Dumating na ang chopper na magsusundo sa amin patungong Isla Dahu. Pangarap kong makarating doon dahil sa madalas ko iyong marinig at mapanood noon sa telebisyon. "Are you ready, Baby?" tanong sa akin ni Seb. Ngumiti ako sa kaniya saka tumango bilang tugon sa tanong niya sa akin. "Excited ako na kinakabahan!" ani ko sa kaniya. "Relax!" Kinapitan nito ang isa kong kamay saka masuyong pinisil niya iyon. Inalalayan pa muna niya akong makasakay sa loob ng chopper saka siya sumunod sa akin doon. Ipinasuot niya ang headphone sa ulo ko gayon na rin ang seatbelt bilang proteksyon sa aking katawan. "Ayos lang po ba kayo riyan, Sir?" malakas na tanong ng piloto kay Seb. "Yes! Let's go!" sagot naman ni Seb sa piloto. Pinaandar na ng piloto ang chopper at kahit nakasuot ako ng headphone a

