Glutton
“Hey, wake up,” a soft whisper made me open my eyes.
I can hear people talking. I can feel the coldness of the place. My eyes flickered because of the glaring lights.
Where the hell am I?
I suddenly felt someone rubbing my leg so I sat up, startled and bothered. I furrowed my brows when I saw a pair of dark brown eyes staring back at me. It doesn’t help that he has thick brows because they only accentuate his gaze.
He smirked at me and that was my wake-up call. I snapped out of it and glared at him.
“Who are you?” masungit na tanong ko.
Kumunot ang noo niya at tinitigan lang ako. Nilingon ko ang paligid at halos mahimatay nang mapagtanto ko kung nasaan ako.
“Bakit tayo nasa airport?” I asked in panic. “Are you going to kidnap me?”
Shit, hindi puwede. Ayoko pang mamatay.
Ano bang nangyari? Nasa bar lang ako kanina. Iyon lang ang naaalala ko.
Shit! May nabastos ba ako sa bar? May nakaaway ba ako sa bar dahil sa sobrang inis ko sa mundo ngayong gabi? May nagpakidnap ba sa akin dahil doon?
I looked to my right and saw my clutch. I immediately grabbed it and was about to run for my life when the man grabbed my wrist. I looked at him in terror.
He’s staring at me like he’s confused of how I am acting right now. “Avery, right?” he asked.
My eyes widened, lips parted. Alam niya ang pangalan ko?
He pursed his lips in a thin line before pulling me back so I could sit on the cold bench again.
Tahip-tahip ang kaba ko dahil sa talim ng tingin niya sa akin.
Binitawan niya ang kamay ko bago bumuga ng malalim na hininga. “Do you not remember anything?”
My eyes widened. What the hell? May dapat ba akong maalala?
Nanliit ang mga mata niya sa akin. “You said you want to go to Indonesia. That’s why we’re here,” aniya.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. “Sinabi ko iyon?” Hindi ko maalala!
Talent ko na kasi ang hindi makaaalala kapag na-blackout na sa kalasingan. Madalas nga ay hindi ko maalala kung paano ako nakakaabot sa kwarto ko kapag umuuwi akong lasing.
The guy in front of me looked at me in disbelief.
“Did I ask you to come with me?” tanong kong muli dahil talagang wala akong maalala.
He scoffed at me. “Tingnan mo ‘to,” he shook his head before looking at me again. “You asked me to book a flight for us.”
My eyes widened. “f**k,” I groaned as I shut my eyes and washed my face with my palms.
Tangina mo talaga, Avery! Maglasing ka pang babae ka!
“And did you book a flight?” I asked him while internally praying for something to happen.
He nodded. What?!
“Our flight is in two hours, Avery. You better get your ass going or the plane will leave us,” aniya at tumayo na.
What the hell happened?
Kinuha niya ang gamit ko at naglakad papuntang check-in area. Hindi na ako nakapag-isip nang maayos at sinundan ko na siya.
“Wait,” I told him. “Bakit ka pumayag na magbook ng flight?”
Natataranta na ako. Ano ba itong nagawa ko?
He turned to me lazily. “Because you were crying,” he replied and started to follow the queue.
My heart leaped with what he said. He booked a flight because I was crying? Kung ganoon, naawa siya sa akin? Aba’t maawain naman pala ang lalaking ito.
Mabilis akong tumakbo para sumunod sa kanya. Nilingon niya ako sa tabi niya.
I bit my lip. “I don’t have any clothes with me,” I told him and then I realized that he doesn’t have anything with him, too. “And so do you.”
Para kasi kaming tangang pumipila rito nang walang dalang kahit anong maleta. Ang laman ng clutch ko ay cellphone, wallet at passport lang. Siya naman ay mukhang walang bag. Nakabulsa lang ang passport, phone at wallet niya.
Tumaas ang kilay niya. “That won’t be a problem. We’ll just buy later,” aniya bago kinuha ang passport ko sa clutch.
I held his arm making him look at me. He stared at me, questioning. “What?”
Litung-lito ako habang nakatitig rin sa kanya. Paano ba ‘to? Ano bang nangyari at bakit biglang nakahanap pa ata ako ng travel buddy?
I love to travel. It’s a fact. At dahil na rin sa kagustuhan kong magtravel kaya napili kong maging freelance travel writer na lang. Naniniwala akong dapat mahal ko ang trabaho kaya ito, literal na trinabaho ko ang pagta-travel.
Iyon rin ang dahilan kung bakit lagi kong dala ang passport ko. Dahil may panahong aalis na lang ako bigla dahil iyon ang gusto ko.
Pero siya? Bakit dala niya ang passport niya? Nasa club kami kaya alam kong walang rason para dalhin ang passport.
“Seryoso ka ba talaga?” tanong ko sa kanya. “You don’t know me.”
I don’t even know him. At sa tingin ako ang mas dehado rito. Babae ako. Malaki ang pangangatawan niya kaya kung isa siyang bandido, malamang mabilis niya lang akong madidispatsa.
At ano bang pangalan niya? Saan ba siya galing? Bakit ba kasi bigla-bigla na lang siyang pumapayag na sumama sa akin?
Paminsan kong pinasadahan ko ang itsura niya. Guwapo siya, matangkad at mukhang mayaman. Medyo mahaba ang buhok niya kaya naman medyo rugged ang itsura niya pero hindi naman maitatago ang kanyang kagwapuhan.
Okay, the bottom line is he’s handsome and attractive. But that’s the least on my priorities right now.
He faced me. He crossed his arms together against his chest. “I know you. You’re Avery Champagne Legaspi Aguirre,” he raised his brows. “Does that answer your question?”
I looked at him in disbelief. “What I meant was you don’t know what I can be.”
“Why? Are you going to r**e me?”
Nanlaki ang mga mata ko at agad nilingon ang paligid para tingnan kung may nakarinig ba sa sinabi niya. Laking ginhawa ko noong nakita kong wala namang nakarinig dahil busy rin sila sa pag-aayos ng mga papeles nila.
“Hindi! Mukha ba akong manyak?” mariin kong bulong.
He raised his brow as he looked from my head down to my feet. Halos manliit ako sa malagkit na titig niya.
What the hell? Did he just blatantly check me out?
“You look like a mess,” he commented and I looked at him in disbelief.
Kinuha niya ang phone niya at saka iniharap sa akin. Naka-on ang front camera nito at halos mapamura ako sa itsura ko.
My hair is disheveled at halos ang lagkit tingnan ng mukha ko. Mabuti na lang at tinanggal ko na lahat ng makeup ko bago ako pumunta sa Bank Bar dahil kung hindi ay malamang mas malala pa ang magiging itsura ko.
Para tuloy akong nanliit na tumabi sa kanya kasi ng ayos-ayos niyang tao tapos ako, parang pulubi. May gana pa akong magtanong sa kanya kung seryoso siya.
Grabe, Avery. Pagkatapos nito ay magiging isa na akong alamat sa NAIA.
He handed me a hanky. “You can go to the bathroom and fix yourself. I’ll line up here,” he ordered.
I looked at him for a moment but when I realized how badly I need to fix my face, I obliged.
“Sino ba iyon?” tanong ko sa sarili ko habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.
I suddenly hated myself for not bringing any of my toiletries. Kung sana ay nagbag ako, malamang ay may suklay ako at kahit pulbo man lang.
Inayos ko ang damit ko. I am wearing a cropped top, a pair of high waist acid-washed jeans and a pair of white sneakers. Inisip ko kung ano ang suot ng lalaking iyon.
He’s put on a white shirt under a navy blue bomber jacket. Naka-jeans at rubber shoes lang din naman siya kagaya ko pero bakit ang ayos niyang tingnan? Hindi rin siya mukhang puyat kagaya ko.
Bakit ang unfair ng buhay?
Biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Anton na nakadisplay sa screen. Tumatawag siya.
Biglang nanikip ang dibdib ko dahil naalala ko na naman ang nangyari. I actually assaulted him and Marcela hoping that it could lessen the pain I am feeling but I was wrong.
Tulala ako sa pangalan niya hanggang matapos ang tawag na iyon. Nakita ko ang oras. Alas-kuwatro na ng madaling araw.
Pinatay ko ang cellphone ko bago ibalik sa clutch. Siguro kailangan ko ring magpakalayo ngayon. Sobrang sariwa pa ng mga nangyari. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Kailangan ko munang pahupain ang galit at sakit na nararamdaman ko.
Bumalik na ako sa pila at saktong nakita ko ang lalaking kasama ko. Kami na ang susunod.
“Hey,” bati ko nang makalapit.
Binigyan niya ang katawan ko ng isang mabilis na pasada bago siya tumango. “You look better now,” aniya.
Umirap ako pero ibinalik ko ang mga mata ko sa kanya. “What’s your name?” I asked directly.
I needed to lessen all the questions inside my head.
“Yvo dela Costa,” sagot niya.
Yvo dela Costa. Yvo dela Costa. Parang pamilyar ang pangalan niya sa akin. I wonder where I heard it from though.
“Next!” sigaw ang babae sa counter.
Naglakad na kami ni Yvo sa counter at ibinigay niya ang mga passport namin.
“Have you paid for the travel tax, sir?” malambing na tanong noong babae kay Yvo.
Halos gusto kong masuka sa puwesto ko. Sa sobrang lambing ng boses niya ay parang na-iimagine kong ganoon kausapin ni Marcela si Anton.
Tumango si Yvo at ibinigay ang resibo.
Kinalbit ko siya. “Kailan ka nagbayad?” tanong ko.
“Noong tulog ka,” bulong niya sa akin.
I nodded and brought my gaze back to the attendant who’s narrowing her eyes at me. Aba’t bakit parang may kasalanan pa ako sa kanya dahil kasama ko itong lalaking ito?
At hindi naman dahil madumi akong tingnan ngayon ay pangit na ako, ‘no? Siya nga punung-puno ng makeup ang mukha, e!
She looked at Yvo and smiled sweetly. “Any luggage, sir?”
Umiling si Yvo sa kanya at saka tumingin sa akin. “Sarado pa ang department stores dahil madaling araw pa lang. We’ll just buy clothes in Indonesia. Is that fine with you?” tanong niya.
Tumango ako. “But I need to go to a convenience store. I feel like I stink,” sagot ko.
Humalakhak siya at umiling bago kinuha ang boarding pass namin. Hindi naman magkamayaw ang ngiti ng attendant na iyon kay Yvo dahil parang kinikilig pa siya noong nagpang-abot ang mga balat nila.
I shook my head and started walking. Kinalabit ako ni Yvo kaya naman napatingin ako sa kanya.
“Do you want to eat first?” tanong niya habang tinuturo ang restaurant na halos walang tao.
Nilingon ko ang restaurant at hiyang-hiya nang biglang kumalam ang tiyan ko. Tumawa lang si Yvo at hinila na ako papunta sa bukas na restaurant.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Umorder na ako ng marami dahil ngayon ko lang naalalang hindi pala ako nakapagdinner dahil sobrang wasak ako.
Tahimik lang si Yvo habang panay ang sabi ko ng order ko sa waiter. Nang tanungin ko siya kung ano ang sa kanya ay halos mabulunan ang waiter sa sarili niyang laway. Ang akala niya siguro ay para sa aming dalawa na iyong inorder ko.
“I’d have tenderloin steak with iced tea. Thank you,” ani Yvo sa waiter.
I looked at him. “Iyon lang order mo?”
Tumango siya.
“Hindi ka ba gutom?” tanong ko ulit.
“Gutom,” sagot niya.
“Bakit iyon lang order mo?”
Tumawa siya. “I’m not a glutton like you,” sagot niya.
I looked at him in disbelief. “Glutton talaga? Hindi puwedeng gutom na gutom lang ako dahil hindi ako nakakain kagabi?” I retaliated. Sobra naman siya makasabi ng glutton. Grave sin kaya ang gluttony!
Naningkit ang mata niya sa akin. “Hindi ka nagdinner pero ang dami mong ininom na alak?”
Nagkibit ako. Hindi ko matandaan kung naka-ilang bote ako ng alak ngayon pero siguro ay sobrang dami dahil naisipan ko pang mag-Indonesia.
“Ilang araw tayo roon?” tanong ko.
“Apat,” sagot niya.
Tumango ako. Apat na araw lang akong mawawala sa Pilipinas. Parang hindi sapat na oras para makapagpahupa ng sakit.
“You want to stay longer?” tanong niya. “Ang sabi mo kasi kagabi ay apat na araw lang ang gusto mo kaya iyon ang ginawa ko.”
“Sinabi ko iyon?” tanong kong hindi makapaniwala.
Tumawa siya at umiling. “Ibang klase naman talaga ang alak. Nakaka-amnesia ba, Avery?” tukso niya.
Nginiwian ko na lang siya pero patuloy pa rin siya sa pagtawa. Ako lang ba ang nagba-blackout kapag lasing? Sariling talent ko ba iyon o may kasama akong ganoon?
“You also told me about your ex who cheated on you with your friend,” aniya.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Inilaglag ko ba ang sarili ko sa kanya?
He shrugged. “You seemed in pain so when you said you wanted to go abroad, I thought it was the best for you, too,” dagdag niya.
Napalunok ako dahil halos kilabutan ako sa sinabi niya. Parang may gumaan ang loob ko dahil sa sinabi niya. I felt like someone was with me in this decision. Kahit na hindi ko maalala ang mga nangyari.
“Thank you,” I told him. “I’m going to pay you for all your expenses,” I added.
He laughed and shook his head. “No need, Avery. I got you covered.” Kumindat siya sa akin at dumating na ang pagkain.