GABI NA NAKA UWI sina Alfie at Evette. Pagka tigil ng kanilang sasakyan, ay agad naman silang sinalubong ng mga kasambahay. Pinag buksan pa ni Alfie, ng pinto ang kanyang asawa. Saka inalalayan itong makababa. Buhat kasi ni Evette ang kanilang anak. Mahimbing na itong natutulog, kaya naman ingat na ingat silang kumilos upang hindi ito magising. "Ate Nancy, paki labhan itong mga damit ni baby bukas. Yang mga ibang gamit paki dala na lang sa Nursery Room. Salamat!" bilin ni Alfie sa kasambahay. "Sige po, Attorney, kami na ang bahala dito." agad naman na sagot ni Nancy. Agad na rin pumasok ang mag-asawa sa loob ng bahay. Nadatnan pa nila ang mga magulang na nanunood ng balita sa TV. "Good evening Mamang, Papang." pag bati ni Evette sa mga biyanan. Agad naman na tumayo ang kanilang

