Nang dumating ang araw na pinakahihintay nilang lahat, ay mas naging abala sila. Lalo na si Erries na siyang head designer ng kompanya ng mga Acosta. Isa rin ito sa magiging tulay ng kanyang mga plano. Matapos nilang maihanda lahat ng kanyang staff ang dapat nilang gagamitin, lalo na ang mga damit, ay nauna ang kanyang mga kasamahan sa venue ng event. May susundo sa kanya papunta sa venue, kaya naman pinauna na niya ang ilan sa kanyang kasama. Habang naghihintay siya sa lobby ng kompanya ay may lumapit sa kanyang isang tila bodyguard at bahagyang may sinabi sa kanya. "Ma'am, nasa labas na po ang susundo sainyo," sabi nito sa kanya. Napatitig siya sa suot nito at nakikilala niya kung kaninong bodyguard ito. Napabuntong-hininga siya at napatango dito. Nauna itong naglakad kaya sumunod

