Walang pagsidlan ang kaligayahang nadarama ko ng mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Seb nang tanungin niya ako, kaya tanging mga luha lamang ang itinugon ko sa una niyang tanong. "Yes, Baby. Magpapakasal ako sa iyo," ani ko sa kaniya nang yakapin niya ako nang mahigpit. "I love you, Baby!" madamdamin nitong wika sa akin. "I love you, Seb!" Dinampian niya ako ng halik sa labi. Naputol ang papalalim naming halikan nang lumapit sa amin ang mga kapatid niya. "Binabati ko kayo mga anak!" bati sa amin ni Papa Baste na tumapik pa sa balikat ni Seb. "Salamat, Pa!" masayang tugon naman ni Seb. "Masaya ako para sa inyo mga Anak!" ani naman ni Mama Cassy. "Thank you, Ma!" Yumakap sa kaniyang ina si Seb at gayon na rin ako. "Masaya akong makitang maligaya kayo

