"Sandra, nagawa mo na ba ang ipinagagawa ko sa iyo?" pabulong kong tanong sa aking kapatid. "Opo, Kuya!" nakangiting tugon niya sa akin. "Good! Pero balita ko muntik mo na akong ibuko no'n sa mall?" nakataas kilay kong tanong sa kaniya. "Sorry na, Kuya. Masyado lang akong nadala ng sobrang tuwa ko no'n," kakamot-kamot sa ulong tugon naman niya sa akin. Pinanliitan ko siya ng mga mata saka itinaboy sa aking harapan. "O siya, puntahan mo na ang Ate Nena mo roon sa kwarto at libangin. May tatawagan lang ako na tao." "Copy, Kuya!" mabilis na umalis si Sandra sa aking harapan. Dinukot ko ang cellphone sa loob ng aking bulsa upang tawagan ang kaibigang si Lucho. Kababata namin ni Kobie si Lucho at anak siya ni Tita Laureen na bestfriend naman ni Mama. Isa si Lucho sa tinaguriang batan

