PANAY ANG AGOS NG LUHA ni Alfie, habang pinag mamasdan ang baby sa loob ng incubetor. Labis-labis syang nasasaktan para sa anak nila ng kanyang pinaka mamahal na asawa. Muling nilapitan ni Alfie, ang kanyang asawa na hanggang ngayon ay tulog pa rin. Agad nyang hinawakan ang kamay nito, saka dinala sa kanyang pisngi. "Dear, wake-up na... namimiss na kita. Miss ko na ang boses mo, at ang mga pag tawa mo. Mahal na mahal kita, Evette, ikaw lang ang una at pinaka huling babae na mamahalin ko. Hindi ko kayang mabuhay kung mawawala ka sa akin, sa amin ng anak natin. Kailangan ka namin ni Thirdy. Kaya gumising kana, please!." pag kausap ni Alfie, kay Evette. Tulog pa rin ito at napaka daming naka kabit sa katawan nito na mga apparatus. Hindi binitawan ni Alfie, ang kamay ng kanyang asawa. Pat

