Natutuwang pinagmasdan ko ang natutulog na mukha ni Nena. Napakaamo nitong tingnan at tila isa lamang siyang anghel sa langit na ipinababa rito sa lupa. Dinampian ko siya ng magaang halik sa kaniyang noo kasabay nang pagdantay ng braso ko sa kaniyang baywang upang yakapin. Muli ko siyang pinagmasdan at napangiti ako nang maalala ang huling ginawa namin dahilan para makatulog siya ng mahimbing. Kung gaano kainosente si Nena sa ibang bagay kabaligtaran naman iyon pagdating sa kama. Sadyang kaydali niyang matuto at bawat position na gawin namin ay handang gawin nito. Si Nena ang nagbigay kumpleto sa buhay ko at talagang napakasaya ko na nasa sinapupunan niya na ang magiging anak namin. Naunahan lang ang magandang balitang 'yon ang pagpo-propose ko sa kaniya ngunit nakaplano na rin tala

