ERRIES POV Sa lahat ba namang tao na pweding maging guest o kung ano man ang tawag dito ay siya pa talaga? Bakit walang sinasabi sa akin si ate Errine tungkol dito. Napakuno't noo akong napabuntong-hininga at naglakad papalapit kina Errine, pero, natigilan ako nang makita kong nakatingin siya sa akin, habang nakahawak ng mic na ibinigay ng emcee. Nakita ko ang seryoso niyang tingin sa akin, kaya napako ako bigla sa kinatatayuan ko. Hindi ko rin magawang ialis ang aking tingin sa kanya, dahil tila hinihigop nito ang aking mga mata. "Hello everyone, good evening," bati niya sa lahat. Narinig ko kung paano pumalakpak ang lahat, habang naroon ang paghanga sa kanilang mga mata. Hindi ko maipagkakailang kahit may edad na siya ay umaapaw pa rin ang kanyang ganda. "I'm glad to be here as to w

