Prologue
Halos mabingi ako sa lakas ng kanta ni Dua Lipa nang pumasok ako sa Bank Bar, isa sa mga pinakaprestihiyosong club sa Taguig.
Nginitian ako ng mga bouncer dahil kilala na nila ako. I am always here every week. Most of the time, I am here to have fun with my friends or with Anton, my boyfriend.
But that’s not the case tonight.
Tumikhim ako nang umupo sa harap ng bar. Kumunot ang noo sa akin ni Jigs, iyong bartender, nang makita niya ang itsura ko.
“Wow, Avery! Para kang nakipagsabong, a?” tukso niya habang binubuksan ang isang bote ng Smirnoff. “Here,” aniya habang binibigay ang bote ng alak.
Kinuha ko iyon at mabilis na tinungga. Halos maubos ko ang buong laman ng bote sa isang inuman. Nang makita ko iyon, mas lalo lang akong tumikhim.
“Anong problema?” tanong ni Jigs.
Umiling ako. Ayaw kong pag-usapan. Ayaw kong isipin ulit. Ayaw ko nang balikan pa.
Pero bakit ganoon? The more I want to not think about it, the more I do—lalo na kapag tinatanong ako kung ano nga ba ang problema ko.
Jigs shrugged and then smirked. He leaned on the bar counter and looked at my face. “You look like you cried a lot,” he commented earning a glare from me. “Is this about Dela Fuente?”
I looked away and decided to just gulp the whole bottle of beer down. Rinig ko ang paghalakhak ni Jigs nang makita ang reaksyon ko. Umirap ako sa kawalan.
Why do people love rubbing salt on a wounded heart? Minsan, ayos din namang magpatay-malisya na lang.
Jigs shook his head. “Hayaan mo na ‘yon. Walang kwenta ‘yon,” aniyang para bang gusto niyang pagaanin ang loob ko.
I scoffed.
Right, hayaan! Limang taon kami tapos hahayaan ko lang? Hindi ba’t sayang naman iyong pinagsamahan namin kung hahayaan ko na lang? Madali para sa ibang tao ang magsabing hayaan ko na lang kasi hindi naman nila nararamdaman ang nararamdaman ko.
Hindi nila alam kung gaano kasakit ang makita ang boyfriend mo at ang isa sa mga pinagkakatiwalaan mong kaibigang naghahalikan sa kotse.
Sa bawat pagpikit ng mga mata ko, iyon ang naaalala ko. And it hurts! How could they do that to me when I trusted them fully?
Tears immediately fell down my face as I watched Anton and my good friend, Marcela, make out inside my boyfriend’s car. Parang nadurog nang pinung-pino ang puso ko sa pagtataksil nilang dalawa sa akin.
I’ve always thought it only happens in movies and books. Now, I can’t believe it’s happening to me in real life. I must have been living in a cliché kind of life.
I can’t imagine how terribly horrified they looked like when they saw me standing right in front of Anton’s car. Nakita ko. Nakita ko ang lahat at wala silang puwedeng itago.
“I’m sorry, Avery,” halos pabulong at walang lakas na sabi ni Anton sa akin habang nilalapitan niya akong parang gusto niyang hawakan ang kamay ko.
Umiling ako at itinuro silang dalawa. “Kailan pa ito?” pasigaw kong tanong sa kanila.
Napayuko na lang sina Marcela at Anton. Hindi nila ako matingnan sa mata dahil na rin siguro sa hiya nilang dalawa.
Kinuyom ko ang mga kamao ko dahil sa sobrang galit. Gusto kong manakit. Gusto kong ipasa itong sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto ko silang saktan pabalik dahil bakit nila ako ginago nang ganito? I was kind! I tried to be understanding! Pero bakit ganito? Bakit nawala ang lahat ng sakripisyo ko?
“Do you love me?” tanong ko kay Anton. Halos manginig ang boses ko dahil naiiyak na ako sa lungkot at galit.
Anton looked at me with apologetic eyes. “Avery, please don’t do this…”
Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Ganoon na ba kahirap ngayon para sa kanya ang sabihing mahal niya ako? Ganoon na ba kahirap aminin sa akin na ako pa rin para magmakaawa siya sa aking ‘wag tanungin iyon sa kanya?
“Right…” Tumango ako, natatawa sa sitwasyong ito. “Destiny’s probably really f****d up like what they always say, huh?”
Nilingon ko si Marcela na ngayon ay umiiyak, parang nagmamakaawa sa akin na ‘wag na akong magsalita. “I trusted you, Ela.” Anger was evident in my voice. Damn. I think anger is the blood of my system now.
I’m angry…beyond I could even imagine.
“Avery naman…” pagmamakaawa ni Anton sa akin pero matalim ko siyang tiningnan.
I am so mad. No, mad is an understatement of what I am feeling. I am enraged. “You have no right to ask me to shut up, Anton. Ako ang ginago niyo. Kayo ang manahimik dito!”
Umawang ang bibig niya sa sinabi ko.
Parang sasabog na ang puso ko dahil sa galit. Naglakad ako palapit kay Marcela at sinampal siya nang buong lakas.
“Avery!” pagalit na sigaw ni Anton sa akin pero hindi ko iyon pinansin.
Bakit ba ang kapal ng dalawang ito? Bakit parang ako pa ang may kasalanan dahil nakita ko silang naghahalikan? Aren’t they even ashamed of themselves? Kasi ako, hiyang-hiya ako sa kanila. Hiyang-hiya ako!
“How can you do this to me?” singhal ko kay Anton. “At sa lahat ng tao, iyong kaibigan ko pa talaga? Siya pa talaga, ha?!”
Sinuntok ko ang dibdib niya bago ko siya paulit-ulit na sinampal. But this is not enough. Kahit anong sampal ko sa kanya hindi nawawala ang sakit sa puso ko.
Hinahawakan na ako ni Marcela para ihiwalay pero lalo lang akong nagalit. Itinulak ko siya kay Anton bago sinabunutan.
I couldn’t see anything. I was smashing and slapping blindly because my tears are clouding my sight. I couldn’t stop myself. I was in distress. I was like a raging bull that saw red and attacked it without thinking.
“Tama na!” sigaw ni Marcela na siyang nagpatigil sa akin. Kita ko ang mga kalmot ko sa kanya at ang pamumula ng mukha niya dahil sa mga sampal ko.
Umiiyak siya habang sinusubukang protektahan si Anton. Kita ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya habang matalim na nakatingin sa akin.
“Tama na, Avery! Matagal ka nang hindi ka na mahal ni Anton!” iyak niya. “Kaya puwede bang pakawalan mo na siya dahil pareho naman kayong hindi magiging masaya?”
My world stopped. Hindi ako makapag-isip pero parang mas lalong sumasakit.
I looked at Anton who was just staring at me. Tears are falling nonstop and the pain I am feeling right now to absolutely overwhelming.
“Why?” I asked. I deserve an explanation. I need a legitimate reason from him…kasi bakit nawala na lang lahat nang hindi ko alam?
Bakit bigla na lang pala niya akong hindi mahal? Paano? Paano nangyari iyon?
Anton shut his eyes before looking at me again. “You were too in love with freedom, Avery,” he said softly. “Hindi ako makasabay sa’yo.”
Umawang ang bibig ko. That’s his problem? Iyon lang? Dahil mahal ko ang kalayaan? Dahil gusto kong magliwaliw?
Now, I’m laughing. I’m laughing through the pain. I’m laughing through these tears. “Right, that’s the reason.”
I can’t believe that’s the reason. I can’t believe that his reason is this…shallow.
“We’ve been together for five years but that’s your reason, sure,” I nodded. Parang tinutusok ng punyal ang puso ko.
Rinig ko ang pagsinghap ni Anton. Gusto niya akong lapitan pero mabilis akong umatras.
Hindi. Sinabi na niyang hindi na niya ako mahal kaya bakit pa niya ako susubukang aluhin? Wala siyang magagawa ngayon para matigil ang sakit sa puso ko. Wala siyang kayang gawin para maibalik ang tiwala ko sa kanya.
Ayaw ko siyang maging kaibigan.
Ni ayaw ko na nga siyang makita.
Dahil…bakit pa? Wala na. Tapos na.
We’re done here. Done. Finished. Through. The end.
I took a deep breath and smiled at them weakly. “Now that you’ve broken me, I hope you’re both happy.”
Now, I’m lost. Where do I go?