Nakatingin ako sa mga gown ng unang kalahok. Magaganda ang mga iyon, lalo ang mga dyamanting naroon sa mga damit. Nakuha nito ang atensyon ko at bahagya pa akong napapatango, habang abala ang mga mata ko sa pagmamasid dito. Narinig ko rin ang komento nina Cassy, pero hindi na ako nagsalita. Isa-isang pumaso ang mga modelo nito at talagang bigay todo sa pagpaso. Ganoon rin ang sumunod pa na mga kalahok. Magaganda rin ang mga designs nito, elegante tingnan. Ilang minuto rin ang lumipas ay ang aming grupo na tinawag ng emcee. Nakita ko ang aking assistant na abala sa pag aasikaso ng mga modelo, kasama ang mga staff namin. Hindi na ako pumunta pa sa kanila, dahil alam na naman nila kung ano ang gagawin. Muling binida ng emcee ang huling kalahok—kami. Kaya naman isa-isang umakyat sa stage a

