bc

ATTORNEY'S SECRET: The ORBIT Series 3 (Completed)

book_age18+
1.3K
FOLLOW
6.1K
READ
love-triangle
HE
arrogant
badgirl
drama
genius
hackers
cheating
war
lawyer
like
intro-logo
Blurb

Isang magaling at matapang na Abogado si Alfonso "Alfie" Magtibay. Nagtatrabaho din siya bilang isang Secret Agent. Ngunit isang lihim sa kanyang tunay na pagkatao ang nagtatago sa likod ng kanyang mga tagumpay. Bata pa si Alfie ay alam na niya sa sarili niya na siya ay isang pusong babae.

Ngunit biglang magbabago ang lahat dahil sa isang gabing magkasama sila ng kanyang kaibigan na si Attorney Evette Marquez na isang broken hearted, dahil niloko ng kanyang boyfriend.

Paano nila haharapin ang isa't-isa, matapos ang isang gabing pinagsaluhan nila? may ligaya kayang naghihintay sa kanila kung pareho silang magulo pa ang isipan?

Ano ang gagawin ni Alfie, kung malagay sa panganib ang buhay ni Evette? alam naman ni Alfie na siya lamang ang may kakayahang protectahan ang babae.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Jun-jun! Jun-jun! madali ka, dumating na ang Papang mo at galit na galit!" nanginginig sa takot na salubong ng ina ni Alfie sa kanya. "Eh Mamang! lagi naman galit si Papang 'pag umuuwi dito. Ano pa bang bago?" pairap na sagot ni Alfie sa kanyang ina. Kinurot naman sya ng kanyang Mamang sa tagiliran nya, saka pinag sabihan ito. "Umayos ka Jun-jun! baka marinig ka ng Papang mo at masaktan ka na naman nya." babala sa kanya ng kanyang ina. Nakasimangot na sumunod sa kanyang ina si Alfie na pumasok sa kanilang bahay. Naabutan nya ang kanyang Papang na pinag pupunit ang malaking Poster ng hinahangaan nyang Korean Actor, Singer and Model na si Lee Min-Ho. Nagulat pa si Alfie nang basta na lang itapon ng ama nya ang mga punit na larawan sa kanyang pagmumukha. "Hayan! lamunin mo lahat ang mga 'yan! tarantado ka! bakla kaba? bakit puro mga lalaki ang mga ipinang lagay mo dito sa loob ng bahay?!." dumadagundong sa buong kabahayan na sigaw ng kanyang ama sa kanya. "Eh Papang, hindi mo ba alam na sikat na sikat 'yan si Lee Min-Ho sa South Korea at sa buong mundo? ang mahal mahal pa ng bili ko sa poster na yan Pang, tapos sinira mo lang." halos maiyak na sumbat nya sa kanyang ama, saka pinulot ang mga pinit na larawan. "Nangangatuwiran ka pa, hayop ka! hindi ko pinangarap na mag karoon ng anak na bakla! bukas na bukas din ay dadalhin kita sa Mindanao at ipapasok kitang Sundalo doon, kagaya ng mga kapatid mo!." galit na galit na wika ng kanyang ama. "Ayaw ko Papang, hindi mo ako pweding diktahan. Naka enroll na ako sa Law school Pang, kaya mag-aaral ako bilang abogado, at wala kanang magagawa pa." pabalang naman na sagot ni Alfie sa ama. "Tingnan mo Cion, ang anak mo! magaling na rin sumagot sa akin ngayon, 'yan ba ang itinuro mo sa kanya habang wala ako?." galit naman na binalingan ng ama nya ang kanyang Mamang. "Nagkakamali ka Alfonso, hindi ko kailan man tinuruan ang mga anak natin na sumagot at lumaban sa atin na magulang nila. Kung meron man nag turo kay Jun-jun na sumagot-sagot sa'yo ay ikaw 'yun! masyado kanang abusado sa anak natin, madalang kana nga lang umuwi dito sa bahay pero lagi ka pang nagagalit sa kanya." umiiyak na sumbat ng kanyang ina sa kanyang ama na labis parin na naghu huramintado. "Kaya lumaking matigas ang ulo n'yang bunso mo, dahil lagi mong kinakampihan!." bulyaw ng ama ni Alfie sa kanyang ina. Kuyom din ang kamao nitong lumapit kay Alfie. Humarang naman ang ina ni Alfie, upang hindi sya masaktan ng ama nya. "Huwag kang humarang Cion! baka gusto mo pati ikaw ay masaktan?." galit na pag babanta nito sa asawa. "Sige, Papang! subukan mong saktan si Mamang at ako ang makakalaban mo. Kahit Colonel kapa sa Military, lalabanan kita." galit na wika nya sa kanyang ama. "Anong sinabi mo?!" malakas ang boses na tanong ng kanyang ama, saka sya agad na sinuntok nito sa tiyan. Dahilan upang mamilipit si Alfie sa sakit. Galit na galit naman ang ina ni Alfie. Tumakbo ito papasok sa silid nilang mag-asawa, at nang lumabas ito ay meron na itong dala-dala na Shotgun. "Walang hiya ka Alfonso, papatayin kita!" malakas na sigaw ng ina ni Alfie, habang naka umang ang hawak nitong Shotgun sa asawa nito. "Ang tagal-tagal na kaming nag titiis sa napaka sama mong ugali, Alfonso. Akala ko mag babago kapa, pero lalo ka naman lumala! pati mga anak ko gusto mo silang ilayo sa akin. Kung si Primo at Santie ay hinayaan kong sumama sayo sa Mindanao at maging Sundalo, ay dahil 'yun ang gusto nila. Ang maging sundalong kagaya mo. Pero hindi na ako makapapayag na pati si Jun-jun ay isama mo doon. Iba ang pangarap ng bunso ko, kaya susuportahan ko sya. Kaya lumayas ka dito, hindi ka namin kailangan dito! Alis!." mahabang litanya ng ina ni Alfie, habang ang mga mata nito ay pulang pula at nanlilisik sa galit. Nagpapa ikot-ikot silang tatlo sa loob ng kanilang Sala. Naka hawak lang si Alfie sa balikat ng kanyang ina, habang ang Mamang nya ay mahigpit naman nitong hawak ang Shotgun ng kanyang ama. Mababakas naman ang takot sa mukha ng kanyang Papang, dahil nag-aalala ito na baka biglang makalabit ng asawa nito ang gatilyo at tamaan sya ng bala. Siguradong wasak ang katawan nya dito. "Encarnacion! ibaba mo ang baril. Baka pumutok yan!" nakiki usap na wika ng kanyang ama. Binulungan naman ni Alfie ang kanyang ina. "Mang, huwag kang makinig kay Papang. Takot lang yan na mabaril mo, kasi hindi na sya makabalik sa babae nya doon." panggagatong naman nya sa ina. Lalo naman naghuramintado ang kanyang ina sa galit, dahil sa sinabi ni Alfie. "Walang hiya ka, Alfonso! kaya pala madalang pa sa patak ng ulan sa Mayo ka umuuwi dito sa bahay, dahil may babae ka sa Mindanao!." malakas na sigaw ng ina ni Alfie. Bigla naman nanlaki ang mga mata ni Alfie dahil binibiro lang naman nya ang kanyang Mamang. Pero naniwala naman ito sa kanya. "Mang, huminahon ka! ang puso mo Mang!." nag-aalalang pag- awat nya sa kanyang ina. "Bitawan mo ako Jun-jun. Papatayin ko lang yang ama mo na babaero!" sigaw pa nito, sabay kasa sa Shotgun na hawak nito. "Cion! patawarin mo ako Ciooon!" takot na takot na sigaw ng ama nya saka mabilis na tumakbo palabas ng bahay. Agad naman na hinabol nina Alfie ang Papang nyang kasing bilis ng kidlat na naka labas sa kanilang tahanan at nag tungo sa garahe. Kitang kita ni Alfie na mabilis na sumakay ng kotse ang kanyang ama. Ang ina naman nya ay hindi alam kung papaano kalabitin ang baril na hawak nito. "Paano ba ito puputok?" inis na wika ng Mamang nya. "Mamang naman, akala ko ba alam mong gamitin yan?" asar na tanong ni Alfie sa ina. "E ginaya ko lang yung laging ginagawa noon ng Papang mo kapag nakikita ko syang nag lilinis ng kanyang mga baril." bulalas nito. Napasapo na lang si Alfie, sa kanyang ulo dahil sa sinabi ng ina. Akala pa naman nya ay marunong talaga itong gumamit ng baril. Narinig naman nila na umandar na ang kotse ng kanyang ama, kaya agad nyang itinuro ito sa kanyang ina. "Ang Papang, paalis na sya!." bulalas ni Alfie, at itinuro pa ang kanyang hinlalaki sa dereksyon ng kotse. "Ano bang pipindotin dito Jun-jun?" muling tanong naman ng kanyang ina. "Mang, naman. Eh di, kalabitin mo ang gatilyo para pumutok!" sagot nya sa ina, sabay irap ito sa hangin. Kaya iyon naman ang ginawa ng kanyang ina at biglang pumutok ng malakas ang baril. Sa lakas ng imfact ng baril ay napa urong pa ang kanyang Mamang at nabitawan din nito ang baril. "Aaaay! Mamang! bakit mo pinasabog ang Gate natin? naka alis tuloy si Papang na walang kahirap hirap." nagpapadyak na wika ni Alfie. "Sabi mo kasi kalabitin ko ang gatilyo, kaya ko kinalabit agad." sagot naman ng Mamang nya. "Dapat itinapat mo muna kasi sa gulong ng kotse ni Papang, bago mo kinalabit. Hayan tuloy, nilayasan na tayo!." paninisi pa nya sa Mamang nya. "Hayaan mo na sya, anak. Nasanay na naman tayong dalawa na tayo lang dalawa ang naiiwan dito. Mag sama sila ng babae nya." wika sa kanya ng kanyang ina. "Eh, Mamang. Binibiro lang naman kita kanina nang sabihin kong may babae ang Papang." pag amin ni Alfie sa kanyang ina. "Kahit biro lang yun sayo, anak. Pero matagal ko nang alaman na meron nang ibang pamilya doon ang Papang mo. Hindi lamang ako umiimik dahil ayaw kong masira ang pamilya natin. Pero sumusobra na sya, hindi na tama ang mga ginagawa nya sayo." umiiyak na wika ng kanyang ina. Nagulat si Alfie sa mga ipinagtapat sa kanya ng kanyang ina. Niyakap na lang nya ito ng mahigpit saka hinalikan ito sa noo. Mahal na mahal nya ang kanyang Mamang, at ayaw nya itong makita na umiiyak. Kaya gagawin nya ang lahat upang mapasaya ito at ma alagaan. 5 years Later. "Attorney Magtibay, ito na po ang mga files na ipinapahanap mo." wika sa kanya ng kanyang Secretary. "Thank you Fe!" sagot nito sa kanyang Secretary. Agad naman nya itong binuklat at pinag aralan ang mga nakuhang ibedinsya noon sa isang kaso. Matagal na itong kaso, at maituturing na Closed Case na rin ito. Pero gustong pabuksan ulit ng pamilya nang pinatay na dalaga. Meron daw silang bagong ibedinsya na maka pagtuturo sa tunay na salarin. Hindi nahatulan ang suspek noon dahil walang sapat na ibedinsya ang Complinant noon. Pinalabas na aksidente ang pagkamatay ng isang babae, dahil may tumatayong witness na nakita daw nito ang dalaga na tumalon sa gusali. Pero kung sa Autopsy nya ito ang pag babasihan ay sinaktan muna ang babae bago nahulog sa balconahe. O kaya'y itinulak sa balconahe upang ihulog ito sa building. Isang Taon na rin si Alfie na nagta trabaho sa PUBLIC ATTORNEY'S OFFICE (PAO) masaya sya sa pinili nyang profession. At marami na din syang natutulongan na mga kapos palad na pamilya na hindi kayang mag bayad ng abogado. Marami na rin syang mga kaibigan sa loob ng PAO, kabilang ang isang sikat na sikat at batang bata na Attorney na si Attorney Monalisa Salvador. Ang anak ng pinaka tanyag na Judge ng Lungsod.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Battered Mafia Billionaire

read
13.3K
bc

Dangerous Spy

read
301.6K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.4K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
31.1K
bc

EASY MONEY

read
175.2K
bc

YOU'RE MINE

read
895.3K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook