Chapter 18

1130 Words
Pinukol ko ng matalim na tingin ang mga kapatid. Sabay-sabay na nagsipagtakbuhan palayo sa akin ang mga 'to. "Anong oras na ba sa palagay mo, Seb?" matining na tinig ni Mama ang nagpaigtad sa aking pagkakatayo. Lumapit ako rito upang magmano. "Mano po, Ma!" Tinanggap ni Mama ang kamay ko ngunit 'di pa rin ako nakaligtas sa batok nito. "Sabi ko naman sa'yo Ma, may ihahatid pa po akong kaibigan," kumakamot sa ulong pagdadahilan ko sa ina. "Aba, Seb! Umaga na! Sa palagay mo ba uwi pa 'to ng matinong lalaki?" panenermon naman sa 'kin nito. "Hindi po," nakalabing sagot ko sa ina saka nilaro-laro ang dalawang daliri sa aking harapan. "Alam mo naman pala! Pero palagi mong ginagawa," talak ulit sa 'kin ni Mama. Hindi na ako sumagot sa ina dahil tiyak na may kalalagyan na ako oras na gawin ko pa iyon. "May nakatagong panty sa loob ng bulsa ng pantalon ni Kuya, Ma," malakas na sabi ni Sandro na nakatayo sa may kaniyang sasakyan. Pinukol ko ito ng masamang tingin saka aktong lalapitan nang magsalita si Mama. "Isa ka pa, Sandro! Puro babae na lang inaatupag ninyo," angil naman ni Mama sa sumunod sa 'kin. Binelatan ko si Sandro na panay ang kamot sa kaniyang ulo. Lumapit ito kay Mama saka humalik sa pisngi nito. "Punta na po ako sa Junkshop, Ma," paalam pa niya sa aming ina. Si Sandro at Sandra ang kambal na sumunod sa akin. Si Sandro ang tumanggap ng responsibilidad sa unang junkshop na itinayo ni Papa. "Hon..." Lumapit ako kay Papa upang magmano rito. "Mano po, Pa!" pagbibigay galang ko sa ama. "Kaawaan ka ng Diyos, Anak!" basbas naman sa akin nito. "Punta na po ako sa junkshop, Pa," paalam naman ni Sandro sa aming ama. "Sige, mag-iingat ka! Saka bawasan mo rin ang pambabae at mauubusan na tayo ng staff, Sandro," bilin pa ni Papa sa aking kapatid. Hindi ko napigilang mapahagikhik sa sinabi ng ama. "Isa ka pa, Seb. Palagi mo na lang pinaiinit ang ulo ng Mama mo," sermon naman sa akin ni Papa. Lumabi ako sa ama saka nagpapaawang itiningin ang mga mata sa kaniya. "Hindi naman po, Papa!" "Ba't hindi na lang kaya kayo tuluyang magsipag-asawa nang mag-stick kayo sa iisang babae," pagalit na anas ni Mama. "Ma, ayoko!" maagap na sagot ni Sandro. "Ayaw mo pero kung sino-sino ang kinakalantari mo sa loob ng opisina mo?!" paasik na turan ni Mama sa aking kapatid. "Ma, sila ang kusang naghuhubad sa harapan ko. Minsan nga po, sinasabihan ko na silang huwag nang pumasok pa sa loob ng opisina. Kaso nagugulat na lang po ako minsan na nakapadlock na po ang pinto tapos ay nakahubad na sila. Ano pa po ang magagawa ko? E 'di pagbigyan na lang para makalabas na rin agad sila," mahabang pahayag pa nito. Sapul sa noo ni Sandro ang hawak na bolang maliit ni Mama. Natatawang dinilaan ko ang kapatid na pinanliitan ako ng mga mata. "Si Kuya Seb nga po suki ng mga hotel," nakalabing wika pa nito kay Mama. "Isa ka pa, Seb!" Napaigik ako ng pinong kurutin ni Mama ang singit ko. "Sa dami ng babaeng sinusundot ninyo, ako ang natatakot para sa inyo!" "Pa'no kung magkaroon kayo ng sakit e 'di walang mag-aalaga sa inyo?! Mainam pang magsipag-asawa na lang kayo," patuloy na talak sa amin ni Mama. "Dapat kasi mga Anak, ipakilala niyo rin sa 'min ng Mama niyo ang mga nobya ninyo. Saka gayahin niyo naman ako, Mama niyo lang ang hinabol-habol kong babae mula noon." Niyakap ni Papa si Mama mula sa tagilirang bahagi ng katawan nito saka hinalikan niya ito sa pisngi. Malakas na ugong nang nakakakilig na salitang 'Ayie!' ang maririnig sa buong paligid. Namumula ang mga pisnging tinampal ni Mama si Papa sa braso nito. Pasimpleng sumenyas naman sa 'min si Papa saka kumindat pa ito na tila sinasabing, 'Ako ng bahala sa Mama ninyo.' "Mabango ba 'yang panty na ibinulsa mo, Kuya?" Mabilis na sumakay si Sandro sa kaniyang sasakyan matapos akong asarin nito. "Sandro!" sigaw naman ni Mama rito. "Bye, Ma! Bye, Pa!" paalam naman ni Sandro saka pinaharurot paalis ang kaniyang sasakyan. Naiiling na humakbang ako papasok sa loob ng bahay nang marinig ko ang pagtawag sa 'kin ni Mama. "Seb!" Huminto ako sa paglakad saka nilingon ko ang ina. "I love you!" Ibinuka nito ang kaniyang mga braso kaya dali akong tumakbo palapit dito. "Ma!" Parang batang nagkulong ako sa bisig ng aking ina. "Huwag ka sanang magtampo kung napagsasabihan ko kayo. Gusto ko lang mapabuti kayo. Isa pa, tama ang Papa mo, ipakilala mo naman sa 'kin ang nobya mo para makilatis ko at malaman natin kung karapat-dapat nga ba sa'yo." Napangiti ako sa sinabi ni Mama. Alam ko naman na kahit anong bunganga niya sa amin ay nananatili pa rin ang pagiging ina nito. Hindi niya gustong nasasaktan kami kahit pa nga malalaki na kami. Palagi pa rin itong nakaalalay sa amin kahit pa nga minsan OA na rin. "Hayaan mo Ma, maipakikilala ko rin po sa inyo ni Papa ang magiging nobya ko. Sigurado naman akong magugustuhan niyo siya." Humalik pa ako sa pisngi ni Mama. "Anak, isang babae lang sana ang ipakilala mo sa akin. At sana siya na rin ang babaeng magiging ina ng iyong mga anak." Ginulo pa ni Mama ang buhok ko. "Opo, pangako!" tugon ko sa ina. Mahigpit akong yumakap ulit dito at naramdaman ko naman ang pagyakap din sa amin ni Papa. "Ang bilis lang talaga ng panahon, Hon. Binata na talaga si Seb at tiyak na mag-aasawa na rin ito," madamdaming saad ni Papa. "Kaya nga, Hon!" sang-ayon naman ni Mama. "Sana pala ginawa na natin silang tatlong dosena." Malakas na hinampas ni Mama si Papa sa dibdib nito. "Baste!!!" natitilihang sambit ni Mama. Natatawang lumayo ako sa kanilang dalawa saka pumanhik na sa aking silid. Antok na antok na rin talaga ang pakiramdam ko at kinakailangan ko nang matulog. Pagpasok ko pa lang sa loob ng kwarto ay agad ko nang ibinagsak ang katawan sa malambot na kama. Biglang sumagi sa isipan ko ang maganda at maamong mukha ni Nena. "Kumusta na kaya siya? Sinunod niya kaya ang mga habilin kong uminom ng pain reliever?" magkasunod kong tanong sa isipan. Muling sumagi sa balintanaw ko ang mga galaw nito sa ibabaw ng aking katawan. Parang gusto ko ulit mahawakan ang malambot nitong katawan. Biglang nag-init ang pakiramdam ko nang maalala ang mainit naming pinagsaluhan kanina. "Sh*t!" mahinang mura ko sa sarili saka padaskol na bumangon mula sa kama upang pumasok sa loob ng comfort room. Doon ay binate ko nang binate ang aking alaga habang inaamoy-amoy ang pinunit kong panty ng dalaga. "Nena!" umuungol kong sambit nang maipalabas ang mainit na katas mula sa loob ng aking kargada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD