanina habang papunta ako dito, na nandito na sila at nasa 2nd floor sila ng bar. Mayamaya ay nakita ko na siya kasama ng ibang mga kaibigan namin, maging si Erries ay naroon na rin at agad uminom ng alak na nasa mesa. Inalis ko na ang tingin sa kanila at naglakad muli papunta sa itaas. Nang makarating ako ay sinalubong ako ni Cassy, nang makita niya ako.
"You're here," aniya at humalik sa pisngi ko. Napangiti ako at hinawakan ang kanyang kamay, saka kami lumapit sa mga kaibigan namin.
"Hmm, nandito na love-birds, naku, nakakainggit naman," puna agad ni Claire, na isa sa kaibigan ni Cassy noong college. Ito ang laging nakakasama ni Cassy, sa tuwing pumupunta kami sa bar at masasabi kong napaka-close nilang dalawa.
"Asus, inggit ka talaga dahil inaway mo ang iyong jowa, kaya hindi mo kasama. Maldita ka kasi," pasaring naman ng isa sa kaibigan naming Liliy at yumakap sa braso ng boyfriend nito, na kaibigan ko rin ng college. Sa grupo namin ngayon ay dalawa kaming may partner. Tatlo kaming lalaki at apat na babae, kasama na si Erries na pangiti-ngiti lang habang pinapakinggan ang usapan.
"Naku, ano ka ba, baka mamaya ma-highblood 'yan at ikaw ang masabunutan, haha!"
"Uy, tama na nga iyan., alam niyo naman ang dahilan. Oh siya, magsaya na lang tayo ngayon," saway sa kanila ni Cassy at binigyan ako ng inumin na agad ko namang kinuha. Umupo kami sa upuan at magkaharap pa talaga kami ni Erries na nakapang-di-kwatro ng upo.
"Haha! Tama si Cassy, nandito tayo upang magsaya, so, cheers!"
Itinaas namin ang hawak naming inumin saka sabay na uminom. Habang umiinom ako ay may naramdaman akong kakaiba sa ilalim ng mesa kung saan naroon ang paa ko. Nararamdaman kong may humahaplos dito ng paulit-ulit at nahuhulaan ko na kung ano iyon. Napatingin ako kay Erries, na saglit na tumingin sa akin habang umiinom din. Napalunok ako, dahil sa kakaibang ginagawa niya. Is she teasing me?
"Oh, Erries, mabuti naman at sumabay ka ngayon. Ang hirap mo pa namang ayain eh. Mabuti at nagawa kang ayain ni Cassy, siguro pinilit ka niya haha!"
Nakita ko kung paano natawa si Erries, ngunit, agad ko rin inalis ang tingin sa kanya dahil ayokong mapansin nila ang nangyayari sa pagitan naming dalawa.
Narinig ko rin na natawa si Cassy at bahagyang ibinaba ang hawak niyang beer sa mesa.
"Himala nga at pumayag eh, masyado kasing seryoso sa buhay, kaya paminsan-minsan naman ay sumama ka sa amin sa ganitong kasiyahan," sabi ni Cassy at bumaling kay Erries.
"Kaya nga ako nandito di ba? Isa pa, hindi naman ako sanay na pumupunta sa mga ganito. I prefer to be alone in some quit place and do whatever I want. In fact, there's someone who made me out of my cage," nakangisi niyang sabi at muli kong naramdaman ang suot niyang hells papunta sa heta ko. Palihim na naman akong napalunok. Ano bang ginagawa niya? Hindi ba siya natatakot na baka may makakita sa ginagawa niya?
"Oh, may napupusuan ka na? Oh my god! Ibig sabihin, hindi ka na NBSB?" tila nagugulat pang sabi ni Claire, na sinang ayunan ni Lily.
"Omo! Talaga, Erries? Sino naman iyan? Baka pweding makilala," sabi naman ni Cassy na mukhang tuwang-tuwa pa.
"Kilala ba namin iyan?" dagdag naman ni Roy, boyfriend ni Lily.
"Naku, may balak pa naman sana ako," napapailing naman na sabi Vin.
"Sira, matagal na akong hindi NBSB. May naging boyfriend naman ako noong sa ibang bansa ako nagpatuloy sa course ko. Actually, nag isang taon din kami, then we broke up. Since then, I'm not in a relationship again, 'till now. So, this guy I'm mentioning is.. he was my childhood crush. We meet again lately and I'm trying to figure out, if I still have a feelings to him. But then, it's still complicated, because, he already have someone," paliwanag ni Erries.
Tila natahimik ang kinaroroonan namin, ngunit, naririnig pa rin namin ang ingay ng tugtog. Para bang naging tutok kami sa mga sinabi ni Erries sa naging buhay pag ibig niya, na kahit ako ay natigilan.
"Oh, that's so sad," komento ni Cassy, na siyang unang nagsalita.
Hindi ko naman maintindihan ang aking nararamdaman. Pakiramdam ko ay ako ang tinutukoy niyang childhood crush na may karelasyon na.
Hindi ko na rin naramdaman ang kilos niya sa ilalim ng mesa at nakita kong ngumiti lang siya sa sinabing iyon ni Cassy.
"Ay naku, huwag na nga nating pag usapan ang ganyang bagay, nakakalungkot lang," nakaismid na sabi ni Claire.
"Well, yeah, cheer up, girl. You will find a better man for you," sabi ni Lily kay Erries.
"Yeah," tanging tugon ni Erries at inubos ang beer na hawak niya.
Mayamaya ay nag iba na naman ang usapan namin at napunta sa amin ni Cassy ang usapan. Nakikita kong masaya sila para sa aming dalawa at nais nilang sana ay makasal na kaming dalawa ni Cassy. Natutuwa naman ako sa mga naging usapan at habang nag uusap ay napapasulyap ako kay Erries. Nakikita kong nakikitawa naman siya at natutuwa para sa aming dalawa ni Cassy. Ngunit, kakaiba pa rin ang mga tingin niya sa akin. Tila ba may nais siyang iparating, sa pamamagitan ng kanyang mga tingin. Patuloy ay kasiyahan namin, hanggang sa nag aya na silang sumayaw. Hindi naman ako nagawang isama ni Cassy sa gitna. Medyo napaparami na rin ang nainom namin, lalo na si Cassy at sina Claire. Napatingin ako kay Erries na abala sa hawak niyang phone. Hindi ko alam kong naparami na rin ba ang inom niya, pero sa tingin ko ay okay pa rin naman siya.
"Why?"
Natigilan na lang ako, nang marinig ko siyang magsalita at nag angat nang tingin sa akin.
"Huh?" naging tugon ko sa pagkabigla.
"Why are you still here? Pwedi mo naman silang samahang sumayaw," sabi niya at tumingin kina Cassy na nag e-enjoy sumayaw. Tanging kami na lang kasi ang naiwan dito.
"I'm not into dancing," tanging sabi ko sa kanya. Napangisi naman siya dahil sa sinabi ko.
"Really? Ngunit, bakit no'ng tayo ang magkasama ay marunong ka namang sumayaw? Inaakit mo nga ako no'n eh, wala ka ba talagang maalala?" nakangisi niyang sabi.
Natigilan ako at naging seryoso ang tingin sa kanya.
"What are you taking about?"
Sa halip na sumagot ay bigla siyang tumayo at kinuha ang dala niyang pouch.
"If you want to know, then, I'll be waiting for you there—501," nakangisi niyang sabi at naglakad paalis.
Sinundan ko siya nang tingin. Hindi ko alam kung dapat ko nga ba siyang sundan upang malaman ang sagot sa mga sinasabi niya. Nalilito ako. Pakiramdam ko ay nagtataksil na ako kay Cassy, ganoon na nga siguro. Napapikit na lang ako at muling uminom. I don't know what to do with her.
"Oh, nasaan si Erries?"
Napatingin ako kay Claire na siyang unang bumalik at agad na kumuha ng inumin. Hindi agad ako nakapagsalita, hanggang sa makabalik na sina Cassy at umupo sa tabi ko.
"Si Erries?" tanong niya.
"Ewan, wala na siya no'ng bumalik ako," tugon ni Claire at bumaling sa akin.
Napatingin naman si Cassy sa akin.
"Where is she?"
"Uhm, ang sabi niya pupunta muna siya sa restroom," pagsisinungaling ko.
"Oh, ganoon ba? Ang babaeng iyon talaga," napapailing niyang sabi.
Magsasalita na sana ako nang maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko, kaya kinuha ko ito at tiningnan kong sino ang tumatawag. Nakita ko ang pangalan ni Kuya sa screen, kaya napatingin ako kay Cassy.
"Si Raymond," sabi ko nang makitang nakatingin siya sa phone ko.
"Go ahead," tanging tugon niya.
Napatango ako at bahagyang tumayo.
Sinagot ko ito, nang medyo malayo na ako sa malakas na tugtog.
"Hello?" bungad ko.
"I think, you should go to her now,"
Natigilan naman ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko tuloy maintindihan kong anong tinutukoy niya.
"What are you talking about, bro?"
Narinig kong natawa siya sa kabilang linya at narinig ko ang kakaibang ingay sa paligid niya. Doon ko napansin na pareho ang naririnig kong tugtog sa lugar kung nasaan kaming dalawa.
"I saw her too and I understand what she will trying to do. I think, you should talk to her. Don't worry about Cassy," sabi niya. Napalingon ako sa paligid.
Nandito rin siya? At talagang nakita niya si Erries?
Napahinto ang mga mata ko sa dulo ng isang mesa at doon nakita ko siyang umiinom, kasama si Alexander na kaibigan niya. Pareho silang nakatingin sa kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang nais ni Erries sa akin, pero sa tingin ko ay dapat ko ngang alamin rin iyon.
"So? What are you waiting for? Go," muli niyang sabi at tumango sa akin.
Binaba ko ang tawag at saglit na bumaling kina Cassy na nagkakatuwaan pa rin. Napabuntong-hininga ako at naglakad papunta sa sinasabing silid ni Erries. Kakaiba ang nararamdaman ko habang naglalakad ako patungo doon. Pakiramdam ko ay ako mismo ang lumalapit sa sarili kong kapahamakan. Hays!
Nang makarating ako sa mga private room dito sa bar ay hinanap ko ang numero na sinasabi ni Erries. Hanggang sa matagpuan ko at napahinto sa tapat. Tila nananabik ako sa mga sandaling ito, dahil kaming dalawa lang ang nasa loob ng silid. Hindi ko alam kung wala nga bang kakaibang mangyayari, kapag nasa loob na ako.
Napabuntong-hininga at hinawakan ang doorknob, saka ito binuksan. Hindi naman siya naka-lock, kaya nagawa kong makapasok agad. Nang makapasok na ako ay agad kong nakita si Erries na nakaupo sa couch, habang may hawak na wine. Napangiti siya nang makita ako.
"Ang tagal mo naman ata," aniya.
Hindi ko pinahalata na natigilan ako habang nakatingin sa kanya. Hindi ako nagsalita at naglakad na lamang palapit sa kanya.