Nakahanda na ang lahat para sa proposal na gagawin ko mamaya. Nagpaalam ako kay Nena na may miting lang akong dadaluhan pero ang totoo ay mauuna na ako sa yate ni Lucho. Sina Sandro, Sandra at Cristel na ang bahalang magdala roon kay Nena. Dumaan muna ako ng flowershop para bumili ng bouquet pagkatapos ay dumiretso na ako sa jewelry shop upang kuhanin naman ang singsing na pina-order ko pa mula sa ibang bansa. Nang matapos kong gawin ang mga iyon ay dumiretso na ako sa yate ni Lucho. Napangiti ako nang maabutan ko roon ang kaibigan. "Lucho!" bati ko sa kaniya. "Hay naku Dude, mabuti naman at dumating ka na," nakasimangot nitong ani sa akin at tila inip na inip sa paghihintay. "Sorry, dumaan pa ako ng flowershop," hinging paumanhin ko sa kaniya. "Anong oras darating ang soon to be b

