Kabanata 6 - m******e

2544 Words
Makalipas ang ilang araw ay wala naman hindi karaniwan na nangyari sa amin at maging ang pagpapakita ng mga kaluluwang walang mukha ay nakakagulat na hindi ko na sila nakikita. Tila naglaho na lang bigla ang mga ito at bumalik na sa dati ang lahat. Pero, minsan hindi pa rin ako mapakali, may pagkakataon na parang nararamdaman ko sila ngunit kapag hinahanap ko naman sila sa paligid ay wala naman akong nakikita. Sa palagay ko ay hindi lang ako nasanay na hindi sila madalas makita pakiramdam ko tuloy ay parang may mali, kinalimutan na rin ng mga kaibigan ko ang mga narinig namin sa matanda. Sa tingin ko ay hindi sila naniniwala sa lahat ng mga sinabi non, pati nga bracelet na may bell ay tinapon na nila. Hindi ko naman sila mapipilit na maniwala, pero malakas ang kutob ko na nasa paligid lang ang mga kaluluwang walang mukha at naghihintay lang sila ng tamang oras para magparamdam ulit at magpakita. “Ano’ng iniisip mo?” sita sa akin ni Marvin, nakatalumbaba pala habang nakatulala. Kasalukuyan kaming nasa loob ng silid at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase. “Iniisip ko lang ‘yung mga nangyari, simula nang dumalaw tayo sa albularyo ‘di na sa akin nagpakita ang mga kaluluwang walang mukha. Parang.. ang bilis lang ng mga nangyari. Ano’ng sa palagay mo?” umayos ako ng pagkakaupo, napahawak sa kaniyang baba ng saglit si Marvin at tila nag-isip. “Hindi ba mas mainam naman na ‘di mo na sila nakikita?” “S’yempre naman, pero... sadyang napakabilis lang lahat ng mga nangyari, ni hindi nga natin alam kung ano ang kaugnayan ng mga kaluluwang walang mukha sa pagkamatay ni Chandria,” Huminto kami sa pag-uusap ng dumating ang apat na may dala-dalang tsitsirya, mukhang hindi naman na nila iniisip ‘yung babala sa amin ng matandang albularyo na may nakabuntot daw sa amin na kamatayan. Ang ‘di nga lang maalis sa isip ko ay bakit kaming magkakaibigan? Isa iyon sa pinakamalaking katanungan, kung bakit sinusundan kami ng kamatayan. Pagkatapos ng klase ay palihim kaming lumihis na magkita ni Marvin, may gusto daw siyang sabihin sa akin bigla tuloy akong nacurious kung ano ‘yon, kahit kailan talaga ang lalaking ito ang hilig magpabitin. massac Sa mall daw kami magkita sa tapat ng National Book Store, hinintay ko siya dito ng higit sampung minuto bago siya lumitaw, nagulat ako na may dala-dala na siyang drinks at fries. Inabot niya sa akin ‘yon, nakakahiya naman kasi na hindi tanggapin kaya wala akong nagawa kundi kuhanin ‘yung binibigay niya. Nagsimula na kaming maglakad, naghintay ako kung hanggang kailan siya magsasalita pero mauubos ko na yata ang fries na bigay niya pero wala pa rin akong naririnig na boses mula sa kaniya. Mukhang kailangan ako pa talaga ang mag-uumpisa ng usapan kahit na siya ang may kailangan sa akin. “Bakit mo pala ako gustong makausap?” panimula ko, tinitigan niya ko at lumunok nang malalim. “Si papa kasi, isasara na ang kaso ni Chandria, wala naman daw kasing improvement sa kaso niya, mukhang ang lumalabas pa sa kaso niya ay suicide. Lumabas na nga rin ang autopsy result niya at sabi roon ay namuong dugo sa utak ang dahilan ng pagkamatay niya,” kuwento niya. “Ibig mong sabihin, iniumpog ni Chandria ang kaniyang sarili hanggang sa mamatay? Ayon ba ang gustong sabibin ng papa mo?” hindi makatingin sa akin si Marvin tila nahihiya ito. “Pasensiya na, iyon kasi ang lumalabas na nangyari ayon sa imbestigasyon, wala na akong magagawa doon. Ginawa naman ni papa ang lahat para matukoy ang tunay na sinapit ni Chandria pero wala talaga silang makuhang lead,” napatapik na lang ako sa likod niya, alam ko kasing nagu-guilty siya, wala naman siyang kasalanan sa mga nangyayari. “Kung magpapakamatay si Chandria, ano naman ang magiging rason niya? At bakit sa ganoon pang paraan?” nagkibit-balikat na lang sa akin si Marvin, tila pati iyon ay magiging palaisipan na rin. Pagkauwi ko sa bahay ay bumungad sa akin ang mukha ni mama na naglilinis sa maliit naming bakuran, nagwawalis ito ng mga tuyong dahon. Pinaramdam ko sa kaniya ang presensiya ko kaya tumigil ito sa ginagawa niya. “Ikaw pala, nak. Mukhang maaga yata natapos ang klase mo?” bati niya. “Kaunti lang po talaga ang klase namin tuwing tuesday. Ano’ng ginagawa ni papa ngayon, ma?” isinara ko na ang tarangkahan at nagsimula nang maglakad papasok sa loob ng bahay. “Silipin mo na lang sa loob ng bahay,” Pagpasok ko ay naghubad na ako ng sapatos, dumiretso ako sa sala pero hindi ko doon nakita si papa, hinanap ko din ito sa kusina pero wala din siya. Pagsilip ko sa kwarto nila ay doon ko siya nadatnan na natutulog nang mahimbing. Isinara ko na ang pinto ng kwarto nila at umakyat na ako sa taas ng aking kwarto, pabagsak kong hiniga ang aking sarili sa malambot kong kama, ngayon ko lang naramdaman ang pagod ng buong araw. Mas nakakapagod talaga kapag isip ang ginagamit kaysa sa pisikal. Mas komportable na rin ako ngayon sa bahay dahil hindi na ako mag-isa, naayos na kasi nila mama’t papa ang problema nila sa kanilang mga namanang lupain. Namiss ko nga silang nandito sa bahay, kami-kami na lang kasi ang magkakasama sa buhay, mabuti sana kung may kapatid ako pero wala naman. Napatingin ako sa aking suot na bracelet na binigay ng albularyo, kung tinapon na ng mga kaibigan ko ang binigay ng matanda pwes ako ay hindi, minsan kasi nararamdaman ko pa rin sila. Sa tingin ko lang ay hindi lang sila makalapit sa akin dahil sa bagay na ito, kung lalapit man sila ay makakapagbigay ito ng warning sign na nandiyan sila at malapit lang sila sa paligid. Iyon yata ang ayaw nila. “Anak, nak, Vennies!” tawag ni mama, sumilip ako sa bintana para alamin kung bakit. Nakita kong kumakaway sa tarangkahan namin ngayon ang mama ni Chandria, sumenyas si mama na bumaba ako, bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba, parang bumalik ‘yong takot na nararamdaman ko sa tuwing makakakita ako ng mga kaluluwang walang mukha. Napaisip ako kung anong puwedeng maging dahilan kung bakit gusto akong makausap ng mama ni Chandria. Doon ko lang naalala ‘yong tungkol sa sinabi ni Marvin tungkol sa kaso ng kaniyang anak, na isasara na ng mga pulis ang kaso nito at palalabasin na suicide lang ang nangyari. “Magandang hapon po, tita!” bati ko sa kaniya. Kasalukuyan na siyang nakapasok sa loob ng bakuran at kausap si mama nang madatnan ko. “Puwede ko ba, mare, mahirap si Vennies nang saglit lang,” pagpapaalam niya. “Ayos lang mare, ano ka ba,” “Salamat mare, a,” Sabay kaming naglakad ng mama ni Chandria palabas ng aming lote, doon ay kapansin-pansin ang maitim na bumibilog sa mga mata nito, marahil magpahanggang ngayon ay nagdadalamhati pa rin ito sa sinapit ng kaniyang anak. Bagsak pa rin ang mga balikat nito at ang boses nito ay malumanay na parang walang gana. “Nabalitaan mo na ba ‘yong tungkol sa kaso ng anak ko?” tanong niya habang naglalakad kami papunta sa kanilang tahanan. “Hindi pa po,” pagsisinungaling ko. “Ang akala ko kasi nasabi na sa ‘yo ng kaibigan mong si Marvin, tutal matalik naman kayong magkakaibigan. Sobrang nalulungkot ako hija, dahil magpahanggang ngayon ay hindi pa rin namin nakakamit ang hustisya,” blanko ang ekspresyon ng mukha ni Aling Beth pero ‘di mo mapagkakaila sa mata nito ang labis na kalungkutan na nadarama. Pagdating namin sa bahay nila ay ipinunta niya ako sa sala at nagsabing doon muna ako maghintay at gagawa lang muna siya ng meryenda, kapansin-pansin na hindi ganoon katulad ng dati na buhay na buhay ang bahay na ito. Tuwing napunta kasi kami dito sa tuwing dinadala kami ni Chandria ay maaliwalas ang bahay at punong-puno ng liwanag, ngayon ay tila liwanag sa labas at sikat ng araw ay ipinagkakait ni Aling Beth na madampian ang kaniyang tahanan. Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid, hindi naman madilim pero hindi nakabukas ang lahat ng ilaw sa sala, kilala ko ang pamilya Buendia, mas marangya ang pamumuhay nila ng dalawang beses kumpara sa amin, kaya imposible naman na ang dahilan ay nagtitipid ito ng kuryente. Napakalaki na talaga ng pinagbago ng mama ni Chandria, mukhang hindi na nito naaasikaso ang sariling pamamahay. Pagdating ni Aling Beth ay may dala na itong juice at sandwich, pilit itong ngumiti sa akin, hindi ko naman siya masisisi dahil napakasakit nang nangyari sa kaniya. Walang katumbas na sakit para sa ina ang maglibing ng sariling anak at nag-iisa pa. “Salamat po sa pagkain,” sabi ko matapos nitong ilatag sa aking harapan ang dala nitong meryenda. “Alam mo ba na palagi kong napapanaginipan ang anak ko?” nagulat ako sa mga narinig ko, ito na naman ako sa panginginig ng aking kamay. “Pa-palagi niyo pong napa-panaginipan?” utal-utal kong pagkakasabi. “Naaawa ako sa anak ko, palagi siyang humihingi ng saklolo at nagmamakaawa na may kumuha daw ng kaniyang mukha. Sa tuwing tinatanong ko siya kung sino ang may gawa no’n ay bigla na lang siyang kinukuha nang dilim sa kawalan hanggang sa mamamalayan ko na lang na gising na pala ako,” kuwento nito. Hindi ko na alam ang gagawin ko tila nilalamon na ako ng takot, ayoko nang mapakinggan ang susunod na sasabihin ng mama ni Chandria pero ‘di ko magawa dahil ‘di ko maigalaw ang mga paa ko na parang nasemento at dumikit sa lupa. “May gusto sana akong ipagtapat sa ‘yo, hija,” hinawakan ni Aling Beth ang mga kamay ko at humarap sa akin. “Ano po ‘yon?” lakas loob kong tanong sa kaniya. “Naiinggit ako sa ‘yo, kasi buti ka pa dinadalaw ng anak ko, samantalang ako ay hindi,” gumuhit ang nakakatakot na ngiti sa labi nito. “Ano pong ibig niyong sabihin?” napangiwi ako dahil madiin at marahas na ang pagkakahawak nito sa kamay na tila balak nitong balian ako ng buto. “Sa tuwing sumisilip ako sa bahay niyo palagi kong nakikita ang anak ko sa kwarto mo na nakadungaw at ang nakakapagtaka ay wala na siyang mukha. Kaya kung maaari sana ay pakisundo ang anak ko at pakibalik siya dito,” Buong pwersa akong pumalag para makakalas sa pagkakahawak niya sa kamay ko, natagpuan ko na lang ang sarili ko na napaupo sa sahig. Sinipa-sipa ko ang sahig para makalayo sa kaniya, doon ay namalayan ko na lang na tumatakbo na ako palayo sa mama ni Chandria. Gusto kong mapaiyak nang dahil sa sobrang takot, pagapang na nga akong tumatakbo makalayo lang sa bahay nila Chandria, habol hininga din akong tumingala at sumilip sa bintana ng aking kwarto, wala naman akong nakita maliban sa kurtina. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ‘yon o hindi. —— Nang makipagvideo call gamit ang messenger sa akin ang mga kaibigan ko ay doon ay naibahagi ko sa kanila ang nangyari sa akin kanina sa mama ni Chandria, maging sila ay nagulat sa mga nakuwento at halos ‘di makapaniwala. Magiliw kasi at masiyahin ang pagkakakilala namin kay Aling Beth, ilang beses na rin namin itong nakausap at tila maging pangalawa na nga namin itong magulang, kaya hindi namn lubos akalain kung bakit ganoon na lang ang naging asal nito sa akin. “Nakakaranas siguro ng depression ngayon ang mama ni Chandria, unawain mo na lang, beb. Basta’t sa sususnod kung pupunta ka ulit sa kanila at yayain ka nitong tumuloy sa bahay nila ay magpasama ka. Nakakatakot talaga!” Napahawak pa sa kaniyang braso na tila kinilabutan na sabi ni Reyly. “Sa tingin niyo nasisiraan lang talaga ng bait si Aling Beth kaya nasabi niya ang mga ‘yon?” tanong ko. “Ang akala ko ba hindi na nagpapakita sa ‘yo ang mga kaluluwang walang mukha?” saad ni Crissel. “Oo nga, pero... paano kung nagsasabi nga siya ng totoo at palagi nga niyang nakikita sa kuwarto ko ang kaluluwa ng anak niya? Ibig sabihin, matagal nang naninirahan sa sariling kong kuwarto ang kaluluwa ni Chandria,” sabi ko. “Puwede naman nagde-dementia lang ‘yon at nagsisimula nang gumawa ng sarili niyang imahinasyon, baka ang akala niya ay nakikita niya ang kaluluwa ng anak niya sa kwarto mo dahil sobra lang niya itong nami-miss,” bigay ng sarili niyang konklusyon sa saad ni Angelo. “Kung ako sa ‘yo, layuan mo muna ang mama ni Chandria, hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya,” sabat naman ni Marvin. Pagkatapos nang mahabang pag-uusap ay nagyaya na ang mga ito na matulog, umabot kasi ng hanggang alas onse ang pag-uusap namin. Nagdasal muna ako bago ako humiga at magtaklob ng kumot, isa ito sa mga pinakamabisang paraan para layuan ako ng mga masasamang espiritu. Pumikit na ako hanggang sa lamunin ako ng antok at nakatulog. Napadilat ako ng aking mga mata nang makarinig nang malakas na wangwang, bahagya pang kumirot sa sakit ng ulo ko dahil naalimpungatan ako, pinilit kong bumangon kahit na tila napakabigat sa pakiramdam, inaantok pa rin kasi ako. Kaagad kong hinanap ang tsinelas ko at pagkatapos ay sinuot iyon at sumilip sa aking bintana, nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Hindi ko alam kung panaginip lang ba ito kaya sinampal ko ang aking sarili, pero napangiwi lang ako nang dahil sa sakit. Kasalukuyang maraming tao sa labas at may dalawang sasakyang ng mga pulis, nasa tapat iyon ng bahay nila Chandria, muli ko na naman naramdaman ang panginginig ng katawa ko, sinabayan pa ito ng mabilis na pagpintig ng aking puso na tila sasabog dahil sa sobramg kaba. Tila naulit na naman ang nangyari nang mamatay si Chandria, kahit na nanginging ang katawan ko sa sobrang takot ay nagawa ko pa rin na makababa sa bahay at makalabas, nandoon kasi ang kuryosidad na namamayani sa akin. Pagkalabas ko ay bumungad sa akin ang napakarami naming kapit bahay na nakikiusosyo. “Kawawa naman sila, nakakahabag. Sino kaya ang may gaw nito sa kanila?” saad ng isang ale na may kahabaan ang buhok na naka pajama pa. “Odiosko, mahabagin,” saad naman ng isang ale sa harap ko. Napapitlag ako ng may yumakap sa akin, si mama pala ‘yon, ang akala ko ay kung sino na, simula talaga ng mamatay ang kaibigan ko ay halos naging niyerboso na ako. “Anak, Diyos ko, alam mo na ba ang nangyari sa Pamilya Buendia?” mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa naging bungad ni mama sa akin. “Patay na ang mag-asawa ang anak, pupuntahan sana sila ng pulis para kumuha ng statement sa kaso ng anak niya pero nagulat na lang ito nang makitang wala nang buhay ang mag-asawa,” halos mandilim ang paningin ko dahil sa mga naging kuwento ni mama, ibig sabibin, may pumapatay nga talaga. Malakas na hiyawan ng mga tao ang akin na lang narinig nang kuhanin na ng mga pulis ang bangkay ng mag-asawa, nakitako pang may nakaumbok sa mukha ng isa na tila nandoon pa rin nakabaon ang ginamit na pampatay sa mag-asawa. Napasilip ako sa kuwarto nila Chandria, katulad nang dati, nang una ko siyang makita matapos ilabas ang kaniyang bangkay ay muli na naman siyang nandoon sa bintana ng kuwarto niya, ngunit ngayon ay hindi na siya nag-iisa dahil kasama na nito ang kaniyang mga magulang na parehas na din niyang mga kaluluwang walang mukha. Napatingin ako sa aking pulso, hindi ko na suot ang bracelet na magbibigay sa akin ng senyales kung nasa malapit lang ba ang nakabuntot sa aming kamatayan, napigtal pa ‘ata iyon ng hawakan ako sa mga kamay ng mama ni Chandria nang huli kaming mag-usap. Ngayon ay hindi ko na alam kung ang mga kaluluwa ba na walang mukha ang kalaban namin o kung sakaling tao man kutulad namin ay wala akong ideya kung sino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD