Chapter 19

1089 Words
Nagising ako mula sa sunod-sunod na pagkatok. Para akong binugbog dahil sa sakit ng katawan, ngunit kailangan kong bumangon upang pagbuksan ang tiyahin na nangangatok mula sa may likuran ng pinto. "Nena!" malakas na tawag nito. "Sandali lang po, Tiya Melba!" Kahit nahihirapan sa sakit na aking nararamdaman sa pagitan ng mga hita ay nagpilit pa rin akong igalaw ang mga binti. Iika-ika akong naglakad palapit sa may pintuan saka binuksan ko iyon. "O, inumin mo muna ito para mabawasan iyang pangangalay ng mga binti mo," pabulong na anas sa 'kin ni Tiya Melba. "Salamat po, Tiya Melba!" Kinuha ko ang gamot at baso na may lamang tubig mula sa kamay nito. "Pasensiya ka na talaga, Nena," malungkot na saad ng tiyahin. "Ayos lang ho ako, Tiya Melba! Huwag niyo na akong masyadong alalahanin pa," tugon ko naman sa kaniya. Umiling-iling ito saka iniabot sa 'kin ang tila isang envelope. "Dumaan si Gardo, iniabot niya sa 'kin iyan at ang bilin ay magpahinga ka na lang daw muna rito sa bahay. Saka ka na raw pumasok kapag maayos na ang iyong pakiramdam," ani ni Tiya Melba. "Ano naman po kaya ito?" kunot-noong tanong ko sa tiyahin. "Hindi ko rin alam. Saka mo na siguro iyan buksan at bumalik ka na sa iyong pagpapahinga. Paglulutuan na lang kita ng mainit na sabaw para masarap ang kain mo mamaya," nakangiting sambit ni Tiya Melba. "Sige po, Tiya. Salamat po!" pasasalamat ko sa tiyahin. "Baka kakailangan mo pa po nang panggastos, meron ho riyan. Binigay sa 'kin ng customer." Biglang sumagi sa isipan ko ang gwapong mukha ni Seb. Bago ito tuluyang umalis kagabi ay nag-abot pa muna siya ng pera sa 'kin. Nang una ay 'di ko iyon tinatanggap ngunit kalaunan ay tinanggap ko na rin sapagkat inipit niya naman iyon sa bulsa ng aking kasuotan. "Huwag mong alalahanin ang panggastos dito Nena at malaki-laki ang binigay sa akin ni Gardo bago kita iniwanan doon kagabi. Itabi mo na lang iyang pera para may magamit ka sa susunod," pahayag ni Tiya Melba. Tumitig ako sa mukha ng tiyahin bago ko ito sinagot. "Kayo po ang bahala." Mahigpit na niyakap ako nito saka kinuha mula sa aking kamay ang basong pinag-inuman ko ng tubig. Tuluyang nagpaalam na ito sa akin saka pinapasok na akong muli sa loob ng aking kwarto. Isinarado ko pa munang maigi ang pinto at sinigurong naka-lock ang mga padlock gaya ng lagi kong ginagawa. Medyo nawawala-wala na ang masakit na pakiramdam sa pagitan ng aking mga hita, ngunit naroon pa rin ang pakiramdam na may mabigat na bagay na nakadagan. Nang mailapat ko ang mga binti sa ibabaw ng higaang papag ay nakaramdam ako ng kaginhawaan. "Grabe, ganito pala talaga ang pakiramdam kapag isinuko na ang pagkabirhen," bulong ko sa sarili. Muling sumagi sa isipan ko si Seb. "Ano kayang ginagawa 'non? Grabe lang din ang lalaking iyon, walang kapaguran! Tapos iyong alaga niya hindi man lang din yata napapagod kahit pa nga ilang beses nang nilabasan ng kaniyang katas." Biglang nag-init ang aking mga pisngi at pakiwari ko'y namula rin ang iyon sa aking mga naiisip. Mahinang tinampal-tampal ko ang pisngi upang alisin si Seb sa aking isipan. Ngunit parang kidlat naman na pumalit ang malungkot na anyo ni Kobie. "Nakakahiya naman kay Kobie. Siya itong nagbayad ngunit iba ang nakinabang," iiling-iling kong turan sa isipan. "Hindi bale, siya na ang pagbibigyan ko sa susunod kahit pa magpumilit si Seb." Hinila ko ang kumot saka ibinalot iyon sa aking katawan. Inilapat ko ng maayos sa higaang papag ang likuran saka ipinikit ang dalawang mata ko. Ilang sandali lamang ay tuluyan na akong ginupo ng antok hanggang sa dinala na ako niyon patungo sa isang magandang panaginip. "Ang ganda!" manghang bulalas ko nang mapagmasdan ang kumikinang na singsing na suot ng aking daliri. "Nagustuhan mo ba?" tinig ng lalaking nagsalita na tila pamilyar sa akin ang boses. Mahigpit na yumakap pa ito sa 'kin mula sa likurang bahagi ng aking katawan. "O-oo!" kandautal kong sagot dito. Nanlaki ang mga mata ko nang pagharap sa 'kin nito ay mukha ni Seb ang aking nasilayan. Masuyong hinaplos nito ang aking pisngi saka dahan-dahang lumapit ang mukha niya sa aking mukha upang ilapat ang kaniyang labi sa aking labi. Lumalim ang halik nito hanggang sa gumapang ang kaniyang bibig sa buong mukha ko pababa sa aking leeg. Panay naman ang halinghing ko gawa ng kiliting dulot ng bigote nito sa aking balat. "S-Seb..." umuungol kong sambit sa kaniyang pangalan. Para naman iyong magic words na bigla na lamang itong nagliyab kung kaya itinaas nito ang aking blouse saka sinibasib niya ng halik ang matatayog kong mga dibdib. Puro ungol na lamang ang lumalabas mula sa loob ng aking bibig at panay na rin ang liyad ng katawan ko sa kakaibang dulot nang nakakakilabot na kiliti. Gumapang pababa sa aking tiyan ang bibig nito saka tinumbok ang pusod ko. Ipinaikot-ikot nito papasok sa loob niyon ang kaniyang dila at halos napatirik ang mga mata ko sa sarap. Naramdaman ko ang pagbaba ng zipper ng suot kong pantalon. Malakas na napaungol ako nang ilabas masok niya ang kaniyang daliri sa loob ng aking hiyas. Para na akong maiihi sa tindi ng sensasyong lumulukob sa buo kong pagkatao. "Nena..." Napatingin ako sa taong tumawag sa 'kin at nakita ko ang malungkot na mukha ng kaibigan ng lalaking nagpapaligaya sa aking katawan. "Kobie..." Hindi ko alam ang sasabihin dahil kitang-kita ko ang paghihinagpis sa mukha nito at parang ako ang nasasaktan na 'di ko mawari. Malakas na itinulak ko palayo si Seb nang makita ko ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ni Kobie. Hinabol ko ito nang umalis ngunit 'di ko na siya naabutan pa dahil para itong bula na bigla na lamang nawala. "Kobie! Nasaan ka?" humahagulgol kong sigaw upang ipaalam sa binata na hinahanap ko siya. "Bakit ba kasi siya ang hinahanap mo?" Nilingon ko si Seb saka umiiling na lumapit ako sa kaniya. Hinubad ko ang ipinasuot niyang singsing sa akin saka ibinalik ko iyon sa kamay nito. Nahagip ng mga mata ko si Kobie mula sa kabilang dako ng kalsada kung kaya tumakbo ako palapit dito. "Nena!" Nilingon ko si Seb sa kaniyang malakas na pagtawag sa akin. Hindi ko namalayan ang pagsulpot ng truck mula sa aking tagilirang bahagi kung kaya nahagip niyon ako at saka tuluyang humagis sa kung saan na naging dahilan nang pagbagok ng ulo ko. Nag-aalalang mukha nina Seb at Kobie ang huli kong nasilayan bago tuluyang nagdilim ang lahat sa paligid ko. "Nena!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD