bc

Perry Roccia (Wild Men Series #30)

book_age18+
169
FOLLOW
1K
READ
spy/agent
murder
killer
sex
badboy
mafia
gangster
sniper
wild
villain
like
intro-logo
Blurb

Ten years old si Perry nang iwan siya ng kaniyang ina at sumama ito sa ibang lalaki. Nakita niya kung gaano nasaktan ang kaniyang ama dahilan para isumpa niya ang mga babae. Nangako siya sa sarili na hinding-hindi siya iibig. Para sa kaniya ay walang kuwenta ang mga babae kagaya ng kaniyang nanay.

Habang lumalaki siya ay nakatatak na sa utak niya na pagbayarin ang kaniyang ina pati na ang kabit nito dahil sa ginawa ng mga ito sa sarili niyang ama. Naligaw siya ng landas at sa edad na disiotso ay nakilala niya si Chase, ang may-ari ng casa na tambayan nila ng mga kaibigan niya. At dahil parehas ang likaw ng kanilang bituka ay tinulungan siya nitong makapasok sa Foedus Organization na noon pa niya pinapangarap. Maraming koneksiyon ang lalaking sinamahan ng kaniyang nanay at kakailanganin niya ang buong puwersa ng Foedus Organization para mapabagsak ang taong sumira ng buhay nilang mag-ama.

Nakaukit na sa puso niya ang paghihiganti at wala sa bokabularyo niya ang salitang pag-ibig hanggang sa makilala niya ang babaing nagpatibok sa puso niyang pinatigas na ng mga karanasan niya sa buhay. Si Ara—ang babaing paulit-ulit na nagliligtas sa buhay niya dahil sa masidhi nitong pag-ibig sa kaniya ngunit hindi niya masuklian dahil sa trauma na naranasan niya sa sariling ina.

Paano kung magtagpo ang landas nila ng lalaking naging dahilan kaya iniwan sila ng sarili niyang ina? Na hindi sapat ang buhay ng lalaking iyon bilang kabayaran sa paghihirap nila ng kaniyang ama? Paano kung malaman niya na ang babaing paulit-ulit na nagligtas sa kaniya ay konektado pala sa lalaking kinamumuhian niya?

chap-preview
Free preview
Prologue
Maririnig sa bawat sulok ng marangyang mansiyon na iyon ang pagtatalo ng mag-asawang Roccia. Naroon ang mag-asawa sa sala habang si Perry na sampung taong gulang pa lang ay nakakubli sa likod ng front door. Kagagaling pa lang niya sa school at nauna na siyang bumaba sa kotse matapos iparada iyon ng kanilang driver. Nasasabik na siyang makita ang sariling ina dahil nalaman niya sa kaniyang yaya na dumating ang Mom niya mula sa isang linggo nitong bakasyon sa Singapore. Nag-iisang anak si Perry at mahal na mahal niya ang mga magulang. Kinamulatan na niya ang pag-aaway ng mga ito at habang dumadaan ang panahon ay mas lalong lumalala, ngunit ayaw niyang mangyari ang kinatatakutan niya. Sa tuwing mag-aaway kasi ang mga magulang niya ay palaging lumalabas sa bibig ng Mom niya ang salitang 'hiwalay' na hindi niya maunawaan noon, ngunit ngayon ay maliwanag pa sa sikat ng araw na nagsusumiksik sa isipan niya na iiwan siya ng kaniyang ina sa pangangalaga ng Dad niya. Gamit ang may kaliitan niyang mga palad ay tinakpan niya ang magkabila niyang tainga dahil ayaw niyang marinig ang sigawan ng kaniyang mga magulang. Hindi siya makapaniwala na nauwi sa ganito ang masaya nilang pamilya. Umiiyak siya dahil hindi niya mapigilan ang sarili na magalit sa sariling ina. Naroon din ang takot sa dibdib niya sa maaaring mangyari. "We are over, Pietro! Deal with it!" sigaw ni Reina. "Don't worry our son Perry will stay with you. I have no plan to bring him with me abroad." "Amore, per favore non farmi questo," saad ni Pietro sa wikang Italyano. "Ti amo. Perry ha tanto bisogni di te." Halos magmamakaawa ito sa harapan ng asawa. Tinanggal ni Perry ang mga palad na nakatakip sa magkabilang tainga at naglakas-loob na silipin ang nagbabangayang mga magulang. Parang hinihiwa ang kaniyang puso nang makitang nakaluhod ang kaniyang ama sa harapan ng Mom niya. Umiiyak ito at nakayakap sa magkabilang hita ni Reina. "I want us to be happy, Amore." Humagulgol si Pietro. "You, me and our son Perry. Please do not leave me and Perry." "I regret having you in my life. If ever I have a chance to turn back the hands of time..." Bumuntong-hininga ito. "Pietro, I don't love you anymore. Lasciami andrade, per favore!" "No. I can't, Mi Amore!" Mas lalong humigpit ang pagkakayapos ni Pietro sa mga hita ng asawa. Ayaw niya itong pakawalan dahil alam niya na magugunaw ang mundo nilang mag-ama kapag iniwan sila ni Reina. Si Reina ang buhay niya simula nang magkakilala sila labindalawang taon na ang nakararaan. Isa itong Pilipina na nagtatrabaho noon sa Italy. On-call house cleaner at isa ang mansiyon ni Pietro sa mga nililinis nito. At dahil sa angkin itong kagandahan ay nahulog dito ang loob ni Pietro at niligawan. Matapos ang isang linggo ay agad na sinagot ito ni Reina na muntik ng mahuli ng Italian authorities dahil walang maayos na papeles. At dahil head over heels kay Reina ang binatang bilyonaryo na si Pietro ay ito na ang nag-ayos ng mga papeles ng babaing iniibig at hindi nagtagal ay umuwi sila ng Pilipinas para magpakasal. Sa Pilipinas ay nagbuhay reyna si Reina. Bawat bagay na magustuhan nito ay agad na ibinibigay ng bilyonaryong si Pietro. Ngunit ang hindi matanggap ng huli ay nang mahuli nito si Reina na may ibang lalaking kinakatagpo. Magkaganunman ay hindi nabawasan ang pagmamahal ng bilyonaryong Italyano kay Reina lalo na at nang mga panahon na iyon ay tatlong taong gulang na si Perry. Nais ni Pietro na magkaroon ng tahimik at masayang pamilya, subalit sa kasamang palad ay may ibang lalaking kinahuhumalingan si Reina. "I can give you more than that man can give you," muling saad ni Pietro sa mangiyak-ngiyak na tinig. "For the sake of our son, Amore, please stay with us." "He loves me, Pietro. And I love him. He's always there when I need him. Unlike you. Work is the most important to you, right?" At dahil sumosobra na ang sariling ina ay hindi napigilan ni Perry na lumabas sa pinagkukublihan at naglakad patungo sa mga magulang. "That's because Dad wants to give us a brighter future, Mom!" sigaw niya na ikinagulat ni Reina. "You always blame Dad when in fact you are the one at fault. He is so busy with his businesses while you are always with your friends having good time and wasting Dad's money for your own good. I don't remember you staying in this house for two straight days and take care of us." Naglandas ang mga luha niya sa pisngi. Ayaw niyang sumbatan ang sariling ina pero naaawa na siya sa Dad niya na nagpapakahirap sa kanilang negosyo. "See, Pietro?" inis na wika ni Reina. "Look how your son talk to his mom. That's why I don't hesitate leaving that kid under your care. Such a spoiled-brat." Pinandilatan nito ang sariling anak. "Bambino," mahinang wika ni Pietro. Hindi ito umalis mula sa pagkakaluhod bagkus ay senenyasan si Perry na lumapit sa kanila. "Say sorry to your mom, bambino. Dici che non intendevi quello che hai detto." Mula sa likod ay niyakap ni Perry ang ama at umusal. "Dico sul serio, papà." Nanlumo si Pietro sa narinig. Hindi niya inaasahan na iyon ang sasabihin ng sariling anak. Alam niya na may pagkukulang siya ganoon din ang asawa niyang si Reina, subalit gusto niyang magkasundo silang mag-asawa dahil hanggang ngayon ay mahal na mahal niya pa rin ito. "Reina amore, I am pleading you," pakiusap pa ni Pietro. "You are just confused with your feelings. Remember those times when we were in Milan? You said you love me and it will never changed...whatever situation we were in... in the coming years." Hirap na hirap ito sa pagpapaliwanag kay Reina. Hindi ito bihasa magsalita ng Ingles at lalong-lalo na ng salitang Tagalog. "Forget those times, Pietro," tugon ni Reina sa matigas na tinig. "I was just a poor girl back then trying to earn money for a living. You knew back then that I was a victim of human trafficking and I don't have necessary papers to live in a foriegn country like yours. I don't want the Italian authorities to arrest me that's why I said yes to you so I could be an Italian citizen and avoid being into jail." "Amore..." nanlulumong usal ni Pietro. "That's the truth, Pietro!" sigaw ni Reina saka nagpumiglas mula sa pagkakayakap ng asawa. "Now let me go!" Naglakad ito palayo matapos makawala sa mga bisig ni Pietro. "Daddy! Mommy!" Umiiyak na si Perry habang nakatingin sa papalayong ina. Yakap-yakap pa rin nito ang sariling ama. "Ti amo," usal ni Pietro sa papalayong asawa. "Ti amo, Amore."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.3K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.7K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
42.1K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.4K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.6K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook